Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 564

Nobyembre 17, 2020

Ang susi sa pagmumuni-muni-sa-sarili at pagkilala sa iyong sarili ay ito: Kapag mas nararamdaman mong nakagawa ka ng mabuti sa ilang tukoy na larangan o nagawa ang tama, at kapag mas naiisip mong nabibigyang-kasiyahan mo ang kalooban ng Diyos o kaya mong magmalaki sa ilang aspeto, mas karapat-dapat para sa iyo na kilalanin ang iyong sarili sa mga larangang iyon at mas karapat-dapat para sa iyo na saliksikin pang mabuti ang mga iyon para makita kung anong mga karumihan ang naroon sa iyo, at kung anong mga bagay sa iyo ang hindi makakapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Gawin nating halimbawa si Pablo. Si Pablo ay lubhang maalam na tao, at dumanas siya ng maraming paghihirap sa kanyang pangangaral. Siya ay minahal nang lubos ng maraming tao. Bilang resulta, pagkatapos niyang makumpleto ang maraming gawain, ipinagpalagay niya na magkakaroon ng nakalaan na korona para sa kanya. Dahil dito, lalo’t lalo niyang natahak ang maling landas, hanggang sa huli ay pinarusahan siya ng Diyos. Kung pinagnilayan at sinuri niya nang husto ang kanyang sarili noong panahong iyon, hindi niya sana naisip iyon. Sa madaling salita, hindi nagtuon si Pablo sa paghahanap ng katotohanan sa mga salita ng Panginoong Jesus; naniwala lamang siya sa mga sarili niyang pagkaunawa at haka-haka. Inakala niya na hangga’t gumagawa siya ng ilang mabubuting bagay at nagpapakita ng magandang asal, pupurihin siya at gagantimpalaan ng Diyos. Sa huli, binulag ng mga sarili niyang pagkaunawa at guni-guni ang kanyang espiritu at tinakpan ng mga ito ang tunay niyang mukha. Gayunpaman, hindi ito alam ng mga tao, at dahil hindi ito nailantad ng Diyos, patuloy nilang itinakda si Pablo bilang isang pamantayang dapat abutin, isang halimbawa sa pamumuhay, at itinuring nila siya na siyang hinahangad nilang maging katulad at bilang pakay ng kanilang pagsisikap, at bilang isang taong dapat tularan. Ang kuwentong ito tungkol kay Pablo ay nagsisilbing babala para sa lahat ng nananalig sa Diyos, na tuwing nadarama natin na may nagawa tayong talagang maganda, o naniniwala tayo na talagang may talento tayo sa isang bagay, o iniisip natin na hindi natin kailangang magbago o mapakitunguhan sa isang bagay, dapat nating sikaping magnilay at kilalanin ang ating sarili sa aspetong iyon; napakahalaga nito. Ito ay dahil talagang hindi mo pa natutuklasan, napapansin, o nasusuri ang mga aspeto ng iyong sarili na pinaniniwalaan mo na maging mabuti, upang tingnan kung talagang mayroon o walang anuman doon na kumakalaban sa Diyos. Halimbawa, may mga taong naniniwala na masyado silang mabait. Hindi nila kinamumuhian o sinasaktan ang iba kahit kailan, at lagi silang tumutulong sa isang kapatid na ang pamilya ay nangangailangan, baka hindi nalulutas ang kanilang problema; napakabuti ng kanilang kalooban, at ginagawa nila ang lahat ng kaya nila upang tulungan ang lahat ng kaya nilang tulungan. Ano ang resulta ng gayong pagkamatulungin? Kinalilimutan nila ang kanilang sariling pangangailangan, subalit lubhang nasisiyahan sila sa kanilang sarili, at lubos silang nasisiyahan sa nagawa nila. Bukod pa roon, ipinagmamalaki nila iyon nang husto, sa paniniwala na lahat ng nagawa nila ay tiyak na sapat upang palugurin ang kalooban ng Diyos, at na sila ay tunay na mga mananampalataya sa Diyos. Itinuturing nila ang kanilang likas na kabaitan bilang isang bagay na magagawang puhunan, at, kapag itinuring nila iyon nang gayon, hindi maiiwasan na ituring nila iyon bilang katotohanan. Ang totoo, puro kabutihan sa tao ang ginagawa nila. Ni hindi pa nila nahangad kahit kaunti ang katotohanan, at lahat ng kilos nila ay walang kabuluhan, sapagkat ginagawa nila ang mga iyon sa harap ng tao, at hindi sa harap ng Diyos, at lalong hindi sila nagsasagawa ayon sa mga kinakailangan ng Diyos at ng katotohanan. Wala sa mga bagay na ginagawa nila ang pagsasagawa ng katotohanan, at walang isa man ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, lalo nang hindi nila sinusunod ang Kanyang kalooban; sa halip, gumagamit sila ng kabaitan ng tao at mabuting pag-uugali upang tulungan ang iba. Bilang pagbubuod, hindi nila hinahangad ang kalooban ng Diyos sa kanilang ginagawa, ni hindi sila kumikilos alinsunod sa Kanyang mga kinakailangan. Samakatuwid, mula sa pananaw ng Diyos, ang mabuting pag-uugali ng tao ay kinokondena, at hindi nararapat sa Kanyang alaala.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger