Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang mga Aklat ni Satanas ay Maaaring Makalason sa Atin

Peihe    Xianning City, Hubei Province

Ang mga Aklat ni Satanas ay Maaaring Makalason sa Atin

Palagi kong pinaniniwalaan na nabubuhay ako at ang aking asawa nang “nakasubsob ang aming mga mukha sa lupa at nakabilad ang aming mga likod sa araw” dahil hindi kami nakapag-aral nang mabuti noong kabataan namin, at dahil wala kaming kaalaman. Kung kaya napagdesisyunan ko na kahit gaano kahirap o gaano karami ang pagdurusa ko, pag-aaralin ko ang aking mga anak upang sila ay makatapos, at hindi na sumunod sa aming mga yapak. Habang ginagabayan kami nito, ako at ang aking asawa ay kumain at nagbihis nang payak at itinago bawat sentimo upang mapag-aral ang aming pinakamatandang anak na babae sa teknikal na eskuwelahan at ang aming pinakamatandang anak na lalaki sa unibersidad. Ngunit mayroon pa kaming dalawang anak, kaya upang maipadala namin sila sa unibersidad, kinailangan ng aking asawa na umalis para magtrabaho nang ilang taon sa bawat pagkakataon, at hindi rin ako naiwan na walang ginagawa; nagtrabaho ako sa bukid at nag-alaga ng mga baboy sa amin magmula madaling araw hanggang sa takip-silim. Kapag masyado nang nakakapagod ang trabaho sa bukid, hinangad kong sana'y maaari na akong tumigil. Ngunit kapag naiisip ko kung gaano kahigpit ang kompitensya sa lipunan ngayon, na kung hindi ko mapapag-aral ang aking mga anak, ang kanilang kinabukasan ay magiging kaparis ko na nagtatrabaho sa putikan, na wala silang makakamit na anuman at magiging mababa ang tingin sa kanila ng mga ibang tao, at sa pamamagitan lamang ng pag-eksamen sa unibersidad sila maaaring makahanap ng magandang trabaho o maging opisyal, magtagumpay, makamit ang kinabukasan para sa kanila, at matamo ang kaluwalhatian para sa amin, ang sakit at kapaguran na aking dinanas ay parang sulit na sulit. Kaya, araw-araw sa aking paggising, naging abala ako sa aking trabaho at madalas wala na akong oras na kumain at uminom ng salita ng Diyos o para sa isang normal na espiritwal na buhay, at lalong walang oras para sa isang normal na buhay sa iglesia o para magawa ang aking mga tungkulin, ngunit hindi ko na inisip ito, at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho nang husto para sa aking mga anak … hanggang kamakailan, noong aking narinig ang mga salitang ito mula sa pagsasamahan sa Diyos: “Ang mga tao ay lahat umaasa na ang kanilang mga anak ay maaaring maging matagumpay. Bawat isa ay umaasa na ang kanilang mga anak ay makakarating sa isang sikat na unibersidad, pagkatapos ay kukuha ng mataas pang edukasyon, magkakaroon ng digri, at pagkaraan ay mamumukod-tangi sa lahat at magkakaroon ng matatag ng posisyon sa lipunan. Lahat ng mga tao ay may ganitong punto de bista at gusto ng lahat na ang kanilang mga anak ay magpatuloy sa mas mataas na edukasyon dahil sa kasabihang: ‘Maliit lang ang halaga ng ibang mga bagay na pinagsisikapan, ang pag-aaral ng mga libro ang pinakamahalaga sa kanilang lahat.’ Bukod diyan, ang kumpetisyon sa modernong lipunang ito ay lalong matindi. Kung wala silang digri mula sa unibersidad o matatag na posisyon sa lipunan, ang paghahanapbuhay ay magiging problema sa hinaharap. Ito ang pag-iisip at punto de bista ng bawat isa. … Ngunit naisip mo ba, pagkatapos nilang tanggapin ang ganitong edukasyon, gaano karaming lason at gaano karami sa mga ideya ni Satanas at mga teorya ang maisasalin sa kanila? … Hanggang isang araw, bumalik ang iyong mga anak at sinabi mo sa kanila ang tungkol sa paniniwala sa Diyos, at nagpakita sila ng pagkayamot. Pagkatapos mong sabihin sa kanila ang tungkol sa katotohanan, sasabihin nilang hangal ka at tatawanan ka, at lilibakin ang sinasabi mo. Sa oras na iyon iisipin mo: ‘O, ang pagpapaaral ko sa mga anak ko sa mga eskuwelahang iyon para makatanggap ng ganoong edukasyon ay maling landas. Maling landas ang napili ko, pero huli na para sa pagsisisi.’ … Walang sinumang handang magdala sa kanila sa harap ng Diyos para ganap na tanggapin ang mga punto de bista at mga ideya na hinihingi ng Diyos, o ang maging klase ng tao na hinihingi ng Diyos. Ayaw itong gawin ng mga tao at hindi nangangahas na gawin ito. Malalim ang kanilang takot na kung gagawin nila ito, ang mga anak nila ay hindi makakapaghanapbuhay o magkakaroon ng hinaharap sa lipunan. Ano ang kinakatawan ng ganitong punto de bista? Kinakatawan at kinukumpirma nito na ang mga tao ay walang interes, kumpiyansa at saka walang tunay na pananampalataya sa katotohanan at sa Diyos. Ang tinitingala ng puso ng mga tao ay ang mundo pa ring ito, at sa kanilang mga puso sinasamba pa rin nila ang mundong ito, iniisip na ang mga taong lumisan sa mundong ito ay hindi mabubuhay. … Mga ideya at mga punto de bistang ito ay sumasalungat sa Diyos, isang pagtataksil at pagtatakwil sa Diyos, at hindi tugma sa katotohanan” (“Ang Pagkilala sa Iyong Sarili ay Nangangailangan ng Pagkilala sa Iyong Mga Kaisipan at Mga Pananaw na Nag-ugat na nang Malalim” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Bawat salita ng Diyos ay nakaantig sa akin nang malalim. Napakaraming taon ng mapait na pagtitipid at mabigat at nakakapagod na trabaho, isinuko ang lahat upang makapunta ang aking mga anak sa unibersidad, at bakit? Dahil naniwala ako sa sinabi ni Satanas na “Ang halaga ng ibang mga pagpupunyagi ay maliit, ang pag-aaral ng mga libro ang pinakamahusay sa lahat” ang batas upang mabuhay! Sa ilalim ng impluwensya ng lason ni Satanas, inuna ko ang kaalaman higit sa lahat, at inisip ko na tanging sa pagkakaroon ng kaalaman lamang mangingibabaw ang isang tao, makakatapos ng mga bagay, magkakaroon ng kinabukasan, at magkakaroon ng katayuan sa lipunan. Inakala ko na ang mga walang pinag-aralan ay mababang klase na nararapat na hamakin, pinakamababa sa lahat. Kaya upang masigurado na magtagumpay ang aking mga anak sa mundo at maiwasan ang buhay kung saan “nakasubsob ang kanilang mga mukha sa lupa at nakabilad ang kanilang mga likod sa araw,” ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang sila ay makapag-aral at mabigyan sila ng mas mataas na edukasyon. Sa loob ng maraming taon, inuna ko ang aking layunin higit sa lahat sa aking puso, samantalang ibinaon ko ang mga salita ng Diyos, ang aking mga tungkulin, at ang sarili kong kaligtasan sa likod ng aking isip. Malalim ang sakit na idinulot ng lason ni Satanas sa akin! Ang pangunahing dahilan kung bakit ako nagbayad nang mahal upang mapag-aral ang aking mga anak ay ang aking pagsisisi dahil hindi ako nag-aral nang mabuti noong ako ay bata, kung kaya inilipat ko ang aking mga pag-asa sa aking mga anak dahil sa kagustuhan ko na sila ang magtapos sa pangarap na hindi ko natupad. Sa ilang dekada, nabuhay ako at nakipaglaban para sa iisang bagay—kaalaman—nang hindi ko man lamang napansin. Kahit na sinunod ko ang Diyos nang maraming taon, hindi ko natamo ang katotohanan, at ang aking mga pananaw ay hindi nagbago kailanman. Ang aking sinasamba ay kaalaman pa rin, at ang aking pinananabikan at inaasahan ay si Satanas. Nananatili akong isang hindi naniniwala na nagpupunyagi para sa mga makamundong kalakaran at tinututulan ang Diyos!

Sa pagsasamahan sa Diyos, akin ding naintindihan na ginagamit ni Satanas ang pag-aaral at pagkakatuto upang linlangin sila sa pagtanggap sa kanyang pangangaral at tanggapin ang lason at mga kalooban nito sa kanilang isip, at kapag ang lason ay naihatid na, lubusang nangingibabaw sa mga tao ang mga saloobin ng taong hindi naniniwalang may Diyos at mga kamalian na nagtatanggi at tumututol sa Diyos, na siya namang pamamaraan ni Satanas upang makamit ang mga layunin nitong itiwali at malamon ang mga tao. Dahil hindi ko makita ang pandaraya ni Satanas, sabik kong ipinadala ang aking mga anak upang makatanggap ng pag-aaral na maka-satanas, ibinigay ko sila sa kasamaan na hindi inisip kung paano ko sila dadalhin sa harapan ng Diyos o tulungan silang tanggapin ang katotohanan na nanggagaling sa Diyos at mamuhay sila ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Kamakailan, ang aking anak na lalaki ay nagtapos sa isang bantog na unibersidad, at nang siya ay bumalik sa amin, kahit na siya ay nagtamo ng maraming kaalaman, lubusan na rin siyang napunta sa landas ng kamatayan. Kapag binabanggit ko ang anumang bagay tungkol sa paniniwala sa Diyos, ipinaparada niya ang lahat ng uri ng pang-agham na kaalaman at mga teorya para pabulaanan ako, tinatawag niya akong walang pinag-aralan, ignorante, at hindi nakakaintindi, binibigyan pa niya ako ng babala na ako ay niloloko at sinasabi niya na dapat akong maniwala sa agham sa halip na sa pamahiin…. Noon lamang pinagsisisihan ko ito na aking natanto na isang pagkakamali pala ang pagpapa-aral sa aking mga anak para makatapos ng mas mataas na edukasyon. Sa wakas ay ipinaintindi sa akin ng katotohanan na lahat ng makamundong kultura at karunungan ay pagsalungat sa Diyos at salungat sa katotohanan. Ito ang mga sandata na ginagamit ni Satanas upang itiwali at makontrol ang mga tao. Kapag mas mataas ang edukasyon na natanggap ng mga tao, mas marami silang karunungan na naaabot, mas marami din ang lason ni Satanas sa kanila, nagiging mas malayo sila sa Diyos, mas nagiging kalaban sila ng Diyos, at mas mahirap para sa kanila na matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Maaaring sabihin na kung mas maraming libro ang nababasa ng isang tao mas maraming kaalaman ang natatamo nila, nagiging mas malalim ang pagtutol nila sa Diyos. Ang kaalaman ay isang napakamapanganib na bagay!

Ang pagliliwanag na nanggaling sa Diyos ang tumulong sa akin sa bandang huli upang maintindihan na “Ang halaga ng ibang mga pagpupunyagi ay maliit, ang pag-aaral ng mga libro ang pinakamahusay sa lahat” ay isang maka-satanas na kamalian, isa lamang sa mga kasinungalingan ni Satanas upang malinlang, mailigaw, at itiwali ang mga tao. Naintindihan ko rin na ang pagpapadala ko sa mga anak ko sa eskuwelahan ni Satanas ay kapareho ng pagtulak ko sa kanila sa kailaliman ng kamatayan at sa apoy ng impiyerno. Diyos ko, ayoko nang maging tagasunod ng mga pamamaraan ni Satanas, gusto kong sundan ang katotohanan at baguhin ang sarili kong mga maling pananaw, gusto ko ang Iyong mga salita na maging batayan ng aking pamumuhay, at gusto kong dalhin ang dalawang bunsong anak ko sa Iyo, upang matanggap nila ang Iyong pagliligtas at maging mga tao tulad ng nararapat.

Sinundan:Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan?

Sumunod:Ang Tanging Paraan Para Maiwasan ang Sakuna

Baka Gusto Mo Rin