4. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng buhay at ano ang ibig sabihin ng kawalan ng buhay

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kapag nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, at namumuhay silang kasama ito bilang kanilang buhay, anong buhay ang tinutukoy dito? Tumutukoy ito sa kakayahan nilang ibatay sa salita ng Diyos kung paano sila mamumuhay; nangangahulugan ito na mayroon silang tunay na kaalaman sa mga salita ng Diyos at isang tunay na pagkaunawa sa katotohanan. Kapag taglay ng mga tao sa loob nila ang bagong buhay na ito, ang paraan ng kanilang pamumuhay ay naitatayo sa isang pundasyon ng katotohanang salita ng Diyos, at namumuhay sila sa loob na dako ng katotohanan. Tungkol lahat sa pagkilala at pagdanas ng katotohanan ang buhay ng mga tao, at ito bilang pundasyon, nang hindi humihigit sa saklaw na iyon; ito ang buhay na tinutukoy kapag nagsasalita tungkol sa pagkakaroon ng katotohanang buhay. Para mamuhay ka na kasama ang katotohanan bilang buhay mo, hindi ito ang pangyayari na ang buhay ng katotohanan ay nasa loob mo, o hindi ito pangyayari na ikaw ay nagtataglay ng katotohanan bilang buhay mo, nagiging katotohanan ka, at ang iyong panloob na buhay ay nagiging buhay ng katotohanan; higit na kaunti pa rin ang masasabi na ikaw ay katotohanang buhay. Sa huli, ang iyong buhay ay buhay pa rin ng isang tao. Nangyari lamang na ang isang tao ay maaaring mamuhay sa mga salita ng Diyos, magtaglay ng kaalaman sa katotohanan, at maunawaan ito sa isang malalimang antas; ang pag-unawang ito ay hindi maaaring alisin sa iyo. Ganap mong nararanasan at nauunawaan ang mga bagay na ito, nararamdaman na napakahusay at napakahalaga ng mga ito, at natututuhan mong tanggapin ang mga ito bilang batayan ng iyong buhay; higit pa rito, namumuhay kang umaasa sa mga bagay na ito, at walang sinumang makapagbabago niyan: Ito, kung gayon, ang iyong buhay. Ibig sabihin, ang buhay mo ay naglalaman lamang ng mga bagay na ito—pag-unawa, karanasan, kabatiran sa katotohanan—at anuman ang gawin mo, ibabatay mo sa mga ito kung paano ka mamumuhay, at hindi ka lalampas sa saklaw na ito o lalampas sa mga hangganan nito; ito mismo ang uri ng buhay na tataglayin mo. Ang pangunahing layunin ng gawain ng Diyos ay upang magkaroon ng ganitong uri ng buhay ang mga tao.

Hinango mula sa “Alam Mo Ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang suportahan ang mga salita ng Diyos at magawang ipaliwanag ang mga ito nang hindi nahihiya ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang realidad; ang mga bagay ay hindi kasing-simple ng iyong iniisip. Kung nagtataglay ka ng realidad ay hindi nababatay sa kung ano ang iyong sinasabi; sa halip, nababatay ito sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, saka lamang masasabi na taglay mo ang realidad, at saka ka lamang maituturing na nagkamit ng tunay na pagkaunawa at totoong tayog. Kailangan mong matagalan ang pagsusuri sa loob ng mahabang panahon, at kailangan mong maisabuhay ang wangis na kinakailangan ng Diyos. Hindi ito dapat maging pakitang-tao lamang; kailangan itong likas na dumaloy mula sa iyo. Saka ka lamang tunay na magtataglay ng realidad, at saka ka lamang magkakamit ng buhay. Hayaan mong gumamit Ako ng halimbawa ng pagsubok sa mga tagasilbi na pamilyar sa lahat: Maaaring ialok ng sinuman ang pinakamatatayog na teorya tungkol sa mga tagasilbi, at lahat ay may maayos na pagkaunawa tungkol sa paksa; pinag-uusapan nila iyon at bawat pananalita ay mas magaling kaysa sa huli, na para bang isang paligsahan iyon. Gayunman, kung hindi pa sumailalim ang tao sa isang malaking pagsubok, napakahirap sabihin na may maibabahagi siyang magandang patotoo. Sa madaling salita, kulang na kulang pa rin ang pagsasabuhay ng tao, lubos na salungat sa kanyang pagkaunawa. Kung gayon, kailangan pa itong maging totoong tayog ng tao, at hindi pa ito buhay ng tao. Dahil hindi pa nadadala sa realidad ang pagkaunawa ng tao, para pa ring kastilyong itinayo sa buhangin ang kanyang tayog, na umuuga at nasa bingit ng pagguho. Lubhang kakaunti ang taglay na realidad ng tao; halos imposibleng makahanap ng anumang realidad sa tao. Lubhang kakaunti ang realidad na likas na dumadaloy mula sa tao, at lahat ng realidad na isinasabuhay nila ay sapilitan. Iyan ang dahilan kaya Ko sinasabi na walang taglay na realidad ang tao. Bagama’t sinasabi ng mga tao na hindi nagbabago ang kanilang pagmamahal sa Diyos kailanman, ito lamang ang sinasabi nila bago sila naharap sa anumang mga pagsubok. Balang araw, kapag bigla silang naharap sa mga pagsubok, muling hindi aayon sa realidad ang mga bagay na sinasabi nila, at minsan pa itong magpapatunay na walang taglay na realidad ang tao. Masasabi na tuwing nahaharap ka sa mga bagay na hindi akma sa iyong mga kuru-kuro at na kinakailangang isantabi mo ang iyong sarili, ang mga bagay na iyon ang mga pagsubok sa iyo. Bago mahayag ang kalooban ng Diyos, lahat ay nagdaraan sa isang mahigpit na pagsusuri at napakalaking pagsubok. Naaarok mo ba ito? Kapag gusto ng Diyos na subukin ang mga tao, palagi Niya silang hinahayaang pumili bago ibunyag ang aktwal na katotohanan. Ibig sabihin, kapag isinasailalim ng Diyos ang tao sa mga pagsubok, hindi Niya kailanman sasabihin sa iyo ang katotohanan; sa ganyang paraan inilalantad ang mga tao. Isang paraan ito ng pagsasagawa ng Diyos ng Kanyang gawain, upang makita kung kilala mo ang Diyos ngayon, at kung nagtataglay ka ng anumang realidad.

Hinango mula sa “Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan ang Pagtataglay ng Realidad” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nararanasan ng tao ang gawain ng Diyos, nakikilala ang kanyang sarili, inaalis ang kanyang tiwaling disposisyon, at hinahangad na lumago sa buhay, lahat alang-alang sa pagkilala sa Diyos. Kung hinahangad mo lamang na makilala ang iyong sarili at harapin ang iyong sariling tiwaling disposisyon, ngunit wala kang kaalaman tungkol sa gawaing ginagawa ng Diyos sa tao, kung gaano kadakila ang Kanyang pagliligtas, o kung paano mo nararanasan ang gawain ng Diyos at nasasaksihan ang Kanyang mga gawa, kalokohan ang karanasan mong ito. Kung sa palagay mo ay lumago na ang buhay ng isang tao dahil lamang sa nakakaya niyang isagawa ang katotohanan at magtiis, ibig sabihin ay hindi mo pa rin nauunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay o ang layunin ng Diyos sa pagpeperpekto sa tao. Balang araw, kapag ikaw ay nasa mga relihiyosong iglesia, kasama ng mga kasapi ng Iglesia ng Pagsisisi o ng Iglesia ng Buhay, marami kang matatagpuang relihiyosong mga tao, na ang mga panalangin ay naglalaman ng “mga pangitain” at naaantig, sa patuloy na pagsisikap nila sa buhay, at ginagabayan ng mga salita. Bukod pa rito, nagagawa nilang magtiis at talikuran ang kanilang sarili sa maraming bagay, at hindi patatangay sa laman. Sa oras na iyon, hindi mo masasabi ang pagkakaiba: Maniniwala ka na lahat ng kanilang ginagawa ay tama, na iyon ang likas na pagpapahayag ng buhay, at na kahabag-habag na ang pangalang kanilang pinaniniwalaan ay mali. Hindi ba kahangalan ang gayong mga pananaw? Bakit sinasabi na maraming tao ang walang buhay? Dahil hindi nila kilala ang Diyos, at sa gayon ay sinasabi na wala silang Diyos sa kanilang puso, at walang buhay. Kung umabot na ang iyong paniniwala sa Diyos sa punto kung saan kaya mong lubusang malaman ang mga gawa ng Diyos, ang realidad ng Diyos, at ang bawat yugto ng gawain ng Diyos, taglay mo ang katotohanan.

Hinango mula sa “Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Anong mga pagpapakita ang ipinamamalas ng mga taong walang katotohanang buhay? Kung wala ang katotohanan, natural silang sasailalim sa mga hadlang at gapos ng kanilang satanikong kalikasan; natural silang maghahayag ng isang disposisyon ng kayabangan at kahambugan, makasarili at kasuklam-suklam, padalus-dalos at matigas ang ulo, at malamang na magpasiya at kumilos nang mag-isa. Ang gayong mga tao ay magsisinungaling at mandaraya, magiging mapanlinlang at taksil, at magiging madaling maghinala sa iba, at aatakihin at huhusgahan ang iba; palagi nilang susuriin ang iba ayon sa sarili nilang mga pagtatangi at motibo. Ang gayong mga tao ay laging aasa sa sarili nilang mga kagustuhan kapwa sa salita at sa gawa, at kapag humaharap sa mga problema o kabiguan, magiging negatibo sila. Kung minsan ay magiging napakayabang nila, at kung minsan ay magiging napakanegatibo nila na halos naghuhukay sila ng butas sa lupa. Ang mga taong ito ay mapagmalabis, at hindi kailanman normal. Kapag hindi sila nagpapakita ng kabangisan, nagsusumamo ang kanilang mga mata na parang tuta. Ito ang uri ng kalagayang kinaroroonan ninyo sa kasalukuyan: Handa kayong magdusa at magsakripisyo; matibay ang inyong pagpapasiya at determinasyon—ngunit hindi pa ninyo taglay ang katotohanang realidad. Paano ipinapahayag ng mga taong nagtataglay ng katotohanang realidad ang kanilang sarili upang magsilbi bilang kanilang buhay? Sasabihin ko sa inyo ang ilang pangunahing pahiwatig. Kapag taglay ng mga tao ang katotohanang realidad, sa isang banda, nauunawaan nila ang ilan sa katotohanan; at sa kabilang banda, nagsimula na silang magpakita ng ilang pagbabago sa disposisyon. Ang mga pagbabago sa disposisyon ay may isang katangian, na magawang magpasakop sa kung ano ang tama at naaayon sa katotohanan. Sinuman ang nagbibigay sa iyo ng mga mungkahi—bata man sila o matanda, nagkakasundo man kayo, at mabuti man o masama ang relasyon sa pagitan ninyo—basta’t may sinasabi silang tama at naaayon sa katotohanan, at kapaki-pakinabang din sa gawain ng bahay ng Diyos, maaari mong pakinggan, sang-ayunan, at tanggapin ito, at hindi ka maapektuhan ng iba pang mga kadahilanan. Ito ang unang aspeto ng katangiang iyon. Una sa lahat, maaari mong tanggapin ang katotohanan, gayundin ang mga bagay na tama at naaayon sa katotohanan. Ang isa pang aspeto ay nagagawa mong hanapin ang katotohanan tuwing may nakakaharap kang problema. Kailangan ay hindi mo lamang magawang tanggapin ang katotohanan; kailangang magawa mo ring hanapin ito. Halimbawa, kung makaharap mo ang isang bagong problemang walang sinumang makaarok, maaari mong hanapin ang katotohanan at tingnan kung ano ang dapat mong gawin o isagawa upang iayon ang bagay na iyon sa mga katotohanang prinsipyo at tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos. Bukod dito, ang isa pang aspeto ay ang pagtatamo ng kakayahang maging mapagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Paano ka dapat maging mapagsaalang-alang sa kalooban Niya? Ito ay nakasalalay sa kung anong tungkulin ang iyong ginagampanan at kung ano ang mga kinakailangan Niya rito. Kailangan mong unawain ang prinsipyong ito: Isakatuparan ang iyong tungkulin ayon sa mga kinakailangan ng Diyos, at gampanan ito para sa Kanyang kaluguran. Kailangan mo ring unawain ang kalooban ng Diyos, at kung ano ang hinahangad na resulta ng iyong tungkulin, at kailangan mong magawang kumilos nang may pananagutan at katapatan. Lahat ng ito ay mga paraan ng pagkakaroon ng konsiderasyon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi mo alam kung paano maging mapagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos sa bagay na iyong kasalukuyang ginagawa, sa gayon dapat maghanap ka para maisakatuparan iyan, at Siya’y mabigyang-kasiyahan. Kung maisasagawa ninyo ang tatlong prinsipyong ito, masusukat kung gaano mo talagang ipinamumuhay ang mga ito, at makasusumpong ng isang paraan ng pagsasagawa, mapapamahalaan ninyo ang mga bagay-bagay sa maprinsipyong paraan. Hindi alintana anuman ang maaaring makaharap ninyo at kahit ano pang mga problema ang maranasan ninyo, dapat ninyong hanapin palagi ang mga tamang prinsipyo ng pagsasagawa, anong mga detalye ang kasama sa bawat isa, at paano dapat isagawa ang mga ito para hindi ninyo malalabag ang mga prinsipyo. Kapag may malinaw na kayong kaunawaan sa mga bagay na ito, likas ninyong maisasagawa ang katotohanan.

Hinango mula sa “Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Naiwawaksi Mo ang Mga Tali ng Isang Tiwaling Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kapag naging buhay mo na ang katotohanan, kung may sinumang lalapastangan sa Diyos, walang paggalang sa Diyos, padalos-dalos sa kanilang tungkulin, nagdudulot ng mga pagkaantala o ginagambala ang gawain ng tahanan ng Diyos, at kapag nakita mong nangyayari ito, magagawa mong mawari at mailantad ito kung kinakailangan, at dinudulog ito nang ayon sa katotohanang prinsipyo. Kung hindi mo naging buhay ang katotohanan, at nabubuhay ka pa rin sa loob ng iyong malademonyong disposisyon, kapag nakatagpo ka ng masasamang tao at mga demonyong nagdudulot ng mga pagkaantala o paggambala sa gawain ng tahanan ng Diyos, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ka; isasantabi mo sila, nang walang paninisi mula sa iyong budhi. Iisipin mo pa nga na ang sinumang nagdudulot ng mga kaguluhan sa gawain ng tahanan ng Diyos ay walang kinalaman sa iyo. Gaano man kalaki ang nawala sa gawain ng Diyos at sa mga interes ng Kanyang sambahayan, wala kang madaramang paninisi mula sa iyong konsiyensya, na nangangahulugan na magiging isa kang tao na nabubuhay ayon sa kanilang malademonyong disposisyon. Kinokontrol ka ni Satanas at hinihikayat kang mamuhay nang hindi bilang tao ni demonyo. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom mo ang sa Diyos, at tinatamasa mo ang lahat ng nagmumula sa Kanya, subalit, kapag dumaranas ng anumang kawalan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, iniisip mo na walang kinalaman iyon sa iyo, at, kapag nakita mong nangyayari ito, nagagawa mo pang “ibaluktot ang siko mo palabas,”[a] at hindi ka pumapanig sa Diyos, ni hindi mo pinaninindigan ang gawain ng Diyos o mga interes ng sambahayan ng Diyos. Nangangahulugan ito na may kapangyarihan si Satanas sa iyo, hindi ba? Namumuhay ba ang gayong mga tao bilang mga tao? Malinaw na sila ay mga demonyo, hindi mga tao! Gayunman, kapag ang katotohanan ay naghahari sa iyong puso at naging buhay mo na, pagkatapos, kapag nakakita ka ng isang bagay na pasibo, negatibo, o masama na bumabangon, ang reaksiyon sa iyong puso ay ganap na naiiba. Una, nakararamdam ka ng pagsisisi at pagkabalisa, na kaagad susundan ng ganitong pakiramdam: “Hindi maaaring manatili na lamang akong walang ginagawa at magbulag-bulagan. Dapat akong manindigan at magsalita, dapat akong manindigan at tanggapin ang pananagutan.” Sa gayon ay maaari kang manindigan at pahintuin ang masasamang gawaing ito, inilalantad ang mga ito, pinagsisikapang ingatan ang mga interes ng tahanan ng Diyos at maiwasang magambala ang gawain ng Diyos. Hindi ka lamang magkakaroon ng ganitong tapang at pagpapasya, at magagawa mong maunawaan nang lubusan ang pangyayari, kundi matutupad mo rin ang pananagutan na dapat mong pasanin para sa gawain ng Diyos at para sa mga kapakinabangan ng Kanyang tahanan, at ang iyong tungkulin ay matutupad. Paano ito matutupad? Matutupad ito sa pamamagitan ng pagbubuhos ng katotohanan ng bisa nito sa iyo at pagiging buhay mo. Sa ganitong paraan, sa sandaling matupad ang iyong tungkulin, hindi mo itatanong kung mapagkakalooban ka ba ng gantimpala ng Diyos, kung nakita ba Niya ang iyong mga ikinilos, o kung tinatanggap ba Niya ang mga ito. Sa halip, maniniwala ka na lamang na ito ay pananagutang dapat mong tinanggap. Sa gayon, hindi ka ba nagsasabuhay ng konsiyensya, katwiran, pagkatao, integridad, at dignidad? Ang iyong mga gawa at pag-uugali ang magiging “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan” na sinasabi Niya. Isinasagawa mo ang diwa ng mga salitang ito at isinasabuhay ang kanilang realidad. Kapag naging buhay ng tao ang katotohanan, nagagawa nilang isabuhay ang realidad na ito. Ngunit kung hindi ka pa nakapapasok sa realidad na ito, sa gayon, kapag nagpapamalas ka ng panlilinlang, pandaraya, o pagbabalatkayo, o kapag nakakakita ka ng masasamang taong kumikilos o masasamang puwersa na nanggugulo at gumagambala sa gawain ng Diyos, wala kang nararamdamang anuman at walang nahihiwatigan. Kahit pa nangyayari nang harapan ang mga bagay na ito, nagagawa mo pa ring humalakhak, at nakakakain at nakatutulog ka pa rin nang may maalwang konsiyensiya, at hindi ka nakararamdam ng bahagya mang paninisi sa sarili. Sa dalawang buhay na itong maaari ninyong isabuhay, alin ang pinipili ninyo? Aling buhay ang may tunay na pagkakahawig sa tao, kung saan isinasabuhay mo ang realidad ng mga positibong bagay, at aling buhay ang masama, mala-demonyo? Maliwanag ang sagot. Kapag ang katotohanan ay hindi naging realidad o mga buhay ng tao, ang kanilang isinasabuhay ay nagiging lubos na kaawa-awa at malungkot, at hindi sila ang may hawak ng sarili nilang buhay. Sapagkat ang katotohanan ay hindi naging buhay sa loob nila, hindi nila masupil ang kanilang ginagawa, at bagama’t maaari silang makaramdam ng kaunting lungkot tungkol dito, mabilis na lumilipas ang pakiramdam at hindi sila nakararamdam ng anumang pagsisisi. Ganyan kalaki ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang uri ng buhay na ito.

Hinango mula sa “Yaon Lamang mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kung ang isang tao ay kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos habang tinutupad ang kanyang tungkulin, may prinsipyo sa mga salita at kilos niya, at kayang pumasok sa katotohanang realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, siya ay isang taong gagawing perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na naging mabisa para sa gayong mga tao, na ang mga salita ng Diyos ay naging mga buhay nila, na nakamit na nila ang katotohanan, at na nagagawa nilang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, ang kalikasan ng kanilang laman—iyon ay, ang pinakasaligan ng kanilang orihinal na pag-iral—ay mayayanig at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, magiging mga bagong tao sila. Kung ang mga salita ng Diyos ay maging buhay nila, kung ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa sangkatauhan, ang Kanyang mga pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na hinihingi ng Diyos na magawa nila ay maging buhay nila, kung nabubuhay sila alinsunod sa mga salita at katotohanang ito, sila ay pineperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Muling isinisilang ang gayong mga tao, at naging mga bagong tao na sila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ito ang landas kung paano naghabol si Pedro sa katotohanan; ito ay ang landas ng pagiging ginagawang perpekto, ginagawang perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at nagkakamit ng buhay mula sa mga salita ng Diyos. Ang katotohanan na ipinahayag ng Diyos ay naging kanyang buhay, at sa gayon lamang siya naging isang tao na nakamit ang katotohanan.

Hinango mula sa “Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kung may tunay na pagkaunawa ang mga tao sa disposisyon ng Diyos, at nakapagbibigay ng taos-pusong papuri sa Kanyang kabanalan at katuwiran, nangangahulugan ito na tunay nga silang kumikilala sa Kanya at nagtataglay ng katotohanan; saka lamang sila mabubuhay sa liwanag. Kapag nagbago na ang pananaw ng isang tao sa mundo at sa buhay, saka lamang siya magkakaroon ng malaking pagbabago. Kapag ang isang tao ay may layunin sa buhay at kumikilos ayon sa katotohanan, kapag ganap siyang nagpapasakop sa Diyos at nabubuhay ayon sa Kanyang mga salita, kapag panatag siya at natatanglawan hanggang sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, kapag walang kadiliman sa kanyang puso, at kapag siya ay nakapamumuhay nang lubos na malaya at hindi napipigilan sa presensya ng Diyos, saka lamang siya makapamumuhay ng isang tunay na buhay ng tao, at saka lamang siya magiging isang taong nagtataglay ng katotohanan. Bukod pa rito, ang lahat ng katotohanang taglay mo ay mula sa mga salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Ang Naghahari sa buong sansinukob at sa lahat ng bagay—ang Kataas-taasang Diyos—ay sinasang-ayunan ka bilang isang tunay na taong namumuhay ng tunay na buhay ng tao. May mas makabuluhan pa ba kaysa sa pagsang-ayon ng Diyos? Ito ang ibig sabihin ng pagtataglay ng katotohanan.

Hinango mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Madalas magsabi ang mga tao na hinahayaan nila na ang Diyos ang kanilang maging buhay, ngunit hindi pa umaabot sa puntong iyon ang kanilang karanasan. Sinasabi mo lamang na ang Diyos ang iyong buhay, na ginagabayan ka Niya araw-araw, na kinakain at iniinom mo ang Kanyang mga salita sa bawat araw, at nananalangin ka sa Kanya bawat araw, kaya’t Siya na ang naging buhay mo. May kababawan ang kabatiran ng mga nagsasabi nito. Walang pundasyon ang marami sa mga tao; naitanim na sa kanilang kalooban ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi pa sumisibol ang mga ito, lalong hindi pa namumunga. Ngayon, hanggang saan na ang iyong naranasan? Ngayon lang, matapos kang pilitin ng Diyos na makarating hanggang dito, nararamdaman mo bang hindi mo kayang iwan ang Diyos. Isang araw, kapag umabot na sa isang tiyak na punto ang iyong karanasan, kung paaalisin ka ng Diyos, hindi mo ito magagawa. Lagi mong mararamdaman na hindi mo kaya na wala ang Diyos sa iyong kalooban; makakaya mong walang asawa, o mga anak, walang pamilya, walang ina o ama, walang mga kasiyahan ng laman, ngunit hindi mo makakaya na wala ang Diyos. Ang pagiging walang Diyos ay magiging katulad ng pagkawala ng iyong buhay; hindi mo magagawang mabuhay nang walang Diyos. Kapag nakaranas ka na hanggang sa puntong ito, nakamit mo na ang inaasahang bisa ng iyong pananampalataya sa Diyos, at sa ganitong paraan, ang Diyos na ang magiging buhay mo, Siya na ang magiging pundasyon ng iyong pag-iral. Hindi mo na kailanman magagawa pang muling iwan ang Diyos. Kapag nakaranas ka na hanggang sa saklaw na ito, tunay na nasiyahan ka na sa pag-ibig ng Diyos, at kapag may sapat nang lapit ang iyong relasyon sa Diyos, Siya na ang iyong magiging buhay, ang iyong pag-ibig, at pagsapit ng panahong iyan, mananalangin ka sa Diyos at magsasabi: “O Diyos! Hindi Kita makakayang iwan. Ikaw ang aking buhay. Makakaya kong magpatuloy nang wala ang kahit ano pa man—ngunit kung wala Ka, hindi ko makakayang patuloy na mabuhay.” Ito ang tunay na tayog ng mga tao; ito ang tunay na buhay. Napilitan ang ilang tao na makarating hanggang sa layo ng narating nila ngayon: Kailangan nilang magpatuloy naisin man nila o hindi, at lagi nilang nararamdaman na naiipit sila sa pagitan ng mga napakahirap na kalagayan. Dapat mong maranasan na ang Diyos ay ang iyong buhay, na kung ilalayo ang Diyos sa iyong puso, matutulad ito sa pagkawala ng iyong buhay; dapat maging buhay mo ang Diyos, at wala ka dapat kakayahang iwan Siya. Sa ganitong paraan, totohanan mo nang mararanasan ang Diyos, at sa oras na ito, kapag minahal mo ang Diyos, tunay mong mamahalin ang Diyos, at ito ay magiging isang natatangi, dalisay na pagmamahal. Isang araw, kapag sa mga ganoong karanasan na nakaabot ang iyong buhay sa isang tiyak na punto, kapag nananalangin ka sa Diyos, at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, hindi mo magagawang alisin ang Diyos sa iyong kalooban, ni hindi mo magagawang kalimutan Siya kahit ibig mo. Naging buhay mo na ang Diyos; maaari mong kalimutan ang mundo, maaari mong kalimutan ang iyong asawa, o mga anak, ngunit magkakaroon ka ng suliranin sa paglimot sa Diyos—ang gawin iyon ay imposible, ito ay ang iyong tunay na buhay, at ang iyong tunay na pag-ibig sa Diyos. Kapag umabot na sa isang tiyak na punto ang pag-ibig ng mga tao sa Diyos, wala nang ibang makapapantay sa pagmamahal nila sa Diyos; nangunguna ang pagmamahal nila sa Diyos. Sa ganitong paraan, nagagawa mong isuko ang lahat ng iba pang bagay, at kusang tatanggapin ang lahat ng pakikitungo at pagtatabas mula sa Diyos. Kapag nakamit mo na ang pag-ibig sa Diyos na humihigit sa lahat, mamumuhay ka sa realidad at sa pag-ibig ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Ang “ibaluktot ang siko mo palabas” ay isang kawikaang Tsino, na ang ibig sabihin ay isang taong tumutulong sa iba kahit mapahamak ang mga taong malapit sa kanya, halimbawa’y mga magulang, anak, kamag-anak, o kapatid.

Sinundan: 3. Anong mga kondisyon ang dapat matupad ng mga taga-serbisyo upang maging mga tao ng Diyos

Sumunod: 5. Paano makilala ang trigo mula sa mapanirang damo

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito