"Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (3)" | Sipi 202

"Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (3)" | Sipi 202

379 |Enero 5, 2021

Ang resulta na makakamit sa gawaing panlulupig ay pangunahin upang ang laman ng tao ay huminto sa paghihimagsik, iyon ay, upang makamtan ng isip ng tao ang panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso ay lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasiya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi nakakapagtatakda kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang iyong pag-iisip, ang iyong kamalayan, at ang iyong katinuan ay nagbago-iyon ay, kapag ang iyong buong pangkaisipang saloobin ay nagbago-na ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at pinagtibay na ang bagong kaisipan, kapag hindi mo na madala ang kahit na alin sa iyong mga paniniwala o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay makakapag-isip na nang normal, iyon ay, kapag kaya mo nang magsikap para sa Diyos ng buong puso mo-ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig. Sa nasasakupan ng relihiyon, maraming tao ang nagdurusa nang hindi bahagya sa buong buhay nila, sinusupil ang kanilang katawan at pinapasan ang kanilang krus, kahit na nagdurusa at nagtitiis hanggang sa kanilang huling hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang mga masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, binibigyang-diin lang ang pagdurusa. Kinaya nilang supilin ang kanilang katawan at iwaksi ang laman. Ang kanilang espiritu sa pagtitiis ng pagdurusa ay kapuri-puri. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga paniniwala, ang kanilang pangkaisipang saloobin, at ang kanilang lumang sarili nga-wala kahit isa sa mga ito ay pinakitunguhan sa paanuman. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pangkaisipan nilang imahe ng Diyos ay ang tradisyunal na isang abstrak, malabong Diyos. Ang kanilang pasiyang magdusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila lang ay pikit-matang gumagawa at pikit-matang nagdurusa para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang pakialam kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod ay talagang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinaglilingkuran ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na imahe, kundi isang Diyos na sila mismo ang kumatha, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga kasulatan. Sa gayon, ginamit nila ang kanilang mga buhay na buhay na imahinasyon at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at balikatin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay masyadong di-eksakto, sa gayon halos wala kahit isang totoong naglilingkod sa Diyos sa paraang makatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pangkaisipang imahe ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdadaanan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang kapinuhan at pagka-perpekto, at dahil wala kahit isang umakay sa kanila ayon sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Jesus na Tagapagligtas, wala kahit isa sa kanila ang nakakita kailanman sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng basta-bastang paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano sa bandang huli ang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula panimula hanggang katapusan, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago paanuman. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Hesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang makatutupad ng kalooban ng Diyos. Noon lamang magtatapos, sa kanyang katandaan, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong paglilinis at wala kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang karamihan ng paglilingkod ninyo ngayon ay kagaya nang sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng paglilinis at pakikitungo, at hindi nagbago-hindi ba sila ang mga hindi lubusang nalupig? Anong silbi ng mga gayong tao? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit anumang pambihira sa iyong paglilingkod! Kung walang pangitain at walang bagong pag-unawa sa gawain ng Diyos, hindi ka magiging nalupig na tao. Ang iyong paraan ng pagsunod sa Diyos sa gayon ay tulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno-magiging may maliit na halaga ito! Talagang dahil may kaunting patotoo sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, nagdurusa ang mga taong ito, nabibilanggo, at sa bawat sandali, nagtitiis sila, binibigyang-diin ang pag-ibig at kabaitan, at pinapasan ang kanilang krus. Sila ay sinisiraang-puri at itinatakwil ng mundo at nakakaranas ng lahat ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang katapusan, ngunit, sila ay hindi nalulupig at wala silang maibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang napagdusahan, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala paanuman ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang mga pag-iisip, makalumang mga paniwala, mga relihiyosong pagsasagawa, mga pagkaunawang gawa ng tao, at mga kuro-kuro ng tao ang napakitunguhan. Wala man lamang silang taglay na bagong pagkaunawa. Kahit ang katiting man ng kanilang pagkaunawa sa Diyos ay hindi totoo o tumpak. Mali ang pagkaunawa nila sa kalooban ng Diyos. Maaari kayang ito ay para maglingkod sa Diyos? Kung paano mo man naintindihan ang Diyos sa nakaraan, ipagpalagay na pananatilihin mo iyon ngayon at ipagpapatuloy ang pagbabatay ng iyong pagkaunawa sa Diyos sa iyong sariling mga paniwala at mga kuro-kuro kahit ano pa ang gawin ng Diyos. Iyan ay, ipagpalagay na wala kang taglay na bago at tunay na pagkaunawa sa Diyos at nabigo kang malaman ang tunay na anyo at tunay na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay na ang iyong pagkaunawa sa Diyos ay pinapatnubayan pa rin ng pyudal at mapamahiing pag-iisip at nanggaling pa rin sa mga likhang-isip at mga paniwala ng tao. Kung ganito ang kaso, hindi ka pa nalupig kung gayon. Ang Aking adhikain sa pagsasabi ng mga salitang ito sa iyo ngayon ay upang tulutan kang maintindihan at gamitin ang kaalamang ito upang pangunahan ka sa tumpak at bagong pagkaunawa. Ang layunin din ng mga iyon ay ang pag-aalis niyaong mga lumang paniwala at lumang kaalaman na iyong dala sa loob mo upang ikaw ay magkaroon ng panibagong pagkaunawa. Kung tunay mong kinakain at iniinom ang Aking mga salita, sa gayon ang iyong pagkaunawa ay lubhang magbabago. Hangga’t pinananatili mo ang isang masunuring puso habang kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong pananaw ay babalik. Hangga’t kaya mong tanggapin ang paulit-ulit na mga pagkastigo, ang iyong lumang kaisipan ay unti-unting magbabago. Hangga’t ang iyong lumang kaisipan ay lubos na napalitan ng bago, ang iyong pagsasagawa ay magbabago nang naaayon. Sa ganitong paraan, ang iyong paglilingkod ay magiging paayon nang paayon, lalo’t lalo pang makakayang tuparin ang kalooban ng Diyos. Kung kaya mong baguhin ang iyong buhay, ang pagkaunawa mo sa buhay, at ang iyong maraming paniwala tungkol sa Diyos, kung gayon ang iyong pagiging likas ay unti-unting mababawasan. Ito, at wala nang iba, ang bunga matapos malupig ng Diyos ang tao; ito ang pagbabago na makikita sa tao. Kung sa paniniwala sa Diyos, ang iyong alam lamang ay pagsupil ng iyong katawan at pagtitiis ng pagdurusa, at ikaw ay nalalabuan hinggil sa kung ang ginagawa mo ay tama o mali, lalo na kung para kanino ito, kung gayon paano hahantong sa pagbabago ang ganitong uri ng pagsasagawa?

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ipakita ang iba pa
Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

I-share

Kanselahin