Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay (III) Unang Bahagi

Sa loob ng panahong ito, napag-usapan natin ang tungkol sa maraming bagay na may kinalaman sa pagkilala sa Diyos at kailan lang ay napag-usapan natin ang tungkol sa isang bagay na napakahalaga sa paksang ito: Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay. Noong huli napag-usapan natin ang tungkol sa ilang aspeto ng kapaligiran para sa kaligtasan na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan, gayundin ang paghahanda ng Diyos ng lahat ng uri ng panustos na kailangan ng mga tao sa kanilang mga buhay. Sa katunayan, ang ginagawa ng Diyos ay hindi lamang ang maghanda ng isang kapaligiran para sa kaligtasan ng mga tao at hindi lamang upang ihanda ang kanilang pang-araw-araw na panustos, ngunit upang mabuo ang iba’t ibang mga aspeto ng napakaraming misteryoso at kinakailangang gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan at para sa buhay ng mga tao. Ang lahat ng ito ay mga pagkilos ng Diyos. Ang mga pagkilos na ito ng Diyos ay hindi lamang limitado para sa Kanyang paghahanda ng isang kapaligiran para sa kaligtasan ng mga tao at sa kanilang pang-araw-araw na panustos—mayroon silang mas malawak na saklaw kaysa riyan. Bukod sa dalawang uri ng gawaing ito, naghahanda rin Siya ng maraming kapaligiran at kundisyon para sa kaligtasan na mahalaga para sa mga buhay ng tao. Ito ay isa pang paksa na ating tatalakayin sa araw na ito, na may kinalaman din sa mga pagkilos ng Diyos. Kung hindi, ang pag-usapan ito ngayon dito ay magiging walang kabuluhan. Kung gusto ng mga tao na makilala ang Diyos ngunit kung mayroon lamang silang isang literal at dogmatikong pagkaunawa ukol sa “Diyos,” ukol sa salitang iyon, o ukol sa lahat ng aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, iyon ay hindi tunay na pagkaunawa. Kaya ano ang landas sa pagkilala sa Diyos? Ito ang pagkilala sa Kanya, pagkilala sa bawat aspeto Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagkilos. Kaya, kailangan magkaroon tayo sa susunod ng pagsasamahan tungkol sa mga pagkilos ng Diyos nang Kanyang nilikha ang lahat ng mga bagay.

Mula pa noong likhain sila ng Diyos, ang lahat ng mga bagay ay kumikilos alinsunod sa mga batas na itinakda ng Diyos at nagpapatuloy na umunlad nang maayos. Sa ilalim ng Kanyang pagmamasid, sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang lahat ng mga bagay ay maayos na umuunlad kaagapay ng kaligtasan ng mga tao. Walang anumang bagay ang makababago sa mga kautusang ito, at walang anumang bagay ang makasisira sa mga kautusang ito. Nang dahil sa pamamahala ng Diyos kaya maaaring magparami ang lahat ng nilalang, at dahil sa Kanyang tuntunin at pamamahala kaya ang lahat ng nilalang ay makakaligtas. Ito ay upang sabihin na sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, ang lahat ng mga nilalang ay nagsisiiral, umuunlad, nawawala, at muling magkakatawang-tao sa maayos na paraan. Kapag dumarating ang tagsibol, dinadala ng pag-ambon ng ulan ang damdaming iyon ng tagsibol at binabasa-basa ang lupa. Ang lupa ay nagsisimulang malusaw, ang damo ay tumutubo at umuusbong sa lupa at ang mga puno ay unti-unting nagiging luntian. Ang lahat ng buhay na bagay na ito ay nagdadala ng sariwang kalakasan sa lupa. Ito ang tanawin ng lahat ng nilalang na nagsisiiral at nagsisiunlad. Ang lahat ng uri ng hayop ay lumalabas din sa kanilang mga lungga upang damhin ang init ng tagsibol at simulan ang isang bagong taon. Ang lahat ng mga nilalang ay nagbibilad sa tag-araw at ikinagagalak ang init na dulot ng panahon. Ang mga ito ay mabilis na lumalaki; ang mga puno, ang damo, at ang lahat ng uri ng halaman ay mabilis na lumalago, saka sila namumukadkad at namumunga. Ang lahat ng nilalang ay masyadong abala sa panahon ng tag-araw, pati na ang mga tao. Sa taglagas, nagdadala ang mga ulan ng lamig ng taglagas, at ang lahat ng uri ng buhay na mga bagay ay nagsisimulang maranasan ang panahon ng pag-ani. Ang lahat ng nilalang ay nagbubunga, at nagsisimula na rin ang mga tao na anihin ang lahat ng uri ng bagay dahil sa paggawa sa taglagas ng mga nilalang na ito, nang upang maghanda ng pagkain para sa taglamig. Sa taglamig ang lahat ng nilalang ay unti-unting nagsisimulang magpahinga sa kalamigan, upang pumayapa, at ang mga tao ay nagpapahinga din sa panahong ito. Ang mga pagbabagong ito mula sa tagsibol papuntang tag-araw hanggang sa taglagas at hanggang sa taglamig—ang mga pagbabagong ito ay nagaganap lahat alinsunod sa mga kautusan na itinatag ng Diyos. Pinangungunahan Niya ang lahat ng nilalang at tao gamit ang mga kautusang ito at nakapagtatag para sa tao ng isang mayaman at makulay na paraan ng pamumuhay, naghahanda ng isang kapaligiran para sa kaligtasan na mayroong ibat ibang temperatura at ibat ibang panahon. Sa ilalim ng maayos na mga kapaligirang ito para sa kaligtasan, ang mga tao ay maaari ding makaligtas at makapagparami sa maayos na paraan. Hindi maaaring baguhin ng mga tao ang mga kautusang ito at walang sinuman at anuman ang makasisira sa mga ito. Anumang malaking mga pagbabago ang maganap sa mundo, ang mga kautusang ito ay patuloy na iiral at sila ay umiiral dahil ang Diyos ay umiiral. Ito ay dahil sa tuntunin ng Diyos at sa Kanyang pamamahala. Sa ganitong uri ng maayos, mas malaking kapaligiran, ang buhay ng mga tao ay makapagpapatuloy sa loob ng mga kautusan at mga patakarang ito. Nilinang ng mga kautusang ito ang sali’t salinlahi ng mga tao at sali’t salinlahi ng mga tao ang nakaligtas sa loob ng mga kautusang ito. Tinatamasa ng mga tao ang mga nilalang at itong maayos na kapaligiran para sa kaligtasan na nilikha ng Diyos para sa sali’t salinlahi ng mga tao. Kahit na nararamdaman ng mga tao na ang ganitong uri ng mga kautusan ay katutubo, kahit na lubos ang kanilang paghamak sa mga ito, at kahit na hindi nila nararamdaman na ang Diyos ang nagtutugma sa mga kautusang ito, na pinamamahalaan ng Diyos ang mga kautusang ito, kahit ano pa man, ang Diyos ay palaging sangkot sa hindi nagbabagong gawain na ito. Ang Kanyang layunin sa hindi nagbabagong gawain na ito ay para sa kaligtasan ng sangkatauhan, at nang upang makapagpatuloy ang mga tao.

Ang Diyos ay Nagtatakda ng mga Hangganan para sa Lahat ng mga bagay Upang Alagaan ang Kabuuan ng Sangkatauhan

Tatalakayin ko sa araw na ito ang paksa kung papaanong ang ganitong uri ng mga kautusan na dinadala ng Diyos sa sangkatauhan at ang lahat ng nilalang ay nangangalaga sa sangkatauhan. Kaya ano ang paksang ito? Ito ay kung paanong ang ganitong mga uri ng kautusan na dinala ng Diyos sa lahat ng nilalang ay mangalaga sa tao. Ito ay napakalaking paksa, kaya maaari natin itong hati-hatiin sa ilang bahagi at talakayin nating isa-isa upang mailarawan sila sa inyo nang malinaw. Sa ganitong paraan ito ay madali ninyong makukuha at unti-unti ninyo itong maiintindihan.

Una, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, gumuhit Siya ng mga hangganan para sa mga bundok, mga kapatagan, mga disyerto, mga burol, mga ilog, at mga lawa. Sa lupa ay may mga bundok, mga kapatagan, mga disyerto, mga burol, gayundin ang iba’t ibang anyo ng tubig—ano ang lahat ng ito? Hindi ba sila iba’t-ibang kalupaan? Ang Diyos ay gumuhit ng mga hangganan sa pagitan ng lahat ng iba’t ibang kalupaan na ito. Kapag sinasabi nating gumuguhit ng mga hangganan, ano ang ibig sabihin noon? Nangangahulugan ito na ang mga bundok ay may mga paglalarawan, ang mga kapatagan ay may mga sarili at kani-kanyang mga paglalarawan, ang mga disyerto ay may tiyak na saklaw, at ang mga burol ay may isang tiyak na dako. Mayroon ding tiyak na dami ng mga anyo ng tubig gaya ng mga ilog at mga lawa. Iyon ay, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay hinati-hati Niya ang lahat nang buong linaw. Itinakda na ng Diyos kung ilang kilometro ang paikot na sukat ng isang bundok, kung ano ang saklaw nito. Itinakda na din Niya kung ilang kilometro ang paikot na sukat ng isang kapatagan at kung ano ang saklaw nito. Sa paglikha ng lahat ng mga bagay itinakda din Niya ang saklaw ng disyerto gayundin ang saklaw ng mga burol at ang kanilang mga bahagi, at ano ang kanilang magiging batayang hangganan—itinakda din Niya ang lahat ng ito. Itinakda Niya ang saklaw ng mga ilog at mga lawa nang nililikha Niya ang mga ito—lahat sila ay may mga hangganan. Kaya ano ang ibig sabihin kapag sinabi nating “mga hangganan”? Napag-usapan pa lang natin kung paanong ang pamamahala ng Diyos sa lahat ng nilalang ay pagtatatag ng mga kautusan para sa lahat ng nilalang. Halimbawa, ang saklaw at ang mga hangganan ng mga bundok ay hindi lalawig o mababawasan dahil sa pag-ikot ng mundo o sa paglipas ng panahon. Ito ay itinakda: Itong “itinakda” na ito ay patakaran ng Diyos. Tungkol naman sa mga dako ng mga kapatagan, kung ano ang kanilang saklaw, kung ano ang kanilang batayang hangganan, ito ay itinatag na ng Diyos. Mayroon silang isang hangganan, at ang isang umbok ay hindi basta-basta na lang lilitaw sa gitna ng isang kapatagan. Ang isang kapatagan ay hindi lamang karaka-raka magiging bundok—ito ay hindi mangyayari. Ang mga kautusan at mga hangganan na katatalakay pa lamang natin ay tumutukoy dito. Tungkol naman sa disyerto, hindi natin babanggitin ang mga tungkuling ginagampanan ng disyerto o alinmang ibang kalupaan o pangheograpiyang lokasyon dito, ang mga hangganan lamang nito. Sa ilalim ng patakaran ng Diyos ang saklaw ng disyerto ay hindi rin lalawig. Ito ay dahil sa ibinigay na ng Diyos ang Kanyang kautusan dito, ang saklaw nito. Kung gaano kalaki ang sukat nito at kung ano ang papel nito, kung ano ang batayang hangganan nito, at kung saan ito matatagpuan—ito ay itinakda na ng Diyos. Ito ay hindi lalampas sa saklaw nito, lilipat ito ng posisyon, at hindi basta na lang lalawak ang sukat nito. Bagaman ang mga pagdaloy ng mga tubig gaya ng mga ilog at mga lawa ay nasa ayos ng lahat at nagpapatuloy, hindi lumabas ang mga ito kailanman sa saklaw nito o lumabas lampas sa mga hangganan nito. Lahat ng ito ay dumadaloy sa isang direksyon at sa maayos na paraan, dumadaloy sa direksyon na dapat nilang daluyan. Kaya sa ilalim ng mga kautusan ng patakaran ng Diyos, walang ilog o lawa ang basta na lang matutuyo, o basta na lang magbabago ng direksyon o ang dami ng pagdaloy nito sanhi ng pag-ikot ng mundo o sa paglipas ng panahon. Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa mahigpit na paghawak ng Diyos, nakapaloob sa Kanyang patakaran. Iyon ay upang sabihin na, lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan ay may itinakdang mga lugar, mga sukat, at mga saklaw. Iyon ay, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, ang kanilang mga hangganan ay naitatag na at ang mga ito ay hindi basta na lang maiiba, magbabago, o mapapalitan. Ano ang ibig sabihin ng “basta na lang”? Nangangahulugan ito na hindi sila basta na lang lilipat, lalawig, o magbabago ng kanilang likas na anyo dahil sa panahon, temperatura, o sa bilis ng pag-ikot ng mundo. Halimbawa, ang isang bundok ay may tiyak na taas, ang pundasyon nito ay may tiyak na sukat, mayroon itong tiyak na kataasan, at mayroon itong tiyak na dami ng mga halaman. Ang lahat ng ito ay pinanukala at tinantiya ng Diyos at ang taas nito o ang sukat ay hindi basta na lang mababago. Tungkol naman sa mga kapatagan, ang karamihan ng mga tao ay naninirahan sa mga kapatagan, at walang mga pagpapalit sa klima ang makaaapekto ng kanilang mga sukat o ang kahalagahan ng kanilang pag-iral. Kahit pa ang nakapaloob sa iba’t ibang kalupaan na ito o ang mga pangheograpiyang kapaligiran na nilikha ng Diyos ay hindi basta na lang mababago. Halimbawa, kung ano ang mga bahagi ng disyerto, kung ano ang nakadepositong mga mineral sa ilalim ng lupa, kung gaaano karaming buhangin ang mayroon ito at ang kulay ng buhangin, ang kapal nito—ang mga ito ay hindi basta na lang mababago. Bakit ba hindi sila basta na lang mababago? Ito ay dahil sa tuntunin ng Diyos at sa Kanyang pamamahala. Nakapaloob sa iba’t ibang kalupaan na ito at pangheograpiyang kapaligiran na nilikha ng Diyos, pinamamahalaan Niya ang lahat ng mga bagay sa planado at maayos na paraan. Kaya lahat ng pangheograpiyang kapaligirang ito ay nananatiling umiiiral ng ilang libong taon, ng libu-libong taon pagkatapos malikha ito ng Diyos. Ginagampanan pa rin nito ang bawat mga papel nito. Bagamat may tiyak na mga panahon na pumuputok ang mga bulkan, may mga tiyak na panahon na nangyayari ang paglindol, at mayroong mga malakihang pagpapalit ng lupa, tiyak na hindi hahayaan ng Diyos ang anumang uri ng kalupaan na mawala ang likas na kaukulan nito. Ito ay dahil lamang sa pamamahala ng Diyos, Ang Kanyang pamamahala sa at mahigpit na paghawak sa mga kautusang ito, na ang lahat ng ito—lahat ng ito na tinatamasa ng sangkatauhan at nakikita ng sangkatauhan—makaliligtas sa lupa sa maayos na paraan. Kaya bakit pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang kalupaan na ito na umiiral sa lupa sa ganitong paraan? Ang layunin ay nang upang ang mga buhay na mga bagay na nakaligtas sa iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran ay magkaroon lahat ng matatag na kapaligiran, at upang makapagpatuloy silang mabuhay at makapagparami sa gayong matatag na kapaligiran. Ang lahat ng nilalang na ito—yaong mga nagsisikilos at yaong mga hindi nagsisikilos, yaong mga humihinga sa pamamagitan ng kanilang mga butas ng ilong at yaong hindi—makabubuo ng isang natatanging kapaligiran para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang ganitong uri ng kapaligiran lamang ang makapag-aalaga ng sali’t salinlahi ng mga tao, at sa ganitong uri lamang ng kapaligiran ang makapagtutulot sa mga tao na patuloy na payapang makaligtas, mula sa isang salinlahi hanggang sa isa pang salinlahi.

Ano ang inyong nakita sa katatalakay ko lang? Na ang mga kautusan ng Diyos sa Kanyang dominyon sa lahat ng mga bagay ay totoong mahalaga—napakahalaga! Ano ang kinakailangan para sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa loob ng mga kautusang ito? Ito ay dahil sa pamamahala ng Diyos. Nang dahil sa Kanyang pamamahala kaya natutupad ng lahat ng nilalang ang kanilang sariling mga tungkulin sa loob ng Kanyang pamamahala. Halimbawa, pinagangalagaan ng mga bundok ang mga kagubatan, ang mga kagubatan naman bilang ganti ay pinapanatili at pinoprotektahan ang iba’t ibang ibon at hayop na naninirahan sa loob nila. Ang mga kapatagan ay isang entablado na inihanda para sa mga tao upang tamnan ng mga halaman gayundin para sa iba’t ibang ibon at hayop. Pinahihintulutan nila ang karamihan sa sangkatauhan na manirahan sa patag na lupa at magkaloob ng kaginhawaan sa buhay ng mga tao. At nabibilang din ang mga damuhan sa mga kapatagan—malalaking mga sukat ng damuhan. Ang mga damuhan ay ang halamanan ng mundo. Pinapanatili ng mga ito ang lupa at inaalagaan ang mga baka, mga kambing at mga kabayo na naninirahan sa mga damuhan. Tinutupad din ng disyerto ang kanyang tungkulin. Ito ay hindi lugar para tirhan ng mga tao; ang papel nito ay gawing mas tuyo ang mahalumigmig na mga klima. Ang mga pag-agos ng mga ilog at mga lawa ay angkop para sa tubig na maiinom ng mga tao at para sa pangangailangan sa tubig ng lahat ng nilalang. Saan man sila dumaloy, ang mga tao ay may tubig na maiinom. Ito ang mga hangganan na iginuhit ng Diyos para sa iba’t ibang kalupaan.

Dahil sa mga hangganang ito na iginuhit ng Diyos, ang iba’t ibang kalupaan ay nakagawa ng sari-saring kapaligiran para sa kaligtasan, at ang mga kapaligiran na ito para sa kaligtasan ay naging angkop para sa iba’t ibang uri ng ibon at hayop at nakapagdala din ng isang puwang para sa kaligtasan. Mula sa mga hangganang ito ang mga kapaligiran para sa kaligtasan ng iba’t ibang buhay na bagay ay umunlad. Ito lamang ang ating susunod na tatalakayin. Ikalawa, anong uri ng kapaligiran ang nasa loob ng tinitirhan ng mga ibon at mga hayop at mga insekto? Maliban sa pagtatatag ng mga hangganan para sa iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, gumuhit din ang Diyos ng mga hangganan para sa iba’t ibang ibon at hayop, isda, mga insekto, at lahat ng mga halaman. Nagtatag din Siya ng mga kautusan. Dahil sa pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran at dahil sa pag-iral ng iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, ang mga iba’t ibang uri ng ibon at hayop, isda, insekto, at halaman ay may iba’t-ibang mga kapaligiran para sa kaligtasan. Ang mga ibon at ang mga hayop at ang mga insekto ay namumuhay kasama ng iba’t ibang halaman, ang isda ay naninirahan sa tubig, at ang mga halaman ay tumutubo sa lupa. Ano ang kabilang sa lupa? Iba’t ibang sukat kagaya ng mga bundok, mga kapatagan, at mga burol. Kaya, ang mga ibon at ang mga hayop ay may tiyak na mga tahanan at hindi magsisigala kung saan-saan. Ang kanilang mga tahanan ay ang mga kagubatan at ang mga bundok. Kung, isang araw, ang kanilang mga tahanan ay masira, ang kaayusang ito ay mauuwi sa malaking kaguluhan. Kapag ang kaayusang iyon ay nauwi sa malaking kaguluhan, ano ang kahihinatnan? Sino ang mga unang-unang masasaktan? (Sangkatauhan.) Ang sangkatauhan! Sa loob ng mga kautusang ito at mga hangganan na itinatag ng Diyos, nakakita na ba kayo ng anumang kakaibang mga pangyayari? Halimbawa, ang mga elepante ay basta na lang gagala sa palibot ng disyerto. Nakakita na ba kayo ng ganoon? Kung magkagayon, ito ay magiging isang sobrang kakatwang pangyayari. Ito ay dahil sa ang kapaligiran na tinitirhan ng mga elepante ay ang kagubatan, at ang kagubatan ay ang kapaligiran para sa nabubuhay, para sa kaligtasan na inihanda sa kanila ng Diyos. Ito ay may sariling kapaligiran para sa kaligtasan at sarili nitong permanenteng tahanan, kaya bakit ito magpupunta kung saan-saan? Nakakita na ba ang sinuman ng mga leon at mga tigre na gumagala sa palibot ng karagatan? Ang tahanan ng mga leon at mga tigre ay ang kagubatan at ang mga kabundukan. Nakakita na ba ang sinuman ng mga balyena at mga pating na mula sa karagatan na nagpapalipas ng oras sa disyerto? Ang mga balyena at mga pating ay tumatahan sa karagatan at hindi posible sa kanila na manirahan sa lupa. Sa kapaligiran na tinitirahan ng mga tao, may mga tao ba na namumuhay kasama ng mga kayumangging oso? May mga tao ba na palaging pinalilibutan ng mga paboreal at iba pang mga ibon, sa loob at labas ng kanilang mga tahanan? Nakakita na ba ang sinuman ng baka at tupa sa kagubatan? Nakakita na ba ang sinuman ng mga agila o mga ligaw na gansa na nakikipaglaro sa mga unggoy? Kung gayon, ang mga ito ay magiging mga kakaibang pangyayari. Ito ang dahilan kung bakit nagsasalita ako tungkol sa mga bagay na ito na kakaibang pangyayari sa inyong mga paningin. Ito ay upang inyong maintindihan na ang lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos—sila man ay nakapirmi sa isang lugar o may hininga at nakalalakad—lahat sila ay may mga kautusan para sa kaligtasan. Bago pa man nilikha ng Diyos ang mga buhay na mga bagay na ito nakapaghanda na Siya para sa kanila ng sarili nilang mga tahanan, sarili nilang kapaligiran para sa kaligtasan. Ang mga buhay na mga bagay na ito ay may sariling nakapirming mga kapaligiran para mabuhay, sarili nilang pagkain, sarili nilang permanenteng mga tahanan, sarili nilang permanenteng mga lugar na angkop para sa kanilang ikabubuhay, mga lugar na may mga temperatura na angkop para sa kanilang kaligtasan. Sa gayong paraan hindi na sila gagala kung saan o pahinain ang ikabubuhay ng sangkatauhan o makaapekto sa kanilang mga buhay. Sa ganito pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng nilalang. Ito ay upang ipagkaloob sa sangkatauhan ang pinakamabuti na kapaligiran para sa kaligtasan. Ang buhay na mga bagay sa loob ng bawat isa ay mayroong pagkaing panustos-buhay sa loob ng kanilang sariling mga kapaligiran para sa kaligtasan. Sa pamamagitan ng pagkaing iyon, sila ay nakapirmi sa loob ng kanilang katutubong kapaligiran para sa kaligtasan; sila ay nakapirmi sa kapaligiran na iyon. Sa gayong uri ng kapaligiran, sila ay nakaliligtas pa rin, nakapagpaparami, at nakapagpapatuloy alinsunod sa mga kautusan na itinatag ng Diyos para sa kanila. Nang dahil sa ganitong uri ng mga kautusan, dahil sa pagtatalaga ng Diyos, ang lahat ng mga nilalang ay nakikipag-ugnayan na may pagkakasundo sa sangkatauhan, at ang sangkatauhan at ang lahat ng nilalang ay nagtutulungan.

Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga nilalang at nagtatag ng mga hangganan para sa kanila, at sa gitna nila ay inalagaan ang lahat ng buhay na bagay. Kung paanong pinangangalagaan ng lahat ng nilalang ang lahat ng mga bagay, Siya ay naghanda din ng iba’t ibang pamamaraan para mabuhay para sa mga tao, kaya nakikita mo na hindi lang isa ang paraan ng mga tao para mabuhay. Hindi lamang isang uri ng kapaligiran ang mayroon sila para sa kaligtasan. Napag-usapan natin noong una ang tungkol sa paghahanda ng Diyos ng iba’t ibang uri ng pinagkukunan ng pagkain at tubig para sa mga tao, na isang bagay na napakahalaga para tulutan ang buhay sa laman ng sangkatauhan na makapagpatuloy. Gayunman, sa gitna ng sangkatauhang ito, hindi lahat ng tao ay nabubuhay lamang dahil sa mga butil. Ang mga tao ay may iba’t ibang pamamaraan para mabuhay dala ng mga pagkakaiba sa mga pangheograpiyang kapaligiran at mga kalupaan. Ang mga pamamaraang ito para mabuhay ay inihandang lahat ng Diyos. Kaya hindi lahat ng tao ay pangunahing nakatuon sa pagsasaka. Iyon ay, hindi lahat ng mga tao ay nakukuha ang kanilang pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman. Ito ang ikatlong punto na ating pag-uusapan: Ang mga hangganan ay lumago mula sa iba’t ibang paraan ng pamumuhay ng sangkatauhan. Kaya ano ang iba pang mga uri ng paraan ng pamumuhay mayroon ang mga tao? Ano ang iba pang magkakaibang uri ng mga pinagkukunan ng pagkain mayroon ang mga tao? May ilang pangunahing uri:

Ang una ay ang paraan ng pamumuhay sa pamamagitan ng pangangaso. Nalalaman ito ng lahat. Ano ang kinakain ng mga taong nabubuhay sa pangangaso? (Hinuhuling hayop.) Kinakain nila ang mga ibon at mga hayop mula sa kagubatan. Ang “Hinuhuling hayop” ay isang makabagong salita. Hindi ito itinuturing na hinuhuling hayop ng mga mangangaso; itinuturing nila itong pagkain, bilang kanilang pang-araw-araw na panustos. Halimbawa, magiging masaya na sila ’pag nakakuha sila ng usa. “Magaling, ang usang ito ay sapat ng pagkain para sa pamilya para sa ilang araw.” Nang makuha nila ang usang ito para lamang itong isang magsasaka na kumukuha ng mga pananim mula sa lupa. Ang isang magsasaka ay kumukuha ng mga pananim mula sa lupa, at kapag nakikita niya ang kanyang mga pananim siya ay masaya at panatag ang loob. “Sa ngayon ay mayroong makakain; hindi natin kailangang matakot na magugutom.” Ang pamilya ay hindi magugutom dahil may mga pananim na makakain. Ang kanyang puso ay panatag at siya ay nakararamdam ng kasiyahan. At ang isang mangangaso ay nakararamdam din ng kapayapaan at nasisiyahan kapag tumitingin siya sa kanyang nahuli sapagkat hindi na niya kailangan pang mangamba tungkol sa pagkain. Mayroon makakain para sa susunod na pagkain, hindi na kailangang magutom. Ito ay yaong nangangaso para mabuhay. Anong uri ng mga kapaligiran ang karaniwang tinitirhan ng mga taong nabubuhay lamang sa pangangaso? Sila ay naninirahan sa mga kagubatan sa bundok. Karamihan sa kanila ay hindi nagsasaka o nagtatanim ng mga halaman; sila ay naninirahan sa mga kagubatan sa bundok. Mayroon bang masasakang lupa sa mga kagubatan sa bundok? Hindi madaling makahanap ng masasakang lupa, kaya sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang buhay na bagay, ng iba’t ibang masisila. Ito ang unang uri ng pamumuhay na naiiba sa mga karaniwang tao.

Ang ikalawang uri ay isang pamumuhay sa pamamagitan ng paghahayupan. Yaong mga nagkakawan para mabuhay ay hindi nagsasaka, kaya ano ang kanilang ginagawa? Magpastol lamang? Kung ang sinuman dito ay katutubong Monggolyan, maaari kayong magsalita nang konti tungkol sa inyong uri ng pamumuhay bilang nomad. (Kadalasan, nagpapastol kami ng baka at tupa para mabuhay, walang pagsasaka, at sa taglamig kinakatay namin at kinakain ang aming mga baka. Ang aming pangunahing pagkain ay gawa sa karne ng baka at karne ng tupa, umiinom kami ng gatas na tsaa, kumakain ng sinangag na bigas, at napakakaunting mga gulay. Ngayon ang lahat ng uri ng transportasyon ay madali at mayroon kami ng lahat ng uri ng gulay at butil. Ang mga taga-Mongolia ay umiinom ng gatas na tsaa, at ang mga taga-Tibet ay umiinom ng mantikilyang tsaa. Bagamat ang mga pastol ay abala sa apat na kapanahunan, kumakain sila nang mabuti. Hindi sila nawawalan ng gatas, mga produkto mula sa gatas, o karne. Dati silang nakatira sa mga kubol ngunit ngayon silang lahat ay nakapagpatayo na ng mga bahay.) Ang mga taga-Mongolia ay pangunahing kinakain ang karne ng baka at karne ng tupa, umiinom ng gatas, at sumasakay sa mga kabayo upang pastulan ang kanilang mga hayop. Ito ang uri ng pamumuhay ng mga pastol. Ang uri ng pamumuhay ng mga pastol ay hindi masama—sumasakay sila sa mga toro at mga kabayo sa bukid at nagpapahangin, nagbibilad sa araw, at wala silang problema ng mga makabagong pamumuhay. Buong araw nakikita lamang nila ang kalawakan ng bughaw na mga ulap at madamong mga kapatagan. Ang mga taong nagbabantay ng mga kawan para mabuhay ay tumitira lahat sa mga damuhan at nakapagpapatuloy sila sa kanilang paraan ng pamumuhay bilang mga nomad mula sa isang salinlahi hanggang sa isa pang salinlahi. Bagamat ang buhay sa mga damuhan ay bahagyang malungkot, ito ay napakasaya ding buhay. Ito ay hindi masamang uri ng pamumuhay!

Ang ikatlong uri ay ang pamumuhay sa pamamagitan ng pangingisda. Mayroong lamang maliit na bahagi ng mga tao ang naninirahan malapit sa karagatan o sa maliliit na mga isla. Sila ay pinaliligiran ng tubig, nakaharap sa karagatan. Ang ganitong uri ng mga tao ay nangingisda para mabuhay. Sa anong pagkain umaasa ang mga tao na nabubuhay sa pangingisda? Ano ang pinanggagalingan ng kanilang pagkain? Ito ay ang lahat ng uri ng isda at lamang-dagat. Nang ang Hongkong ay isa pa lamang maliit na nayon ng pangingisda, ang mga tao doon ay nangingisda lamang para mabuhay. Hindi sila nagsasaka—sila ay nangingisda araw-araw. Ang kanilang pangunahing pagkain ay iba’t ibang uri ng isda, karne, at lamang-dagat. Ipinagpapalit din nila paminsan-minsan ang ilang isda para sa bigas, harina, at pang-araw-araw na pangangailangan. Ang mga tao na sa pangingisda lamang nabubuhay ay nakatira lahat malapit sa karagatan, at ang ilan ay nakatira sa mga bangka. Ito ay naiibang pamumuhay ng mga tao na naninirahan malapit sa tubig. Yaong mga nakatira malapit sa tubig ay umaasa sa pangingisda; ito ang pinagkukunan nila ng ikabubuhay gayundin ang pinagkukunan nila ng pagkain.

Maliban doon sa mga nagsasaka para mabuhay, may tatlong iba’t ibang pangunahing uri ng pamumuhay ang nabanggit sa itaas. Maliban doon sa mga nabubuhay lamang sa pagpapastol, pangingisda, at pangangaso, ang karamihan sa mga tao ay nagsasaka para mabuhay. At ano ang kailangan ng mga taong nagsasaka para mabuhay? Kailangan nila ng lupa. Yaong mga umaasa sa pagsasaka para sa kanilang ikabubuhay ay pangunahing nagtatanim ng mga halaman sa mga henerasyon. Kinukuha nila ang kanilang pagkain mula sa lupa. Naroong magtanim sila ng mga gulay, mga prutas o mga butil, kinukuha nila ang lahat ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan mula sa lupa.

Ano ang mga pangunahing kondisyon para sa iba’t ibang paraan ng pamumuhay ng tao na ito? Hindi ba sila nangangailangan ng pangunahing pagpapanatili ng kanilang mga kapaligiran para mabuhay? Iyon ay upang sabihin, kung maiwawala ng mga mangangaso ang mga kagubatan sa bundok o ang mga ibon at ang mga hayop, hindi na sila magkakaroon ng kabuhayan. Kaya kung mawawala ng mga tao na nabubuhay lamang dahil sa pangangaso ang mga kagubatan sa bundok at wala na sa kanila ang mga ibon at ang mga hayop, sila ay mawawalan na ng pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay. Saang direksyon tutungo ang gayong uri ng pagiging katutubo; saan patutungo ang gayong uri ng mga tao? Ang kakayahan para mabuhay ay isang di-batid na kalagayan at maaari silang maglaho na lamang. At yaong mga nagkakawan para sa kanilang ikabubuhay—umaasa sila sa mga damuhan. Ang tunay na sinasandigan nila ay hindi ang kanilang mga alagang hayop, ngunit ito ay ang kapaligiran kung saan nabubuhay ang kanilang mga alagang hayop—ang mga damuhan. Kung wala ang mga damuhan, saan nila ipapastol ang kanilang mga alagang hayop? Ano ang kakainin ng mga baka at tupa? Kung wala ang paghahayupan, anong kabuhayan mayroon ang mga taong manlalakbay? Hindi sila magkakaroon. Kung walang pinagkukunan para sa kanilang kabuhayan, saan patutungo ang mga tao? Ang kasalukuyang kaligtasan ay magiging napakahirap; wala silang magiging kinabukasan. Kung walang mga pinagmumulan ng tubig, ang mga ilog at mga lawa ay mangatutuyo. Iiral pa kaya ang lahat ng mga isda na umaasa sa tubig para sa kanilang mga buhay? Ang mga isdang yaon ay hindi na iiral. Ang mga tao ba na umaasa sa tubig at isda para sa kanilang ikabubuhay ay patuloy pang mabubuhay? Kung wala silang pagkain, kung wala silang pinagkukunan ng kanilang mga ikabubuhay, ang mga taong yaon ay hindi na makapagpapatuloy na mabuhay. Sa sandaling magkaroon ng suliranin sa kanilang mga kabuhayan at kakayahan para mabuhay, ang mga lahing yaon ay hindi na makapagpapatuloy pa. Hindi nila makakayang mabuhay—maaari silang maglaho, mabura sa mundo. At kung mawala ng mga nagsasaka para sa kanilang ikabubuhay ang kanilang lupa, ano ang kalalabasan? Hindi na sila makapagtatanim ng mga bagay, hindi nila magagawang makuha ang kanilang pagkain mula sa iba’t ibang halaman. Ano ang magiging kalalabasan? Kung walang pagkain, hindi ba mamamatay sa gutom ang mga tao? Kapag ang mga tao ay namatay sa gutom, hindi ba mabubura ang gayong uri ng tao? Kaya ito ang layunin ng Diyos sa pagpapanatili ng iba’t ibang kapaligiran na pang-ekolohiya. May isang layunin lamang Siya sa pagpapanatili ng iba’t ibang kapaligiran at ekosistema, pagpapanatili ng iba’t ibang buhay na nilalang sa loob ng bawat kapaligiran—ito ay upang pangalagaan ang lahat ng uri ng mga tao, upang pangalagaan ang mga tao na may mga buhay sa iba’t ibang kapaligirang pangheograpiya.

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kontakin Kami Gamit ang Messnger