Tagalog Testimony Video | "Paglantad sa isang Huwad na Lider: Isang Personal na Pakikibaka"

Agosto 31, 2021

Sa mga pakikipag-ugnayan ni Zheng Yi kay Sister Li, isang lider ng iglesia, natuklasan niya na hindi niya mapamahalaan ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, ni hindi niya tinatanggap ang puna na mula sa mga kapatid. Isa siyang huwad na lider na hindi tumatanggap ng katotohanan. Gusto siyang isumbong ni Zheng Yi, ngunit nag-alala ito na sasama ang loob ni Sister Li, at pagkatapos ay pahihirapan siya nito. Nahirapan siyang magdesisyon kung isasagawa niya ang katotohanan o poprotektahan niya ang kanyang personal na mga interest. Ngunit sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, natanto ni Zheng Yi na ang pag-iisip lamang sa kanyang sarili nang hindi pinaninindigan ang mga prinsipyo ng katotohanan ay makasarili at mapanlinlang. Natutuhan din niya na sa sambahayan ng Diyos, katotohanan at pagiging matuwid ang naghahari, at anumang masasamang puwersa tulad ng mga huwad na lider o anticristo ay hindi maaaring magkaroon ng kapangyarihan sa sambahayan ng Diyos. Nadaig ba ni Zheng Yi sa huli ang pang-aapi ng mga puwersang ito ng kadiliman at naisumbong ang huwad na lider? Panoorin ang Paglantad sa Isang Huwad na Lider: Isang Personal na Pakikibaka para malaman.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger