Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian: Mga Tampok na Bahagi ng Panayam | Tuluyang Nagbago ang Buhay Niya Matapos Lisanin ang Lugar ng Kanyang Trabaho na May Matinding Presyur

Hulyo 24, 2026

Inirerekomenda:

Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 3: Isang Tampok na Panayam kay WI2L, Isang Sikat na Host Mula sa Réunion Island, France

Dati nang kilalang pangalan si WI2L bilang host, DJ, at art director sa Réunion Island, isang overseas department ng France. Lumikha siya ng maraming patok at nangungunang programa na umani ng tagumpay sa buong isla at nakaabot pa nga sa mga entablado sa mainland France. Dati siyang nasa rurok ng buhay habang tinatamasa ang kasikatan, kayamanan, at walang-katapusang palakpakan. Gayumpaman, sa likod ng kaningningan, lugmok na lugmok siya sa pagkabalisa, kahungkagan, at stress. Nang masira ang kanyang buhay may-asawa at tumigil sa pag-usad ang kanyang karera, sumadsad sa pinakamababang kalagayan ang buhay niya. Nang wala nang natira sa kanya, nagsimula siyang magnilay-nilay: Ano nga ba ang kahulugan ng buhay? Ihahatid sa inyo ng episode na ito ang totoong kuwento ni WI2L, mula sa tugatog ng kanyang karera hanggang sa pinakamababang kalagayan nito, at kung paano niya muling natuklasan ang direksiyon niya sa buhay.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply