Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos   980  

Panimula

Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo" (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang tayong kaalam-alam, ang hamak na taong ito ay pinangunahan tayo sa hakbang-hakbang na pagpunta sa gawain ng Diyos. Nagdadaan tayo sa hindi mabilang na mga pagsubok, sumailalim sa napakaraming pagpaparusa, at sinubok ng kamatayan. Natutunan natin ang matuwid at makahari na disposisyon ng Diyos, matamasa, din, ang Kanyang pag-ibig at awa, pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at talino ng Diyos, masaksihan ang kagandahan ng Diyos, at mapagmasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao.... Ang Kanyang mga salita ay nagdudulot ng kaginhawahan, gayun pa man ay iniiwan din tayong nililigalig sa pagkakasala at ang pakiramdam ng may pagkakautang; Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay ng kagalakan at kapayapaan, subalit ito’y nagbibigay din ng matinding kirot. Minsan tayo ay parang mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; minsan tayo ay Kanyang kinagigiliwan, at ating masayang tinatamasa ang Kanyang pagmamahal at pagsinta; minsan tayo ay parang Kanyang mga kaaway, naging abo dahil sa Kanyang galit sa Kanyang mga mata. Tayo ang sangkatauhan na Kanyang iniligtas, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na Kanyang iniisip na hahanapin umaga man o gabi....Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon....Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay!"


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.


Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga aktor na lumilitaw sa produksyong ito ay gumaganap sa isang hindi pangkalakal na basehan, at hindi binayaran sa anumang paraan. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.