Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ang Ikasampung Pagbigkas

Bilis

Ang Ikasampung Pagbigkas

Ang Kapanahunan ng Kaharian ay, kung iisipin, naiiba mula sa mga panahong nakaraan. Hindi ito kaugnay sa kung ano ang ginagawa ng tao. Sa halip, personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa—gawaing hindi naiisip ni natutupad ng mga tao. Buhat nang nilikha ang mundo hanggang sa kasalukuyan, ang lahat ng mga taon na ito ay palaging patungkol sa pagtatayo ng iglesia, nguni’t hindi kailanman nakarinig ang sinuman tungkol sa pagtatayo ng kaharian. Kahit pa nagsasalita Ako tungkol dito ng Aking sariling bibig, mayroon bang kahit sino na may alam sa kakanyahan nito? Minsan na Akong bumaba tungo sa mundo ng mga tao at naranasan at pinagmasdan ang kanilang pagdurusa, nguni’t hindi tinutupad ang layunin ng Aking pagkakatawang-tao. Kapag umusad na ang pagtatayo ng kaharian, ang Aking katawang-tao ay pormal nang magsisimula na gampanan ang ministeryo; iyon ay, ang Hari ng kaharian ay pormal nang kinukuha ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Mula rito ay maliwanag na ang pagbaba ng kaharian sa mundo ng tao, malayo mula sa pagiging isang bagay ng mga salita lamang at mga pagpapakita, ay isa ng aktwal na katunayan; ito ay isang aspeto ng kahulugan ng “ang katunayan ng pagsasagawa.” Ang tao ay hindi kailanman nakakakita ng kahit isa sa Aking mga kilos, at hindi kailanman nakakarinig ng kahit isa sa Aking mga pagbigkas. Kahit pa nakita niya, ano kaya ang kanyang natuklasan? At kung narinig man niya Akong nagsasalita, ano kaya ang kaniyang naunawaan? Sa buong mundo, ang lahat ng sangkatauhan ay namamalagi sa loob ng Aking pag-ibig, ng Aking habag, nguni’t gayon din ang lahat ng sangkatauhan ay nasa ilalim ng Aking paghatol, at gayon din naman sa ilalim ng Aking pagsubok. Ako ay naging maawain at mapagmahal sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay naging tiwali sa isang tiyak na antas; nagpakalat Ako ng pagkastigo sa sangkatauhan, kahit pa ang lahat ng tao ay yumukod na sa pagpapasakop sa harap ng Aking trono. Subali’t mayroon bang sinumang tao na wala sa gitna ng paghihirap at pagpipino na Aking naipadala? Gaano karaming tao ang nag-aapuhap sa kadiliman para sa liwanag, gaano karami ang mapait na nagtitiis sa kanilang pagsubok na dinaranas? Si Job ay may pananampalataya, at kahit pa, sa kabila nito, hindi ba siya naghahanap ng daan palabas para sa kanyang sarili? Bagama’t ang Aking bayan ay nakakatayo nang matatag sa pagsubok, mayroon bang sinuman, nang hindi ito sinasabi nang malakas, na naniniwala rito sa kanyang puso? Hindi ba sa halip nito ito’y yaong kanyang sinasabi ang kanyang paniniwala habang nag-aalinlangan sa kanyang puso? Walang mga tao na nakatayo nang matatag sa pagsubok, na nagbibigay ng tunay na pagsunod kung nasa pagsubok. Kung hindi Ko tinakpan ang Aking mukha upang iwasan ang pagtingin sa mundong ito, ang buong sangkatauhan ay mabubuwal sa ilalim ng Aking nakasusunog na titig, sapagka’t hindi Ako humihingi ng anumang bagay sa sangkatauhan.

Kapag ang pagpupugay sa kaharian ay umalingawngaw—na kung kailan din dumadagundong ang pitong kulog—itong tunog ay yumayanig sa langit at lupa, inuuga ang pinakamataas na langit at nagsasanhi ng panginginig ng pinakamalalim na damdamin ng bawa’t tao. Isang awit sa kaharian ang pormal na pumapailanglang sa bansa ng malaking pulang dragon, nagpapatunay na nawawasak Ko ang bansa ng malaking pulang dragon at itinatatag naman ang Aking kaharian. Mas mahalaga pa, ang kaharian Ko ay itinatatag sa lupa. Sa sandaling ito, Ako’y nagsisimulang magpadala ng Aking mga anghel sa bawa’t isa sa mga bansa sa mundo upang maaari nilang akayin ang mga lalaking-anak Ko, ang Aking bayan; ito rin ay upang matugunan ang mga pangangailangan ng susunod na hakbang ng Aking gawain. Nguni’t personal Akong pumupunta sa lugar kung saan ang malaking pulang dragon ay namamalaging nakapulupot, upang makipaglaban dito. At kapag nakilala Ako ng lahat ng sangkatauhan mula sa loob ng katawang-tao, at nakakayang makita ang Aking mga gawa mula sa loob ng katawang-tao, kung gayon ang pugad ng malaking pulang dragon ay magiging abo at maglalaho nang walang bakas. Bilang mga tao ng Aking kaharian, dahil kinamumuhian ninyo sa inyong mga buto ang malaking pulang dragon, dapat ninyong bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa inyong mga kilos at sa ganitong paraan ay dinudulutan ng kahihiyan ang dragon. Talaga bang nararamdaman ninyo na ang malaking pulang dragon ay kasuklam-suklam? Talaga bang nararamdaman ninyo na ito ang kaaway ng Hari ng kaharian? Talaga bang mayroon kayong pananampalataya na nakakapagtaglay kayo ng kahanga-hangang patotoo sa Akin? Talaga bang mayroon kayong pananampalataya upang talunin ang malaking pulang dragon? Ito ang hinihingi Ko sa inyo. Ang tanging kailangan Ko ay para sa inyo na magawa ninyong makaabot hanggang sa hakbang na ito; makakaya ba ninyong gawin ito? Mayroon ba kayong pananampalataya na nararating ninyo ito? Ano ang kayang gawin ng tao? Hindi ba sa halip na Ako dapat ang gumawa nito ng Sarili Ko? Bakit sinasabi Ko na personal Akong bumababa sa lugar kung saan ang labanan ay sinasalihan? Ang gusto Ko ay ang inyong pananampalataya, hindi ang iyong mga gawa. Hindi kayang tanggapin ng mga tao ang Aking mga salita sa isang tuwirang paraan, kundi sumisilip lamang mula sa tabi. At naabot ba ninyo ang minimithi sa ganitong paraan? Nakilala ba ninyo Ako sa ganitong paraan? Ang totoo, sa mga tao sa lupa, walang may kakayahang tumingin sa Akin nang tuwid sa mukha, walang sinuman ang may kakayahang tanggapin ang dalisay at lantay na kahulugan ng Aking mga salita. Kaya nga napasimulan Ko ang isang walang katulad na proyekto sa ibabaw ng lupa, upang makamit ang Aking minimithi at itatag ang tunay na larawan ng Aking sarili sa puso ng mga tao, at sa ganitong paraan ay tapusin ang panahon kung kailan ang mga paniwala ang nangingibabaw sa tao.

Ngayon, hindi lamang Ako bumababa sa bansa ng malaking pulang dragon, ibinabaling Ko rin ang Aking mukha sa buong sansinukob, kaya’t nanginginig ang buong pinakamataas na langit. Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi sumasailalim sa Aking paghatol? Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi umiiral sa ilalim ng mga hagupit na Aking inihahagis pababa? Saanman Ako pumunta nagpakalat Ako ng lahat ng uri ng mga binhi ng sakuna. Isa ito sa mga paraan kung paano Ako gumagawa, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas para sa tao, at kung ano ang ipinaaabot Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig. Inaasam Kong magkaroon pa ng mas maraming tao na makakakilala sa Akin, makakakita sa Akin, at sa ganitong paraan igagalang ang Diyos na hindi nila nakikita sa loob ng maraming taon nguni’t, ngayon, ay tunay. Sa anong dahilan Ko nilikha ang mundo? Sa anong dahilan, nang ang sangkatauhan ay naging masama, hindi Ko sila tuluyang winasak? Sa anong dahilan na ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng mga hagupit? Sa anong dahilan na Ako Mismo ay nagsa-katawang-tao? Kapag Ako ay gumaganap ng Aking gawain, alam ng sangkatauhan ang lasa hindi lamang ng mapait kundi pati na rin ng matamis. Sa mga tao sa mundo, sino ang hindi nabubuhay sa loob ng Aking biyaya? Kung hindi Ako nagbigay sa mga tao ng mga materyal na pagpapala, sino ang makakapagtamasa ng kasapatan sa mundo? Tiyak, na ang pagpapahintulot sa inyo na kunin ang inyong lugar bilang Aking bayan ay hindi lamang ang nag-iisang pagpapala, hindi ba? Ipagpalagay na kayo ay hindi Aking bayan bagkus ay mga taga-serbisyo, hindi ba kayo mabubuhay sa loob ng Aking pagpapala? Wala ni isa sa inyo ang may kakayahang arukin ang lugar kung saan nanggagaling ang Aking mga salita. Ang sangkatauhan—sa halip na pahalagahan ang mga pangalan na Aking iginawad sa inyo, marami sa inyo, sa katawagang “taga-serbisyo,” ay nagkakandili ng sama-ng-loob sa inyong mga puso, at sa gayon marami, sa katawagang “Aking bayan,” ang nagbubunga ng pag-ibig sa inyong mga puso. Huwag subukang linlangin Ako—Ang Aking mga mata ay nakakakita at tumatagos sa lahat! Sino sa inyo ang tumatanggap nang maluwag-sa-loob, sino sa inyo ang nagbibigay ng ganap na pagsunod? Kung ang pagpupugay sa kaharian ay hindi umalingawngaw, magagawa ninyo pa rin ba talaga na sumunod hanggang sa katapusan? Kung ano ang kayang gawin ng tao, ang kayang isipin, kung gaano kalayo ang kaya niyang marating—lahat ng mga ito ay naitalaga Ko na mula pa noong matagal na.

Ang karamihan ng mga tao ay tumatanggap sa Aking pagsusunog sa liwanag ng Aking mukha. Ang karamihan ng mga tao, napasigla ng Aking pagpapalakas, ay nagsikilos upang sumulong sa paghahabol. Kapag ang mga pwersa ni Satanas ay sumalakay sa Aking bayan, Ako ay naroon upang salagin ang mga iyon; kapag ang mga pakana ni Satanas ay nagdudulot ng kaguluhan sa mga buhay ng Aking bayan, pinalalayas Ko itong talunan, sa sandaling nakaalis na hindi na kailanman babalik. Sa lupa, ang lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang-katapusang gumagala-gala sa paghahanap ng lugar upang magpahinga, at hindi humihinto sa paghahanap ng mga bangkay ng mga tao upang kainin. Ang Aking bayan! Dapat kayong manatili sa loob ng Aking pagmamahal at pag-iingat. Huwag kailanmang kumilos nang imoral! Huwag kailanmang kumilos nang walang-ingat! Sa halip, ihandog mo ang iyong katapatan sa Aking tahanan, at kung mayroon lamang ng katapatan maaari kang maglunsad ng pagsalungat laban sa katusuhan ng diyablo. Kahit anong mangyari hindi ka dapat kumilos tulad nang sa nakaraan, gumagawa ng isang bagay sa Aking harapan at iba naman sa Aking likuran—sa ganyang paraan ikaw ay hindi na kayang matubos. Tiyak na nabibigkas Ko na nang labis-labis ang mga salitang tulad ng mga ito, hindi ba? Talagang dahil ang lumang kalikasan ng tao ay hindi na maitatama kaya paulit-ulit Ko na siyang napapaalalahanan. Huwag mababagot! Ang lahat nang sinasabi Ko ay alang-alang sa pagtiyak ng inyong kahihinatnan! Ang kailangan ni Satanas ay tiyak na isang mabaho at maruming lugar; mas wala nang pag-asang matutubos pa, at mas napapariwara, tumatangging magpasakop sa pagpipigil, mas higit na sasamantalahin ng masasamang espiritu ang anumang pagkakataon upang makapasok nang palihim. Sa sandaling nakakarating kayo sa landas na ito, ang inyong katapatan ay magiging walang-kabuluhang pagdaldal na lamang, nang walang anumang katunayan, at ang inyong matibay na paninindigan ay kakainin ng mga maruruming espiritu, upang mapalitan ng pagsuway o lalang ni Satanas, at gagamitin upang gambalain ang Aking gawain. Doon ay hahampasin Ko kayo hanggang kamatayan kailanman at saanman Ko naisin. Walang sinumang nakakaalam ng bigat ng sitwasyong ito; ipinapalagay ng lahat na ang kanilang naririnig ay labis na pagsasalita lamang at hindi man lamang nag-iingat kahit kaunti. Hindi Ko naaalaala kung ano ang ginawa sa nakaraan. Naghihintay ka pa ring bang maging maluwag Ako sa iyo sa pamamagitan ng muling paglimot? Kahit ang sangkatauhan ay sumasalungat sa Akin, hindi Ko ito panghahawakan laban sa kanya, dahil ang katayuan ng tao ay masyadong kapos, at kaya hindi Ako humihingi ng mataas na kinakailangan sa kanya. Ang tanging kailangan Ko ay hindi niya dapat sayangin ang sarili, at magpasakop sa pagpipigil. Tiyak na ito ay hindi lampas sa inyong kakayahan upang matugunan itong isang kundisyon? Ang karamihan ng mga tao ay naghihintay para magbunyag Ako ng higit pang mga misteryo para pagpiyestahan ng kanilang mga mata. At kahit na, kung maunawaan mo ang lahat ng mga hiwaga ng langit, ano ang maaari mong gawin sa mga kaalamang iyan? Madaragdagan ba nito ang iyong pag-ibig para sa Akin? Mapag-aalab ba nito ang pagmamahal mo sa Akin? Hindi Ko minamaliit ang tao, at hindi rin Ako basta-basta nakakarating sa isang pasya ng paghatol tungkol sa kanya. Kung ang mga ito ay hindi ang aktwal na mga kalagayan ng tao, hindi Ko kailanman basta na lamang kokoronahan ang mga tao ng mga tatak na ito. Isipin muli ang nakaraan: Mayroon bang anumang panahon kung kailan siniraan Ko kayo? Anumang panahon kung kailan minaliit Ko kayo? Anumang panahon kung kailan tiningnan Ko kayo nang walang pagsasaalang-alang para sa inyong mga aktwal na kalagayan? Anumang panahon kung kailan ang sinabi Ko ay nabigo upang punuan ang inyong puso at ang inyong bibig ng matibay na paniniwala? Anumang panahon kung kailan Ako’y nakapagsalita nang hindi dinadama ang isang malalim na katugong sitwasyon sa loob ninyo? Sino sa inyo ang nakakapagbasa ng Aking mga salita nang walang takot at panginginig, nahihintakutan na pababagsakin Ko siya sa walang-hanggang hukay? Sino ang hindi nagtitiis ng pagsubok sa loob ng Aking mga salita? Sa loob ng Aking mga salita ay namamalagi ang awtoridad, nguni’t ito ay hindi para basta na lamang hatulan ang tao; sa halip, nililimi ang mga aktwal na kalagayan ng tao, Aking palaging ipinapamalas sa tao ang kahulugan na likas sa Aking mga salita. Sa punto ng katunayan, mayroon bang kahit sino na kayang kilalanin ang Aking makapangyarihang lakas sa Aking mga salita? Mayroon bang kahit sino na nakakatanggap sa kanyang sarili ng pinaka-dalisay na ginto na kung saan gawa ang Aking mga salita? Gaano karaming mga salita ang Aking nasasambit, nguni’t mayroon bang kahit sino na nakakapagpahalaga sa mga ito?

Marso 3, 1992

Sinundan:Ang Ikasiyam na Pagbigkas

Sumunod:Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin