Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”

1. Ang sangkatauhan, labis nang sinira ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kanya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilalang. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pamamagitan ng paghayag ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na katangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang mga paraan sa kahuli-hulihang paglupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tatanggap ng paglupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil wala na kahit isa ang may pananampalataya sa Diyos o tangan man lang ang Diyos sa kanyang puso. Ang paglupig sa sangkatauhan ay nangangahulugang ang tao ay ibabalik ang pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakatingin tungo sa kamunduhan, nagtataglay ng masyadong maraming inaasahan, naghahangad nang labis-labis para sa kanilang kinabukasan, at masyadong maraming marangyang pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman hinangad ang paghanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay sinakop na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, naiwala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang mungkahi ng paglupig sa tao ay upang kamkamin muli ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Ang kasalukuyang mapanlupig na gawa ay gawaing sinadyang gawing maliwanag ang magiging katapusan ng tao. Bakit ko sinasabi na ang pagpaparusa at paghatol ngayon ay ang mga paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang mapanlupig na gawa ay ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay ginawa para ihayag kung ano ang kahahantungan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa loob ng mapanlupig na gawa ukol sa pagpaparusa at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at gayon uriin pagkatapos nito? Sa halip na sabihing ito ay ang paglupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahahantungan ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at gayon ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon mapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang mapanlupig na gawa ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at masasalubong ang sakuna. Gayon, ang tao ay uuriin ayon sa klase, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mga mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa klase. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pag-uring ito? Ang paghayag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang paglupig sa buong sansinukob (kasama ang lahat ng mapanlupig na gawa magmula sa kasalukuyang gawain). Itong paghahayag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa panahon ng pagpaparusa, at sa panahon ng mapanlupig na gawa sa mga huling araw.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Ang katapusan ng tao ay hindi isang bagay na itinakda sa umpisa ng paglikha ng mundo. Ito ay dahil sa umpisa mayroon lang iisang klase, ito ay ang sama-samang tinatawag na “sangkatauhan,” at dahil ang tao ay hindi pa sinira ni Satanas noong una, silang lahat ay nanirahan sa liwanag ng Diyos, nang walang kadilimang dumarating sa kanila. Ngunit matapos na ang tao ay sirain ni Satanas, lahat ng tipo at klase ng tao ay kumalat sa buong mundo—lahat ng tipo at klase ng tao na nanggaling sa isang pamilyang sama-samang tinatawag na “sangkatauhan” na binubuo ng lalaki at babae. Silang lahat ay inakay ng kanilang mga ninuno upang maligaw palayo sa kanilang pinakamatandang mga ninuno—ang sangkatauhang binubuo ng lalaki at babae (iyon ay, ang orihinal na si Adan at Eba, ang kanilang pinakamatandang ninuno). Sa panahong iyon, ang mga taong pinamumunuan ni Jehovah na manirahan sa mundo ay ang mga Israelita lang. Ang iba’t ibang tipo ng mga tao na lumitaw mula sa buong Israel (ibig sabihin ay mula sa orihinal na pamilya) ay gayong nawala sa pamamahala ni Jehovah. Silang mga sinaunang tao, lubos na walang-muwang sa mga bagay ukol sa mundo ng tao, ay nakisama sa kanilang mga ninuno upang mabuhay sa loob ng mga pook na kanilang inangkin, magpahanggang sa ngayon. Gayon, sila ay nasa kadiliman pa rin tungkol sa kung paano sila napariwara palayo kay Jehovah at kung paano sila sinira hanggang sa araw na ito ng lahat ng mga maruming mga diablo at masasamang espiritu. Silang mga labis na sinira at nilason hanggang ngayon, sa katiyakan silang mga hindi na maililigtas hanggang sa katapusan, ay wala nang magagawa pa kundi sumama sa kanilang mga ninuno—ang mga maruming mga diablo na sumira sa kanila. Silang mga maililgtas sa katapusan ay pupunta sa nararapat na hantungan, nangangahulugang sa hantungang inilaan para sa mga iniligtas at nilupig. Ang lahat ay gagawin upang mailigtas ang maaring iligtas, ngunit para sa kanilang mga manhid, walang lunas na mga tao, ang kanilang tanging pagpipiliian ay ang sumunod sa kanilang mga ninuno patungo sa kalalimang hukay ng kaparusahan. Huwag mong isipin na ang iyong katapusan ay itinadhana sa simula at ito ay ngayon lang ihinayag. Kung ganyan ka mag-isip, nakalimutan mo na ba na sa panahong unang nilikha ang sangkatauhan, walang hiwalay na uri ng maka-Satanas ang nilikha? Nakalimutan mo na ba na tanging isang sangkatauhan na binubuo ni Adan at Eba ang nilikha (nangangahulugang tanging lalaki at babae ang mga nilikha)? Kung ikaw ay naging inanak ni Satanas sa simula, hindi ba nangangahulugan iyon na noong nilikha ni Jehovah ang tao, isinama Niya ang mga pangkat ni Satanas? Gumawa kaya Siya ng bagay na ganoon? Nilikha niya ang tao para sa kapakanan ng Kanyang patotoo; nilikha Niya ang tao para sa Kanyang kaluwalhatian. Bakit Niya sasadyaing lumikha ng isang uri na mula sa angkan ni Satanas upang sadyang labanan Siya? Ginawa kaya ito ni Jehovah? Kung oo, sino ang makapagsasabing Siya ay isang matuwid na Diyos? Kapag sinabi Ko ngayon na ang ilan sa inyo ay sasama kay Satanas sa kawakasan, hindi ito nangangahulugang kasama ka ni Satanas mula sa umpisa; sa halip, ito ay nangangahulugang ikaw ay lumubog na nang napakalalim na kahit sinubukan pa ng Diyos na iligtas ka, ikaw ay nabigo sa pagkamit ng kaligtasan na iyon. Walang ibang pagpipilian kundi uriin ka kasama ni Satanas. Ito ay sa kadahilanang ikaw ay hindi na kaligtas-ligtas, hindi dahil ang Diyos ay masama sa iyo, nangangahulugang hindi dahil sinadya ng Diyos na itakda ang iyong kapalaran bilang sagisag ni Satanas at gayon iuri ikaw kay Satanas at sadyang gusto kang magdusa. Hindi iyan ang loob ng katotohanan ng mapanlupig na gawa. Kung iyan ang iyong pinaniniwalaan, gayon ang iyong pag-unawa ay may kinikilingan!

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Ang kahuli-hulihang yugto sa paglupig ay sinadya upang iligtas ang mga tao at upang ihayag din ang katapusan ng mga tao. Ito ay upang ihayag ang pagkalubha ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay magsisi, bumangon, at ipagpatuloy ang buhay at ang tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na kasuwailan. Subalit, kung ang mga tao ay hindi pa rin magawang magsisi, hindi pa rin magawang ipagpatuloy ang tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin magawang itakwil ang mga katiwaliang ito, sila ay hindi na magiging kaligtas-ligtas na mga bagay para lamunin ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng paglupig—upang iligtas ang mga tao at upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan—silang lahat ay ihinayag ng mapanlupig na gawa. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ipapakita lahat sa panahon ng mapanlupig na gawa.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng paglupig. Ang paglupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Sa gayon, paano pagbubukud-bukurin ang mga tao? Ang gawain sa pagbubukud-bukod sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang mga tao sa lahat ng lahi saanman ay mapasasailalim sa mapanlupig na gawa. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga tao na nilalang ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri, paglapit nila sa luklukan ng paghatol upang husgahan. Walang tao at walang bagay ang kayang tumakas sa pagdurusa nitong pagparusa at paghatol, at walang tao at walang bagay ang kayang umiwas sa pagbubukud-bukod ayon sa kanilang uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang kawakasan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ang lupa ay hahantong sa pasya. Paano makatatakas ang tao upang wakasan ang kanyang pag-iral?

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Sa ngayon ginagamit ko ang gawain ng mga taong ito sa Tsina upang ihayag ang lahat ng kanilang mapanghimagsik na katangian at ihayag ang lahat ng kanilang kapangitan. Ito ang saligan sa Aking pagsabi sa lahat ng dapat sabihin. Pagkatapos, gagawin Ko ang susunod na hakbang sa gawain sa paglupig sa buong sansinukob. Gagamitin Ko ang Aking paghatol sa inyo upang hatulan ang kasamaan ng bawat isa sa buong sansinukob sapagkat kayong mga tao ay ang mga kumakatawan sa mga suwail sa sangkatauhan. Silang mga walang paninindigan ay magiging mga sagabal at mga gamit pangsilbi lamang, samantalang silang may kakayanan ang mga gagamitin. Bakit Ko sinasabi na silang mga walang paninindigan ay magsisilbing sagabal? Sapagkat ang Aking mga salita at gawa sa kasalukuyan ay nakatutok sa inyong saligan at dahil kayo ay naging mga kumakatawan at ang ehemplo ng pagiging suwail sa lahat ng sangkatauhan. Sa susunod, kukunin Ko ang mga salitang ito na lumulupig sa inyo sa mga dayuhang bansa at gagamitin Ko ang mga ito upang lupigin ang mga tao doon, ngunit ang mga ito’y hindi ninyo pa makakamtan. Hindi ka ba magiging sagabal sa gayon? Ang mga masamang kalooban ng lahat ng sangkatauhan, mga suwail na kilos ng tao, ang mga pangit na wangis at mga mukha ng tao, ay nakatala ngayon lahat sa mga salita na ginamit upang lupigin kayo. Gagamitin ko sa gayon ang mga salitang ito upang lupigin ang mga tao sa bawat bayan at bawat pananampalataya sapagkat kayo ang huwaran, ang alinsunuran. Gayunpaman, hindi Ko binalak na sadyang iwanan kayo; kung ikaw ay nagkulang sa iyong mga hangarin at samakatuwid pinatunayan mong ikaw ay di-mapagaling, hindi ba’t ikaw ay magsisilbi na lang bilang isang kagamitang pansilbi at sagabal?

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Ngayon ang pananampalataya ang nagpapahintulot sa iyo na malupig, at ang pagiging sinakop ang nagpapahintulot sa iyo na manalig kay Jehovah. Dahil lamang sa pananampalataya kaya ka nakatatanggap ng ganitong uri ng pagparusa at paghatol. Sa pamamagitan ng mga pagparusa at mga paghatol na ito, ikaw ay nilupig at ginawang sakdal. Kung wala ang ganitong uri ng pagparusa at paghatol na tinatanggap mo ngayon, ang iyong pananampalataya ay mauuwi sa kawalang saysay. Sapagkat hindi mo kilala ang Diyos, kahit gaano ka naniniwala sa Kanya, ang iyong pananampalataya ay mananatiling isang basyong pahayag na walang batayan sa katotohanan. Matapos mo lang tanggapin ang ganitong uri ng mapanlupig na gawa na ginagawa kang lubos na masunurin na ang iyong pananampalataya ay magiging tunay at maaasahan at ang iyong puso ay lilingon tungo sa Diyos. Kahit na ikaw ay hinatulan o sinumpa nang matindi dahil sa salitang “pananampalataya,” ikaw ay mayroong tunay na pananampalataya, at ikaw ay makatatanggap ng pinakatunay, pinakatotoo, at pinakamahalagang bagay. Ito ay dahil sa pagtupad lamang ng paghatol mo makikita ang huling hantungan ng mga nilalang ng Diyos; sa paghatol na ito iyong makikita na ang Maylikha ay dapat ibigin; sa ganitong uri ng mapanlupig na gawa makikita mo ang bisig ng Diyos; sa paglupig na ito iyong mauunawaan nang lubos ang buhay ng tao; sa paglupig na ito iyong makakamtan ang tamang landas ng buhay ng tao at mauunawaan mo ang tunay na kahulugan ng “tao”; sa paglupig na ito iyo lang makikita ang matuwid na katangian ng Siyang Makapangyarihan at ang Kanyang maganda, maluwalhating mukha; sa mapanlupig na gawang ito matututunan mo ang tungkol sa pinanggalingan ng tao at mauunawaan ang lahat ng “walang kamatayang kasaysayan” ng sangkatauhan; sa ganitong paglupig ay maiintindihan mo ang mga ninuno ng sangkatauhan at ang sanhi ng katiwalian ng sangkatauhan; sa panlulupig na ito ay makatatanggap ka ng kaligayahan at kaginhawaan gayundin ang walang katapusang pagpaparusa, disiplina, at ang mga pangaral na salita mula sa Maylikha sa sangkatauhang Kanyang nilikha; sa mapanlupig na gawang ito ikaw ay tatanggap ng mga pagpapala, at tatanggap ka ng mga sakuna na dapat tanggapin ng tao.... Hindi ba ang lahat ng ito ay dulot ng iyong mumunting pananampalataya? Matapos ninyong makamtan ang mga bagay na ito, hindi ba sumibol ang iyong pananampalataya? Hindi ka ba nakakamit ng napakalaking halaga?

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Siguro sasabihin mo na kung wala kang pananampalataya, sa gayon hindi ka magdurusa ng ganitong uri ng pagparusa o ganitong uri ng paghatol. Ngunit dapat mong malaman na kung walang pananampalataya, hindi ka lang hindi makatatanggap ng ganitong uri ng pagparusa o ganitong uri ng pagkalinga mula sa Makapangyarihan, kundi magpakailanmang mawawala mo ang pagkakataong makita ang Maylikha. Hinding-hindi mo malalaman ang pinagmulan ng sangkatauhan at maunawaan ang kahalagahan ng buhay ng tao. Kahit na ang iyong katawan ay mamatay at ang iyong kaluluwa ay yumao, hindi mo pa rin mauunawaan ang lahat ng mga ginawa ng Maylikha. Lalong hindi mo malalaman na gumawa ng dakilang gawain sa mundo ang Maylikha matapos Niyang likhain ang sangkatauhan. Bilang kasapi nitong sangkatauhan na Kanyang ginawa, ikaw ba ay pumapayag na walang kaalam-aalam na mahulog nang ganito sa kadiliman at magdusa ng walang hanggang kaparusahan? Kung ihiwalay mo ang inyong sarili sa pagparusa at paghatol ngayon, ano ang iyong haharapin? Sa tingin mo ba na minsang maihiwalay sa kasalukuyang paghatol ay makatatakas ka sa mahirap na buhay na ito? Hindi ba totoo na kung lumisan ka sa “lugar na ito,” ang iyong haharapin ay masakit na pagdurusa o malupit na pinsala dulot ng diyablo? Ikaw ba ay haharap sa di-makayanang mga araw at mga gabi? Sa tingin mo ba dahil lang natakasan mo ang araw ng paghatol na ito, magpakailaman mong maiiwasan ang pahirap sa hinaharap? Ano kaya ang darating sa iyo? Ito kaya ang Shangri-La na iyong inaasahan? Sa tingin mo ba ay matatakasan mo ang susunod na walang hanggang pagpaparusa sa pamamagitan lang ng pagtakas sa katotohanan ng iyong mga ginagawa? Matapos ang araw na ito, makahahanap ka ba kung sakali ng ganitong uri ng pagkakataon at ganitong uri ng pagpapala muli? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag dinatnan ka ng sakuna? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag ang lahat ng sangkatauhan ay nakapagpahinga na? Ang kasalukuyang masaya mong buhay at ang iyong magkaayong munting pamilya—maari bang sila ang papalit sa iyong hinaharap na walang hanggang hantungan? Kung ikaw ay may tunay na pananampalataya, at kung marami kang nakamtan dahil sa iyong pananampalataya, gayon lahat ng mga iyan ay ang dapat mong—isang nilalang—na makamtan at ang dapat na iyong nakuha. Itong uri ng paglupig ay ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong pananampalataya at ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong buhay.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Ngayon, dapat mong mabatid kung paano malupig, at kung paano ikilos ng mga tao ang kanilang sarili matapos na sila ay malupig. Maaaring ikaw ay siya nang nalupig, ngunit maaari ka bang sumunod hanggang kamatayan? Kailangan mong magawang sumunod hanggang sa pinakasukdulan hindi alintana kung mayroong anumang tagumpay, at hindi ka dapat mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa kahit ano mang larangan. Sa huli, kailangan mong matamo ang dalawang aspeto ng pagpapatotoo: ang patotoo ni Job—pagtupad hanggang kamatayan—at ang patotoo ni Pedro—ang kataas-taasang pagmamahal sa Diyos. Sa isang banda, kailangan mong maging gaya ni Job: Siya ay walang ari-ariang materyal, at siyang pinahirapan ng sakit ng katawang-tao, nguni’t hindi niya tinalikuran ang pangalan ng Jehovah. Ito ang testimonya ni Job. Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay namatay—noong siya ay ipinako sa krus—nanatili ang kanyang pagmamahal sa Diyos; hindi niya inisip ang kanyang sariling mga inaasam o maghanap ng maluwalhating pag-asa o maluhong saloobin, at ninais lamang niya na mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng mga pagsasa-ayos ng Diyos. Iyan ang batayan na dapat mong makamit bago ka ituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na ginawang perpekto matapos na malupig. Ngayon, kung tunay na batid ng mga tao ang kanilang sariling kahalagahan at estado, maghahanap pa ba sila ng mga inaasam at pag-asa? Ito ang dapat mong malaman: Hindi alintana kung ginawa akong perpekto ng Diyos, dapat akong sumunod sa Diyos; ang lahat ng Kanyang ginagawa ngayon ay mabuti, at para sa ating kapakanan, at upang ang ating disposisyon ay maaaring magbago at maaari nating tanggalin sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, upang hayaan tayong mamuhay sa lupain ng mga marurumi at ngunit maaari natin pawalan ang ating sarili sa karumihan, ipagpag ang dumi at impluwensiya ni Satanas, upang magawa nating iwanan ang impluwensiya ni Satanas.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Sa katunayan, nangyayari ang kasakdalan kasabay ng paglupig: Kung ikaw ay nalupig, ang unang epekto ng pagiging perpekto ay nakamit. Kung saan mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pagka-lupig at kasakdalan, ito ay ayon sa antas ng pagbabago sa mga tao. Ang pagkalupig ay ang unang hakbang ng pagiging perpekto, at hindi nangangahulugang sila ay lubusang ginawang perpekto, o napatotohanang sila ay ganap nang nahimok ng Diyos. Matapos lupigin ang tao, may ilang mga pagbabago sa kanilang katangian, ngunit ang mga nasabing pagbabago ay lubhang kaunti kaysa sa mga tao na ganap nang makamtan ng Diyos. Ngayon, ang nagawa na ay ang paunang gawain upang gawing perpekto ang mga tao—nilulupig sila—at kung hindi mo makamit ang panlulupig, walang paraan upang ikaw ay gawing perpekto at lubusang makamtan ng Diyos. Ikaw ay makakukuha lamang ng ilang salita ng pagpaparusa at paghatol, ngunit hindi nila ganap na mapagbabago ang iyong puso. Kaya ikaw ay isa sa mga maaalis; ito ay hindi naiiba mula sa pagtingin sa isang katakam-takam na kapistahan sa ibabaw ng mesa ngunit hindi kinakain ito. Hindi ba ito trahedya? At kaya dapat kang humanap ng mga pagbabago: Ito man ay paglupig o ginawang perpekto, parehong kaugnay ito kung mayroong pagbabago sa’yo, at kung ikaw man o hindi masunurin—at ito ay tumutukoy kung ikaw man ay maaaring makamtan ng Diyos o hindi. Tandaan na ang “pagkalupig” at “kasakdalan” ay simpleng nakabatay sa hangganan ng pagbabago at pagsunod, pati na rin sa kung gaano kalinis ang iyong pag-ibig sa Diyos. Ang kinakailangan ngayon ay gawin kang ganap na perpekto, ngunit sa simula ay dapat kang malupig—dapat ay mayroon kang sapat na kaalaman sa kaparusahan at paghatol ng Diyos, dapat ay mayroong kang pananampalataya na sumunod, at maging isang tao na naglalayon ng pagbabago at para magkaroon ng mga epekto. Doon ka lamang magiging isang tao na naghahangad maging perpekto. Dapat mong maunawaan na sa kurso ng kasakdalan kayo ay malulupig, at sa kurso ng panlulupig kayo ay gagawing perpekto. Ngayon, maaari mong hangaring na maging perpekto o humanap ng mga pagbabago sa iyong panlabas na pagkatao at mga pagpapa-unlad sa iyong kakayahan, ngunit ang pinakamahalaga ay iyong nauunawaan na ang lahat ng ginagawa ngayon ng Diyos ay may kahulugan at kapaki-pakinabang: Hinahayaan ka nitong tumira sa maruming lupain upang makatakas sa karumihan at maipagpag ito, hinahayaan ka nitong mapagtagumpayan ang impluwensiya ni Satanas, at iwanan ang madilim na impluwensiya ni Satanas—at sa pagtutok sa mga bagay na ito, ikaw ay protektado dito sa maruming lupain. Sa huli, anong pagpapatotoo ang hihilingin sa iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa maruming lupain ngunit nagawang maging banal, at hindi na muling madumihan at may bahid, ikaw ay nakatira sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas ngunit inaalis ang iyong sarili sa impluwensiya ni Satanas, at hindi pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ang pagpapatotoo, at katibayan ng tagumpay sa labanan kay Satanas. Magagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, ngunit iyon ba ang hinihiling ng Diyos na maabot ng tao noong nilikha Niya ang tao: karaniwang pagkatao, karaniwang pagkamakatuwiran, karaniwang pananaw, karaniwang pagpasya na mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Iyan ang pagpapatotoo na likha ng isang nilalang ng Diyos.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Ang gawain ng mga huling araw ay sumisira sa lahat ng mga patakaran, at ikaw man ay sinumpa o pinarusahan, hangga’t ikaw ay tumutulong sa Aking gawa, at siyang biyaya sa gawain ng paglupig ngayon, at kung ikaw man ay inapo ni Moab o supling ng dakilang pulang dragon, hangga’t ginagawa mo ang iyong tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos sa yugtong ito ng gawain, at ginagawa ang pinakamahusay ng iyong kaya, sa gayon ang hinahangad na epekto ay makakamit. Ikaw ay supling ng dakilang pulang dragon, at ikaw ay isang inapo ni Moab; sa kabuuan, lahat tayo ay laman at dugo ng mga nilalang ng Diyos, at tayo ay ginawa ng Lumikha. Ikaw ay isang nilalang ng Diyos, wala kang dapat anumang pagpipilian, at ito ang iyong tungkulin. Mangyari pa, ang gawa ng Tagapaglikha ay nakatuon sa buong sansinukob. Hindi alintana kung saan ka man nagmula, higit sa lahat kayo ay isa sa mga nilalang ng Diyos, kayo—mga inapo ni Moab—ay bahagi ng mga nilalang ng Diyos, iyon nga lang, kayo ay nasa mas mababang pagpapahalaga. Simula, sa ngayon, ang gawain ng Diyos ay ipinatupad sa lahat ng mga nilalang, at nakatuon sa buong sansinukob, ang Tagapaglikha ay malayang pumili ng sinumang tao, mga bagay, o mga gamit upang gawin ang Kanyang gawain. Hindi Niya isinasaalang-alang kung kanino ka nagmula; hangga’t ikaw ay isa sa Kanyang mga nilikha, at hangga’t ikaw ay kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain—ang gawaing panlulupig at pagpapatotoo—ipapatupad Niya ang Kanyang gawain sa iyo nang walang anumang pagdududa. Winawasak nito ang mga tradisyonal na mga pagkaintindi ng mga tao, na ang Diyos ay hindi kikilos kasama ng mga Hentil, lalong hindi sa mga taong isinumpa at napakababa; para sa mga taong isinumpa, ang kanilang mga susunod na henerasyon ay magpakailanman ding isusumpa, hindi kailanman sila magkakaroon ng kaligtasan; hindi kailanman bababa ang Diyos at gagawa sa lupain ng Hentil, at hindi kailanman tatapak sa lupain ng burak, sapagka’t Siya ay banal. Tandaan na ang Diyos ay Diyos ng lahat ng nilalang, hawak Niya ang pamamahala sa langit at lupa at lahat ng mga bagay, at hindi lamang Diyos ng bayan ng Israel. Kaya, malaking kabuluhan ang gawaing ito sa Tsina, at hindi ba ito kakalat sa lahat ng mga bansa? Ang malaking pagpapatotoo sa hinaharap ay hindi limitado sa Tsina; kung kayo lamang ay nalupig ng Diyos, maaari bang makumbinsi ang mga demonyo? Hindi nila nauunawaan ang malupig, o ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kapag lamang ang mga napiling tao ng Diyos sa buong daigdig ang nakakita sa pinakahuling epekto ng gawang ito malulupig ang lahat ng mga nilalang. Wala nang mas paatras o tiwali kaysa sa mga inapo ni Moab. Kung maaari lamang malupig ang mga taong ito—sila na lubhang napakatiwali, na hindi kinilala ang Diyos o naniniwala na may Diyos na lumulupig, at kumikilala sa Diyos sa kanilang mga bibig, pinupuri Siya, at nagagawa Siyang mahalin—ito ba ang magiging patotoo ng panlulupig. Kahit na hindi kayo si Pedro, kayo ay namumuhay sa imahe ni Pedro, kayo ay maaaring magtaglay ng patotoo ni Pedro, at ni Job, at ito ay ang pinakadakilang patotoo.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Ang resulta na makakamit sa mapanlupig na gawa ay una sa lahat upang ang laman ng tao ay huminto sa paghimagsik, iyon ay, upang magkaroon ang isip ng tao ng panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso na lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi makakapagpasya kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang iyong pag-iisip, ang iyong diwa, at ang iyong pagkaunawa ay nagbago—iyon ay, kapag ang iyong buong saloobing pang-isip ay nagbago—ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at nagpagtibay na ng panibagong kaisipan, kapag hindi mo na madala ang kahit na alin sa iyong mga paniniwala o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay makakapag-isip na nang matuwid, iyon ay, kapag kaya mo na magsikap para sa Diyos nang buong puso—ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Sa sakop ng relihiyon, maraming tao ang hindi nagdurusa nang walang kabuluhan sa kabuuan ng kanilang buhay, pinasusuko ang kanilang katawan at binubuhat ang kanilang krus, kahit na maghirap at magtiis hanggang sa huli nilang hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang mga masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, pinahahalagahan lang ang paghihirap. Kinaya nilang isuko ang kanilang mga katawan at pabayaan ang laman. Ang diwa ng kanilang pagtitiis sa pagdurusa ay kahanga-hanga. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga paniniwala, ang kanilang saloobing pang-isip, at tunay na ang kanilang lumang sarili—wala kahit isa sa mga ito ay ginawan man lang ng paraan. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pang-isip nilang anyo ng Diyos ay isang makalumang anyo ng isang di-tiyak at malabong Diyos. Ang kanilang pagpasya sa pagdurusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila ay bulag na gumagawa at bulag na nagdurusa lamang para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang malasakit sa kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod at tunay ngang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinagsisilbihan ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na anyo, kundi isang Diyos na sila mismo ang nagsalamangka, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga naisulat. Sa gayon, ginamit nila ang kanilang mga matingkad na likhang-isip at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at akuin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay talagang di-husto, sa gayo’y tunay na walang kahit isang naglilingkod sa Diyos sa paraang makatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pang-isip na anyo ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdaanan ang paghatol at pagparusa ng Diyos at ang Kanyang pagdadalisay at kasakdalan, at dahil walang kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Hesus na Tagapagligtas, walang kahit isa sa kanila ang nakakita sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng ligaw na paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano ang kahuli-hulihang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Hesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang makatutupad ng kalooban ng Diyos. Sa kahuli-hulihan pa lamang, sa kanyang matandang edad, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong paglilinis at walang kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang karamihan ng paglilingkod ninyo ngayon ay kagaya ng sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng paglilinis at pakikitungo, at hindi nagbago—hindi ba sila ang mga hindi lubos na nalupig? Anong silbi ng mga taong iyon? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng sariwang pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit na anong kapansin-pansin sa iyong paglilingkod! Kung walang pananaw at walang panibagong pang-unawa sa gawain ng Diyos, hindi ka magiging nalupig na tao. Ang iyong paraan ng pagsunod sa Diyos ay gayong katulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno—ito ay may maliit halaga! Ito ay tiyak na dahil mayroong kaunting patotoo lamang sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, silang mga taong nagdusa, gumugol ng oras sa kulungan, at sa bawat sandali, nagtiis sila, pinahahalagahan ang pag-ibig at kabutihan, at pasanin ang kanilang krus. Sila ay siniraang-puri at itinakwil ng mundo at nakaranas ng lahat ng uri ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang sa huli, ngunit, sila ay hindi nalupig at wala silang maibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang paghihirap na dinanas, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang pag-iisip, makalumang paniniwala, mga relihiyosong gawain, mga pag-unawang gawa ng tao, at mga kuro-kuro ng tao ang nalutas. Wala silang taglay na bagong pang-unawa. Kahit ang kanilang kakaunting pagkakaunawa sa Diyos ay hindi totoo o husto. Hindi nila naunawaan ang kalooban ng Diyos. Para kaya ito ipaglingkod ang Diyos? Kung paano mo man naintindihan ang Diyos sa nakaraan, ipagpalagay na pananatilihin mo iyon ngayon at ipagpatuloy ang iyong pagbatay ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa iyong paniniwala at mga kuro-kuro kahit ano pa ang gawin ng Diyos. Iyon ay, ipagpalagay mo na wala kayong taglay na bago at tunay na pagkakaunawa sa Diyos at mabigo kayong malaman ang tunay na anyo at tunay na katangian ng Diyos. Ipagpalagay mo na ang iyong pagkakaunawa sa Diyos ay pinapatnubayan pa rin ng pyudal, mapamahiing pag-iisip at nanggaling pa rin sa mga likhang-isip at mga paniniwala ng tao. Kung ganito ang kaso, hindi ka pa nalupig kung gayon. Ang Aking adhikain sa pagsabi ng mga salitang ito sa iyo ay upang maintindihan mo at gamitin itong kaalamang ito upang gabayan ka sa wasto at bagong pagkaunawa. Ang layunin din ng mga ito ay ang pag-alis ng mga lumang paniniwala at lumang kaalaman na inyong dala sa iyong mga sarili upang ikaw ay magkaroon ng panibagong pagkaunawa. Kung tunay na kinakain at iniinom mo ang Aking mga salita, sa gayon ang iyong pagkaunawa ay lubhang magbabago. Hangga’t ipinagpapatuloy mong magkaroon ng masunurin na puso habang kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong pananaw ay babalik. Hangga’t kaya mong tanggapin ang paulit-ulit na pagparusa, ang iyong lumang kaisipan ay unti-unting magbabago. Hangga’t ang iyong lumang kaisipan ay lubos na napalitan ng bago, ang inyong kasanayan ay magbabago nang naaayon. Sa ganitong paraan, ang iyong paglilingkod ay magiging mas wastung-wasto, lalo’t lalo pang may kakayahang matupad ang kalooban ng Diyos. Kung kaya mong baguhin ang inyong buhay, ang pagkaunawa mo sa buhay, at ang inyong maraming paniniwala tungkol sa Diyos, gayon ang iyong pagiging likas ay unti-unting mababawasan. Ito at wala nang iba, ang bunga matapos malupig ng Diyos ang tao; Ito ang pagbabago na makikita sa tao. Kung sa paniniwala sa Diyos, ang iyong alam lang ay ang pagsuko ng iyong katawan at pagtiis at pagdurusa, at ikaw ay nalalabuan kung ang ginagawa mo ay tama o mali, lalo na kung kanino ito nararapat, sa gayon paano tutungo sa pagbabago ang ganitong uri ng gawain?

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Dapat ninyong maunawaan na ang Aking hinihiling ay hindi ang pagkaalipin ng inyong katawan o ang iyong isipan ay hawakan at pigilang makapag-isip ng mga hindi makatuwirang mga kaisipan. Hindi rin ito ang layunin ng gawain o ang kailangang gawin sa ngayon. ... Kailangan ninyong maintindihan ang gawain ng Diyos at makilala ang inyong kalikasan, ang inyong diwa, at iyong dating buhay ninyo. Dapat ninyong talagang kilalanin ang mga nakalipas na maling gawi at ang inyong mga gawaing tao. Upang magbago, dapat ninyong baguhin ang inyong pag-iisip. Una ay palitan ninyo ang inyong lumang kaisipan ng bago, at hayaang ang bago ninyong kaisipan ang mamahala sa inyong mga salita at mga kilos at inyong buhay. Ito ang hinihiling sa bawat isa sa inyo ngayon. Huwag kayong kikilos nang bulag o susunod nang bulag. Dapat mayroon kayong batayan at asintahan. Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Dapat ninyong alamin nang husto kung para saan ang inyong pananampalataya sa Diyos, ano ang mapakikinabangan ninyo rito, at kung ano ang papasukin ninyo sa ngayon. Kinakailangan na dapat ninyong malaman ang lahat ng ito.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Kapag ang iyong pang-unawa sa katotohanan sa mga gawain ng Diyos ay magbago, kapag ikaw ay magkaroon ng bagong pang-unawa ng katotohanan ng lahat ng sinasabi ng Diyos, at kapag ang iyong panloob na pang-unawa ay maitaas, ang iyong buhay ay tutungo sa mabuti. Lahat ng ginagawa at sinasabi ng tao ngayon ay praktikal. Ito ay hindi mga doktrina, kundi ang mga kailangan ng mga tao sa kanilang buhay at kung ano ang kanilang dapat na taglay. Ito ang pagbabago na nagaganap sa tao sa mapanlupig na gawa, ang pagbabago na dapat maranasan ng tao, at ito ang kahihinatnan matapos malupig ang tao. Kapag ikaw ay nagbago ng iyong pag-iisip, nagpatibay ng bagong pang-isip na pananaw, binaligtad ang iyong mga paniniwala at layunin at ang iyong mga nakalipas na mga lohikong katwiran, itinapon ang mga malalalim na bagay sa loob mo, at nagkaroon ng bagong pagkaunawa sa pananampalataya sa Diyos, gayon ang mga patotoo na iyong dadalhin ay maitataas at ang iyong kabuuang pagkatao ay tunay na magbabago. Ang lahat ng ito ay ang mga pinakapraktikal, pinakamakatotohanan, at ang pinakapangunahin sa lahat ng bagay—mga bagay na mahirap hawakan ng mga tao sa nakaraan at mga bagay na hindi nila maaring madikitan. Iyon ang mga tunay na gawa ng Espiritu.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

16. Sa pagtatapos ng lahat ng mapanlupig na gawa, kailangang lahat kayo ay unawain na ang Diyos ay hindi lang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos ng lahat ng nilalang. Nilikha Niya ang lahat ng sangkatauhan, hindi lang ang mga Israelita. Kung sasabihin mo na ang Diyos ay ang Diyos ng mga Israelita lang o imposibleng ang Diyos ay magkatawang tao sa kahit na anong bayan sa labas ng Israel, sa gayon hindi mo pa rin naarok ang kahit anumang pagkaunawa sa mapanlupig na gawa at hindi mo man lamang kinikilala na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Ang kinikilala mo lang ay ang Diyos ay kumilos mula sa Israel hanggang sa Tsina at ipinipilit mo na maging Diyos. Kung ganito pa rin ang pagtingin mo sa mga bagay, sa gayon ang Aking gawain ay hindi nagkabunga sa iyo at hindi mo naintindihan ang kahit na isa sa Aking mga sinabi. Sa huli, kung ikaw, kagaya ni Mateo, ay muling magsusulat ng talaangkanan para sa Akin, ihanap mo ako ng karapatdapat na “ninuno,” at ihanap mo Ako ng tamang ugat—sa gayon ang Diyos ay may dalawang talaangkanan para sa Kanyang dalawang pagkakatawang tao—hindi ba iyon ang magiging pinakamalaking katatawanan sa mundo? Hindi ba ikaw, na “taong may mabuting balak” na ihinanap Ako ng talaangkanan, ay naging isang taong hinati ang Diyos? Kaya mo bang akuin ang pagpasan sa kasalanang ito? Pagkatapos ng lahat ng mapanlupig na gawa na ito, kung hindi mo pa pinaniniwalaan na ang Diyos ay ang Diyos ng lahat ng nilalang, kung iniisip mo pa rin na ang Diyos ay ang Diyos ng Israelita lang, hindi ka ba ang siyang lantarang lumalaban sa Diyos? Ang layunin ng paglupig sa iyo ngayon ay ang makilala mo na ang Diyos ay ang iyong Diyos, at ang Diyos ng iba, at ang pinakamahalaga ang Diyos ng lahat ng nagmamahal sa Kanya, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Siya ang Diyos ng mga Israelita at ang Diyos ng mga tao sa Ehipto. Siya ang Diyos ng mga taga Britanya at Diyos ng mga Amerikano. Siya ay hindi lang ang Diyos ni Adan at Eba, kundi pati ng lahat ng mga inapo ni Adan at Eba. Siya ay ang Diyos ng lahat na nasa langit at lahat ng nasa lupa.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17. Ang pamilya ng Israelita at lahat ng mga pamilya ng mga Hentil ay kapwa nasa mga kamay ng isang Diyos. Hindi lang Siya gumawa sa Israel nang ilang libong taon at minsang pinanganak sa Hudea, pero ngayon Siya ay bumababa sa Tsina, ang lugar kung saan ang malaking pulang dragon ay nakapulupot na nakahiga. Kung ang pagkapanganak sa Hudea ay ginawa Siyang Hari ng mga Hudyo, sa gayon hindi ba ang pagbaba Niya sa gitna ninyong lahat ngayon ay ginagawa Siyang Diyos ninyo? Ginabayan Niya ang mga Israelita at Siya ay pinanganak sa Hudea, at Siya ay pinanganak din sa isang lupa ng mga Hentil. Hindi ba ang lahat ng Kanyang mga gawain ay para sa kabuuan ng sangkatauhan na Kanyang nilalang? Minamahal ba Niya ang mga Israelita nang isandaang ulit at kinamumuhian ang mga Hentil nang isanlibong ulit? Hindi ba iyan ang inyong paniniwala? Kayo itong mga hindi kumikilala sa Diyos; hindi na ang Diyos ay hindi kailanman ang iyong Diyos. Kayo itong mga tumatanggi sa Diyos; hindi ang Diyos ang hindi pumapayag na maging inyong Diyos. Sino sa mga nilalang ang wala sa kamay ng Makapangyarihan? Sa paglupig sa inyo ngayon, hindi ba ang layunin ay upang kilalanin ninyo na ang Diyos ay walang iba kundi ang inyong Diyos? Kung pananatilihin ninyo na ang Diyos ay Diyos lang ng mga Israelita, at pananatilihin na ang tahanan ni David sa Israel ay ang pinanggalingan ng kapanganakan ng Diyos at walang ibang bayan bukod sa Israel ang karapatdapat na “gumawa” ng Diyos, at lalong hindi kahit na sinong pamilyang Hentil na kayang tanggapin nang personal ang gawain in Jehovah—kung ganito pa rin ang inyong pag-iisip, sa gayon hindi ba kayo nagiging matigas ang ulo? Huwag ninyo laging pagtuunan ang Israel. Ang Diyos ay naririto mismo kasama ninyo ngayon. Huwag din kayong laging nakatingala sa langit. Itigil ninyo ang pangungulila sa Diyos sa langit! Ang Diyos ay lumapit na sa inyong kalagitnaan, sa gayon papaano Siyang nasa langit? Hindi kayo naniwala sa Diyos nang napakahabang panahon, ngunit kayo ay may napakaraming paniniwala tungkol sa Kanya, hanggang sa hindi kayo maglalakas-loob kahit isang saglit na isipin ang Diyos ng mga Israelita ay mamarapating “biyayaan” kayo ng Kanyang pagharap. Lalong hindi kayo mangangahas isipin kung paano ninyo makikita ang Diyos na magpakita nang personal, lalo na’t kayo ay may di-matitiis na karumihan. Hindi ninyo rin inisip kahit kailan kung paanong personal na bababa ang Diyos sa isang lupaing Hentil. Siya ay dapat na bumaba sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliba at magpakita sa mga Israelita. Hindi ba ang mga Hentil (yun ay, ang mga tao sa labas ng Israel) ang lahat ng mga bagay na Kanyang kinamumuhian? Paano Siya personal na gagawa kasama nila? Ang lahat ng ito ay ang mga napakalalim na paniwala na iyong pinalago sa maraming mga taon. Ang layunin ng paglupig sa inyo ngayon ay upang wasakin itong mga paniniwala ninyo. Nakita na ninyo ang Diyos na nagpakita nang personal sa inyo—hindi sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliva, kundi sa mga tao na hindi pa Niya kailanman pinamunuan sa nakaraan.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

18. Matapos gawin ng Diyos ang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel, ang mga Israelita at ang lahat ng mga Hentil ay kapwa nagtaglay ng paniniwalang ito: Kahit na totoong nilalang ng Diyos ang lahat ng mga bagay, Siya ay pumapayag na maging Diyos ng mga Israelita lang, hindi ang Diyos ng mga Hentil. Ang mga Israelita ay naniniwala sa mga sumusunod: Ang Diyos ay Diyos lang namin, hindi ang Diyos ninyong mga Hentil, at dahil hindi ninyo iginagalang si Jehovah, si Jehovah—ang aming Diyos—ay kinasusuklaman kayo. Ang mga Hudyong iyon ay naniniwala rito: Ang Panginoong Hesus ay iniluklok ang anyo nating mga Hudyo at isang Diyos na dala ang tanda ng mga Hudyo. Sa amin gumagawa ang Diyos. Ang anyo ng Diyos at anyo namin ay magkatulad; ang aming anyo ay hawig sa Diyos. Ang Panginoong Hesus ay ang Hari ng mga Hudyo; ang mga Hentil ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng ganoong kadakilang kaligtasan. Ang Panginoong Hesus ang alay pangkasalanan para sa aming mga Hudyo. Alinsunod lamang sa dalawang yugto ng gawain na ang mga Israelita at ang mga Hudyo ay bumuo ng ganito karaming mga paniniwala. Mapagmataas nilang inaangkin ang Diyos para sa kanila, hindi pinapayagan na ang Diyos ay ang Diyos din ng mga Hentil. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay naging basyo sa mga puso ng mga Hentil. Ito ay dahil ang lahat ay naniwala na hindi gusto ng Diyos na maging Diyos ng mga Hentil at ang gusto Niya ay ang mga Israelita lang—ang Kanyang napiling mga tao—at gusto Niya ang mga Hudyo, lalo na ang mga disipulong sumunod sa Kanya. Hindi ba ninyo alam na ang gawain na ginawa ni Jehovah at Hesus ay para sa ikaliligtas ng lahat ng mga tao? Kinikilala na ba ninyo ngayon na ang Diyos ay ang Diyos ninyong lahat na pinanganak sa labas ng Israel? Hindi ba nandito ang Diyos sa kalagitnaan ninyo ngayon? Hindi ito maaring maging isang panaginip, maari ba? Hindi ba ninyo tanggap ang realidad na ito? Hindi ninyo pinangahasang paniwalaan ito o mag-isip ng tungkol dito. Kahit na paano ninyo tingnan ito, hindi ba narito ang Diyos sa gitna ninyo? Natatakot pa rin ba kayo na paniwalaan ang mga salitang ito? Simula sa araw na ito, hindi ba lahat ng mga taong nalupig at lahat ng gustong maging tagasunod ng Diyos, mga napili ng Diyos? Hindi ba lahat kayo, na mga tagapagsunod ngayon, mga piniling mga tao sa labas ng Israel? Ang inyong katayuan ba ay kapareho ng sa mga Israelita? Hindi ba ang lahat ng ito ang inyong dapat kilalanin? Hindi ba ito ang layunin ng gawa ng panlulupig sa inyo? Dahil nakikita ninyo ang Diyos, sa gayon Siya ang inyong magiging Diyos magpakailanman, simula sa umpisa magpahanggang sa hinaharap. Hindi ka Niya iiwan, habang kayong lahat ay pumapayag na sumunod sa Kanya at maging Kanyang tapat at masunuring mga nilalang.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

19. Ano ang ibig sabihin ng ginawang sakdal? Ano ang ibig sabihin ng nalupig? Ano ang batayan na kailangang matugunan ng isang tao upang malupig? At ano ang batayan na kailangang matugunan ng isang tao upang maging sakdal? Ang paglupig at pagpeperpekto ay parehong para sa hangarin ng paggawa sa tao upang siya ay makabalik sa kanyang orihinal na wangis at makalaya sa kanyang mala-satanas na katangian at sa impluwensya ni Satanas. Ang paglupig ay nauuna sa paraan ng paggawa sa tao, ibig sabihin ay ito ang unang hakbang ng gawain. Ang pagsakdal ay ang pangalawang hakbang, o ang pangwakas na gawain. Ang bawat tao ay kailangang dumaan sa paglulupig; kung hindi man ay hindi niya makikilala ang Diyos at hindi niya malalaman na mayroong Diyos, iyon ay, hindi niya kikilalanin ang Diyos. At kung ang isang tao ay hindi kinikilala ang Diyos, imposibleng siya ay magagawang ganap ng Diyos dahil hindi niya makakamit ang mga batayan ng pagiging ganap. Kung hindi mo man lamang ihahayag ang Diyos, paano mo ninyo makikilala? At paano mo Siya hahanapin? Hindi rin kayo makakapagpatotoo sa Kanya, lalong hindi magkaroon ng pananampalataya upang masiyahan Siya. Sa gayon, sa lahat ng gusto maging ganap, ang unang hakbang ay dumaan sa mapanlupig na gawa. Ito ang unang kondisyon. Ngunit ito man ay paglulupig o pagiging ganap, ang bawat isa ay para sa layunin ng paggawa sa tao at upang siya ay baguhin, at ang bawat isa ay isang bagay sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang dalawang hakbang na ito ang kung ano ang mga kinakailangan sa paggawang ganap sa isang tao; hindi maaring lampasan ang kahit alin sa mga hakbang. Tunay nga na ang “pagiging nalupig” ay hindi masyadong magandang pakinggan, ngunit sa katotohanan ay ang paraan ng paglupig sa isang tao ay ang paraan ng pagbago sa kanya. Matapos siyang malupig, maaaring hindi mo pa naalis nang lubusan ang iyong tiwaling katangian, ngunit malalaman mo ito. Sa pamamagitan ng mapanlupig na gawa malalaman mo ang iyong mababang pagkatao at upang malaman mo din ang iyong pagkasuwail. Kahit hindi mo kayang alisin o baguhin ang mga ito sa loob ng maiksing panahon ng mapanlupig na gawa, makikilala mo ang mga ito. Ito ang magsisilbing saligan ng iyong pagiging sakdal. Sa gayon ang paglupig at pagsakdal ay parehong ginawa upang baguhin ang tao, parehong ginawa upang alisin sa tao ang kanyang mala-satanas na katangian upang maihandog niya ang kanyang sarili nang lubusan sa Diyos. Ang pagiging nalupig ang unang hakbang lamang sa pagbago ng katangian ng tao at ito rin ang unang hakbang sa lubusang pag-alay ng tao ng kanyang sarili sa Diyos, isang hakbang na mas mababa sa pagiging sakdal. Ang katangian ng buhay ng isang nilupig ay nababagong mas kaunti kumpara sa isang taong naging sakdal. Ang pagiging nilupig at pagiging nasakdal ay naisipang magkaiba sa bawat isa dahil ito ay mga magkaibang yugto ng gawain at dahil binibigyan nila ang mga tao ng iba’t-ibang mga pamantayan, ang panlulupig ay pinananatili sila sa mabababang pamantayan at ang pagiging sakdal ay pinananatili sila sa mas mataas. Ang mga ginawang sakdal ay ang mga matuwid na tao, mga taong ginawang banal at dalisay; sila ang mga pagpapalinaw ng gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, o ng resulta. Kahit na hindi sila mga walang salang mga tao, sila ay mga taong nagsisikap mamuhay ng makabuluhang buhay. Ngunit paano ang mga nalupig? Binibigkas lang nila ang pagkakilala nila sa pag-iral ng Diyos; kinikilala nila na ang Diyos ay ang Siyang nagkatawang tao mismo, na ang Salita ay nakita sa laman, at ang Diyos ay pumunta sa lupa upang gawin ang gawain ng paghatol at pagparusa. Kinikilala rin nila na ang paghatol at pagparusa ng Diyos at ang Kanyang pag-usig at pagdalisay ay lubos na kapakipakinabang sa tao. Iyon ay, nag-uumpisa pa lamang silang magkaroon ng wangis ng tao, at mayroon silang kaunting pagkakaunawa sa buhay ngunit may kalabuan pa rin. Sa ibang salita, nag-uumpisa pa lang silang magkaroon ng pagkatao. Ito ang mga bunga ng pagkakalupig. Kapag umapak ang mga tao sa daan ng kasakdalan, ang kanilang lumang katangian ay maaaring mabago. Bukod dito, ang kanilang mga buhay ay magpapatuloy sa paglago habang lumalalim ang pagpasok nila sa katotohanan. Kakayanin nilang kamuhian ang mundo at kamuhian ang lahat ng hindi nagsisikap malaman ang katotohanan. Lalo nilang kinamumuhian ang kanilang mga sarili, ngunit higit pa riyan, malinaw na kilala nila ang kanilang mga sarili. Pumapayag silang mabuhay sa katotohanan at ginagawa nila ang layuning hanapin ang katotohanan. Hindi sila pumapayag na mamuhay sa loob ng kanilang mga isipan na ginawa ng kanilang mga utak, at ramdam nila ang pagkamuhi sa mapagmatuwid-sa-sarili ng tao, kahambugan, at kayabangan. Sila ay nagsasalita nang may matinding moralidad, pinanghahawakan ang mga bagay nang may pag-intindi, at sila ay may taglay na karunungan, at sila ay tapat sa pagiging masunurin sa Diyos. Kung nakararanas sila ng pagkakataon ng pagparusa at paghatol, hindi lamang sila nagiging walang kibo at mahina, kundi sila pa ay nagpapasalamat. Hindi sila maka-iral nang walang pagparusa at paghatol ng Diyos; sila ay nakatatanggap ng Kanyang pananggalang sa pamamagitan nito. Hindi nila ninanais ang pananampalatayang may kapayapaan at kaligayahan at ng paghanap ng tinapay upang mapawi ang gutom. Ni hindi rin nila ninanais ang panandaliang kaaliwan ng laman. Ito ang mayroon ang mga sakdal.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

20. Sinasabi mong kinikilala mo ang Diyos na nagkatawang tao at kinikilala mo na ang Salita ay nagpapakita sa laman, ngunit gumagawa ka ng mga bagay nang patago, at hindi ka kumikilos sa paraang gusto Niyang ikilos mo, at hindi ka natatakot sa Kanya. Ito ba ay pagkilala sa Diyos? Kinikilala ninyo ang mga sinasabi Niya, ngunit hindi mo isinasabuhay kahit na iyong mga bagay na kaya mong gawin at hindi mo sinusunod ang Kanyang paraan. Ito ba ang pagkilala? Kinikilala ninyo Siya, ngunit ang iyong pag-iisip ay nakatuon sa pagsanggalang mula sa Kanya, hindi kailanman ang paggalang sa Kanya. Kung nakita mo at kinilala ang Kanyang mga gawain at alam mo na Siya ang Diyos, ngunit nananatili kang maligamgam at lubos na walang pagbabago, sa gayon ikaw ay hindi pa rin nalupig na tao.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

21. Ang isang nalupig na tao ay kinakailangang gawin ang lahat ng makakaya niya; gugustuhin niyang pasukin at abutin ang mga mas matataas na katotohanan kahit na hindi pa niya kaya. Ito ay dahil lamang may hangganan ang kaya niyang tanggapin at ang kanyang mga kilos ay nakatali at may hangganan. Ngunit kahit paano ay kinakailangan niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya. Kung kaya mong gawin ang mga bagay na ito, ito ay dahil sa mapanlupig na gawa. Ipagpalagay mong sabihin, “Kung kaya Niyang gumawa ng napakaraming salita na hindi kaya ng tao, kung Siya ay hindi Diyos, sino kaya?” Ang pagkakaroon ng ganitong pag-iisip ay hindi nangangahulugang kinikilala mo ang Diyos. Kung kinikilala mo ang Diyos, dapat ipakita mo sa pamamagitan ng iyong mga gawa. Namumuno sa isang simbahan ngunit hindi nakagagawa ng katuwiran, nagnanasa sa pera at laging patagong inililipat ang pera ng simbahan sa sarili mong mga bulsa—ito ba ang pagkilala na mayroong Diyos? Ang Diyos ay makapangyarihan at dapat na katakutan. Paano ka hindi matatakot kung tunay na kinikilala mo na mayroong Diyos? Paano mo magagawa ang mga kasuklam-suklam na mga bagay? Matatawag ba iyan na paniniwala? Tunay nga bang kinikilala mo Siya? Ang Diyos ba ang iyong pinaniniwalaan? Ang iyong pinaniniwalaan ay isang malabong Diyos; iyan ang dahilan kaya hindi ka natatakot! Silang tunay na kumikilala at nakakakilala sa Kanya at mga takot na gumawa ng kahit na anong bagay na sumasalungat sa Kanya o lumalaban sa kanilang mga konsiyensya; sila ay lalong takot na gumawa ng kahit anong bagay na alam nilang labag sa kalooban ng Diyos. Ito lamang ang maituturing na pagkilala sa pag-iral ng Diyos. Ano ang dapat mong gawin kapag pinipigilan ka ng iyong mga magulang na maniwala sa Diyos? Paano mo iibigin ang Diyos kung ang asawa mong hindi nananampalataya ay mabuti ang pag-trato sa iyo? At paano mo iibigin ang Diyos kung ang mga kapatiran ay kinamumuhian kayo? Kung kinikilala mo ang Diyos, sa gayon kayo ay kikilos nang tama at ipapamuhay ang realidad sa lahat ng mga kalagayang ito. Kung ikaw ay nabigo sa tunay na paggawa ngunit sinasabi lang na kinikilala mo ang pag-iral ng Diyos, sa gayon ikaw ay mabunganga lang! Sinasabi mo na naniniwala ka sa Kanya at kinikilala Siya. Ngunit sa paanong paraan mo Siya kinikilala? Sa paanong paraan mo Siya pinaniniwalaan? Siya ba’y iyong kinatatakutan? Siya ba’y iyong iginagalang? Siya ba’y iyong iniibig hanggang sa kaibuturan? Kapag ikaw ay balisa at walang masandalan, nararamdaman mo na ang Diyos ay dapat ibigin, at matapos iyon nakalilimutan mo ang lahat tungkol dito. Iyan ay hindi pag-ibig sa Diyos o paniniwala sa Diyos! Ano ang kahuli-hulihang nais ng Diyos na makamtan ng tao? Lahat ng mga katayuang aking binanggit, kagaya ng pag-iisip na ikaw ay isang makapangyarihang tao, pakikiramdam na kaya mong matutunan agad ang mga bagay, pagsupil sa iba, pagtingin nang mababa sa iba, paghusga sa iba batay sa kanilang itsura, pang-aapi sa mga matapat na tao, pagnanasa sa pera ng simbahan, at iba pa—ang mawalan ng isang bahagi ng ganitong mga tiwali at mala-satanas na katangian ay ang dapat nakikita sa iyo matapos kang malupig.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

22. Ang mapanlupig na gawa na natapos sa inyong mga tao ang may pinakamalalim na kabuluhan. Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing sakdal ang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang sila’y maging sakdal para maging pangkat ng mga nanaig, bilang ang unang pangkat ng tao na naging ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa kabilang banda, ito ay upang payagan ang mga nilalang na masiyahan sa pag-ibig ng Diyos, tumanggap ng pinakadakilang kaligtasan ng Diyos, at tumanggap ng buong kaligtasan ng Diyos, upang hindi lang masiyahan ang tao sa awa at mapagmahal na kabutihan, kundi mas mahalaga, sa pagpaparusa at paghatol. Magmula nang nilikha ang mundo hanggang sa ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagpaparusa at paghatol na iyong nakita ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig na pumapatnubay sa tao patungo sa tamang landas ng buhay. Sa pangatlong banda, ito ay magsisilbing patotoo sa harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng saligan sa pagpalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat ng gawain na Kanyang ginawa ay para sa layunin ng patunguhin ang mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng normal na buhay ng sangkatauhan, sapagkat hindi alam ng tao kung paano ang mamuhay. Kung wala ang ganitong pamumuno, ikaw ay makakapamuhay lang ng isang buhay na walang saysay, makakapamuhay lang ng isang walang halaga at walang kabuluhang buhay, at hindi mo malalaman kung ano talaga ang pagiging normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

23. Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang nakita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, tumanggap kayo ng pagparusa at paghatol, tumanggap ng ganyang pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang tunay na pag-ibig Niya sa inyo; wala Siyang masamang balak. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang kilatisin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginawa upang gawin ang tao. Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang Diyos ay ginagawa Niya ang Kanyang buong kakayahan upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang masira ang tao na Kanyang nilikha ng Kanyang mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay mas mainam pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalaki upang personal na pamunuan kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang balak ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatunay na pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano ang manguna sa buhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diablo, wala Siyang lakas ng loob para pabayaan kayong maging mas napakasama; wala rin Siyang lakas ng loob para makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan niya gusto, o ang lakas ng loob para hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng mapanlupig na gawa sa iyo—ito ay para lamang sa kaligtasan.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

24. Kung hindi mo makita na ang lahat ng ginawa sa iyo ay pag-ibig at kaligtasan, kung iniisip mo na ito ay isa lang paraan, isang paraan upang pahirapan ang tao at isang bagay na di mapagkakatiwalaan, sa gayon mas mabuti pang bumalik ka sa iyong mundo upang magdusa sa sakit at paghihirap! Kung nais mo na mapasama sa agos na ito at masiyahan sa paghatol na ito at itong napakalaking kaligtasan, masiyahan sa lahat ng pagpapala na hindi matatagpuan kahit saan man sa mundo ng mga tao, at masiyahan sa pag-ibig na ito, kung gayon manatiling may pagpapakumbaba sa agos na ito upang tanggapin ang mapanlupig na gawa upang ikaw ay maging sakdal. Kahit na ikaw ay nagdurusa sa sakit at pagdalisay ngayon dahil sa paghatol, ang sakit na ito ay mahalaga at makabuluhan. Kahit na ang pagparusa at paghatol ay mga pagdalisay at walang awang mga hayag sa tao, na sinadya para parusahan ang kanyang mga kasalanan at parusahan ang kanyang laman, wala sa mga gawain na ito ay itinakda upang isumpa at puksain ang kanyang laman. Ang mga matinding paghahayag na ito ng salita ay lahat para sa layuning pamunuan ka sa tamang landas. Personal ninyong naranasan na ang napakarami sa mga gawaing ito at, malinaw na, hindi kayo dinala sa isang masamang daan! Ang lahat ng ito ay upang makaya mong mamuhay ng isang pagkatao ng normal; ang lahat ng ito ay isang bagay na kayang marating ng iyong normal na pagkatao. Ang bawat hakbang ng gawain ay ginawa ayon sa iyong mga pangangailangan, ayon sa iyong mga kahinaan, at ayon sa inyong mga tunay na katayuan, at walang hindi kakayaning pasanin ang inilagay sa inyo. Kahit na hindi mo makita ito nang malinaw ngayon at nararamdaman mo na tila Ako ay malupit sa iyo, kahit na patuloy mong iniisip na ang dahilan kaya pinaparusahan at hinahatulan Ko kayo araw-araw at dinudusta Ko kayo araw-araw ay dahil sa may poot Ako sa iyo, at kahit na ang iyong tinatanggap ay kaparusahan at paghatol, sa totoo itong lahat ay pag-ibig sa iyo, ito rin ay dakilang sanggalang para sa iyo. Kung hindi mo kayang maunawaan ang mas malalalim na kahulugan ng gawaing ito, sa gayon hindi na ka dapat magpatuloy pa sa iyong karanasan. Kayo ay dapat bigyan ng kaginhawaan para sa ganoong kaligtasan. Huwag ninyong tanggihan ang pagbalik ng iyong kamalayan. Dahil malayo na ang iyong narating, dapat mong makita nang malinaw ang kahalagahan nitong mapanlupig na gawa. Hindi ka na dapat mag-urong-sulong sa iyong pag-iisip!

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao