Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Ang Ikalabintatlong Pagbigkas

Nakatago sa loob ng mga pagpapahayag ng Aking tinig ang isang bilang ng Aking mga layunin. Ngunit walang nalalaman at naiintindihan ang tao tungkol sa mga ito, at patuloy na tinatanggap ang Aking mga salita buhat sa labas at sinusunod ito mula sa labas, na walang kakayahang unawain ang Aking puso o alamin ang Aking kalooban mula sa Aking mga salita. Kahit na gawin Kong malinaw ang Aking mga salita, mayroon bang sinumang nakauunawa? Mula sa Sion, nagtungo Ako sa sangkatauhan. Dahil isinuot Ko ang pagkatao ng isang ordinaryong tao at dinamitan Ko ang Aking sarili ng balat ng isang tao, lumalapit lamang ang mga tao sa Akin, upang tingnan ang Aking panlabas na anyo, ngunit hindi nila nalalaman ang buhay na umiiral sa Aking kaloob-looban, o nakikilala man lamang ang Espiritu ng Diyos, at ang kilala lamang nila ay ang taong nasa laman. Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa pagsubok ninyong kilalanin Siya? Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa inyong ginagawang pagsisikap para subukin na “suriin” Siya? Kinasusuklaman Ko ang katiwalian ng buong sangkatauhan, ngunit nahahabag Ako sa kanilang kahinaan. Pinakikitunguhan Ko rin ang dating kalikasan ng buong sangkatauhan. Bilang isa sa Aking bayan sa China, hindi ba bahagi rin kayo ng sangkatauhan? Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo. Sa kadahilanang ito, ginamit Ko ang pinakamalaking bahagi ng lakas sa inyo, ang pinakadakilang bahagi ng pagsisikap. Hindi ninyo pa rin ba iniingatan ang pinagpalang buhay na ikinalulugod ninyo ngayon? Pinatitigas ninyo pa rin ba ang inyong puso upang maghimagsik laban sa Akin at sundin ang inyong sariling mga panukala? Kung hindi Ko pinanatili ang Aking awa at pagmamahal sa inyo, matagal nang bumagsak ang buong sangkatauhan bilang bihag ni Satanas at magiging “napakasarap na piraso” sa bibig nito. Sa araw na ito, sa gitna ng buong sangkatauhan, silang mga tunay na nag-alay ng kanilang mga sarili para sa Akin at buong puso Akong minahal ay hindi pa rin sapat na mabilang sa mga daliri sa isang kamay. Maaari kayang sa ngayon, ang titulo na[a] “Aking bayan” ay naging personal ninyo nang pag-aari? Ang konsensya mo kaya ay basta na lang nanlamig? Tunay ka kayang karapat-dapat na maging bayan na Aking hinahangad? Kung iisipin Ko ang nakaraan, at titingnan Kong muli ang kasalukuyan, sino ang nakapagbigay ng kasiyahan sa Aking puso? Sino ang nagpakita ng tunay na malasakit sa Aking mga layunin? Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.

Sa gitna ng maputik na mga alon, nakita ng tao ang Aking poot; sa marahas na paggulong ng maitim na mga ulap, nasindak ang mga tao mula sa kanilang katalasan ng pag-iisip, at hindi malaman kung saan magtatago, na waring takot na tangayin sila ng ulan at kulog. Pagkatapos, na ang nag-aalimpuyong niyebe ay lumipas ang pag-anod, ang kanilang kondisyon ay huminahon at gumaan na waring nalulugod sila sa magandang tanawin ng kalikasan. Ngunit, sa mga ganitong sandali, sino sa kanila ang nakaranas ng walang hanggang pag-ibig na Aking iniukol sa sangkatauhan? Ang Aking anyo lamang ang nasa kanilang mga puso, ngunit hindi ang diwa ng Aking Espiritu: Maaari kayang hindi lantarang sumasalungat ang tao sa Akin? Kapag lumipas na ang bagyo, waring nabago na ang sangkatauhan, na parang nagkaroon ng kapinuhan sa pamamagitan ng mga kapighatian, nanumbalik na sa kanila ang liwanag at ang buhay. Pagkatapos ninyong malagpasan ang mga dagok na Aking ipinadala, hindi ba’t nagkaroon rin kayo ng magandang kapalaran na dumating sa ngayon? Ngunit, nang lumipas na ang araw na ito at dumating na ang bukas, makakaya ninyo pa bang mapanatili ang kalinisan na kasunod ng pagbuhos ng ulan? Makakaya ninyo bang mapanatili ang katapatan na kasunod ng inyong kapinuhan? Kaya ninyo pa bang mapanatili ang pagsunod sa ngayon? Mananatili kayang matatag at hindi nagbabago ang inyong katapatan? Tunay hindi ito isang paghahangad na nakasalalay lagpas sa kapasidad ng tao para matupad? Sa araw-araw, Ako’y namumuhay kasama ang mga tao, at gumagawa kasama nila, sa gitna ng sangkatauhan, ngunit wala kahit isa man ang nakapansin nito. Kung hindi dahil sa gabay ng Aking Espiritu, sino kaya sa buong sangkatauhan ang mananatiling buhay sa kasalukuyang panahon? Maaari kayang, nagsasabi lang Ako nang labis kapag sinasabi Kong nabubuhay Ako at gumagawa kasama ang mga tao? Sa nakaraan, sinabi Ko, “nilikha Ko ang tao, at ginabayan ang buong sangkatauhan, at inutusan Ko sila”; hindi ba’t ganito talaga ang nangyari? Posible kayang hindi pa sapat ang inyong naranasan sa mga bagay na ito? Sapat na para sa inyo ang salitang “taga-serbisyo” upang gamitin ang habang buhay sa pagsisikap na ipaliwanag ito. Kung walang aktuwal na karanasan, hindi Ako kailanman makikilala ng isang tao, hindi niya magagawang kilalanin Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ngunit ngayon, personal Akong pumarito sa inyong kalagitnaan: Hindi ba nito mapadadali ang pagkilala ninyo sa Akin? Maaari kaya na hindi rin kaligtasan para sa inyo ang Aking pagkakatawang-tao? Kung hindi Ako mismong bumaba sa sanlibutan sa sarili Kong katauhan, ang buong sangkatauhan ay matagal nang nahalina ng mga pagkaintindi, ibig sabihin, naging pag-aari na ni Satanas, dahil ang iyong pinaniniwalaan ay imahe lamang ni Satanas at walang kinalaman sa Diyos Mismo. Hindi ba ito ang Aking kaligtasan?

Nang Kapag nagtutungo si Satanas sa Aking harapan, hindi Ako umuurong sa mabangis na katapangan nito, o natatakot man lamang sa pagkakilabot nito: Bina-balewala Ko lamang ito. Kapag tinutukso Ako ni Satanas, naaaninag Ko ang panlilinlang nito, dahilan para tumakas ito nang may kahihiyan at paghamak. Kapag nilalabanan Ako ni Satanas at sinusubukang agawin ang bayang Aking pinili, ibinibigay Ko ang lahat sa pamamagitan ng Aking laman; at sa Aking laman, inaalalayan at pinapatnubayan Ko ang Aking bayan upang hindi sila madaling madapa o mawala, at pinangungunahan Ko sila sa bawat hakbang sa landas na ito. At kapag umuurong na si Satanas dahil sa pagkatalo, pararangalan Ako ng Aking bayan at sila’y magdadala ng maliwanag at maugong na saksi para sa Akin. Dahil dito, aalisin Ko ang mga pagkakaiba sa Aking plano sa pamamahala at itatapon ang mga ito minsan pa sa walang hanggang kalaliman. Ito ang Aking plano, ito ang Aking gawain. Sa inyong mga buhay, maaaring dumating ang araw na masalubong mo ang ganitong uri ng sitwasyon: Nanaisin mo bang maging bihag ni Satanas ang iyong sarili o magpapasakop ka ba sa Akin? Ito ang iyong tadhana, at kailangan mong pag-isipan ito nang mabuti.

Ang buhay sa kaharian ay buhay ng mga tao at ng Diyos Mismo. Nakasalalay ang sangkatauhan sa Aking pangangalaga at pag-iingat, at kasali ang lahat sa pakikipaglaban sa malaking pulang dragon hanggang kamatayan. Upang magwagi sa huling labanang ito, at para tapusin na ang malaking pulang dragon, kailangang ihandog sa Akin ng lahat ng tao ang kanilang buong pagkatao para sa Aking kaharian. Kapag sinabi Kong “kaharian”, ang ibig Kong ipakahulugan nito ay ang buhay na ipinamumuhay sa ilalim ng tangkilik ng pagka-Diyos, kung saan ang buong sangkatauhan ay patuloy Kong pinapatnubayan, tinuturuan Ko nang tuwiran, upang ang buhay ng buong sangkatauhan, bagaman nasa mundo pa ay parang nasa langit na, ang tunay na diwa ng buhay sa ikatlong langit. Bagaman Ako’y nasa Aking laman, hindi Ko dinaranas ang mga limitasyon ng laman. Ilang beses Akong dumating sa kalagitnaan ng tao para pakinggan ang kanyang mga panalangin, at ilang beses din Akong nasiyahan sa mga pagpupuri ng mga tao habang kasama Ko sila? Kahit hindi kailanman nababatid ng sangkatauhan na Ako’y narito lang, patuloy Kong isinasagawa ang Aking gawain sa ganitong paraan. Sa lugar na Aking tinatahanan, ang lugar kung saan Ako nakatago, gayunman, sa tirahan Kong ito, natalo Ko ang lahat ng Aking mga kaaway; sa Aking tirahang ito, nakamit Ko ang karanasang mamuhay sa mundo; sa Aking tirahang ito, inoobserbahan Ko ang bawat salita at ginagawa ng tao, at nagmamasid at nag-uutos sa buong sangkatauhan. Kung nararamdaman ng sangkatauhan ang malasakit para sa Aking mga layunin, na nagbibigay ng kasiyahan sa Aking puso at kaluguran sa Akin, tiyak na pagpapalain Ko ang buong sangkatauhan. Hindi ba ito ang Aking hangarin para sa sangkatauhan?

Habang nakaratay na walang malay ang sangkatauhan, sa dagundong lamang ng Aking kulog magigising ang sangkatauhan mula sa kanilang mga panaginip. At kapag binuksan nila ang kanilang mga mata, marami ang masasaktan sa mata dahil sa mga pagsabog ng malamig na liwanag, hanggang sa punto na mawawalan sila ng katinuan sa kanilang gawi, at hindi na malalaman kung saan sila nanggaling o saan sila patutungo. Karamihan sa mga tao ay tinamaan ng parang laser na mga sinag at ang resulta ay bumagsak sila sa isang bunton sa ilalim ng bagyo, inanod ang kanilang mga katawan ng rumaragasang agos, at walang naiwang bakas. Sa liwanag, sa wakas malinaw nang nakita ng mga nakaligtas ang Aking mukha, at noon lamang nila nalaman ang Aking panlabas na anyo, hanggang sa punto na hindi na sila maglakas-loob tumingin nang diretso sa Aking mukha dahil sa sobrang takot na baka muling dadalaw sa kanilang laman ang Aking pagkastigo at mga sumpa. Ilang tao ang nanlupaypay dahil sa hindi mapigil na paghikbi? Ilan ang nahulog sa pagkabigo? Ilan ang nakabuo ng mga ilog dahil sa kanilang mga dugo? Ilan ang naging mga bangkay na inanod ng agos na walang direksiyong patungo dito at doon? Ilang tao ang sa pagkatagpo sa sarili nilang lugar sa liwanag ay nakadama ng biglaang matinding kirot sa puso at napaluha dahil sa haba ng kanilang mga taon ng kalungkutan? Ilang tao, ang sa ilalim ng nagbabantang nakasisilaw na liwanag, ay nagpapahayag ng kanilang karumihan at nagpapasyang baguhin ang sarili? Ilang tao, ang dahil sa pagiging bulag, ay nawalan na ng siglang mabuhay at nawalan ng isip upang mapansin ang liwanag, at dahil dito ay tuluyan nang tumigil, naghihintay na lang ng kanilang katapusan? At ilang tao ang nagtataas ng layag ng kanilang buhay at, masigasig na hinihintay ang kanilang bukas sa ilalim ng patnubay ng liwanag? … Sa araw na ito, sino sa sangkatauhan ang hindi nakararanas ng ganitong kalagayan? Sino ang hindi nabubuhay sa Aking liwanag? Kahit na ikaw ay malakas, o maaaring ipinapalagay mo na mahina, paano mo maiiwasan ang pagdating ng Aking liwanag?

Marso 10, 1992

Mga Talababa:

a. Wala sa orihinal na texto ang “ang titulo na.”