Tagalog Testimony Video | "Pagsisiwalat sa Palaisipan ng Trinidad"
Setyembre 6, 2021
Ang bida ay isang elder sa pananampalatayang Kristiyano na hindi kailanman tumigil sa pagsisiyasat sa misteryo ng Trinidad: Ano nga ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng Biblia na iisa lang ang Diyos, kaya paano magkakaroon ng tatlong persona? Hindi ba iyon magiging tatlong Espiritu kung gayon? Hindi niya iyon maintindihan. Pagkatapos isang araw, nakilala niya ang isang brother mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng kanilang pagbabahagian sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naisiwalat sa wakas ang misteryo ng Trinidad. Pagkakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang mga ito ay ang tinig ng Diyos, naging sigurado siya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik, at tinanggap niya ang Panginoon.
Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Iba pang mga Uri ng Video