Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Awtoridad ng Diyos (I)

Ikatlong bahagi

2. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga Salita para Magtatag ng Kasunduan Sa Tao

(Gen 9:11-13) At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.

Matapos Niyang Gawin ang Lahat ng mga Bagay, Nakumpirma at Muling Naipakita ang Awtoridad ng Maylalang sa Kasunduan ng Bahaghari

Palaging nakikita ang awtoridad ng Maylalang at ipinatutupad sa lahat ng mga nilalang, at hindi Niya lang pinamumunuan ang kapalaran ng lahat ng mga bagay, ngunit pinamumunuan din ang sangkatauhan, ang espesyal na nilalang kung saan ay Kanyang nilikha gamit ang Kanyang sariling mga kamay, at kung saan ay mayroong ibang istruktura ng buhay at umiiral sa ibang anyo ng buhay. Matapos gawin ang lahat ng mga bagay, hindi huminto na ipakita ng Maylalang ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan; para sa Kanya, ang awtoridad kung saan pinanghawakan Niya ang kapangyarihang maghari sa lahat ng mga bagay at ang kapalaran ng buong sangkatauhan, pormal lamang na nagsimula nang ang sangkatauhan ay tunay na isinilang mula sa Kanyang kamay. Nilayon Niyang pangasiwaan ang sangkatauhan, at pagharian ang sangkatauhan, nilayon Niyang iligtas ang sangkatauhan, nilayon para tunay na makamtan ang sangkatauhan, para makamtan ang sangkatauhan na maaaring mamahala sa lahat ng mga bagay, at nilayon Niyang gawin ang naturang sangkatauhan na mabuhay sa ilalim ng Kanyang awtoridad, at makilala ang Kanyang awtoridad, at sundin ang Kanyang awtoridad. Kaya, opisyal na nagsimulang ipakita ng Diyos ang Kanyang awtoridad sa lahat ng tao gamit ang Kanyang mga salita, at simulang gamitin ang Kanyang awtoridad para maunawaan ang Kanyang mga salita. Siyempre, naipakita ang awtoridad ng Diyos sa lahat ng mga lugar sa panahon ng prosesong ito; kumuha lang ako ng ilang mga partikular, mga kilalang halimbawa kung saan ay maaari ninyong maintindihan at makilala ang pagiging bukod-tangi ng Diyos, at maintindihan at makilala ang natatanging awtoridad ng Diyos.

May pagkakapareho sa talata sa Genesis 9:11-13 at ang mga talata sa itaas patungkol sa pagkatala ng paglikha ng Diyos sa mundo, ngunit may kaibahan din. Ano ang pagkakapareho? Ang pagkakapareho ay nasa paggamit ng Diyos ng mga salita upang gawin kung ano ang binabalak Niya, at ang kaibahan sa talatang ito ay ang pakikipag-usap ng Diyos sa tao, kung saan ay nagtatag Siya ng kasunduan sa tao, at sinabi sa tao kung ano ang nilalaman ng kasunduan. Nakamit ang paggamit ng awtoridad ng Diyos sa panahon ng pakikipag-usap Niya sa tao, ibig sabihin na, bago ang paglikha sa sangkatauhan, mga tagubilin ang mga salita ng Diyos, at mga utos, kung saan ay ibinigay sa mga nilalang na Kanyang ninais likhain. Ngunit ngayon mayroon nang makikinig sa mga salita ng Diyos, at kaya ang Kanyang mga salita ay parehong pag-uusap sa tao, at pangaral at payo rin sa tao, at higit pa rito, mga kautusan ito na ibinigay sa lahat ng mga bagay na sakop ng Kanyang awtoridad.

Anong pagkilos ng Diyos ang nakatala sa talatang ito? Nakatala rito ang kasunduan na itinatag ng Diyos sa tao matapos ang paggunaw Niya sa mundo sa pamamagitan ng baha, sinasabi nito sa tao na hindi na muling maghahatid ang Diyos ng naturang pagkagunaw sa mundo, at sa dulo nito, lumikha ang Diyos ng tanda—at ano ang tandang ito? Sinabi sa Kasulatan na “Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.” Ito ang orihinal na mga salita na binigkas ng Maylalang sa sangkatauhan. Habang sinasabi Niya ang mga salitang ito, lumitaw ang bahaghari sa harapan ng tao, kung saan ay nananatili hanggang ngayon. Nakikita ng lahat ang naturang bahaghari, at kapag nakita mo ito, alam mo ba kung paano ito nagpapakita? Walang kakayahan ang siyensya na patunayan ito, o hanapin ang pinagmulan nito, o tukuyin kung nasaan ito. Dahil tanda ang bahaghari ng kasunduan na itinatag sa pagitan ng Maylalang at tao; hindi nito kailangan ng maka-siyensyang basehan, hindi ito ginawa ng tao, ni hindi ito kayang baguhin ng tao. Pagpapatuloy ito ng awtoridad ng Maylalang matapos Niyang bigkasin ang Kanyang mga salita. Ginamit ng Maylalang ang Kanyang sariling partikular na paraan para tumalima sa Kanyang kasunduan at Kanyang pangako sa tao, at kaya ang paggamit Niya sa bahaghari bilang isang tanda ng kasunduan na Kanyang itinatag ay isang kautusan at batas ng kalangitan na magpakailanman ay mananatiling di nagbabago, kahit pa patungkol sa Maylalang o sa nilikhang sangkatauhan. Ngunit ang di nagbabagong batas na ito, kailangan itong sabihin, ay panibagong tunay na pagpapahayag ng awtoridad ng Maylalang kasunod sa paglikha Niya ng lahat ng mga bagay, at kailangang sabihing walang hangganan ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang; Ang paggamit Niya sa bahaghari bilang tanda ay pagpapatuloy at karugtong ng awtoridad ng Maylalang. Isa na naman itong kilos na ginawa ng Diyos gamit ang Kanyang mga salita, at tanda ng kasunduang itinatag ng Diyos sa tao gamit ang mga salita. Sinabi Niya sa tao na kung ano ang Kanyang inayos ay matutupad, at sa kung papaanong paraan ito matutupad at makakamit, at sa paraang ito ang bagay ay natupad ayon sa mga salita mula sa bibig ng Diyos. Tanging Diyos lamang ang mayroong ganoong kapangyarihan, at ngayon, ilang libong taon matapos Niyang bigkasin ang mga salitang ito, maaari pa ring tumingin ang tao sa bahaghari na binigkas mula sa bibig ng Diyos. Dahil sa mga salitang binigkas ng Diyos, nanatiling walang pagbabago at di nagbabago ang bagay na ito hanggang sa ngayon. Walang sinuman ang makatatanggal sa bahagharing ito, walang makapagbabago ng mga kautusan nito, at umiiral lamang ito para sa mga salita ng Diyos. Ito mismo ang awtoridad ng Diyos. “Kasingbuti ng Diyos ang Kanyang salita, at matutupad ang Kanyang salita, at kung ano ang naipatupad ay mananatili magpakailanman.” Malinaw na ipinahayag ang mga naturang salita rito, at malinaw itong tanda at katangian ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Wala o di nakita ang naturang tanda o katangian sa anumang mga nilikhang katauhan, ni hindi ito nakita sa anumang di-nilikhang mga katauhan. Sa natatanging Diyos lamang ito, at tinutukoy ang pagkakakilanlan at diwa na ang Maylalang lang ang mayroon mula sa mga nilikhang iyon. Kasabay nito, tanda at katangian din ito na, maliban sa Diyos Mismo, hindi ito maaaring daigin ng anumang nilikha o di-nilikhang katauhan.

Ang pagtatatag ng Diyos sa Kanyang kasunduan sa tao ay isang pagkilos na may malaking kahalagahan, at isang sinadya Niyang gamitin para makipag-usap ng katotohanan sa tao at sabihin sa tao ang Kanyang kalooban, at hanggang sa katapusan gumamit pa rin Siya ng natatanging paraan, gamit ang espesyal na tanda para magtatag ng kasunduan sa tao, tanda na kung saan ay isang pangako ng kasunduan na Kanyang itinatag sa tao. Kung gayon, malaking pangyayari ba ang pagtatatag ng kasunduang ito? At gaano ba ito kalaki? Ito ang napakaespesyal sa kasunduang ito: Hindi ito isang kasunduang itinatag sa pagitan ng dalawang tao, o isang grupo at ng iba, o isang bansa at isa pa, ngunit isang kasunduang itinatag sa pagitan ng Maylalang at ng buong sangkatauhan, at mananatili itong may bisa hanggang sa araw na buwagin ng Diyos ang lahat ng mga bagay. Ang Maylalang ang tagapagpatupad ng kasunduang ito, at ang Maylalang din ang tagapagpanatili nito. Sa madaling salita, ang kabuuan ng kasunduan ng bahaghari na itinatag sa sangkatauhan ay natupad at nakamit ayon sa pag-uusap sa pagitan ng Maylalang at sangkatauhan, at nananatili pa rin hanggang ngayon. Ano pa ba ang maaaring gawin ng mga nilalang kundi ang magpasakop, at sumunod, at maniwala, at magpahalaga, at sumaksi, at magpuri sa awtoridad ng Maylalang? Walang sinuman kundi ang bukod-tanging Diyos lamang ang may kapangyarihang magtatag ng naturang kasunduan. Ang pagpapakita ng bahaghari, muli’t muli sa bawat panahon, ay nagpapahayag sa sangkatauhan at tinatawag ang kanyang atensiyon sa kasunduan sa pagitan ng Maylalang at ng sangkatauhan. Sa patuloy na pagpapakita ng kasunduan sa pagitan ngMaylalang at ng sangkatauhan, hindi ipinakikita sa sangkatauhan ang bahaghari o ang mismong kasunduan, ngunit ang di nagbabagong awtoridad ng Maylalang. Ang pagpapakita ng bahaghari, muli’t muli sa bawat panahon, ay nagpapakita ng matindi at mapaghimalang mga gawa ng Maylalang sa mga nakatagong lugar, at kasabay nito, ay isang mahalagang nagpapahiwatig sa awtoridad ng Maylalang na hindi kailanman kukupas, at magpakailanmang di magbabago. Hindi ba ito pagpapakita ng panibagong aspeto ng natatanging awtoridad ng Maylalang?

3. Ang mga Biyaya ng Diyos

1) (Gen 17:4-6) Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka’t ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.

2) (Gen 18:18-19) Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa? Sapagka’t siya’y aking kinilala, upang siya’y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.

3) (Gen 22:16-18) Sa aking sarili ay sumumpa ako, anang Panginoon, sapagka’t ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak; Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.

4) (Job 42:12) Sa gayo’y pinagpala ng Panginoon, ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya’y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.

Ang Natatanging Paraan at mga Katangian ng mga Pagbigkas ng Maylalang ay Simbolo ng Natatanging Pagkakakilanlan at Awtoridad ng Maylalang

Marami ang gustong makita, at makuha, ang mga biyaya ng Diyos, ngunit di maaaring makuha ng lahat ang mga biyayang ito, dahil may sariling mga prinsipyo ang Diyos, at binibiyayaan ang tao sa Kanyang sariling paraan. Ang mga pangakong ginagawa ng Diyos sa tao, at ang dami ng biyaya na Kanyang ipinagkaloob sa tao, ay inilalaan batay sa mga kaisipan at gawain ng tao. At kaya, ano ang ipinakikita ng mga biyaya ng Diyos? Ano ang sinasabi ng mga ito sa atin? Sa puntong ito, ilagay natin sa isang tabi ang pagtatalakay sa kung anong uri ng mga tao ang binibiyayaan ng Diyos, o ang mga prinsipyo ng biyaya ng Diyos sa tao. Sa halip, tingnan natin ang mga biyaya ng Diyos sa tao nang may layunin na makilala ang awtoridad ng Diyos, mula sa pananaw ng pagkilala sa awtoridad ng Diyos.

Mga tala lahat tungkol sa biyaya ng Diyos sa tao ang apat na mga talata ng kasulatan sa itaas. Ibinibigay ng mga ito ang mga detalyadong paglalarawan sa mga tatanggap ng mga biyaya ng Diyos, tulad nina Abraham at Job, gayun din ang mga dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang mga biyaya, at kung ano ang mga nakapaloob sa mga biyayang ito. Ang tono at paraan ng mga pagbigkas ng Diyos, at ang pananaw at posisyon mula kung saan Niya binigkas, ay nagpapahintulot sa mga tao na pahalagahan na Siyang nagkaloob ng mga biyaya at ang tumanggap ng ganyang mga biyaya ay malinaw na magkaiba ang pagkakakilanlan, kalagayan at diwa. Ang tono at paraan ng mga pagbigkas na ito, at ang posisyon mula sa kung saan ito binigkas, ay bukod-tangi sa Diyos, na may taglay sa pagkakakilanlan ng Maylalang. Mayroon Siyang awtoridad at lakas, pati na rin ang karangalan ng Maylalang, at kamahalan na walang dudang wala sa sinumang tao.

Una, tignan natin ang Gen 17:4-6: “Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka’t ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.” Ang mga salitang ito ay ang kasunduan na itinatag ng Diyos kay Abraham, gayun din ang biyaya ng Diyos kay Abraham: Gagawin ng Diyos si Abraham na ama ng mga bansa, gagawin siyang masagana, at uusbong ang mga bansa mula sa kanya, at magmumula ang mga hari sa Kanya. Nakikita mo ba ang awtoridad ng Diyos sa mga salitang ito? At paano mo makikita ang ganyang awtoridad? Saang aspeto mo nakikita ang diwa ng awtoridad ng Diyos? Mula sa masusing pagbabasa sa mga salitang ito, hindi naman mahirap matuklasan na ang awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos ay malinaw na ipinakita sa pagkakagamit ng mga salita ng pagbigkas ng Diyos. Halimbawa, kapag sinabi ng Diyos “ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging … ikaw ay ginawa kong … ikaw ay aking gagawing…,” ang mga parirala na tulad ng “ikaw ay ginawa” at “Aking gagawing,” kung saan ang mga pagkakagamit ay nagpapakita ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan at awtoridad ng Diyos, na sa ibang salita, ay indikasyon ng katapatan ng Maylalang; sa ibang pang salita, ito’y mga espesyal na mga salita na ginamit ng Diyos, na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng Maylalang—gayun din bilang bahagi ng nakasanayang talasalitaan. Kung may sinumang nagsasabi na umaasa sila na ang isa pang tao ay magiging masagana, na magmumula ang mga bansa sa kanila, at magmumula ang mga hari sa kanila, samakatwid iyon ay walang dudang isang uri ng pagnanais, at hindi isang pangako o isang biyaya. At kaya, walang lakas ng loob ang mga tao na sabihing “gagawin kitang ganito ganyan, ikaw ay magiging ganito at ganyan…,” dahil alam nila na hindi sila nagtataglay ng ganyang kapangyarihan; hindi nakasalalay sa kanila, at kahit pa sabihin nila ang ganyang mga bagay, walang kabuluhan ang kanilang mga salita, at walang saysay, dulot lamang ng kanilang pagnanais at hangarin. May maglalakas-loob bang magsasalita ng ganyang kadakilang tono kung sa tingin nila ay di nila kayang gawin ang kanilang mga kahilingan? Nagnanais ang lahat ng mabuti para sa kanilang mga anak, at umaasa na sila’y mangunguna at tatamasa ng malaking tagumpay. Magiging maganda ang kapalarang ito kung isa sa kanila ay magiging emperador! Kung magiging gobernador ang isa, maganda rin iyon—basta maging mahalagang tao lang sila! Nanaisin lahat iyan ng mga tao, ngunit maaari lang silang magnais ng mga biyaya sa kanilang mga apo, at hindi kayang tuparin o gawing totoo ang anuman sa kanilang mga pangako. Sa kanilang mga puso, malinaw na alam ng lahat na wala silang taglay na kapangyarihan upang makamit ang naturang mga bagay, dahil hindi nila kontrolado ang lahat sa kanila, at kaya paano nila magagawang utusan ang kapalaran ng iba? Subalit ang dahilan kung bakit nasasabi ng Diyos ang mga salitang gaya ng mga ito ay dahil taglay ng Diyos ang naturang awtoridad, at may kakayahang sa pagganap at pagtanto sa lahat ng mga pangako na ginawa Niya sa tao, at kaya Niyang tuparin ang mga biyayang ipinagkaloob Niya sa tao. Nilikha ng Diyos ang tao, at isang magaan na gawain para sa Diyos na gawing napakamasagana ang isang tao; kailangan lamang ng isang salita mula sa Kanya para gawing masagana ang mga apo ng isang tao. Hindi Niya Kailangang pagurin ang Sarili Niya para sa naturang bagay, o pagurin ang Kanyang isipan, o pagurin ang Sarili Niya para rito; ito ang mismong kapangyarihan ng Diyos, ang mismong awtoridad ng Diyos.

Matapos basahin ang “Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa” sa Genesis 18:18, nararamdaman niyo ba ang awtoridad ng Diyos? Dama niyo ba ang pagiging pambihira ng Maylalang? Dama niyo ba ang pangingibabaw ng Maylalang? Tiyak ang mga salita ng Diyos. Hindi sinasabi ng Diyos ang mga naturang salita dahil sa representasyon sa, Kanyang tiwala sa tagumpay; ang mga iyon, sa halip ay, katibayan ng awtoridad ng mga pagbigkas ng Diyos, at ang mga utos na tumutupad sa mga salita ng Diyos. May dalawang pagpapayahag na kailangan ninyong pagtuunan ng pansin dito. Kapag sinabi ng Diyos na “Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa,” may anumang elemento ba ng kaguluhan sa mga salitang ito? Mayroon bang anumang elemento ng suliranin? Mayroon bang anumang elemento ng takot? Dahil sa mga salitang “dangang” at “tunay na” sa mga pagbigkas ng Diyos, ang mga elementong ito, kung saan ay partikular sa tao at laging nakikita sa kanya, ay di kailanman nagkaroon ng ugnayan sa Maylalang. Walang sinuman ang may lakas ng loob na gamitin ang mga ganitong salita kapag nagnanais ng mabuti sa iba, walang sinumang maglalakas-loob na basbasan ang isang dakila at makapangyarihang bansa nang may katiyakan, o mangako na ang lahat ng mga bansa sa mundo ay bibiyayaan sa kanya. Habang mas tiyak ang mga salita ng Diyos, mas may pinapatunayang bagay ang mga ito—at ano ang isang bagay na ito? Pinapatunayan nito na ang Diyos ay nagtataglay ng ganyang awtoridad, na kaya ng Kanyang awtoridad na tuparin ang mga bagay na ito, at hindi maiiwasan ang kanilang katuparan. Tiyak ang Diyos sa Kanyang puso, nang walang maliit na pag-aalinlangan, sa lahat ng Kanyang ibinigay kay Abraham. At saka, matutupad ang kabuuuan nito ayon sa Kanyang mga salita, at walang kahit anong kapangyarihan ang maaaring makapagpabago, humadlang, sumira, o gumambala sa katuparan nito. Kahit ano pa man ang nangyari, walang makakapawalang-bisa o makakatinag sa katuparan ng mga salita ng Diyos. Ito ang mismong kapangyarihan ng mga salitang ipinahayag mula sa bibig ng Maylalang, at ang awtoridad ng Maylalang na hindi masisira ng pagtatanggi ng tao! Sa pagbasa sa mga salitang ito, nakakaramdam ka pa rin ba ng padududa? Binigkas ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, at may kapangyarihan, kamahalan, at awtoridad sa mga salita ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad, at ang di maiwasang katuparan ng katotohanan, ay hindi matatamo at hindi madadaig ng sinumang nilikha o di-nilikhang nabubuhay. Tanging ang Maylalang lamang ang may kakayahang makipag-usap sa sangkatauhan nang may naturang tono at intonasyon, at napatunayan ang mga katotohanan na hindi salitang walang laman ang Kanyang mga pangako, o mga walang kwentang kayabangan, ngunit pagpapahayag ang mga ito ng natatanging awtoridad na di madadaig ng sinumang tao, bagay, o paksa.

Ano ang kaibahan ng mga salita na binibigkas ng Diyos at ang mga salita na binibigkas ng tao? Kapag binabasa mo ang mga salitang binigkas ng Diyos, dama mo ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at ang awtoridad ng Diyos. Ano ang nararamdaman mo kapag naririnig mong sinasabi ng mga tao ang mga naturang salita? Sa tingin mo ba ay lubhang arogante, at mayabang, at pinararangalan ang kanilang mga sarili? Sapagkat wala sa kanila ang kapangyarihang ito, hindi nila taglay ang naturang awtoridad, at kaya lubos na wala silang kakayahan para makamit ang mga bagay na ito. Na ang pagiging sigurado nila sa kanilang mga pangako ay nagpapakita lamang ng kapabayaan sa kanilang mga pahayag. Kung may magsabi ng mga salitang ito, walang duda na mapagmataas sila, at sobra mapangahas, at ipinahahayag ang kanilang mga sarili bilang isang klasikong halimbawa ng disposisyon ng isang arkanghel. Galing ang mga salitang ito sa bibig ng Diyos; nakadama ka ba rito ng anumang elemento ng pagiging mapagmataas? Naramdaman mo ba na biro lamang ang mga salita ng Diyos? Awtoridad ang mga salita ng Diyos, tunay ang mga salita ng Diyos, at bago pa bigkasin sa Kanyang bibig ang mga salita, ibig sabihin, kapag gumagawa Siya ng pagpapasya para gawin ang isang bagay, ang bagay na iyon ay tapos na. Maaaring sabihing ang lahat ng sinabi ng Diyos kay Abraham ay isang kasunduang itinatag ng Diyos kay Abraham, at isang pangako na ginawa ng Diyos kay Abraham. Itinatag na katotohanan ang pangakong ito, gayun din bilang isang katotohanang tapos na, at ang mga katotohanang ito ay dahan-dahang nagawa sa kaisipan ng Diyos ayon sa plano ng Diyos. At kaya, hindi ibig sabihing sinabi ng Diyos ang mga salitang iyon, ay mayroon na Siyang mapagmataas na disposisyon, dahil kayang makamit ng Diyos ang mga bagay na ito. Matindi ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad, at lubos na may kakayahan para makamit ang mga gawaing ito, at nasa buong hanay ng Kanyang kakayahan ang katuparan ng mga ito. Kapag ipinahayag ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, pagbubunyag at pagpapahayag ang mga ito ng totoong disposisyon ng Diyos, perpektong pagbubunyag at pagpapakita ng diwa at awtoridad ng Diyos, at wala nang iba na mas angkop at akma bilang katibayan ng pagkakakilanlan ng Maylalang. Ang paraan, tono, at paggamit ng mga salitang pagbigkas ay mga tiyak na marka ng pagkakakilanlan ng Maylalang, at tumutugma ng perpekto sa pagpapahayag ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at walang pagdadahilan, o karumihan sa mga ito; ang mga ito ay, kumpleto at inihahayag ang perpektong pagpapakita ng diwa at awtoridad ng Maylalang. Para sa mga nilalang, ni hindi nila taglay ang awtoridad, o substansya na ito, mas lalo nang wala sa kanila ang kapangyarihang ibinigay ng Diyos. Kung itinakwil ng tao ang naturang asal, magiging tiyak na paghantong ito sa kanyang tiwaling disposisyon at mapupunta ito sa epekto ng pakikialam ng pagiging mapagmataas at malupit na ambisyon ng tao, at ang paglabas ng masamang hangarin ng walang iba kundi ang diyablo, si Satanas, na gustong manlinlang ng mga tao at akitin sila para itakwil ang Diyos. At paano tinitingnan ng Diyos ang ibinunyag na naturang salita? Sasabihin ng Diyos na nais mong agawin ang Kanyang lugar at nais mo Siyang gayahin at palitan. Kapag ginaya mo ang tono ng mga pagbigkas ng Diyos, ang intensiyon mo ay palitan ang lugar ng Diyos sa puso ng mga tao, para kunin ang sangkatauhang talagang pagmamay-ari ng Diyos. Ganito si Satanas, dalisay at simple lamang; ito ang mga pagkilos ng mga inapo ng arkanghel, hindi matiis ng Kalangitan! Sa inyo, may sinuman bang gumaya sa Diyos sa isang partikular na paraan sa pamamagitan ng pagsasalita ng ilang mga salita, nang may intensiyon na ilayo o linlangin ang mga tao, at nagpaparamdam sa kanila na parang ang mga salita at pagkilos ng taong ito ay dala ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, para bang ang diwa at pagkakakilanlan ng taong ito ay natatangi, at maging ang tono ng mga salita ng taong ito ay pareho sa Diyos? Nakagawa na ba kayo kailanman ng ganito? Sinubukan na ba ninyong gayahin ang tono ng Diyos sa inyong pananalita, nang may kilos na umano’y kumakatawan sa disposisyon ng Diyos, nang may pagkukunwaring kapangyarihan at awtoridad? Karamihan ba sa inyo ay kumikilos, o nagpaplanong kumilos, sa naturang paraan? Ngayon, kapag tunay ninyong nakita, naramdaman, at nakilala ang awtoridad ng Maylalang, at magbalik-tanaw sa dati ninyong ginagawa, at nakasanayan ninyong ibunyag ang inyong sarili, nasusuklam ba kayo? Tanggap ba ninyo ang inyong pagiging kasuklam-suklam at pagiging kahiya-hiya? Sa pagsusuri sa disposisyon at diwa ng naturang tao, maaari bang sabihing sila ay isinumpang anak ng impyerno? Maaari bang sabihin na ang lahat ng gumagawa ng mga naturang bagay ay nagdadala ng kahihiyan sa kanilang mga sarili? Nakikita ba ninyo ang pagiging seryoso ng kalikasang ito? At gaano ba kaseryoso ito? Ang intensyon ng mga tao na kumilos sa ganitong paraan ay upang gayahin ang Diyos. Gusto nilang maging Diyos, at sambahin sila ng mga tao bilang isang Diyos. Gusto nilang buwagin ang lugar ng Diyos sa puso ng mga tao, at alisin ang Diyos na kumikilos sa tao, para makamit ang layuning kontrolin ang mga tao, at lamunin ang mga tao, at pamunuan sila. Ang lahat ay may mga naturang di namamalayang mga pagnanais at mga ambisyon, at nabubuhay ang lahat sa naturang tiwaling substancya ni Satanas at namumuhay sa naturang kalikasan ni Satanas na kung saan sila ay salungat sa Diyos, at itinakwil ang Diyos, at nagnanais na maging Diyos. Kasunod sa Aking pagtalakay sa pagsasamahan sa paksa ng awtoridad ng Diyos, nais o hangad niyo pa rin bang gayahin ang Diyos, o tularan ang Diyos? At hinahangad niyo pa rin bang maging Diyos? Ninanais niyo pa rin bang maging Diyos? Di maaaring gayahin ng tao ang awtoridad ng Diyos, at ang pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos ay di maaaring gayahin ng tao. Kahit na kaya mong gayahin ang tono ng Diyos kapag nagsasalita, hindi mo kayang gayahin ang substancya ng Diyos. Kahit na kaya mong tumayo sa lugar ng Diyos at gayahin ang Diyos, kailanman di mo kayang gawin kung ano ang nais gawin ng Diyos, at kailanman di kayang maghari at utusan ang lahat ng mga bagay. Sa mga mata ng Diyos, ikaw ay munting nilalang lamang magpakailanman, at kahit pa gaano kagaling ang iyong mga kasanayan at abilidad, kahit pa gaano karaming kaloob ang mayroon ka, ang kabuuan mo ay nasa ilalim ng dominyon ng Maylalang. Bagaman kaya mong magsalita ng ilang mga aroganteng salita, ni hindi ito nagpapakita na mayroon sa iyo ang diwa ng Maylalang, ni kumatawan na ikaw ay nagtataglay ng awtoridad ng Maylalang. Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay ang diwa ng Diyos Mismo. Hindi napag-aaralan ang mga ito, o idinadagdag sa labas, ngunit likas na mga substancya ng Diyos Mismo. At kaya kailanman di mababago ang relasyon sa pagitan ng Maylalang at ng mga nilalang. Bilang isa sa mga nilalang, kailangang panatilihin ng tao ang kanyang posisyon, at kumilos nang tapat, at matapat na bantayan kung ano ang ipinagkatiwala sa kanya ng Maylalang. At di dapat kumilos ang tao nang lagpas sa di nararapat, o gawin ang mga bagay higit sa saklaw ng kanyang kakayahan o gawin ang mga bagay na kapoot-poot sa Diyos. Hindi dapat subukan ng tao na maging dakila, o bukod-tangi, o higit sa lahat, ni maghangad na maging Diyos. Ito ang hindi dapat hangarin ng tao. Kahangalan ang paghangad na maging dakila o bukod-tangi. Ang paghahangad na maging Diyos ay mas lalong kahiya-hiya; karima-rimarim at kasuklam-suklam. Kung ano ang kapuri-puri, at kung ano ang dapat panghawakan ng mga nilalang ng higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilalang; ito lamang ang tanging layunin na dapat ipagpatuloy ng lahat ng mga tao.

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap