Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

recital-latest-expression
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

recital-the-word-appears-in-the-flesh-3
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Awtoridad ng Diyos (II)

Ikaanim na bahagi

4. Lumapit sa Ilalim ng Dominyon ng Maylalang at Mahinahon na Harapin ang Kamatayan

Sa sandali na ipanganak ang isang tao, isang malungkot na kaluluwa ang nagsisimulang danasin nito ang buhay sa mundo, ang karanasan nito sa awtoridad ng Manlilikha na kung saan isinaayos ito ng Manlilikha. Di-na kailangang sabihin, para sa tao, sa kaluluwa, ito ay isang napakahusay na pagkakataon na magkaroon ng kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, na makilala ang Kanyang awtoridad at personal na maranasan ito. Isinasabuhay ng mga tao ang kanilang buhay sa ilalim ng mga batas na inilatag sa kanila ng Manlilikha, at para sa sinumang makatwirang tao na may konsensya, ang umayon sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at alamin ang Kanyang awtoridad sa loob ng ilang dekada ng kanilang buhay sa mundo ay hindi isang bagay na mahirap gawin. Kaya dapat na maging napakadali para sa isang tao ang makilala, sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan sa buhay sa nakaraang ilang dekada, na lahat ng mga pantaong kapalaran ay itinadhana, at maunawaan o ibuod kung ano ang kahulugan ng maging buhay. Kasabay nitong pagyakap ng isa sa mga aral ng buhay, ang isa’y unti-unting makakaunawa kung saan nanggaling ang buhay, na maintindihan kung ano ang tunay na kinakailangan ng puso, ano ang makapagdadala sa isa sa tunay na landas ng buhay, ano ang misyon at layunin sa buhay ng tao ang nararapat; at ang isa’y unti-unting makilala na kung ang isa ay hindi sambahin ang Maylalang, kung hindi siya pasaailalim sa Kanyang dominyon, samakatwid kapag kinaharap niya ang kamatayan—kapag ang isang kaluluwa ay humarap nang muli sa Manlilikha—ang puso ng isa ay mapupuno ng walang hanggang takot at walang-kaalwanan. Kapag ang isang tao ay nabuhay sa mundo ng sandakot na mga dekada at sa gayon ay hindi nalaman kung saan nanggaling ang pantaong buhay, hindi pa rin nakilala sa kaninong palad nakalagay ang pantaong kapalaran, samakatwid hindi nakapagtataka na hindi niya mahaharap ang kamatayan nang mahinahon. Ang isang tao na nakatamo ng kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Maylalang matapos makaranas ng ilang dekada ng buhay, ay isang tao na may tamang pagpapahalaga sa kahulugan at halaga ng buhay; isang tao na may malalim na kaalaman sa layunin ng buhay, na may tunay na karanasan at pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan ng Maylalang, at higit pa, isang tao na napapasailalim sa awtoridad ng Maylalang. Ang ganoong tao ay nakakaunawa sa kahulungan ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, nauunawaan na dapat sambahin ng tao ang Maylalang, na lahat-lahat na pag-aari ng tao ay nagmumula sa Manlilikha at babalik sa Kanya balang-araw di-kalayuan sa hinaharap; ang ganoong tao ay nauunawaan na ang Manlilikha ang nagsasaayos ng kapanganakan ng tao ay may kapangyarihan sa kamatayan ng tao, at ang kapwa kamatayan at buhay ay itinadhana ng awtoridad ng Manlilikha. Kung kaya, kapag tunay na naiintindihan ng isa ang mga bagay na ito, siya ay natural na makakaharap sa kamatayan nang mahinahon, isasantabi ang lahat ng mga makamundong pag-aari niya nang mahinahon, tatanggapin at masayang papasailalim sa lahat ng mga susunod, at malugod na tatanggapin ang huling sugpungan ng buhay na isinaayos ng Manlilikha sa halip na walang taros na katakutan at labanan ito. Kung titingnan ng isa ang buhay bilang isang pagkakataon na maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Maylalang at makilala ang Kanyang awtoridad, kung makikita ng isa na ang kanyang buhay ay isang pambihirang pagkakataon upang ganapin sa sariling tungkulin bilang isang nilikhang tao at tuparin ang kanyang misyon, sa gayon ang isa ay talagang mayroong wastong pagtingin sa buhay, mamumuhay ng isang buhay na pinagpala at ginabayan ng Manlilikha, lalakad sa liwanag ng Manlilikha, makikilala ang dakilang kapangyarihan ng Maylalang, mapapasailalim sa Kanyang dominyon, magiging isang saksi sa Kanyang mahimalang mga gawain at sa Kanyang awtoridad. Di-na kailangang sabihin, ang ganoong tao ay talagang minamahal at tinatanggap ng Manlilikha, at tanging ang ganoong tao ang maaaring magkaroon nang mahinahong saloobin para sa kamatayan, maaaring magalak na salubungin ang huling sugpungan ng buhay. Si Job ay malinaw na nagkaroon ng ganitong uri ng saloobin ukol sa kamatayan; siya ay nasa posisyon na masayang tinanggap ang huling sugpungan ng buhay, nang madala ang kanyang paglalakbay sa buhay tungo sa isang mahusay na katapusan, nang makumpleto ang kanyang misyon sa buhay, bumalik siya sa tabi ng Manlilikha.

5. Ang mga Pagsusumikap at mga Natamo ni Job sa Buhay ang Nagpahintulot sa Kanya upang Mahinahong Harapin ang Kamatayan

Sa Bibliya nasusulat ang tungkol kay Job: “Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan” (Job 42:17). Ito’y nangangahulugan na nang si Job ay namatay, wala siyang mga panghihinayang at di-nakaramdam ng sakit, subalit natural na lumisan sa mundong ito. Gaya ng batid ng lahat, si Job ay isang tao na may takot sa Diyos at iniwasan ang kasamaan nang siya’y nabubuhay pa; pinapurihan ng Diyos ang kanyang matuwid na mga gawa, inalala siya ng mga tao, at ang kanyang buhay, higit kaninuman, ay may kahalagahan at kahulugan. Tinamasa ni Job ang mga pagpapala ng Diyos at tinawag Niya siyang matuwid sa lupa, at siya’y sinubukan din ng Diyos, at tinukso ni Satanas; naging saksi siya ng Diyos at nararapat na matawag na isang matwid na tao. Sa panahon ng ilang dekada matapos siyang subukan ng Diyos, namuhay siya ng isang buhay na mas higit pang mahalaga, makahulugan, makatwiran, at mapayapa kaysa dati. Dahilan sa kanyang matuwid na mga gawain, sinubukan siya ng Diyos; dahilan sa kanyang matuwid na mga gawain, nagpakita sa kanya ang Diyos at diretsong nakipag-usap sa kanya. Kung kaya, sa panahon ng mga taon matapos masubukan naunawaan at napahalagahan ni Job ang buhay sa isang mas kongkretong paraan, nagkamit ng isang malalim na pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, nagtamo ng isang mas tumpak at tiyak na kaalaman kung paano ang Manlilikha ay nagbibigay at nag-aalis ng Kanyang mga pagpapala. Itinatala ng Biblia na ang Diyos na si Jehovah ay nagkaloob ng mas higit na mga pagpapala kay Job kaysa sa dati Niyang ibinigay dito, naglagay kay Job sa mas mainam pang posisyon upang kilalanin ang dakilang kapangyarihan ng Maylalang at harapin ang kamatayan nang mahinahon. Kung kaya si Job, nang siya’y tumanda na at kaharapin ang kamatayan, ay tiyak na hindi nangamba tungkol sa kanyang mga ari-arian. Wala siyang mga alalahanin, walang pinanghihinayangan, at syempre hindi natakot sa kamatayan; pagkat ginugol niya ang lahat ng kanyang buhay sa paraang may takot sa Diyos, pagwaksi sa kasamaan, at walang dahilan upang mag-alala tungkol sa sarili niyang katapusan. Ilang mga tao ngayon ang maaaring gumawi sa lahat ng mga kaparaanang ginawa ni Job nang kanyang harapin ang sarili niyang kamatayan? Bakit walang sinuman ang nakakapagpanatili ng ganoong kasimpleng panlabas na tikas? May isa lamang kadahilanan: Isinabuhay ni Job ang kanyang buhay sa pansariling pagsusumikap sa paninwala, pagkilala, at pagpapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at dahilan sa paniniwala, pagkilala, at pagpapasailalim na ito kung kaya naipasa niya ang mahalagang mga sugpungan ng buhay, isinabuhay ang kanyang mga huling taon, at binati ang panghuling sugpungan ng kanyang buhay. Di-alintana kung ano ang naranasan ni Job, ang mga pagsisikap niya at mga layunin sa buhay ay masasaya, hindi masasakit. Siya ay maligaya hindi dahil sa mga pagpapala o pagpupuri na iginawad sa kanya ng Manlilikha, subalit mas mahalaga pa, dahilan sa kanyang mga pagsusumikap at mga layunin sa buhay, dahilan sa unti-unting kaalaman at tunay na pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha na kanyang natamo sa pamamagitan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, at dagdag pa, dahilan sa nakamanmanghang mga gawain Niya na naranasang personal ni Job sa panahon na napailalim siya sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at ang mainit at di-malilimutang mga karanasan at mga alaala ng pakikipamuhay, pakikipagkilala, at palitang pagkakaunawaan sa pagitan ng tao at ng Diyos; dahilan sa kaalwanan at kaligayahan na nagmula sa pagkakilala sa kalooban ng Maylalang; dahilan sa paggalang na lumitaw matapos na Makita na Siya ay dakila, kamangha-mangha, kaibig-ibig, at matapat. Ang dahilan kung bakit naharap ni Job ang kamatayan ng walang paghihirap ay dahil batid niya na, sa pag-aagaw-buhay, siya’y babalik sa tabi ng Manlilikha. At ang mga pinagsisikapan at mga natamo niya sa buhay ang magpapahintulot sa kanya na harapin ang kamatayan nang manhinahon, harapin ang pagkakataon na babawiin ng Manlilikha ang kanyang buhay, nang may panatag na puso, at dagdag pa, na makakatindig, hindi nadudungisan at malaya sa alalahanin, sa harap ng Manlilikha. Maaari kayang matamo ng mga tao sa kasalakuyan ang ganitong uri ng kaligayahan na naangkin ni Job? Kayo ba sa inyong sarili ay nasa posisyon na gawin ito? Yamang ang mga tao sa kasalukuyan ay gayon, bakit hindi sila maaaring mabuhay nang maligaya, tulad nang ginawa ni Job? Bakit hindi nila matakasan ang paghihirap mula sa takot sa kamatayan? Kapag naharap sa kamatayan, may ilang mga tao ang binabasa ang kanilang mga sarili; ang iba’y nanginginig, nahihimatay, tinutuligsa ang Langit at ganoon ang tao, ganoon din nananaghoy at tumatangis. Ang mga ito’y hindi biglaang mga reaksiyon na nangyayari kapag papalapit na ang kamatayan. Pangunahing kumikilos ang mga tao sa ganitong nakakahiyang mga paraan sapagkat, sa kaibuturan ng kanilang mga puso, sila ay takot sa kamatayan, sapagkat wala silang malinaw na kaalaman at pagkilala sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang mga pagsasaayos, mas lalo na ang tunay na magpapasailalim sa mga iyon; sapagkat walang gusto ang mga tao kundi isaayos at pamahalaan ang lahat-lahat ng sarili nila mismo, na kontrolin ang sarili nilang kapalaran, ang sarili nilang mga buhay at kamatayan. Hindi kataka-taka, samakatwid, na ang mga tao kailanman ay hindi matatakasan ang takot sa kamatayan.

6. Tanging sa Pagtanggap ng Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha na ang Isa ay Maaaring Makabalik sa Kanyang Tabi

Kapag ang isa ay walang malinaw na pagkaunawa at karanasan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at ng Kanyang mga pagsassaayos, ang kaalaman ng isa tungkol sa kapalaran at sa kamatayan ay tiyak na magiging magulo. Hindi malinaw na makita ng mga tao na ang lahat ng ito ay nasa sa palad ng Diyos, hindi natatanto na ang Diyos ang may kontrol at may kapangyarihan sa mga ito, hindi nakikilala na hindi maaaring isantabi o matakasan ang ganoong kapangyarihan; at sa gayon kapag nahaharap sa kamatayan ay walang katapusan sa kanilang huling mga salita, alalahanin, at panghihinayang. Sila ay nadadaganan ng sobrang bagahe, sobrang pag-aatubili, sobrang pagkalito, at ang mga sanhi lahat ng ito upang sila’y matakot sa kamatayan. Para sa sinumang isinilang sa mundong ito, ang kanilang kapanganakan ay kinakailangan at ang kanilang kamatayan ay hindi maiiwasan, at walang sinumang makakapasa sa kursong ito. Kung nais ninuman na lisanin ang mundong ito nang hindi nasasaktan, kung nais ng isa na makaharap ang huling sugpungan ng buhay na walang pag-aatubili o alalahananin, ang tanging paraan ay ang umalis nang walang mga panghihinayang. At ang tanging paraan nang pag-alis na walang mga panghihinayang ay ang makilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, makilala ang Kanyang awtoridad, at pasailalim sa mga ito. Tanging sa ganitong paraan maaaring manatiling malayo mula sa pantaong mga alitan, mula sa kasamaan, mula sa pagkaalipin ni Satanas; tanging sa ganitong paraan ang isa ay maaaring mamuhay tulad ng kay Job, ginabayan at pinagpala ng Maylalang, isang buhay na malaya at napalaya, isang buhay na may kahalagahan at kahulugan, isang buhay na tapat at bukas-puso; tanging sa ganitong paraan maaaring pasailalim ang isa, tulad ni Job, na masubukan at mabawian ng Maylalang, pasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Maylalang; tanging sa ganitong paraan ang isa ay maaaring sambahin ang Maylalang nang buong buhay niya at tamuhin ang Kanyang papuri, gaya ng ginawa ni Job, at pakinggan ang Kanyang tinig, makita ang Kanyang pagpapakita; tanging sa ganitong paraan maaaring ang isa ay mamuhay at mamatay nang maligaya, tulad ni Job, sa liwanag, tulad ni Job, na walang sakit, walang alalahanin, walang mga panghihinayang; tanging sa ganitong paraan maaaring mabuhay sa liwanag, tulad ni Job, daanan ang bawat sugpungan ng buhay nang magaan, mahusay na makumpleto ang sariling paglalakbay sa liwanag, matagumpay na makamtan ang sariling misyon—na maranasan, matutunan, at makilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha bilang isang nilalang—at mamatay sa liwanag, at magpakailanman tumindig sa tabi ng Manlilikha bilang isang taong nilalang, na pinuri Niya.

Huwag Mong Kaliligtaan ang Pagkakataon na Makilala ang Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

Ang anim na sugpungan na isinalarawan sa itaas ay mahahalagang mga aspeto na ibinigay ng Manlilikha na dapat daanan ng bawat normal na tao sa kanyang buhay. Bawat isa sa mga sugpungan ito ay tunay; wala ni isa man dito ang maaaring magdaya, at lahat ay nagdadala ng isang pagkakaugnay sa pagtadhana ng Manlilikha at ng Kanyang dakilang kapangyarihan. Sa gayon para sa isang tao, bawat isa sa mga sugpungang ito ay isang mahalagang tsekpoint, at kung paanong makalusot sa bawat isa sa mga ito nang maayos ay isang lubhang seryosong katanungan na kinakaharap ninyong lahat ngayon.

Ang sandakot ng mga dekada na bumubuo sa pantaong buhay ay hindi mahaba at hindi rin maikli. Ang dalawampu’t-kakaibang mga taon sa pagitan ng kapanganakan at pagdating ng edad ay dumadaan sa isang kisapmata, at bagaman sa puntong ito sa buhay ng tao ito ay itinuruing na isang may sapat na gulang, ang mga tao sa grupo ng edad na ito ay walang alam tungkol sa buhay ng tao at kapalaran ng tao. Habang nagkakaroon sila ng mas maraming karanasan, sila’y unti-unting sumasaklay sa gitnang edad. Ang mga tao sa kanilang edad tatlumpu at apatnapu ay nakakakuha ng isang nagbubuhat na karanasan ng buhay at kapalaran, subalit ang kanilang mga ideya tungkol sa mga bagay na ito ay masyado pa ring malabo. Pagsapit sa edad apatnapu saka pa lamang may ilang tao ang nagsisimulang makaunawa sa sangkatauhan at sa sansinukob, na nilikha ng Diyos, na maintindihan kung ano ang tungkol sa pantaong buhay, kung ano ang tungkol sa pantaong kapalaran. May mga ilang tao, bagaman matagal na silang tagasunod ng Diyos at ngayon ay nasa gitnang gulang na, na hindi pa rin nag-aangkin ng isang tamang kaalaman at kahulugan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, mas lalo na sa tunay na pagpapasailalim. May ilang mga tao na walang pakialam maliban sa paghanap na makatanggap ng mga pagpapala, at bagaman matagal na silang nabubuhay nang maraming taon, hindi nila alam o nauunawaan sa pinakamababa man lang ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa pantaong kapalaran, at kaya di-nakakapasok kaunti man sa praktikal na aral ng pagpapasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos. Ang mga ganoong tao ay lubusang hangal; ang mga ganoong tao ay namumuhay ng kanilang buhay na walang kabuluhan.

Kung ang isang pantaong buhay ay hinati-hati ayon sa antas ng isa sa pambuhay na karanasan at sa kaalaman ng isa sa pantaong kapalaran, ito ay humigit-kumulang mahahati sa tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang kabataan, ang mga taon sa pagitan ng kapanganakan at gitnang edad, o mula kapanganakan hanggan tatlumpung taon. Ang ikalawang bahagi ay ang pagkahinog, mula gitnang edad hanggang katandaan, o simula sa tatlumpu hanggang animnapung taon. At ang ikatlong bahagi ay ang katandaang yugto ng isa, mula sa edad ng katandaan, simula sa animnapung taon, hanggang sa lisanin ng isa ang mundo. Sa ibang mga salita, mula kapanganakan hanggang gitnang edad, karamihan sa mga kaalaman ng tao sa kapalaran at sa buhay ay limitado sa paggaya sa mga ideya ng iba; halos wala nang tunay, praktikal na substansiya. Sa panahong ito, ang pagtingin ng isa sa buhay at kung paanong ang isa ay tatahak ng kanyang daanan sa mundo ay lahat mababaw at walang muwang. Ito ang pambatang panahon. Tanging matapos malasap ng isa ang lahat ng mga galak at mga pighati ng buhay doon lamang matatamo ng isa ang isang tunay na pagkaunawa sa kapalaran, magagawa ng isa—sa ilalim ng kanyang kamalayan, sa kaibuturan ng kanyang puso—unti-unting makikilala ang hindi maaaring pawalang-bisa ng kapalaran, at dahan-dahan na matanto na ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa pantaong kapalaran ay tunay na umiiral. Ito ang panahon ng pagkahinog. Kapag ang isa ay huminto sa pakikibaka laban sa kapalaran, at kapag ang isa ay hindi na handang lumapit sa mga pag-aawayan, ngunit alam ang sariling kapalaran, napapasailalim sa kalooban ng Langit, binubuod ang sariling mga nagawa at mga pagkakamali sa buhay, at naghihintay sa paghatol ng Manlilikha sa sariling buhay—ito ang hinog na panahon ng isa. Bilang pagsasaalang-alang sa iba’t-ibang mga uri ng mga karanasan at mga natamo ng nakamtan ng mga tao sa panahon ng tatlong mga kapanahunang ito, sa ilalim ng normal na mga kalagayan, ang bintana ng pagkakataon para sa isa upang makilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha ay hindi napakalaki. Kung isa ay mabuhay hanggang animnapung tao, ang isa ay may tatlumpung taon lamang o mahigit upang makilala ang dakilang kapangayrihan ng Diyos; kung nais ng isa ng mas mahabang panahon, yaon ay posible lamang kung ang buhay ng isang tao ay sapat ang haba, kung ang isa ay mabubuhay sa loob ng isang siglo. Sa gayon sinasabi ko, ayon sa normal na mga batas ng pantaong pag-iral, bagaman ito ay isang napakahabang proseso mula nang unang makatagpo ng isa ang paksa tungkol sa pag-alam sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha hanggang sa ang isa ay makakilala sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at mula doon hanggang sa punto na ang isa ay napapasailalim na dito, kung talagang bibilangin ng isa ang mga taon, wala pang higit na tatlumpu o apatnapung taon sa panahon na kung saan ang isa ay may pagkakataon upang matamo ang mga gantimpalang ito. At kadalasan, ang mga tao ay nadadala ng kanilang mga pagnanais at kanilang mga ambisyon na makatanggap ng mga pagpapala; hindi nila maaaring mabatid kung saan naroon ang esensya ng pantaong buhay, hindi naiintindihan ang kahalagahan ng pag-alam sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at sa gayon ay hindi nila minamahal ang ganitong kahalagang pagkakataon na pumasok sa mundo ng tao upang maranasan ang pantaong buhay, maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at hindi natatanto kung gaano napakahalaga ito para sa isang nilikhang nilalang na makatanggap na personal na paggabay ng Manlilikha. Sa gayon sinasabi ko, yaong mga taong nagnanais na ang gawain ng Diyos ay agad na matapos, yaong mga nagnanais na sana’y isaayos na agad ang katapusan ng tao sa lalong madaling panahon, sa gayon maaari nilang kaagad makikita ang Kanyang persona at agad na sila’y mapagpapala, ay may sala ng pinakamalubhang uri ng pagsuway at sukdulang kahangalan. At yaong mga nagnanais, sa panahon ng kanilang limitadong oras, na maintindihan ang natatanging pagkakataong ito na makilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, ay ang mga matatalinong tao, ang napakatalinong mga tao. Ang dalawang magkaibang mga pagnanais na ito ay naglalantad ng dalawang malawak na magkaibang mga pagtingin at mga pagsusumikap: Yaong mga naghahanap ng mga pagpapala ay makasarili at napakasama; wala silang ipinakikitang pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos, hindi kailanman hinahanap na malaman ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi kailanman naghahangad na pasailalim dito, simpleng nagnanais na mabuhay ayon sa kanilang kagustuhan. Sila ay maligayang mga masasamang tao; sila ang kategorya na mawawasak. Yaong mga naghahanap na makilala ang Diyos ay isinasantabi ang kanilang mga pagnanais, handang pasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at mga pagsasaayos ng Diyos; sinusubukan nilang maging mga uri ng tao na masunurin sa awtoridad ng Diyos at binigyang-kasiyahan ang hangarin ng Diyos. Ang ganoong mga tao ay nabubuhay sa liwanag, namumuhay sa gitna ng mga pagpapala ng Diyos; tiyak na sila’y papupurihan ng Diyos. Kahit ano pa, ang pantaong pagpili ay walang silbi, ang mga tao ay walang masasabi kung gaano katagal ang gawain ng Diyos. Mas mabuti para sa mga tao ang ilagay ang kanilang mga sarili sa awa ng Diyos, magpasailalim sa Kanyang dakilang kapangyarihan. Kung hindi mo ilalagay ang iyong sarili sa Kanyang awa, ano ang magagawa mo? Magdurusa ba sa isang kawalan ang Diyos? Kung hindi mo ilalagay ang iyong sarli sa Kanyang awa, kung sinusubukan mong maging tagapamuno, ikaw ay gumagawa ng isang hangal na pagpipilian, at tanging ikaw lamang ang magdurusa sa isang kawalan sa katapusan. Tanging kung ang mga tao ay makikipagtulungan sa Diyos sa lalong madaling panahon, tanging kung mamadaliin nilang tanggapin ang Kanyang mga pagsasaayos, alamin ang Kanyang awtoridad, at unawain ang lahat ng ginawa Niya para sa kanila, sila ay magkakaroon ng pag-asa, ang kanilang mga buhay ay hindi maisasabuhay nang walang kabuluhan, makakamit nila ang kaligtasan.

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap