Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Ano ang Pagkakatawang-Tao?

Mayo 30, 2022

Dalawang libong taon na ang nakararaan, nang ang Panginoong Jesus ay pumarito para mangaral at gumawa, itinuring Siya ng mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng Judaismo na isang karaniwang tao. Ginawa nila ang lahat ng makakaya nila para labanan, kondenahin, at lapastanganin ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako nila Siya sa krus, na paggawa ng isang karumal-dumal na krimen. Ngayon, nagpakita na ang Makapangyarihang Diyos at gumagawa sa wangis ng Anak ng tao. Gayunman, marami pa ring tao ang kulang ang kaalaman tungkol sa nagkatawang-taong Diyos, tinatrato ang Makapangyarihang Diyos bilang isang karaniwang tao, tinatanggihang siyasatin ang tunay na daan, at nagkukumahog sa pagkondena at paglaban sa Makapangyarihang Diyos, at sa paggawa nito ay nakakagawa sila ng krimen na muling pagpapako sa Diyos sa krus. Bakit ang dalawang pagkakatawang-taong ito ng Diyos ay kinondena at tinanggihan ng tao? Dahil kulang ng kaalaman tungkol sa Diyos ang mga tao, hindi nila nauunawaan kung ano ang katotohanan, at lalong hindi nila nauunawaan ang malaking misteryo ng pagkakatawang-tao. Kung gayon, ano ba talaga ang pagkakatawang-tao? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakatawang-tao? Sa episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya, sama-sama nating hahanapin ang katotohanan para maunawaan ang misteryo ng pagkakatawang-tao.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger