Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 569

Nobyembre 17, 2020

Ang mga tao ay may lubhang napakababaw na pagkaunawa sa kanilang sariling kalikasan, at may napakalaking pagkakaiba sa pagitan nito at ng mga salita ng paghatol at pahayag ng Diyos. Hindi ito isang pagkakamali sa kung ano ang ibinubunyag ng Diyos, kundi ito ay ang kakulangan sa malalim na pagkaunawa ng mga tao tungkol sa sarili nilang likas na pagkatao. Ang mga tao ay walang pangunahin o malaking pagkaunawa sa kanilang mga sarili; sa halip, sila ay nakatuon at naglalaan ng kanilang lakas sa kanilang mga pagkilos at panlabas na mga pagpapahayag. Kahit may nagsabi ng isang bagay paminsan-minsan tungkol sa pagkaunawa sa kanyang sarili, hindi ito magiging napakalalim. Walang sinuman ang kailanma’y nag-isip na siya ay ganitong uri ng tao o may ganitong uri ng kalikasan sanhi ng pagkakagawa ng ganitong uri ng bagay o pagkakabunyag ng isang bagay. Naibunyag ng Diyos ang likas na pagkatao at diwa ng sangkatauhan, subali’t nauunawaan ng mga tao na ang kanilang paraan nang paggawa ng mga bagay-bagay at kanilang paraan ng pananalita ay may kapintasan at depektibo; samakatuwid, isang nakapapagod na gawain para sa mga tao na isagawa ang katotohanan. Iniisip ng mga tao na ang kanilang mga pagkakamali ay pansamantalang mga pagpapakita lamang na nabubunyag nang walang ingat sa halip na pagiging mga kapahayagan ng kanilang kalikasan. Ang mga taong ganito kung mag-isip ay hindi maaaring isagawa ang katotohanan, dahil hindi nila matanggap ang katotohanan bilang katotohanan at hindi sila nauuhaw sa katotohanan; samakatuwid, kapag isinasagawa ang katotohanan, sila ay basta sumusunod lamang sa mga tuntunin. Hindi itinuturing ng mga tao na lubhang tiwali ang kanilang sariling likas na pagkatao, at naniniwala na hindi naman sila ganoon kasama para puksain o parusahan. Iniisip nila na maliit na bagay lamang ang magsinungaling paminsan-minsan, at itinuturing nila ang kanilang sarili na mas mabuti kaysa rati; subali’t, sa katunayan, napakalayo nila sa pag-abot sa pamantayan, sapagka’t ang mga tao ay mayroon lamang ilang mga pagkilos na sa panlabas ay hindi lumalabag sa katotohanan, kapag hindi nila aktwal na isinasagawa ang katotohanan.

Ang mga pagbabago sa pag-uugali o kilos ng isang tao ay hindi nagpapahiwatig ng pagbabago sa kanilang kalikasan. Kaya nagkaganito ay dahil ang pag-uugali ng isang tao sa totoo lang ay hindi mababago ang kanilang orihinal na anyo, ni hindi nito mababago ang kanilang likas na pagkatao. Matapos lamang malaman ng tao ang sarili nilang likas na pagkatao, magiging malalim at isang naiiba kaysa sa pagsunod sa isang kalipunan ng tuntunin ang kanilang pagsasagawa. Ang kasalukuyang pagsasagawa ng katotohanan ng tao ay hindi pa rin umaabot sa pamantayan, at hindi lubos na makamtan ang lahat ng kinakailangan ng katotohanan. Isang bahagi lamang ng katotohanan ang isinasagawa ng mga tao, at kapag nasa ilang kalagayan at sitwasyon lamang sila; hindi nila maisagawa ang katotohanan sa lahat ng kalagayan at lahat ng sitwasyon. Kapag paminsan-minsan ang isang tao ay masaya at mabuti ang kanilang kalagayan, o kapag nakikibahagi sila sa grupo, at mas malaya ang kanilang pakiramdam kay rati, maaaring pansamantala nilang magawa ang ilang bagay na naaayon sa katotohanan; subalit kapag may kasama silang negatibong mga tao at yaong mga hindi naghahangad na matamo ang katotohanan, mas mababa ang kanilang isinasagawa, at medyo hindi angkop ang kanilang mga kilos. Ito ay dahil walang saloobin ng pagtitiyaga ang mga tao sa pagsasagawa ng katotohanan, kundi sa halip ay isinasagawa nila iyon sa paggabay ng panandaliang mga impluwensya ng emosyon o kalagayan. Dahil din ito sa hindi mo pa nauunawaan ang iyong kalagayan, ni hindi mo pa nauunawaan ang iyong likas na pagkatao, kaya, kung minsan, kaya mo pa ring gawin ang mga bagay na hindi mo maisip na magagawa mo mismo. Ilan lamang sa iyong mga kalagayan ang alam mo, ngunit, dahil hindi mo pa nauunawaan ang iyong likas na pagkatao, hindi mo mapigil ang maaari mong gawin sa hinaharap—ibig sabihin, hindi ka nakatitiyak talaga na maninindigan ka. May mga pagkakataon na nasa isang kalagayan ka at maisasagawa mo ang katotohanan, at tila nagpapakita ka ng ilang pagbabago, subalit, sa ibang kapaligiran, hindi mo kayang isagawa iyon. Hindi mo kayang pigilin iyon. Kung minsan ay naisasagawa mo ang katotohanan, at kung minsan ay hindi. Minsan, nauunawaan mo, at sa susunod, nalilito ka. Sa ngayon, wala kang ginagawang masama, ngunit marahil ay gagawa ka ng masama maya-maya. Pinatutunayan nito na umiiral pa rin sa loob mo ang mga tiwaling bagay, at, kung hindi mo kayang tunay na kilalanin ang iyong sarili, hindi magiging madaling lutasin ang mga ito. Kung hindi mo kayang magtamo ng masusing pagkaunawa tungkol sa sarili mong tiwaling disposisyon, at sa bandang huli ay kaya mong gumawa ng mga bagay na laban sa Diyos, nanganganib ka. Kung kaya mong magtamo ng matalinong kabatiran sa iyong likas na pagkatao at kamumuhian ito, magagawa mong pigilan ang iyong sarili, talikuran ang iyong sarili, at isagawa ang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger