Ang Paghatol ng Diyos ay Pag ibig

Enero 10, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Paghatol ng Diyos ay Pag-ibig"

I

Anong pagpapatotoo ang gagawin ng tao sa huli?

Sila ay sumasaksi na ang Diyos ay matuwid,

Siya ay poot, pagkastigo at paghatol.

Ang tao ay nagpapatotoo sa katuwiran ng Diyos.

Ang Diyos ay gumagamit ng paghatol

para gawing perpekto ang tao.

Kanya nang minamahal at inililigtas ang tao.

Ngunit gaano karami ang nakapaloob sa Kanyang pag-ibig?

Paghatol, kadakilaan, mga sumpa at poot.

Isinusumpa ka Niya, upang mahalin mo Siya,

at malaman ang diwa ng laman.

Kinakastigo ka N'ya upang magising ka

at malaman mong hindi ka karapat-dapat.

Kaya ang paghatol, kadakilaan at sumpa ng Diyos,

ang katuwiran na ipinapakita N'ya sa inyo,

ang lahat ng ginagawa Niya ay para gawin kayong perpekto.

Ito ang pag-ibig ng Diyos na matatagpuan sa inyo.

II

Bagama't isinumpa ng Diyos ang tao sa nakalipas,

hindi sila itinapon sa walang hanggang hukay,

o kaya'y pinatay, ang kanilang pananampalataya ay napadalisay.

Ang layunin ng Diyos ay gawin silang perpekto.

Ang diwa ng laman ay si Satanas.

Nang sabihin ito ng Diyos, Siya ay tunay ngang tama.

At gayunma'y ang mga gawain na isinagawa ng Diyos

hindi naisagawa ayon sa sinabi ng Kanyang mga salita.

Isinusumpa ka Niya, upang mahalin mo Siya,

at malaman ang diwa ng laman.

Kinakastigo ka N'ya upang magising ka

at malaman mong hindi ka karapat-dapat.

Kaya ang paghatol, kadakilaan at sumpa ng Diyos,

ang katuwiran na ipinapakita Niya sa inyo,

ang lahat ng ginagawa Niya ay para gawin kayong perpekto.

Ito ang pag-ibig ng Diyos na matatagpuan sa inyo.

Kaya ang paghatol, kamahalan at pagsumpa ng Diyos,

ang katuwiran na ipinapakita Niya sa inyo,

ang lahat ng ginagawa N'ya ay para gawin kayong perpekto.

Ito ang pag-ibig ng Diyos na natagpuan sa inyo.

Ito ang pag-ibig ng Diyos na natagpuan sa inyo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger