Tagalog Testimony Video | "Mga Aral na Natutunan Mula sa Pag-atake"

Hunyo 2, 2022

Habang nagtatrabaho siya kasama ni Sister Liu, nag-alok sa kanya si Sister Liu ng maraming mungkahi at tulong, at madalas siya nitong tinatabas at iwinawasto. Pakiramdam niya ay nakakasira ang mga pagpunang ito sa kanyang dignidad at katayuan, kaya nagsimula siyang magkimkim ng sama ng loob kay Sister Liu. Hindi lamang niya sinamantala ang pagkakataong magsulat ng isang evaluation upang makapaghiganti kay Siter Liu, kundi nilagyan pa niya ng maling pag-unawa ang mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon upang atakihin at ibukod si Sister Liu. Nalaman ng kanyang pinuno ang tungkol dito at iwinasto siya, dahil ang paggawa ng mga bagay sa paraang iyon ay pag-atake at pagkondena sa ibang tao, na nakakagambala sa buhay iglesia. Sa puntong iyon ay nakita na niya sa wakas ang kasamaan na kanyang ginawa. Anong aspeto ng kanyang katiwalian ang natutunan niya sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagninilay sa sarili? At paano siya nagbago? Mangyaring panoorin ang video na ito.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger