Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Salita ng Buhay | "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos   856  

Panimula

Salita ng Buhay | "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Tinataglay Niya ang paghahari sa lahat ng mga bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya ng kanilang mga sarili sa Kanyang paghahari? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang paghahari. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at Siyang nagtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay."


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.


Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga aktor na lumilitaw sa produksyong ito ay gumaganap sa isang hindi pangkalakal na basehan, at hindi binayaran sa anumang paraan. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.