Tagalog Christian Song | "Paano Maging Panatag Sa Harap ng Diyos"

Agosto 26, 2020

Lumayo muna sa mga tao't bagay

para sa inyong espirituwal na debosyon,

kung saan makakamit

ng puso ang kapayapaan

at maging panatag sa harap ng Diyos.

Gumawa ng tala ng iyong pagkakaintindi

sa salita ng Diyos,

kung paano ka Niya naantig,

'di alintana kung malalim o mababaw,

subukang maging panatag

sa Kanyang harapan.

Magbigay ng ilang oras araw-araw

para sa tunay na buhay espirituwal;

madaramang buhay mo'y pinagyaman

at puso mo'y magiging maaliwalas

at maningning.

Lalo mong ibibigay

ang puso mo sa Diyos,

espiritu mo'y lalakas,

bubuti ang 'yong kundisyon.

Lalakaran mo ang landas

ng Banal na Espiritu,

kaloob ng Diyos

ang maraming pagpapala.

Di man makamit

ang pinakamabuting kinalabasan

sa landas mo sa simula,

ngunit huwag kang

maging mahina o umurong.

Magsikap ka lang nang husto.

Upang maging panatag

ang 'yong puso sa harap ng Diyos,

sadyaing makipagtulungan,

makipagtulungan!

Habang isinasabuhay mo

ang buhay mong espirituwal,

puso'y mas napupuno

ng salita ng Diyos,

laging nababahala sa mga usaping ito

at laging tinitiis ang pasaning ito.

Kausapin mo ang Diyos

mula sa 'yong puso

sa pamamagitan ng buhay espirituwal.

Sabihin sa Kanya'ng 'yong iniisip

at gusto mong gawin,

iyong pagkaunawa't

pananaw sa Kanyang salita.

Huwag ipagkait sa Kanya

ang anumang bagay,

sabihin sa Kanya

ang nilalaman ng 'yong puso,

aminin ang tunay mong nararamdaman,

malaya mong sabihin

ang laman ng 'yong puso.

Lalong gawin 'to't madarama'ng

pagiging kaibig-ibig Niya,

puso'y mas magiging malapit sa Diyos.

Mararamdaman mo na ang Diyos

ang pinakamamahal mo,

hindi mo Siya iiwan,

anuman ang mangyari.

Gan'to ang isagawa mo araw-araw,

huwag mong alisin sa'yong isipan,

ituring 'to bilang

iyong misyon sa buhay,

at mapupuno ang 'yong puso

ng salita ng Diyos.

Para bang puso'y

kay tagal nang may pag-ibig.

Walang sinuman

ang makakaagaw nito sa'yo.

Ang Diyos ay tunay na tatahan sa'yo

at magkakaroon ng lugar

sa loob ng iyong puso.

Upang maging panatag

ang 'yong puso sa harap ng Diyos,

sadyaing makipagtulungan!

Upang maging panatag

ang 'yong puso sa harap ng Diyos,

sadyaing makipagtulungan,

makipagtulungan!

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger