Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Recital-latest-expression-6
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay (III)

Ikatlong bahagi

2. Binabalanse ng Diyos ang mga Ugnayan sa Pagitan ng Lahat ng mga bagay Upang Ipagkaloob sa Tao ang Isang Matatag na Kapaligiran para Mabuhay

Pinag-usapan pa lamang natin ang tungkol sa kung paano namamahala ang Diyos sa lahat ng mga bagay gayundin ang kung paano Niya pinaglalaanan at pinangangalagaan ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang mga kautusan para sa lahat ng nilalang at sa loob ng mga kautusang iyon. Ito ay isang aspeto. Susunod, pag-uusapan natin ang tungkol sa isa pang aspeto, kung saan ito ay isang paraan na ang Diyos ay may pamamahala sa lahat. Ito ang paraan, matapos likhain ang lahat ng mga bagay, binalanse Niya ang mga ugnayan sa pagitan nila. Ito ay napakalawak ding paksa para sa inyo. Pagbabalanse sa mga ugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay—ito ba ay isang bagay na maisasakatuparan ng tao? Hindi ito magagawa ng mga tao mismo. Ang magagawa lamang ng tao ay manira. Hindi nila mababalanse ang mga ugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay; wala sila ng gayong kadakilang awtoridad o kapangyarihan. Ang Diyos Mismo lamang ang mayroong uri ng kapangyarihan upang magawa ang ganitong uri ng bagay. Ang layunin ng Diyos sa paggawa ng ganitong uri ng bagay—para saan ito? Pareho lamang, ito ay malapit na kaugnay sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang bawat isang bagay na nais gawin ng Diyos ay kinakailangan—walang bagay na magagawa Niya o hindi magagawa. Nang upang maingatan Niya ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan at maibigay sa mga tao ang isang mainam na kapaligiran para mabuhay, may ilan na talagang kailangan, ilang mahalagang bagay na dapat Niyang gawin upang maingatan ang kanilang kakayahang mabuhay.

Mula sa literal na kahulugan ng pariralang ito “Binabalanse ng Diyos ang lahat ng mga bagay,” ito ay napakalawak na paksa; una nitong ilalaan sa iyo ang isang konsepto upang iyong malaman na ang pagbabalanse sa lahat ng mga bagay ay ganap na Kanyang kapangyarihan sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ano ang kahulugan ng salitang “balanse”? Una ang, “balanse” ay tumutukoy sa hindi pagpapahintulot sa isang bagay na mawalan ng balanse. Nalalaman ng bawat isa ang tungkol sa mga timbangan. Kapag gumagamit ng mga timbangan upang tumimbang ng isang bagay, ilalagay mo ito sa isang panig ng timbangan at maglalagay ng mga pabigat sa kabilang panig. Ang panghuling dami ng mga pabigat ang magpapasiya sa timbang ng bagay na iyon—iyon ang tinatawag na pagbabalanse. Upang mabalanse ito, ang timbang ng dalawang panig ay dapat magkapareho. Nilikha ng Diyos ang maraming bagay sa gitna ng lahat ng mga bagay—lumikha Siya ng mga bagay na nakapirmi, mga bagay na gumagalaw, mga bagay na nabubuhay, at mga bagay na humihinga, gayundin ng mga bagay na yaong hindi humihinga. Lumikha Siya ng napakaraming mga bagay—madali lamang ba para sa lahat ng mga bagay na ito na matamo ang isang ugnayan ng pagtutulungan, ng palitan ng tulong at paghihigpit, ng pagkakaugnay-ugnay? Tiyak na mayroong prinsipyo sa lahat ng ito. Kahit na ito ay napaka-kumplikado, ito ay hindi mahirap para sa Diyos. Gayunman, para sa mga tao, ito ay napakahirap na saliksikin. Tila ito ay napakasimpleng salita—balanse. Gayuman, kapag sinaliksik ito ng mga tao, kapag kinailangan ng mga tao na lumikha ng balanse, sa gayon yaong lahat ng dalubhasa ay magsasaliksik dito—mga pantaong biyologo, mga astronomo, mga pisiko, mga kimiko at maging ang mga nagsusulat ng kasaysayan. Ano ang magiging panghuling kalalabasan ng pananaliksik na ito? Ang kalalabasan nito ay wala. Ito ay dahil sa ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay ay sobrang kamangha-mangha at hindi kailanman matutuklasan ng tao ang mga lihim nito. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, nagtatag Siya ng mga prinsipyo sa pagitan nila, nagtatag ng iba’t ibang kaparaanan para mabuhay para sa pagpigil sa isa’t isa, hindi pagsasalungatan, at kabuhayan. Ang iba’t ibang pamamaraan na ito ay masalimuot; hindi sila payak o sa isang direksyon lamang. Kapag ginagamit ng mga tao ang kanilang mga isip, kanilang kaalaman, at ang mga kakaibang pangyayari na kanilang nakita upang kumpirmahin o saliksikin ang mga prinsipyo sa likod ng pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay, ang mga bagay na ito ay sobrang napakahirap matuklasan. Ito din ay masyadong mahirap matuklasan o makakuha ng anumang kalalabasan. Maaaring sabihin na ito ay masyadong mahirap para sa mga tao na makakuha ng mga resulta. Napakahirap mapanatili ang balanse sa pagtiwala sa mga kaisipan ng tao at kaalaman upang pamunuan ang lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos. Dahil sa hindi alam ng mga tao ang mga prinsipyo ng kakayahang mabuhay ng lahat ng nilalang, hindi nila alam kung paano ingatan ang ganitong uri ng balanse. Kaya, kung pamahalaan at pamunuan ng mga tao ang lahat ng nilalang, tiyak na masisira lamang nila ang balanseng ito. Sa sandaling ito ay masira, ang kanilang mga kapaligiran para mabuhay ay masisira, at kapag nangyari ang gayon, ito ay susundan ng isang krisis para sa kanilang kakayahan upang mabuhay. Ito ay magdudulot ng sakuna. Kapag ang sangkatauhan ay nabubuhay sa gitna ng sakuna, ano ang tatambad sa harap nila? Ito ang magiging isang kalalabasan na mahirap ipalagay, mahirap na mahulaan. Ito talaga ang uri ng panganib na kasalukuyang kinakaharap ng sangkatauhan.

Kung gayon paano nababalanse ng Diyos ang mga ugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay? Una, may mga lugar sa mundo na natatakpan ng yelo at ng niyebe sa buong taon, samantalang sa ibang mga lugar, lahat sa apat na kapanahunan ay parang tagsibol. Hindi ka kailanman makakakita ng isang tapal ng yelo o ng isang manipis na piraso ng niyebe. Walang taglamig—ito ay palagi na lamang parang tagsibol. Ito ay isang paraan—ito ay mula sa pananaw ng mas malaking klima. Ang ikalawang uri ay kapag nakikita ng mga tao ang mga bundok na puno ng malalagong mga halaman, kung saan ang lahat ng uri ng halaman ay tumatakip sa lupa; may mga hilera ng mga halaman sa gubat at sa paglalakad sa gitna nila ni hindi mo makikita ang araw. Sa ibang mga kabundukan ang damo ay ni hindi tumutubo—patung-patong ang tigang na, ligaw na mga kabundukan. Kung titingnan mula sa labas, pareho silang mga kabundukan ng nakatambak na basura. Ang isang grupo ng mga kabundukan ay puno ng luntiang mga halaman, at ang isa pa ay pinagkaitan maski ng damo. Ito ang ikalawang uri. Sa ikatlong uri, maaari kang makakita ng walang hangganang damuhan, isang bukid ng kumakaway na luntian. O maaaring makakita ka ng isang disyerto sa abot ng nakikita ng iyong mata; hindi ka makakakita ng anumang buhay na bagay, lalong hindi ng pinagkukunan ng tubig, ang pag-ihip lamang ng hangin sa kahabaan ng buhanginan. Sa ikaapat na uri, ang isang lugar ay natatakpan ng dagat, na binubuo ng malawak na sukat ng tubig, samantalang sa isa pang lugar hirap na hirap kang makakita ng bukal ng tubig. Sa ikalimang uri, sa isang lupain madalas ang pagpatak-patak ng ulan at ito ay mahamog at mahalumigmig, samantalang sa isa pang lupain ang matinding mga pagsikat ng araw ay masyadong karaniwan at hindi ka makakakita ng kahit isang patak ng ulan. Sa ikaanim, ang isang uri ng lugar ay isang talampas kung saan ang hangin ay manipis at mahirap makahinga, at sa isa pang uri ng lugar ay may mga latian at mga libis, na nagsisilbing mga tahanan para sa iba’t ibang uri ng galang ibon. Ito ang iba’t ibang uri ng klima, o ang mga klima o mga kapaligiran na tumutugma sa iba’t-ibang pangheograpiyang kapaligiran. Iyon ay upang sabihin, binabalanse ng Diyos ang pangunahing mga kapaligiran para mabuhay ng sangkatauhan mula sa aspeto ng mas malaking kapaligiran, mula sa klima hanggang sa pangheograpiyang kapaligiran, mula sa iba’t ibang sangkap ng lupa hanggang sa dami ng mga pinagkukunan ng tubig nang upang matamo ang balanse sa ere, temperatura at ang kahalumigmigan ng mga kapaligirang kinapapanatilian ng mga tao. Sa mga pagkakaibang ito ng iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, ang mga tao ay magkakaroon ng matatag na hangin at ang temperatura at kahalumigmigan sa iba’t ibang kapanahunan ay magiging matatag. Pahihintulutan nito ang tao na patuloy na mabuhay sa gayong uri ng kapaligiran para mabuhay palagi. Ito ay pagsasabi mula sa pananaw ng mas malaking kapaligiran. Una, ang mas malaking kapaligiran ay balanse dapat. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pangheograpiyang lokasyon at pamamaraan gayundin ang mga pagbabago sa pagitan ng iba’t ibang klima para sa pagpigil sa isa’t isa nang upang makamtan ang balanse na gusto ng Diyos at kinakailangan ng sangkatauhan. Ito ay mula sa pananaw ukol sa mas malaking kapaligiran.

Sa pagtingin sa mga detalye, gaya ng mga halaman, paano naging posible na matatamo niyon ang balanse? Iyon ay, paano pahihintulutan ang mga halaman na patuloy na makapanatili sa loob ng isang balanseng kapaligiran para mabuhay? Ito ay sa pamamagitan ng pamamahala sa haba ng buhay, bilis ng paglago, at bilis ng pagpaparami ng iba’t ibang uri ng halaman upang maingatan ang kanilang kapaligiran para mabuhay. Tingnan ang maliit na damo bilang halimbawa—may mga usbong sa tagsibol, mga bulaklak sa tag-araw, at prutas sa taglagas. Nalalaglag ang prutas sa lupa at namamatay ang damo. Sa sunod na taon, ang buto mula sa prutas ay umuusbong at nagpapatuloy alinsunod sa parehong mga kautusan. Ang haba ng buhay ng damo ay napakaigsi—ito ay buhay mula tagsibol hanggang sa taglagas, pagkatapos ito ay namamatay. Ang bawat buto ay nalalaglag sa lupa, nagkakaugat at umuusbong, namumukadkad at namumunga—ang prosesong ito ay nangyayari lamang sa tagsibol, tag-araw, at taglagas, at ang lahat ng uri ng puno ay mayroon ding mga sariling haba ng buhay at iba’t ibang kapanahunan para sa pag-usbong at pamumunga. Ang ilang puno ay namamatay pagkatapos lamang ng 30 hanggang 50 taon—mayroon silang haba ng buhay na 30 hanggang 50 taon, ngunit ang kanilang bunga ay nahuhulog, na pagkatapos ay tumutubo ang mga ugat at umuusbong, mamumulaklak at mamumunga, at mabubuhay pa ng mga 30 hanggang 50 taon. Ito ang bilis ng muling pagtubo. Ang isang matandang puno ay namamatay at ang isang batang puno ay tumutubo—ito ang dahilan kung bakit palagi kang nakakakita ng mga puno na tumutubo sa mga kagubatan. Ngunit mayroon din silang tamang pag-inog at proseso ng pagsilang at kamatayan. Ang ilang mga puno ay maaaring mabuhay nang mahigit sa isanlibong taon, at ang iba ay maaari pa ngang mabuhay ng tatlong libong taon. Sila ang mga gayong uri ng halaman. Hindi alintana kahit anumang uri ng halaman o gaaano kahaba ang buhay nito, sa pangkalahatang pananalita, pinamamahalaan ng Diyos ang balanse nito batay sa kung gaano kahaba ito mabubuhay, ang kakayahan nitong magparami, at bilis ng pagpaparami nito gayundin ang dami nito at antas ng pagpaparami. Ito ay magtutulot sa kanila, mula sa damo hanggang sa mga puno, upang makapagpatuloy na umunlad, upang lumago sa loob ng isang nakabalanseng kapaligirang pang-ekolohiya. Kaya kapag tumingin ka sa isang kagubatan sa lupa, maging ito man ay mga puno o damo, ito ay nagpapatuloy na nagpaparami at lumalago alinsunod sa sarili nitong mga kautusan. Hindi ito nangangailangan ng tulong ng sangkatauhan; hindi ito nangangailangan ng dagdag na gawain para sa sangkatauhan. Dahil lamang sa pagkakaroon nila ng ganitong uri ng balanse kaya napananatili nila ang kanilang sariling kapaligiran para mabuhay. Dahil lamang sa pagkakaroon nila ng angkop na kapaligiran para mabuhay kaya ang mga kagubatang ito, ang mga damuhang ito ay patuloy na nakapananatili sa lupa. Ang kanilang pag-iral ay ngangalaga sa maraming salinlahi ng tao gayundin ng maraming salinlahi ng lahat ng uri ng buhay na bagay na may mga tahanan sa mga kagubatan at sa mga damuhan—mga ibon at mga hayop, mga insekto, at ang lahat ng uri ng mga maliliit na bagay na may buhay.

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap