Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Langit Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?

21

He Jun, Sichuan

Linggo Agosto 5, 2018. Makulimlim.

Pagkatapos ng pulong sa araw na ito, dumating ang isang kapatid na lalaki na naghahanap sa akin, ang kanyang mukha ay puno ng pangamba. Sinabi niya na hinihiling ng Diyos na magpakabanal ang mga tao, ngunit madalas siyang nagkakasala nang hindi sinasadya, at kung palagi siyang mabubuhay sa kasalanan ng ganito, kung gayon makapapasok ba siya sa kaharain ng langit pagdating ng Panginoon? Sinabi ko sa kanya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at na inako Niya Mismo ang lahat ng ating mga kasalanan, tinumbasan ng Kanyang buhay. Sinabi ko na ang ating mga kasalanan ay ipinatawad dahil sa ating pananampalataya sa Panginoong Jesus, at na hindi na tayo itinuturing ng Panginoon bilang mga makasalanan, at na hangga’t maisusuko natin ang lahat at gugulin ang ating mga sarili, magtrabaho nang husto para sa Panginoon, at magtiis hanggang sa wakas, kung gayon tayo ay aakyat sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon. Pagkatapos marinig ng kapatid na sinabi ko ang ganito, tumingin siya na parang hindi niya nakuha ang gusto niyang sagot, at umalis siya na tila nabigo. Habang tinitingnan ko siyang papalayo, nakadama ako ng napakahirap unawain na mga emosyon. Sa totoo lang, hindi ba magkaprehas ang mga pangamba namin ng kapatid? Iniisip kung paanong naniwala ako sa Diyos sa maraming taon ngunit madalas na nakagapos sa kasalanan, at nabubuhay sa isang kalagayan kung saan nagkakasala ako sa araw at nagkukumpisal sa gabi, hindi ko rin ginustong manatiling nabubuhay sa paraang iyon. Ngunit wala talaga akong kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan, kaya madalas akong manalangin sa Panginoon, at pinatibay ang aking pagbabasa ng mga kasulatan. At gayunma’y hindi ko kailanman nalutas ang suliranin ng aking mga kasalanan. Ang Panginoon ay banal, kaya pararangalan ba Niya ang isang tao na kagaya ko, na puno ng kasalanan?

Martes Agosto 7, 2018. Makulimlim.

Nag-away kami ng aking asawa sa araw na ito dahil sa isang walang kuwentang bagay, at ako ay kapwa sising-sisi at naguguluhan. Paano nangyaring inuulit ko ang mga dati kong mga kamalian? Sa gabing ito, tumangis ako habang nananalangin sa Panginoon at ikinumpisal ang aking mga kasalanan, at pagkatapos kong manalangin, naguguluhan pa rin ako. Naalala ko ang mga turo ng Panginoon: “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39). Pangunahing hinihingi sa atin ng mga salitang ito na ibigin natin ang Diyos ng buong puso at ng ating buong kaluluwa, at pangalawa kailangan nating ibigin ang iba kagaya sa ating mga sarili; dapat palakasin ng mga kapatid ang loob ng isa’t-isa, maging mapagpigil at matiyaga sa isa’t-isa at bigyang kaginhawaan at kaaliwan ang isa’t-isa. Ito ay isang bagay na dapat nating gawin bilang mga Kristiyano, at sa ganitong paraan lamang natin maisasabuhay ang mga buhay na nakalulugod sa Panginoon at nagpapatotoo sa Kanya. Subalit sa nakaraang mga taon ng aking pananampalataya sa Panginoon, hindi ko pa narating ang isang kinakailangan na ito: Kapag nasa bahay, minsan nag-aaway kami ng aking asawa dahil sa maliliit na bagay; kapag nasa iglesia naman nagsasalita ang mga kapatid ng mga bagay na mapapahiya ako, nagsisimula na akong makadama ng panghuhusga laban sa kanila, at minsan hindi ko pa sila pinapansin. Kadalasan, nananalangin ako na sinasabing nais kong ibigin ang Panginoon. Ngunit kapag mayroong hindi magandang nangyayari sa bahay o isang aksidente ang nagaganap, naipagkakamali ko pa rin at sinisisi ang Panginoon, iniisip na “Ginugol ko ang aking sarili para sa Panginoon bakit hindi Niya ako pinoprotektahan? …” Oh, Walang anuman sa ginagawa ko ang nakatutugon sa kinakailangan ng Diyos ni umaayon sa kalooban ng Diyos. Bagamat madalas akong nananalangin sa Panginoon, madalas pa rin akong nagkakasala, at hindi ko ito mapigilan gaano ko man ito gustuhin. Madalas kong iniisip, “Bagamat ang aking mga kasalanan ay pinatawad dahil sa aking pananampalataya sa Panginoon, palagi pa rin akong nagkakasala at pinagdaramdam ang Panginoon, Kung magpapatuloy ako sa ganitong paraan, makapapasok ba ako sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Paano ako makahihinto sa pagkakasala?

Kailan lang, madalas kong sangguniin ang Biblia, at hinanap ang mga pastor at ang matatanda, ngunit hindi ako nakakuha kailanman ng kasiya-siyang sagot. Ang usaping ito ay may tuwirang kaugnayan sa mahalagang bagay ukol sa kung makapapasok ba ako o hindi sa kaharian ng langit, at hindi ko ito mapakakawalan anuman ang mangyari. Sinabi ng Panginoon: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Mateo 7:7). Naniniwala ako na, hanggat’t mayroon akong pusong naghahangad, sa gayon tiyak na liliwanagan ako ng Panginoon.

Linggo Agosto 12, 2018. Makulimlim.

Sa umagang ito, pagkatapos ng isang maalab na panalangin sa Panginoon, kagaya ng dati, binuksan ko ang Biblia at sinimulan ang aking panatang espirituwal. Saka ako nagbasa ng isang talata sa Pahayag na bumagabag sa aking puso: “At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero” (Pahayag 21:27). Malinaw na sinasabi sa atin ng Biblia na ang mga hindi nalinis sa atin ay hindi makapapasok dito, at hindi ba’t ang “dito” na ito ay tumutukoy sa kaharian ng langit? Pagkatapos ay binasa ko ang kabanata 7, talatang 21 sa Ebanghelyo ni Mateo: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” At maging ang Juan 8:34-35 na nagsasabing, “Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.” Habang binubulay ko ang mga talatang ito ng Banal na Kasulatan, naisip kong, bagamat nanalangin ako sa Panginoon at binabasa ang Biblia araw-araw sa loob ng maraming taong ito ng aking paniniwala sa Panginoon, at madalas kong ipinalalaganap ang ebanghelyo at gumawa, isinuko ang mga bagay at ginugol ang aking sarili para sa Kanya, sinasadya ko pa ring magkasala, nagkakasala ako at pagkatapos ay nangungumpisal, at hindi ako makapaninindigan sa mga turo ng Panginoon o naisasagawa ang mga hinihiling ng Panginoon. Maliwanag na hindi ako ang tao na ginagawa ang kalooban ng Ama na nasa langit, lalong hindi ako ang taong nalinis na, kaya makapapasok pa rin ba ako sa kaharian ng langit? Ang kaharian ng langit ay kaharian ng Diyos at ang Diyos ay banal, kaya paanong magiging karapat-dapat ang isang taong puno ng karumihan at palaging nagkakasala na makapasok sa kaharian ng langit at mamuhay kasama ng Diyos? Tila ang pagpasok sa kaharian ng langit ay hindi ganoon kasimple na kagaya ng iniisip natin!

Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Langit Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?

Lunes Agosto 13, 2018. Makulimlim nagbibigay-daan sa araw

Ngayong araw, nakasalubong ko ang kapatid na Zheng, na hindi ko nakita sa matagal na panahon, at masaya talaga ako na makita siya. Habang kami ay nag-uusap, nabanggit ko ang bagay na bumabagabag sa akin sa mahabang panahon. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang tungkol dito, nagbahagi sa akin ang kapatid na Zheng, na sinasabing, “Ang mga kasalanan ng tao ay pinatawad nang ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus, at nang tayo ay naniwala sa Panginoon, ang ating mga kasalanan ay pinatawad at tayo ay naligtas. Ngunit ano ba talaga ang ibig sabihin ng pinatawad ang ating mga kasalanan? Kung mauunawaan natin ang usaping ito, kung gayon ay malalaman natin kung bakit nagkakasala pa rin tayo kahit pagkatapos nating maniwala sa Panginoon at pinatawad na ang ating mga kasalanan. Pagdating sa kung makapapasok ba tayo o hindi sa kaharian ng langit, tingnan muna natin ang nasa likod ng pagpapakita at gawain ng Panginoon. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang tao ay lalo pang mas pinasama ni Satanas at nakagagawa ng lalo pang mas maraming mga kasalanan, anupa’t wala ng anumang handog para sa kasalanan na kanilang magagawang sapat na pagbabayad-sala para sa kanilang mga kasalanan, at ang mga tao ay nanganganib na mahatulan at masentensyahan ng kamatayan ng kautusan sa panahong iyon. Laban sa tagpong ito, ang Diyos ay naging tao sa katauhan ng Panginoong Jesus at ipinako sa krus bilang isang handog sa kasalanan para sa mga tao, at sa gayon ang mga kasalanan ng tao ay pinatawad minsan at magpakailanman. Pagkatapos noon, hangga’t nananalangin ang mga tao, nagkukumpisal at nagsisisi sa pangalan ng Panginoon, kung gayon ang kanilang mga kasalanan ay pinatatawad, at hindi na sila sasailalim pa sa paghatol at pagpaparusa ng kautusan. Hindi na itinuring ng Diyos na makasalanan ang tao, at ang mga tao ay tuwirang nakapapanalangin at nakatatawag sa Diyos, at tinatamasa ang masaganang biyaya ng Diyos at ang Kanyang paglalaan ng katotohanan. Makikita mula rito na ang ating mga kasalanan ay pinatawad dahil sa ating paniniwala sa Panginoon. At na ang ibig sabihin ng ‘ang ating mga kasalanan ay pinatawad’ ay simple lamang na pinatawad ng Diyos ang ating kasalanan ng paglabag sa Kanyang mga kautusan at mga utos at sa pagsalangsang sa Kanyang mga salita. Na ang ibig sabihin, hindi maaalala ng Panginoon ang ating makasalanang mga gawa ng paglabag at pagkakasala sa mga kautusan ng Diyos. Ngunit ang ating mala-satanas na mga disposisyon at makasalanang kalikasan, na nagiging sanhi upang tayo ay magkasala, ay hindi pa pinatawad ng Diyos, at ito ay tiyak na dahil sa ang ating makasalanang kalikasan at mala-satanas na mga disposisyon na lumalaban sa Diyos ay patuloy na umiiral na may kakayahan pa rin tayong magkasala nang madalas. Maaaring makita kung gayon na ang ating makasalanang kalikasan na lubos na lumalaban sa Diyos at sumasalungat sa katotohanan, at kung hindi natin malulutas ang makasalanan nating kalikasan, kung gayon ang suliranin ng mga kasalanan ng tao ay magiging imposible na malutas, at maaari pa tayong makagawa ng mga kasalanan na mas malala pa kaysa sa paglabag sa kautusan, at ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay lubos na imposibleng mangyari. Malinaw na sinasabi sa Biblia: ‘Nguni’t yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Sapagka’t nasusulat, Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal’ (1 Pedro 1:15-16). ‘Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway’ (Mga Hebreo 10:26-27), ‘Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan’ (Roma 6:23). Nakita ko mula sa mga talatang ito na kung ang ating makasalanang kalikasan ay mananatiling hindi nalulutas, at nabubuhay pa rin tayo sa kalagayan kung saan nagkakasala tayo sa araw at nagkukumpisal sa gabi, kung gayon bagamat maaaring tayo ay maniwala sa Diyos hanggang sa wakas, mamamatay pa rin tayo, sapagkat ang Diyos ay banal, at ang sangkatauhan na marumi at pinasama ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng mga pagpapala at mga pangako ng Diyos, at hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos.”

Sa ngayon, medyo maaliwalas na ang nadadama ng aking puso, at nauunawaan ko na ang pinatawad nating mga kasalanan ay nangangahulugan lamang na pinatawad ng Panginoon ang ating makasalanang mga gawa sa paglabag sa mga kautusan ng Diyos. Ngunit hindi pa natin nalutas ang ating makasalanang kalikasan na lumalaban sa Diyos, kaya hindi nakapagtataka na hindi ko ito malulutas gaano ko man naisin, kung nabubuhay ako araw-araw sa kalagayang nagkakasala sa araw at nagkukumpisal sa gabi! Salamat sa Panginoon! Ang pagbabahagi na aking tinanggap sa araw na ito ay napakalinaw talaga, at nadadama ko na parang ang mga ulap ay lumampas at nakikita ko na sa wakas ang bughaw na kalawakan. Nang paalis na ako, binigyan ako ng aklat ni kapatid na Zheng at sinabi na ang lahat ng kanyang pagkaunawa ay nagmula sa pagbabasa ng aklat na ito, at ako ay nagalak.

Miyerkules Agosto 15, 2018. Isang maaliwalas na araw.

Salamat sa pag-ibig ng Diyos, maganda ang pakiramdam ko sa nakaraang ilang araw. Mula sa aklat na ito na ibinigay ni kapatid na Zheng, naunawaan ko ang maraming mga katotohanan na hindi ko dating naunawaan, at pinawi nito ang maraming taon kong pagkalito at pagkatuliro. Nabasa ko sa aklat: “Sapagka’t, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay lumayas sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, nguni’t ang tiwaling mga disposisyon sa kalooban ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay gumaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, nguni’t ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi nagawa sa kanya. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, nguni’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, nguni’t hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)”). “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa huling mga araw, ngunit paano Siya bababa? Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan”).

Sa pagbabasa sa mga salitang ito at pagkatapos ay pag-iisip kung ano ang ipinabatid sa akin ni kapatid na Zheng, bigla na lamang nagliwanag ang lahat sa akin. Ang ginawa lamang pala ng Panginoong Jesus ay ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan, sa gayon ay napatawad ang ating mga kasalanan at tayo ay naligtas sa pamamagitan ng ating pananampalataya; ang hindi Niya ginawa ay ang gawain upang ganap na linisin at baguhin ang tao. Bagamat pinatawad ng Panginoon ang ating mga kasalanan, hindi Niya tayo tinubos sa ating mala-satanas na kalikasan, at ang masasamang disposisyon sa loob natin, kagaya ng kayabangan, pagiging makasarili, panlilinlang at kasamaan, ay patuloy na umiiral. Ang mga bagay na ito ay mas malalim at mas mahirap sugpuin kaysa sa kasalanan, at hangga’t hindi nalulutas ang lumalaban sa Diyos na mala-satanas na disposisyon na ito, mananatili tayong magkakasala at lumalaban sa Diyos nang hindi sinasadya. Napaisip tuloy ako kung paanong palagi tayong nabuhay sa pagkakasala, Halimbawa, sa ating pakikitungo sa iba, palagi nating gusto na pagsamantalahan sila at huwag tayong mawawalan; kapag nakikita nating mas mahusay ang iba kaysa sa atin, madalas nating inihahayag ang masasamang disposisyon ng pagkainggit at pagkamasuwayin; hindi tayo umiimik kapag pinasasama ang loob natin ng isang tao, ngunit ang ating mga puso ay napupuno ng pagkasuklam para sa kanila, kapag binibigyan tayo ng mga biyaya ng Diyos nagagalak tayo, ngunit kapag hindi Niya tayo binibiyayaan sinisisi natin Siya, lalo na kapag dumarating ang mga sakuna na gawa ng kalikasan o ang mga kalamidad na gawa ng tao, bumabangon ang mga pagkaintindi sa loob ng ating mga puso tungkol sa Diyos, at ang mas malala pa, tinatanggihan pa natin at pinagtataksilan ang Diyos… Araw-araw, nabubuhay tayo sa malupit na paulit-ulit na pagkakasala, kagaya ng sinabi ni Pablo na apostol:

“Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala” (Roma 7:18). Kung ang Diyos ay hindi dumating Mismo upang gampanan ang gawain ng paglilinis at pagpapabago sa tao, kung gayon walang sinuman sa atin ang makapagtatakwil sa mga gapos at pagpipigil ng pagkakasala, mapagtatagumpayan tayo ng kasalanan, susundun natin ang masasamang kalakaran ng mundo, hahangarin natin ang kasiyahan ng pagkakasala, at walang anuman sa isinabuhay natin ang magtataglay ni kapiraso ng normal na pagkatao. Maging ang mga taong naniniwala sa Diyos sa buong buhay nila, o ang mga relihiyosong lider na maalam sa Biblia na mayroong matalinong pag-iisip pagdating sa Banal na Kasulatan ay kagaya nito—walang sinuman sa kanila ang makapagtatakwil sa mga gapos ng kasalanan. Kaya, kahit na ang ating mga kasalanan ay pinatawad nang isanlibong beses, sampung libong beses, hindi pa rin tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit.

Pasalamatan ang Panginoon! Napakahalaga ng mga salitang ito, at nalutas ng mga ito ang usaping ito na bumagabag sa akin sa loob ng mahabang panahon. Kaya paano ba talaga natin maitatakwil ang kasalanan? Mayroon bang paraan ang aklat na ito upang gawin iyon? Dapat akong magpatuloy sa pagbabasa…

Huwebes Agosto 16, 2018. Ang makulimlim ay nagiging maaraw.

Pagsapit ng hapon, nagawang sumikat ng araw sa likod ng makakapal na ulap. Nakaupo ako sa bahay-aklatan habang nagpapatuloy sa pagbabasa sa aklat na iyon.

Pinasasalamatan ko ang pagliliwanag at paggabay ng Diyos. Sa loob ng aklat na ito, natagpuan ko ang paraan kung paano itatakwil ang mga gapos ng kasalanan: “Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maiwaksi at hindi na muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)”). “Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (“Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos”).

Nang mabasa ko ang dalawang talatang ito, bigla ko na lang nakita ang liwanag: Ganoon pala, kung gusto nating itakwil ang mga gapos at mga pagpipigil ng ating mala-satanas na masasamang disposisyon, dapat anting tanggapin ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw at sa gayon ang ating masasamang disposisyon ay mababago at malilinis, at sa gayon lamang tayo magiging karapat-dapat upang makita ang mukha ng Diyos, matamo ang lubos na pagliligtas ng Diyos, at mabuhay magpakailanman sa kaharian ng Diyos. Naisip ko tuloy ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). at naalala din ang mga hulang ito sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). “Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon” (1 Pedro 1:5). Habang nangyayari ito, matagal nang hinulaan ng Panginoong Jesus na darating Siyang muli sa mga huling araw upang gampanan ang Kanyang gawaing paghatol upang lubos na linisin at baguhin ang ating masasamang disposisyon, at tulutan tayong matamo ang lahat ng mga katotohanan at matamo ang ganap na pagliligtas ng Diyos. Ngunit ako ay mangmang at bulag; hindi ko pinagsikapang bulayin o hangarin ang kalooban ng Panginoon sa gitna ng Kanyang mga salita, ngunit sa halip ay nanghawak sa aking sariling mga pagkaintindi at mga imahinasyon, naniniwala na ang ating mga kasalanan ay inako Mismo ng Panginoong Jesus, na ang ating mga kasalanan ay pinatawad na, hangga’t tinatalikuran natin ang lahat upang sumunod sa Panginoon, kung gayon ay makapapasok tayo sa kaharian ng langit. Tila kapag hindi nalutas ngayon ang suliranin natin sa mga pagkakasala, sa ating mga katawang puno ng karumihan at kasamaan, sa bandang huli ay hindi tayo makapapasok sa kaharian ng langit, kagaya lang ng sinasabi sa aklat na ito: “Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok tungo sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at nakágáwâ sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian!” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao”).

Dala-dala ng mga salitang ito ang awtoridad at kapangyarihan, at nauunawaan ko na ang Diyos ay kapwa mahabagin at mapagmahal, at Siya rin ang matuwid at banal na Diyos Mismo. Hindi pinahihintulutan ng Diyos ang marumi, masamang tao na pumasok sa Kanyang kaharian, at kung ang ating makasalanang kalikasan ay hindi nalinis at nabago, kung gayon kahit na napatawad ang ating mga kasalanan, at sa panlabas na anyo ay lumilitaw na gumagawa ng ilang mabubuting gawa at tinatalikuran ang lahat ng bagay at ginugugol ang ating mga sarili at gumagawa para sa Panginoon, ang ating pangarap na pumasok sa kaharian ng langit ay magiging pangarap lamang magpakailanman!

Dumaan na talaga ang mga ulap at nakikita ko na ngayon ang sikat ng araw! Alam ko na ngayon sa wakas na ang nagtamo sa atin ng pagliligtas ng Panginoon ay pinatawad lang ang mga kasalanan at tinubos, ngunit hindi pa natin naitatakwil ang kasalanan sa ating mga sarili. Dapat pa rin nating tanggapin ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw at malinis, sa gayon lamang tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit at tamuhin ang buhay na walang hanggan. Tinupad talaga nito kung ano ang hinulaan sa aklat ng Pahayag: “At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero” (Pahayag 21:27).

Salamat sa Diyos, sapagkat alam ko na ngayon sa wakas kung paano itatakwil ang kasalanan sa aking sarili!

Kaugnay na Content