"Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob: Kabanata 6" | Sipi 531

0 |Setyembre 16, 2020

Sa sandaling nababanggit si Pedro, nagpupuri ang lahat nang lubos, at kaagad nilang naalala ang lahat ng mga kuwento tungkol kay Pedro—kung paano niya ipinagkaila nang tatlong ulit na kilala niya ang Diyos at bukod pa rito, naglingkod siya kay Satanas, na nagsilbing pagsubok sa Diyos, ngunit sa katapusan, ipinako sa krus nang patiwarik alang-alang sa Kanya, at iba pa. Ngayon, bibigyan Ko ng kahalagahan ang pagsasalaysay sa inyo kung paano Ako nakilala ni Pedro, gayun din ang kinalabasan niya sa katapusan. Napakahusay ng kakayahan ni Pedro, ngunit iba ang kanyang mga kalagayan kaysa kay Pablo. Inusig Ako ng kanyang mga magulang, kabilang sila sa mga demonyong pag-aari ni Satanas, at sa dahilang ito, walang sinuman ang makapagsabing naipasa nila ang paraang ito kay Pedro. Matalas ang pag-iisip ni Pedro, pinagkalooban siya ng katutubong karunungan, kinahumalingan ng kanyang mga magulang mula pagkabata; ngunit nang lumaki na, siya’y naging kaaway nila, dahil lagi niyang hinahangad na makilala Ako, at ito ang nagbunsod sa kanya para talikuran ang kanyang mga magulang. Ang dahilan una sa lahat, naniniwala siya na ang langit at ang lupa at lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat, at nagmula sa Diyos ang lahat ng mga positibong bagay at direktang nagmula sa Kanya, na hindi dumaan sa anumang pamamaraan ni Satanas. Dahil sa salungat na halimbawa ng kanyang mga magulang na nagsilbing pagkakaiba, naging daan ito para maging handa siya na kilalanin ang Aking pag-ibig at kaawaan, na lalong nagpa-alab sa kanya nang higit na matinding damdamin na hanapin Ako. Masigasig niyang binigyang-pansin hindi lamang ang pagkain at pag-inom ng Aking mga salita, kundi mas higit pa sa pag-unawa sa Aking mga layunin, at siya’y palagiang mahinahon at maingat sa kanyang pag-iisip, upang palaging matalas sa karunungan ang kanyang espiritu, at kaya nagawang malugod Ako sa lahat ng kanyang ginawa. Sa ordinaryong buhay, binigyang pansin niya na maisama ang mga aral ng mga nabigo sa nakaraan upang udyukan ang kanyang sarili sa mas malaking pagpupunyagi, dahil sa pangambang maaari siyang mahulog sa mga bitag ng kabiguan. Binigyan din niya ng masusing atensyon na matutuhan ang pananampalataya at pagmamahal ng mga taong nagmahal sa Diyos sa lahat ng kapanahunan. Sa ganitong paraan, hindi lamang sa mga negatibong aspeto, kundi ang higit na mahalaga, sa mga positibong aspeto ay napabilis ang progreso ng kanyang paglago, hanggang sa siya ang taong nakakilala sa Akin nang lubusan sa Aking presensiya. Dahil dito, hindi na mahirap isipin kung paano niya naipagkakaloob sa Aking mga kamay ang lahat ng nasa kanya, hindi na bilang kanyang sariling panginoon maging sa pagkain, sa pananamit, sa pagtulog, o kung saan man siya nakatira, ngunit masaya niya Akong ginawa bilang batayan sa lahat ng mga bagay na tinatamasa niya ang Aking kasaganaan. Napakaraming beses na isinailalim Ko siya sa pagsubok, na halos ikamatay na niya, ngunit kahit sa kabila ng daan-daang pagsubok, hindi siya nawalan kailanman ng pananampalataya sa Akin, o nadismaya sa Akin. Kahit na nang sabihin Kong isinantabi Ko na siya, hindi nanlupaypay ang kanyang puso o nawalan ng pag-asa, kundi nagpatuloy siya tulad nang dati na maisakatuparan ang kanyang mga prinsipyo upang maipadama ang kanyang pagmamahal sa Akin. Nang sabihin Ko sa kanya na, kahit inibig niya Ako, hindi Ko siya pinuri sa halip itatapon Ko siya sa mga kamay ni Satanas sa katapusan. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, na hindi umabot sa kanyang laman kundi mga pagsubok sa pamamagitan ng mga salita, nanalangin pa rin siya sa Akin: Diyos ko! Sa lahat ng nasa langit at sa lupa, at sa hindi mabilang na mga bagay, mayroon bang isang tao, o isang nilalang, o anumang bagay na hindi Mo hawak sa Iyong mga kamay, ang Makapangyarihan sa lahat? Nang naisin Mong magpakita sa akin ng kaawaan, labis na nagalak ang aking puso sa ipinadama Mong awa; nang naisin Mong magsagawa ng paghatol sa akin, bagaman maaaring hindi ako karapat-dapat, lalo kong naramdaman ang lalim ng hiwaga ng Iyong mga gawa, dahil punong-puno Ka ng awtoridad at karunungan. Bagaman maaaring mahirapan ang aking laman, naaaliw naman ako sa aking espiritu. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong karunungan at ang Iyong mga gawa? Kahit na ako’y mamatay pagkatapos na makilala Kita, lagi akong nakahanda at pumapayag. O, Makapangyarihan sa lahat! Tiyak na hindi Mo totoong nais na hindi kita makita? Tiyak na hindi totoong di-karapat-dapat akong tumanggap ng Iyong hatol? Maaari kayang may isang bagay sa akin na ayaw Mong makita? Sa gitna ng mga ganitong uri ng pagsubok, bagaman hindi maunawaan nang husto ni Pedro ang Aking mga layunin, malinaw na itinuring niya itong isang kapurihan at karangalan sa kanyang sarili na Aking magamit (kahit na tanggapin lamang ang Aking paghatol upang makita ng sangkatauhan ang Aking kamahalan at poot), at hinding-hindi nalumbay dahil sa sumailalim sa pagsubok. Dahil sa kanyang katapatan sa Aking presensiya, at dahil sa pagpapala Ko sa kanya, siya ay naging isang huwaran at isang uliran sa sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon. Hindi ba ito ang wastong halimbawang dapat ninyong sundin? Sa pagkakataong ito, mag-isip kayong mabuti at subukang alamin kung bakit Ako naglahad ng mahabang kasaysayan ni Pedro. Magsilbi sana sa inyo itong isang alituntunin ng pag-uugali.

Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

Ipakita ang iba pa
Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Leave a Reply

I-share

Kanselahin