Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

recital-latest-expression
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

recital-the-word-appears-in-the-flesh
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ikapitong Bahagi

12. Ang mga Salita ni Jesus sa Kanyang mga Disipulo Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli

(Jn 20:26-29) At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. Nang magkagayo’y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. Sumagot si Tomas, at sa kaniya’y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayunma’y nagsisampalataya.

(Jn 21:16-17) Sinabi niya muli sa kanya sa ikalawang beses, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa. Sinabi niya sa kaniya sa ikatlong beses, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabi nang ikatlong beses, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.

Ang ikinukuwento ng mga talatang ito ay ilang mga bagay na ginawa at sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga disipulo pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Una, tingnan natin ang anumang mga pagkakaiba sa pagitan ng bago at pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus. Siya pa rin ba ang dating Panginoong Jesus sa mga nakaraang mga araw? Nilalaman ng kasulatan ang mga sumusunod na linya na inilalarawan ang Panginoong Jesus pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli: “Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.” Masyadong malinaw na ang Panginoong Jesus sa panahong iyon ay hindi na isang laman, ngunit isang espirituwal na katawan. Ito ay dahil nahigitan na Niya ang mga limitasyon ng laman, at nang ang pinto ay isinara nakarating pa rin Siya sa kalagitnaan ng mga tao at hinayaan silang makita Siya. Ito ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli at ang Panginoong Jesus na nabubuhay sa katawang-tao bago ang pagkabuhay na mag-uli. Bagamat walang pagkakaiba sa pagitan ng kaanyuan ng espirituwal na katawan sa sandaling iyon at ang kaanyuan ng Panginoong Jesus mula sa dati, si Jesus nang sandaling iyon ay naging isang Jesus na nakadama na parang isang estranghero sa mga tao, sapagkat Siya ay naging espirituwal na katawan pagkatapos mabuhay na mag-uli mula sa mga patay, at kung ihahambing sa Kanyang nagdaang laman, ang espirituwal na katawang ito ay lalong palaisipan at nakalilito para sa mga tao. Lumikha din ito ng higit na agwat sa pagitan ng Panginoong Jesus at ng mga tao, at naramdaman ng mga tao sa kanilang mga puso na ang Panginoong Jesus sa sandaling iyon ay naging higit na misteryoso. Ang mga pagkaunawa at damdaming ito sa bahagi ng mga tao ay biglang nagdala sa kanila pabalik sa isang kapanahunan ng paniniwala sa isang Diyos na hindi maaaring makita o mahawakan. Kaya, ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Kristo na nagagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa “pagkawala” o “paglayo” ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay.

Yamang Siya ay isang espirituwal na katawan, paano nangyaring nahahawakan Siya ng mga tao, at nakikita Siya? Ito ay may kinalaman sa kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan. Mayroon ba kayong napansing anumang bagay sa mga talata ng kasulatan? Sa karaniwan ang mga espirituwal na mga katawan ay hindi maaring makita o mahawakan, at pagkatapos ng pagkabuhay mag-uli ang gawain na binalikat ng Panginoong Jesus ay nakumpleto na. Kaya sa teorya, tiyak hindi na Niya kailangang bumalik sa kalagitnaan ng mga tao sa Kanyang katutubong imahe upang makipagkita sa kanila, ngunit ang pagpapakita ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus sa mga tao kagaya ni Tomas ang lalong nagpatatag sa kahalagahan nito, at ito ay tumagos nang mas malalim sa mga puso ng mga tao. Nang Siya ay lumapit kay Tomas, hinayaan Niya ang nagdududang si Tomas na hawakan niya ang Kanyang kamay, at sinabi sa kanya: “at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.” Ang mga salitang ito, ang mga pagkilos na ito ay hindi ang mga bagay na gusto lamang sabihin at gawin ng Paginoong Jesus pagkatapos na Siya ay mabuhay mag-uli, ngunit ang mga bagay na gusto Niyang gawin bago pa man Siya ipinako sa krus. Maliwanag na ang Panginoong Jesus na hindi pa ipinapako sa krus ay mayroon nang pagkaunawa sa mga taong kagaya ni Tomas. Kaya ano ang ating nakikita mula rito? Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus pagkatapos Niyang mabuhay mag-uli. Ang Kanyang diwa ay hindi nagbago. Ang mga pagdududa ni Tomas ay hindi lamang nagsisimula ngunit taglay na Niya sa buong panahon na siya ay sumusunod sa Panginoong Jesus, ngunit Siya ang Panginoong Jesus na nabuhay mag-uli sa mga patay at nagbalik mula sa espirituwal na mundo sa Kanyang dating imahe, sa Kanyang dating disposisyon, at sa Kanyang pagkaunawa sa sangkatauhan mula sa panahon na Siya ay nasa katawang-tao, kaya Siya ay nagpunta upang hanapin muna si Tomas, upang hayaan siyang mahipo ang Kanyang tadyang, upang hayaan siyang makita hindi lamang ang Kanyang espirituwal na katawan pagkatapos mabuhay mag-uli, ngunit upang hayaan siyang mahipo at maramdaman ang pag-iral ng Kanyang espirituwal na katawan, at tuluyang mapakawalan ang kanyang mga pagdududa. Bago ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, si Tomas ay laging nag-aalinlangan na siya ang Kristo, at hindi niya mapaniwalaan ito. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay itinatag lamang sa batayan ng kung ano ang kanyang nakikita sa kanyang sariling mga mata, kung ano ang kanyang nahihipo sa kanyang sariling mga kamay. Ang Panginoong Jesus ay may mabuting pagkaunawa sa pananampalataya ng ganitong uri ng tao. Naniniwala lamang sila sa Diyos na nasa langit, at hindi naniniwala nang lubusan, at hindi tinatanggap ang Isa na ipinadala ng Diyos, o ang Kristo na nasa katawang-tao. Nang upang makilala niya at maniwala sa pag-iral ng Panginoong Jesus at na totoo talagang Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, tinulutan Niya si Tomas na iabot ang kanyang kamay at mahawakan ang Kanyang tadyang. Ang pag-aalinlangan ba ni Tomas ay may pinagkaiba bago at pagkatapos ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus? Siya ay palaging nagdududa, at maliban sa espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus na personal na nagpakita sa kanya at tinutulutan si Tomas na mahipo ang mga bakas ng pinagpakuan sa Kanyang katawan, walang sinuman ang makalulutas sa kanyang mga pag-aalinlangan, at walang sinuman ang makapagpapaalis sa kanya sa mga ito. Kaya, mula sa sandaling tinulutan siya ng Panginoong Jesus na hipuin ang Kanyang tadyang at hayaan siyang tunay na madama ang pag-iral ng mga bakas ng pinagpakuan, naglaho ang pagdududa ni Tomas, at totoong nalaman niya na ang Panginoong Jesus ay nabuhay nang muli at kinilala niya at pinaniwalaan na ang Panginoong Jesus ay ang tunay na Kristo, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Bagamat sa sandaling ito ay hindi na nag-alinlangan si Tomas, nawala niya magpakailanman ang pagkakataon na makipagkita kay Jesus. Nawala niya magpakailanman ang pagkakataon na makasama Siya, na sundan Siya, na makilala Siya. Nawala niya ang pagkakataon para gawin siyang perpekto ni Jesus. Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus at ang Kanyang mga salita ay naglaan ng isang konklusyon, at isang hatol sa kanila na puno ng mga pag-aalinlangan. Ginamit Niya ang Kanyang aktwal na mga salita at mga pagkilos upang sabihan ang mga mapag-alinlangan, upang sabihan yaong mga naniniwala lamang sa Diyos sa langit ngunit hindi naniniwala kay Kristo: Hindi pinuri ng Diyos ang kanilang pananampalataya, ni hindi pinuri ang kanilang pagsunod na puno ng mga pag-aalinlangan. Ang araw na lubos silang maniniwala sa Diyos at kay Kristo ay maaaring ang araw lamang na nakumpleto na ng Diyos ang Kanyang dakilang gawain. Mangyari pa, ang araw na yaon ay ang araw din na ang kanilang pag-aalinlangan ay tatanggap ng isang hatol. Ang kanilang saloobin tungo kay Kristo ang nagpasya sa kanilang kapalaran, at ang kanilang sutil na pag-aalinlangan ay nangahulugan na ang kanilang pananampalataya ay hindi nagkamit ng mga resulta, at ang kanilang katigasan ay nangangahulugang ang kanilang pag-asa ay nawalan ng saysay. Sapagkat ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa langit ay bunga ng mga ilusyon, at ang kanilang pagdududa tungo kay Kristo ay ang kanila talagang tunay na saloobin tungo sa Diyos, kahit na hinipo nila ang mga bakas ng pinagpakuan sa katawan ng Panginoong Jesus, ang kanilang pananampalataya ay walang kabuluhan at ang kanilang kalalabasan ay maari lamang ilarawan bilang suntok sa hangin—walang saysay. Kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus kay Tomas ay totoong malinaw ding nagsasabi sa bawat isang tao: Ang Panginoong Jesus na nabuhay muli ay ang Panginoong Jesus na noong una ay gumugol ng tatlumpu’t tatlo at kalahating mga taon na gumagawa sa gitna ng sangkatauhan. Bagamat Siya ay ipinako sa krus at naranasan ang libis ng lilim ng kamatayan, at naranasan Niya ang mabuhay mag-uli, ang Kanyang bawat mga aspeto ay hindi sumailalim sa anumang mga pagbabago. Bagamat mayroon na Siya ngayong mga bakas ng pagkakapako sa Kanyang katawan, at kahit na Siya ay nabuhay mag-uli at lumabas mula sa libingan, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang pagkaunawa sa sangkatauhan, ang Kanyang mga hangarin tungo sa sangkatauhan ay hindi nagbabago kahit na kaunti. Gayundin, sinasabi Niya sa mga tao na Siya ay bumaba mula sa krus, napagtagumpayan ang kasalanan, napagtagumpayan ang mga pagdurusa, at napagtagumpayan ang kamatayan. Ang mga bakas ng pagkapako ay mga katunayan lamang ng Kanyang pagkapanalo kay Satanas, katunayan ng pagiging isang handog sa pagkakasala upang matagumpay na matubos ang buong sangkatauhan. Sinasabi Niya sa mga tao na inako na Niya ang kasalanan ng sangkatauhan at nakumpleto na Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos. Nang Siya ay makabalik upang makita ang Kanyang mga disipulo, Sinabi Niya sa kanila sa Kanyang kaanyuan: “Ako ay buhay pa, umiiral pa rin Ako; sa araw na ito ay talagang nakatayo Ako sa inyong harapan nang upang Ako ay inyong makita at mahipo. Ako ay palaging sasainyo.” Gusto din ng ating Panginoong Jesus na gamitin ang kaso ni Tomas upang maging isang babala para sa mga tao sa hinaharap: Bagamat ikaw ay naniniwala sa Panginoong Jesus, hindi mo nakikita o nahihipo Siya, ngunit ikaw ay maaaring pagpalain sa iyong tunay na pananampalataya, at nagagawa mong makita ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng iyong tunay na pananampalataya; ang ganitong uri ng tao ay pinagpala.

Ang mga salitang ito na naitala sa Biblia na sinalita ng Panginoong Jesus nang Siya ay magpakita kay Tomas ay malaking tulong sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang Kanyang pagpapakita at ang Kanyang mga salita kay Tomas ay mayroong isang malaking epekto sa mga susunod na salinlahi, at taglay nila ang walang hanggang kahalagahan. Si Tomas ay kumakatawan sa isang uri ng tao na naniniwala sa Diyos subalit pinagdududahan ang Diyos. Sila ay likas na mapagduda, mayroong masasamang puso, mga taksil, at hindi naniniwala sa mga bagay na makukumpleto ng Diyos. Hindi sila naniniwala sa pagiging makapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang pamamahala, at hindi sila naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao. Gayunpaman, ang pagkabuhay mag-uli ng Panginoong Jesus ay isang sampal sa mukha sa kanila, at nagbigay din ito ng isang pagkakataon sa kanila upang matuklasan ang kanilang sariling pagdududa, upang makilala ang kanilang sariling pagdududa, at upang makilala ang kanilang sariling kataksilan, kaya ito ang tunay na paniniwala sa pag-iral at sa pagkabuhay mag-uli ng Panginoong Jesus. Kung ano ang nangyari kay Tomas ay isang babala at isang babala para sa mga susunod na salinlahi nang upang mas maraming mga tao ang makapagbabala sa kanilang mga sarili upang huwag maging mapagduda kagaya ni Tomas, at kung sila ay magkagayon, sila ay lulubog sa kadiliman. Kung ikaw ay sumusunod sa Diyos, ngunit gaya lamang ni Tomas, lagi mong nanaisin na mahipo ang tadyang ng Panginoong Jesus at madama ang mga bakas ng pinagpakuan upang makatiyak, upang mapatunayan, upang manghula kung ang Diyos ba ay umiiral o hindi, pababayaan ka ng Diyos. Kaya, hinihiling ng Panginoong Jesus sa mga tao na huwag maging kagaya ni Tomas, pinaniniwalaan lamang kung ano ang kanilang nakikita sa kanilang sariling mga mata, ngunit upang maging isang dalisay, tapat na tao, na huwag magkimkim ng mga pagdududa tungo sa Diyos, ngunit manampalataya lamang at sundin Siya. Ang ganitong uri ng tao ay pinagpala. Ito ay isang napakaliit na kahilingan na mayroon ang Panginoong Jesus para sa mga tao, at isang babala sa Kanyang mga tagasunod.

Yaon ang saloobin ng Panginoong Jesus tungo sa kanila na puno ng pagdududa. Kaya ano ang sinabi ng Panginoong Jesus, at ano ang Kanyang ginawa sa kanila na nagagawang tapat na manampalataya at sumusunod sa Kanya? Ito ang ating susunod na titingnan, tungkol sa isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus kay Pedro.

Sa pag-uusap na ito, paulit-ulit na tinanong ng Panginoong Jesus si Pedro ng isang bagay: “Pedro, iniibig mo ba Ako?” Ito ay isang lalong mas mataas na pamantayan na kinakailangan ng Panginoong Jesus mula sa mga taong kagaya ni Pedro pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, na tunay na naniniwala kay Kristo at nagsisikap na ibigin ang Panginoon. Ang tanong na ito ay isang uri ng pagsisiyasat, at isang uri ng pag-uusisa, ngunit higit pa rito, ito ay isang kinakailangan at inaasahan sa mga taong kagaya ni Pedro. Ginamit Niya ang pamamaraang ito ng pagtatanong nang upang makapagbulay ang mga tao sa kanilang mga sarili at masiyasat ang kanilang mga sarili: Ano ang mga kinakailangan ng Panginoong Jesus para sa mga tao? Mahal ko ba ang Panginoon? Isa ba akong tao na umiibig sa Diyos? Paano ko dapat ibigin ang Diyos? Kahit na itinanong lamang ng Panginoong Jesus ang katanungang ito kay Pedro, ang totoo sa Kanyang puso, gusto Niyang gamitin ang pagkakataong ito sa pagtatanong kay Pedro upang itanong ang ganitong uri ng katanungan sa mas maraming mga tao na naghahangad na ibigin ang Diyos. Biniyayaan lamang si Pedro na umakto bilang kinatawan ng ganitong uri ng tao, upang tumanggap ng pagtatanong mula sa sariling bibig ng Panginoong Jesus.

Kung ihahambing sa “at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin,” na sinabi ng Panginoong Jesus kay Tomas pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, ang Kanyang tatlong ulit na pagtatanong kay Pedro: “Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako?” ay nagpapahintulot sa mga tao na madamang mabuti ang katigasan ng saloobin ng Panginoong Jesus, at ang pagmamadali na Kanyang nadama sa panahon ng Kanyang pagtatanong. At tungkol sa nagdududang si Tomas sa kanyang tuso at mapanlinlang na kalikasan, tinulutan Siya ng Panginoong Jesus na idaiti ang kanyang kamay at hipuin ang Kanyang mga bakas ng pinagpakuan, na nagpahintulot sa kanyang maniwala na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng tao na muling nabuhay at kilalanin ang pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus bilang Kristo. At bagamat hindi pinagsabihan nang may katigasan ng Panginoong Jesus si Tomas, ni hindi Niya ipinahayag sa salita ang anumang malinaw na paghatol sa kanya, Kanyang ipinabatid na nauunawaan Niya siya sa pamamagitan ng mga praktikal na pagkilos, habang ipinakikita din ang Kanyang saloobin tungo sa at pagpapasiya sa gayong uri ng tao. Ang mga kahilingan at mga inaasahan ng Panginoong Jesus sa gayong uri ng tao ay hindi nakikita mula sa kung ano ang Kanyang sinabi. Sapagkat ang mga taong kagaya ni Tomas ay walang diwa ng tunay na pananampalataya. Ang mga kahilingan ng Panginoong Jesus para sa kanila ay nasa ganito lamang, ngunit ang saloobin na Kanyang ibinunyag sa mga taong kagaya ni Pedro ay lubos na naiiba. Hindi Niya hiniling na idaiti ni Pedro ang kanyang kamay at hipuin ang Kanyang mga marka ng pinagpakuan, ni Hindi Niya sinabi kay Pedro: “huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.” Sa halip, paulit-ulit Niyang itinanong ang kaparehong katanungan kay Pedro. Ito ay isang nakawiwili, makahulugang tanong na hindi lamang magtutulak sa bawat tagasunod ni Kristo na makadama ng pagsisisi, at ng takot, ngunit madadama din ang kabalisahan ng Panginoong Jesus, malungkot na kalooban. At kapag sila ay nasa matinding kalungkutan at pagdurusa, magagawa nilang mas maunawaan ang pag-aalala ng Panginoong Jesus at ang Kanyang pagmamalasakit; kanilang mapagtatanto ang Kanyang taimtim na aral at ang mahigpit na mga pangangailangan ng dalisay, tapat na mga tao. Ang katanungan ng Panginoong Jesus ay nagtutulot sa mga tao na madama na ang mga inaasahan ng Panginoon sa mga tao na nabunyag sa mga simpleng pananalitang ito ay hindi basta na lamang mananampalataya at susunod sa Kanya, subalit matamo ang pagiging iniibig, iibigin ang iyong Panginoon, iibigin ang iyong Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay mapagmalasakit at matalimahin. Ito ay ang mga taong nabubuhay para sa Diyos, namamatay para sa Diyos, iniaalay ang lahat ng bagay sa Diyos, at gumugugol at nagbibigay ng lahat para sa Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay nagbibigay din ng kaaliwan sa Diyos, nagtutulot sa Kanya na matamasa ang sumaksi, at nagtutulot sa Kanya na makapagpahinga. Ito ang ganti ng sangkatauhan sa Diyos, kanilang pananagutan, obligasyon at tungkulin, at ito ay isang paraan na kailangang sundin ng mga tao habang sila ay nabubuhay. Ang tatlong mga katanungang ito ay isang kahilingan at isang pagpapayo na ginawa ng Panginoong Jesus kay Pedro at sa lahat ng mga tao na gagawing perpekto. Ang tatlong mga katanungang ito ang gumabay at nag-udyok kay Pedro na kumpletuhin ang kanyang landas sa buhay, at ang mga tanong sa paghihiwalay ng Panginoong Jesus ang umakay kay Pedro na magsimula sa kanyang landas ng pagiging perpekto, na umakay sa kanya, dahil sa kanyang pag-ibig para sa Panginoon, upang magmalasakit para sa puso ng Panginoon, upang sundin ang Panginoon, upang maghandog ng kaaliwan sa Panginoon, at upang ihandog ang kanyang buong buhay at ang kanyang buong sarili dahil sa pag-ibig na ito.

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Diyos ay pangunahin para sa dalawang uri ng tao na sumasampalataya at sumusunod sa Kanya. Ang una ay ang uri ng tao na sumasampalataya at sumusunod sa Kanya, na makapag-iingat sa Kanyang mga utos, na makapagpapasan ng krus at makapanghahawak sa paraan ng Kapanahunan ng Biyaya. Makakamit ng ganitong uri ng tao ang pagpapala ng Diyos at matatamasa ang biyaya ng Diyos. Ang ikalawang uri ng tao ay gaya ni Pedro, isang tao na gagawing perpekto. Kaya, pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay nabuhay na muli, una Niyang ginawa ang dalawang totoong makahulugan na mga bagay na ito. Ang isa ay kay Tomas, ang isa pa kay Pedro. Ano ang kinakatawan ng dalawang bagay na ito? Kinakatawan ba nila ang tunay na mga hangarin ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatuhan? Kinakatawan ba nila ang katapatan ng Diyos tungo sa sangkatauhan? Ang gawain na Kanyang ginawa kay Tomas ay upang balaan ang mga tao na huwag maging mapagduda, ngunit upang maniwala lamang. Ang gawain na Kanyang ginawa kay Pedro ay upang patatagin ang pananampalataya ng mga tao gaya ni Pedro, at upang gumawa ng malinaw na mga kinakailangan sa ganitong uri ng tao, upang ipakita kung anong mga layunin ang dapat nilang hangarin.

Pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay mabuhay na muli, nagpakita Siya sa mga tao na iniisip Niyang kinakailangan, nakipag-usap sa kanila, at gumawa ng mga kailangan sa kanila, isinantabi ang Kanyang mga layunin, at ang Kanyang mga inaasahan sa mga tao. Na ang ibig sabihin, bilang Diyos na nagkatawang-tao, hindi na mahalaga kung ito pa ang panahong nasa katawang-tao Siya, o sa espirituwal na katawan pagkatapos mapako sa krus at nabuhay na muli—ang Kanyang malasakit sa sangkatauhan at mga kailangan ukol sa mga tao ay hindi nagbago. Siya ay nag-aalala sa mga disipulong ito bago Siya dalhin sa krus; sa Kanyang puso, malinaw sa Kanya ang ukol sa katayuan ng bawat isang tao, nauunawaan Niya ang pagkukulang ng bawat isang tao, at mangyari pa ang Kanyang pagkaunawa sa bawat isang tao ay pareho din pagkatapos Niyang mamatay, nabuhay muli, at naging isang espirituwal na katawan gaya nang kung Siya ay nasa katawang-tao. Nalalaman Niya na ang mga tao ay hindi nakatitiyak nang lubos ukol sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Kristo, ngunit sa Kanyang panahong nasa katawang-tao hindi Siya gumawa ng mahigpit na mga kahilingan sa mga tao. Ngunit pagkatapos Niyang mabuhay na muli nagpakita Siya sa kanila, at ginawa Niya silang lubusang nakatitiyak na ang Panginoong Jesus ay nagmula sa Diyos, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, at ginamit Niya ang katotohanan ng Kanyang pagpapakita at ang Kanyang pagkabuhay muli bilang pinakadakilang pangitain at pagganyak para sa habambuhay na paghahangad ng sangkatauhan. Ang Kanyang pagkabuhay muli mula sa kamatayan ay hindi lamang pinatatag yaong lahat na sumusunod sa Kanya, ngunit ganap ding pinahintulot ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya sa gitna ng sangkatauhan, at sa gayon ang ebanghelyo ng pagliligtas ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay unti-unting lumaganap sa bawat sulok ng sangkatauhan. Masasabi mo ba na ang pagpapakita ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay muli ay nagkaroon ng anumang kahalagahan? Kung ikaw ay si Tomas o si Pedro sa panahong iyon, at iyong nasagupa ang isang bagay na ito sa iyong buhay na totoong makahulugan, anong uri ng epekto ang ibibigay nito sa iyo? Titingnan mo ba ito bilang pinakamainam at pinakadakilang pananaw sa iyong buhay ng paniniwala sa Diyos? Titingnan mo ba ito bilang isang puwersa na nagtutulak sa iyo sa pagsunod sa Diyos, pagsisikap na mapalugod Siya, at ang paghahangad sa pag-ibig ng Diyos sa iyong buhay? Gugugol ka ba ng isang habambuhay na pagsisikap upang ipalaganap ang pinakadakilang pananaw na ito? Gagawin mo ba ang pagpapalaganap ng pagliligtas ng Panginoong Jesus bilang isang atas na tinatanggap mo mula sa Diyos? Kahit na hindi pa ninyo nararanasan ito, ang dalawang kaso nina Tomas at Pedro ay sapat na para sa makabagong mga tao upang magkaroon ng isang malinaw na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at sa Diyos. Maaaring sabihin na pagkatapos maging tao ng Diyos, pagkatapos Niyang maranasan ang buhay sa gitna ng sangkatauhan at ang buhay ng tao, at pagkatapos Niyang makita ang kabulukan ng sangkatauhan at ang kalagayan ng buhay ng tao, mas lalong matinding naramdaman ng Diyos sa katawang-tao ang kawalan ng pag-asa, ang kalungkutan, at ang kahabag-habag na sangkatauhan. Nagkaroon ang Diyos ng higit pang pagkahabag para sa kalagayan ng tao dahil sa Kanyang pagkatao habang nabubuhay sa katawang-tao, dahil sa Kanyang likas na ugali sa katawang-tao. Ito ang umakay sa Kanya upang magkaroon ng mas malaking malasakit para sa Kanyang mga tagasunod. Ang mga ito marahil ay mga bagay na hindi ninyo naiintindihan, ngunit mailalarawan Ko ang pangamba at pagmamalasakit ng Diyos na nasa katawang-tao para sa bawat isa sa Kanyang mga tagasunod sa pariralang: matinding pagmamalasakit. Kahit na ang terminong ito ay nanggaling mula sa wika ng tao, at bagamat ito ay isa talagang pantaong paririala, tunay nitong ipinapahayag at inilalarawan ang mga damdamin ng Diyos para sa Kanyang mga tagasunod. Sa matinding malasakit ng Diyos para sa mga tao, sa panahon ng inyong mga karanasan unti-unti ninyo itong madarama at mararanasan. Gayunman, ito ay matatamo lamang sa unti-unting pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos sa batayan ng paghahangad ng isang pagbabago sa inyong sariling disposisyon. Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus ay pinatotohanan ang Kanyang matinding pagmamalasakit sa Kanyang mga tagasunod sa pagiging tao at ipinasa sa Kanyang espirituwal na katawan, o maaari ninyong sabihing Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagpapakita ay nagpahintulot sa mga tao na magkaroon ng isa pang karanasan at pagdama sa malasakit at pangangalaga ng Diyos samantalang pinatutunayan nang may kapangyarihan na ang Diyos ay ang Isa na nagpapasimula ng isang kapanahunan, na nagpapaunlad sa isang kapanahunan, at Siya ang Isa na nagtatapos sa isang kapanahunan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatatag Niya ang pananampalataya ng mga tao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatunayan Niya sa mundo ang katotohanan na Siya ang Diyos Mismo. Naibigay nito sa Kanyang mga tagasunod ang walang hanggang pagpapatibay, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita nakapagsimula din Siya ng isang yugto ng Kanyang gawain sa bagong kapanahunan.

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap