Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Ang Awtoridad ng Diyos I (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos   783  

Panimula

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Ang Awtoridad ng Diyos I (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)

Bagama’t Tiwali na ang Sangkatauhan, Nabubuhay pa rin Siya sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Awtoridad ng Maylalang

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kahit na nagdala ng paghihirap sa sangkatauhan si Satanas, at hindi na gaya kina Adan at Eba mula sa simula ng paglikha, sa halip ay ang katauhan na puno ng mga bagay na kalaban ng Diyos, tulad ng kaalaman, imahinasyon, paniniwala, at iba pa, at puno ng mga tiwaling disposisyon ni Satanas, sa mga mata ng Diyos, parehong sangkatauhan pa rin ang sangkatauhan na Kanyang nilikha. Pinaghaharian at inaayos pa rin ng Diyos ang sangkatauhan, at namumuhay pa rin sa loob ng landas na itinakda ng Diyos, at kaya sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, ay nababalot lamang ng dumi, na may kumakalam na sikmura, na may kaunting kabagalan ang reaksiyon, na may alaalang hindi na kasingganda ng dati, at medyo may katandaan na—ngunit lubos na walang sira ang lahat ng mga gamit at likas na pag-uugali ng tao. Ito ang sangkatauhan na inilaan Niyang iligtas. Kailangan lamang pakinggan ng sangkatauhan ang tawag ng Maylalang, at pakinggan ang tinig ng Maylalang, at tatayo siya at magmamadaling hanapin ang pinagmulan ng tinig na ito. Kailangan lang makita ng sangkatauhan ang anyo ng Maylalang at siya’y mawawalan ng pakialam sa lahat ng iba pa, at tatalikuran ang lahat ng bagay, para ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, at ibubuwis pa ang buhay para sa Kanya. Kapag naintindihan ng puso ng sangkatauhan ang taos-pusong mga salita ng Maylalang, itatakwil ng sangkatauhan si Satanas at babalik sa tabi ng Maylalang; kapag tuluyang hinugasan ng sangkatauhan ang dumi mula sa kanyang katawan, at muling matanggap ang mga biyaya at pagpapakain ng Maylalang, saka manunumbalik ang alaala ng sangkatauhan, at sa panahong ito ang sangkatauhan ay tunay nang makabalik sa dominyon ng Maylalang."


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.


Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.


Ang ilang materyal sa video na ito ay galing sa:

www.stockfootage.com