Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

7. Ano ang isang taong mapanlinlang? Bakit hindi maliligtas ang mga taong mapanlinlang?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kung masyado kang tuso, magkakaroon ka ng mapagsaalang-alang na puso at pag-iisip na may pagdududa sa lahat ng bagay at lahat ng mga tao. Sa ganitong katuwiran, ang iyong pananampalataya sa Akin ay itinayo sa pundasyon ng paghihinala. Ang ganitong uri ng pananampalataya ang hindi Ko kailanman kikilalanin. Kung wala ang tunay na pananampalataya, ang iyong pag-ibig ay malayo sa tunay na pag-ibig. At kahit pagdudahan mo ang Diyos at sadyaing magkaroon ng sapantaha tungkol sa Kanya, ikaw ay talagang pinakatusong tao.

mula sa “Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may pamantayan ng katapatan, kaya ang Kanyang salita ay palaging mapagkakatiwalaan. Isa pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang pagkukulang at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya. … Dapat mong malaman kung mayroong totoong pananampalataya at katapatan sa iyong kalooban, kahit na may talaan ka ng pagdurusa para sa Diyos, at kahit isinuko nang buo ang iyong sarili sa Diyos. Kung may kakulangan ka sa mga ito, kung gayon nananatili sa iyong kalooban ang pagiging suwail, mapanlinlang, kasakiman, at pagkaligalig. Dahil ang iyong puso ay malayo sa katapatan, hindi ka kailanman nakatanggap ng positibong pagkilala ng Diyos at hindi kailanman nakapamuhay sa liwanag. Ang iyong magiging kapalaran ay nakabatay sa kung ikaw ay may pusong matapat at simpula ng dugo, at kung may dalisay na kaluluwa. Kung ikaw ay isa sa mga taong sobrang hindi matapat, na ikaw ay may pusong may masamang hangarin, at ikaw ay may maruming kaluluwa, kung gayon ang talaan ng iyong tadhana ay tiyak nang nasa lugar kung saan ang tao ay pinarurusahan. Kung inaangkin mo na ikaw ay labis na matapat, ngunit hindi kailanman kumikilos ayon sa katotohanan at nagsasabi ng salita ng katotohanan, inaasahan mo pa rin ba na gagantimpalaan ka ng Diyos? Inaasahan mo pa rin ba na ikaw ang katangi-tangi sa mata ng Diyos? Ang pag-iisip bang ito ay hindi katawa-tawa? Nililinlang mo ang Diyos sa lahat ng bagay, kaya paanong tatanggapin ng tahanan ng Diyos ang mga tulad mong marumi ang kamay?

mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ano ang isang matapat na tao? Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao?

Sumunod:Ano ang kaibhan sa pagitan ng matapat na tao at ng taong mapanlinlang?

Baka Gusto Mo Rin