Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sandaang mga Tanong at mga Sagot sa Pag-iimbestiga sa Tunay na Daan

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

74. Bakit hindi ginagawa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng Espiritu? Bakit naparito ang Diyos sa katawang-tao para gawin ang Kanyang gawain?

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi makakaya ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. At kung hindi dahil sa Diyos na nagsuot ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila makakayang tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagka’t walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, iyan ay, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging laman, at saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging laman, walang makalamang tao ang makakatanggap ng gayong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makisama sa Diyos. …

… Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa tao, silang lahat ay magpapasakop sa tinig, babagsak paibaba na walang mga salita ng pagbubunyag, tulad ng kung paanong si Pablo ay nahulog sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay naglalakbay sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na kilalanin ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagiging laman magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita, sa halip na ang paglitaw ng Espiritu na tumatakot sa tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at hindi-pangkaraniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. … Siya ay nagiging laman dahil ang laman ay maaari ding magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng tao sa isang praktikal na paraan, na nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa anumang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil sa ang Kanyang katawang-tao ay nakakapagsalita at nakakagawa ng gawain sa isang praktikal na paraan; ang panlabas na anyo ng Kanyang laman ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao. Ang Kanyang sangkap ay nagtataglay ng awtoridad, nguni’t walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi magawa ng tao na matalos ang pag-iral ng Kaniyang awtoridad; ito ay mas kanais-nais sa Kanyang aktwal na gawain. At lahat ng mga naturang gawain ay makakapagkamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakatanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad o nakakakita na hindi Siya maaaring magalit o nakakakita sa Kanyang poot, sa pamamagitan ng Kanyang natatalukbungang awtoridad at poot at pampublikong pagsasalita, nakakamit Niya ang hinahangad na mga resulta ng Kanyang mga salita. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakukumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon nakakamit ang Kanyang layunin ng kaligtasan para sa tao. Ito ang isa pang kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: upang magsalita nang mas makatotohanan at hayaan ang katotohanan ng Kanyang mga salita na magkaroon ng epekto sa tao nang sa gayon ay masaksihan nila ang kapangyarihan ng salita ng Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. …

… Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay naparito sa katawang-tao ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Ito ay dahil sa mga pangangailangan ng tao ngunit hindi ang Diyos, at ang lahat ng Kanyang mga sakripisyo at paghihirap ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang mga kabutihan at di-kabutihan o mga gantimpala para sa Diyos; hindi Siya gagapas ng ilang mga hinaharap na ani, kung hindi ay ang mga dati Niyang mga pag-aari. Ang lahat ng Kanyang ginagawa at mga sakripisyo para sa sangkatauhan ay hindi upang Siya ay magkamit ng dakilang mga gantimpala, ngunit pulos para sa kapakanan ng sangkatauhan. Kahit ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay nagsasangkot ng maraming hindi mailarawan na mga paghihirap, ang mga epekto na ganap nitong makakamit ay malayong lumampas sa mga gawaing natapos nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay kinasasangkutan ng maraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi nagtataglay ng parehong dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi maaaring isagawa ang parehong kahima-himalang mga gawain tulad ng Espiritu, at higit na hindi siya maaaring magtaglay ng parehong awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing natapos sa pamamagitan ng karaniwang katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, at ang katawang-tao Niyang ito ang siyang kasagutan sa lahat ng mga pangangailagan ng tao.Para sa mga maililigtas, ang nagsisilbing halaga ng Espiritu ay higit na mas mababa kaysa sa katawang-tao: Ang gawain ng Espiritu ay magagawang masakop ang buong sansinukob, lahat ng mga bundok, mga ilog, mga lawa, at mga karagatan, ngunit ang gawa ng katawang-tao ay mas mabisang may kinalaman sa bawat tao na makakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na mayroong nasasalat na anyo ay maaaring mas mabisang maunawaan at pagkakatiwalaan ng tao, at higit pang mapalalim ang kaalaman ng tao sa Diyos, at maaaring mag-iwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga aktwal na mga gawa ng Diyos. Ang gawain ng Espiritu ay nalalambungan ng misteryo, ito ay mahirap para sa mga may kamatayan na nilalang upang arukin ang lalim, at mas mahirap para sa kanila upang makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga hungkag na pagpapalagay. Ang gawain ng katawang-tao, gayunpaman, ay karaniwan, at batay sa katotohanan, at nagmamay-ari ng mayamang karunungan, at ito ay isang katotohanan na maaaring makita sa pamamagitan ng pisikal na paningin ng tao; maaaring personal na maranasan ng tao ang karunungan ng mga gawa ng Diyos, at hindi kailangan upang gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at tunay na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang Espiritu ay maaari lamang gumawa ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang isipin, halimbawa ang pagliliwanag ng Espiritu, ang paggalaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, ngunit para sa mga tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Sila ay nagbibigay lamang ng isang makabagbag-damdamin, o isang malawak na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin sa mga salita. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, gayunpaman, ay lubos na naiiba: Ito ay may tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw na kalooban, at may malinaw na kinakailangang mga layunin. At kaya ang tao ay hindi kailangan upang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang gumawa ng mga panghuhula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba mula sa gawain ng Espiritu. Ang gawain ng Espiritu ay angkop lamang para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring palitan ang gawain ng katawang-tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng mas tumpak at kinakailangang mga layunin na mas makatotohanan, mahalagang kaalaman kaysa sa gawa ng Espiritu. Ang pinakamalaking halaga na gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin upang itaguyod, at maaaring makita at mahawakan. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong pagpatnubay ang angkop sa mga panlasa ng tao, at tanging tunay na gawa ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at mahalay na disposisyon. Ito ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos; tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at mahalay na disposisyon. Kahit na ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, kung gayon ay hindi posible na maging epektibo ang Kanyang gawain—ito ay isang malinaw na katotohanan. …

… Maaaring iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, ngunit ang gawain na ito ay hindi maaaring direktang gawin sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos; sa halip, ito ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, sa pamamagitan ng katawan ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang katawang ito na tao at Diyos din, ay isang tao na nagmamay-ari ng normal na pagkatao at Diyos din na nagmamay-ari ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, kahit na ang katawang ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang nagkatawang-taong Diyos Mismo na nagliligtas sa tao, na ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Kahit na ano ang tawag sa Kanya, sa huli ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas ng sangkatauhan. Sapagka’t ang Espiritu ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay mula sa katawan, at ang gawain ng katawan ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; ito lamang ay dahil ang gawaing ito ay hindi ginawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, ngunit ito ay natapos gamit ang pagkakakilanlan ng katawan. Ang gawain na kailangang matapos nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na nangangailangan ng katawan na gagawa ay hindi maaaring gawin nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu, at maaari lamang gawin sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kinakailangan para sa gawaing ito, at ito ang kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang direktang natupad sa pamamagitan ng Espiritu, at ang natitirang dalawang yugto ay natupad sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta sa pamamagitan ng Espiritu. Ang gawain ng kautusang ginawa ng Espiritu ay hindi kabilang ang pagpapalit ng tiwaling disposisyon ng tao, at wala rin itong kaugnayan sa kaalaman ng tao sa Diyos. Ang gawain ng katawan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian, gayunpaman, ay naglalakip sa tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at ito ay isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay mas kinakailangaan ang kaligtasan ng nagkatawang-taong Diyos, at mas nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, painumin siya, magpakain sa kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging ang Diyos sa katawan ang maaaring pagkatiwalaan ng tao, ang pastol ng tao, ang handang sasaklolo ng tao, at lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon.

mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na galing sa katawan, at dahil si Satanas ay gumagamit din ng katawan ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas ang talagang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng kaligtasan ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag ang Diyos ay gumagana sa katawang-tao, Siya ay aktuwal na nakikipaglaban kay Satanas sa katawang-tao. Kapag Siya ay gumagana sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na kaharian, at ginagawa nang buo ang Kanyang gawain sa espirituwal na kahariang tunay sa lupa. Ang tanging nalupig ay ang tao, kung sino ang hindi masunurin sa Kanya, ang natalo ay ang pinakalarawan ni Satanas (siyempre, ito ay tao rin), na nakikipag-alitan sa Kanya, at ang nailigtas sa dakong huli ay ang tao rin. Sa ganitong paraan, ito ay mas kinakailangan para sa Kanya upang maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilalang, upang Siya ay may kakayahang gumawa ng tunay na pakikipaglaban kay Satanas, panlulupig sa tao, na suwail sa Kanya at nagmamay-ari ng parehong panlabas na anyo katulad ng sa Kanya, at pagliligtas sa tao, na may parehong panlabas na anyo gaya Niya at napinsala ni Satanas. Ang Kanyang kaaway ay ang tao, ang pakay ng Kanyang paglupig ay tao, at ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na nilikha Niya. Kaya Siya ay dapat maging tao, at sa ganitong paraan, ang Kanyang gawain ay nagiging mas madali. Magagawa Niyang talunin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at, higit pa rito, ay may kakayahan upang iligtas ang sangkatauhan. Kahit na ang katawang-taong ito ay karaniwan at tunay, Siya ay hindi pangkaraniwang katawang-tao: Siya ay hindi katawang-tao lamang na katulad ng sa tao, ngunit katawang-tao na parehong sa tao at sa Diyos. Ito ang Kanyang pagkakaiba sa tao, at ito ay ang tatak ng pagkakakilanlan ng Diyos. Tanging ang katawang-tao na tulad nito ang maaaring gumawa ng mga gawaing Kanyang mga ninanais na gawin, at matupad ang ministeryo ng Diyos sa katawang-tao, at ganap na magawang ganap ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Samakatwid kung hindi ganoon, ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao ay palaging magiging hungkag at may kapintasan. Kahit na ang Diyos ay maaaring gawin ang pakikipaglaban sa espiritu ni Satanas at lumitaw na matagumpay, ang lumang disposisyon ng tiwaling tao ay maaaring hindi malutas kailanman, at lahat ng mga suwail sa Kanya at sumalungat sa Kanya ay hindi kailanman tunay na maging sakop ng Kanyang dominyon, na ang ibig sabihin, hindi Niya kailanman maaaring lupigin ang sangkatauhan, at hindi kailanman maaaring makamtan ang buong sangkatauhan. Kung ang Kanyang gawain sa lupa ay hindi maaaring malutas, kung ganoon ang Kanyang pamamahala ay hindi na madadala sa katapusan, at ang buong sangkatauhan ay hindi maaaring pumasok sa kapahingahan. Kung hindi maaaring pumasok sa kapahingahan ang Diyos kasama ang lahat ng Kanyang mga nilikha, kung ganoon ay walang kalalabasan ang naturang gawaing pamamahala, at ang kaluwalhatian ng Diyos dahil dito ay mawawala. Kahit ang Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad, ang gawain na Kanyang ginagawa ay makakamit ang epekto nito. Ito ay ang hindi maiiwasang direksyon ng Kanyang gawain. Hindi alintana kung ang Kanyang katawang-tao ay nagtataglay ng awtoridad o wala, hangga’t kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, sa gayon ay Siya ang Diyos Mismo. Hindi alintana kung gaano karaniwan o ordinaryo ang katawang-tao na ito, maaari Niyang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, dahil ang katawang-tao na ito ay Diyos at hindi katawang-tao lamang ng isang tao. Ang dahilan na magagawa ng katawang-taong ito ang gawain na hindi kaya ng tao ay sapagka’t ang Kanyang panloob na sangkap ay hindi katulad ng sa sinumang tao, at ang dahilan na kaya Niyang iligtas ang tao ay sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay naiiba mula sa sinumang tao. Ang katawang-tao na ito ay napakahalaga sa sangkatauhan sapagka’t Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagka’t maaari Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng ordinaryong katawan ng tao, at dahil maaari Siyang magligtas ng tiwaling tao, na naninirahan kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kapareho sa tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay mas mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil nagagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, mas mayroong kakayahang magpatotoo kaysa sa Espiritu ng Diyos upang magpatotoo sa Diyos Mismo, at mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang resulta, kahit na ang katawang-tao na ito ay karaniwan at ordinaryo, ang Kanyang ambag sa sangkatauhan at ang Kanyang kahalagahan sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito ay hindi masukat ng sinumang tao. Kahit na ang katawang-tao na ito ay hindi maaaring direktang puksain si Satanas, maaari Niyang gamitin ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at talunin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na sumailalim sa Kanyang dominyon. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao kaya Niyang talunin si Satanas at kayang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya direktang pupuksain si Satanas, ngunit naging katawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, mas mahusay Niyang magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang, at mas mahusay na magagawang iligtas ang tiwaling tao. Ang pagkalupig ng nagkatawang-taong Diyos kay Satanas ay magdudulot ng mas malaking patotoo, at ito ay mas mapanghikayat, kaysa sa direktang pagkapuksa ni Satanas sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay mas kayang magawang tumulong sa tao para kilalanin ang Maylalang, at mas kayang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang.

mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Bakit kasama sa pagbalik ng Panginoon ang pagkakatawang-tao—pagbaba nang lihim—gayundin ang pagbaba sa harap ng publiko mula sa mga ulap?

Sumunod:Ano ang eksaktong gagawin ni Jesus pagbalik Niya?

Baka Gusto Mo Rin