Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Kategorya

Recital-latest-expression-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

1. Ang sangkatauhan, lubusang ginawang masama ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pag-samba sa Diyos. Sa panimula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehova at ang patotoo ni Jehova ay laging nariyan. Ngunit matapos ginawang masama, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at tuluyang huminto sa paggalang sa Kanya. Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Ang kasalukuyang gawaing panlulupig ay gawaing nilayong liwanagin ang magiging katapusan ng tao. Bakit Ko sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawaing panlulupig ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay upang ihayag kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig ng pagkastigo at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at sa gayon pangkatin ayon sa uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay ang panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ipinakikita ang iba't ibang mga uri ng tao, sa gayon pinapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay magsama-sama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay magsama-sama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon sa uri. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pagpapangkat na ito? Ang pagbubunyag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang panlulupig sa buong sansinukob (kabilang ang lahat ng gawaing panlulupig nagsisimula sa kasalukuyang gawain). Itong pagbubunyag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa pagpapatuloy ng pagkastigo, at sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig sa mga huling araw.

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Ang katapusan ng tao ay hindi isang bagay na itinadhana sa simula ng paglikha ng mundo. Ito ay dahil sa pasimula mayroon lang iisang klase, ito ay ang sama-samang tinatawag na “sangkatauhan,” at dahil ang tao ay hindi pa nagawang masama ni Satanas noong una, silang lahat ay nanirahan sa liwanag ng Diyos, nang walang kadilimang sumasapit sa kanila. Ngunit matapos na ang tao ay nagawang masama ni Satanas, lahat ng tipo at uri ng tao ay lumaganap sa buong mundo-lahat ng tipo at uri ng tao na nanggaling sa isang pamilyang sama-samang pinangalang “sangkatauhan” na binubuo ng lalaki at babae. Silang lahat ay inakay ng kanilang mga ninuno upang maligaw palayo sa kanilang pinakamatandang mga ninuno-ang sangkatauhang binubuo ng lalaki at babae (iyon ay, ang orihinal na si Adan at Eba, ang kanilang pinakamatandang ninuno). Sa panahong iyon, ang tanging bayang pinamumunuan ni Jehova na manirahan sa mundo ay ang mga Israelita. Ang iba't ibang tipo ng mga tao na lumitaw mula sa buong Israel (ibig sabihin ay mula sa orihinal na angkan ng pamilya) sa gayon ay nawala ang pangunguna ni Jehova. Silang mga sinaunang tao, lubusang walang-muwang sa mga usapin ukol sa mundo ng tao, ay sumama sa kanilang mga ninuno upang mabuhay sa mga teritoryong kanilang inangkin, magpahanggang sa ngayon. Sa gayon, sila ay nasa kadiliman pa rin tungkol sa kung paano sila napariwara palayo kay Jehova at kung paano sila nagawang masama hanggang sa araw na ito ng lahat ng uri ng maruruming diablo at masasamang espiritu. Silang mga pinaka-lubusang nagawang masama at nalason hanggang ngayon, samakatuwid silang mga hindi na maililigtas sa bandang huli, ay wala nang magagawa pa kundi sumama sa kanilang mga ninuno-ang maruruming diablo na ginawa silang masama. Silang mga maililigtas sa bandang huli pupunta sa naaangkop na hantungan, nangangahulugang sa katapusang inilaan para sa mga iniligtas at nilupig. Ang lahat ay gagawin upang iligtas ang maaring mailigtas, ngunit para sa yaong mga manhid, walang lunas na tao, ang kanilang tanging pagpipilian ay ang sumunod sa kanilang mga ninuno sa walang-katapusang hukay ng pagkastigo. Huwag mong isipin na ang iyong katapusan ay itinadhana sa pasimula at ito ay ngayon lang naibunyag. Kung ganyan ka mag-isip, nakalimutan mo na ba na sa panahong paunang paglikha sa sangkatauhan, walang hiwalay na uri ng maka-Satanas ang nilikha? Nakalimutan mo na ba na tanging isang sangkatauhan na binubuo ni Adan at Eba ang nilikha (nangangahulugang tanging lalaki at babae ang mga nilikha)? Kung ikaw ay naging inapo ni Satanas sa pasimula, hindi ba nangangahulugan iyon na noong nilikha ni Jehova ang tao isinama Niya ang grupo ni Satanas? Nagawa kaya Niya ng bagay na ganoon? Nilikha niya ang tao para sa kapakanan ng Kanyang patotoo; nilikha Niya ang tao para sa Kanyang kaluwalhatian. Bakit Niya sadyang lilikhain ang isang klase na mula sa angkan ni Satanas upang kusang labanan Siya? Nagawa kaya ito ni Jehova? Kung oo, sino ang makapagsasabing Siya ay isang matuwid na Diyos? Kapag sinabi Ko ngayon na ang ilan sa inyo ay sasama kay Satanas sa katapusan, hindi ito nangangahulugang kasama ka ni Satanas mula sa pasimula; sa halip, ito ay nangangahulugang ikaw ay nagpakababa nang husto na kahit sinubukan pa ng Diyos na iligtas ka, ikaw ay nabigo pa rin na makamtan ang kaligtasan na iyon. Walang magagawa kundi pangkatin ka kasama ni Satanas. Ito lang ay sa kadahilanang ikaw ay hindi na maililigtas, hindi dahil ang Diyos ay di-matuwid sa iyo, nangangahulugang hindi dahil sinadya ng Diyos na itakda ang iyong kapalaran bilang kumakatawan kay Satanas at sa gayon pinapangkat ka kay Satanas at sadyang gusto kang magdusa. Hindi iyan ang katotohanang napapaloob sa gawaing panlulupig. Kung iyan ang iyong pinaniniwalaan, sa gayon ang iyong pag-unawa ay lubhang nakahilig sa isang panig lang!

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Ang kahuli-huling yugto sa panlulupig ay naglalayong magligtas ng mga tao at magbunyag din ng mga katapusan ng mga tao. Ito ay upang isiwalat ang pagpapakasama ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay magsisi, bumangon, at itaguyod ang buhay at ang tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na paghihimagsik Subalit, kung ang mga tao ay hindi pa rin makayang magsisi, hindi pa rin makayang itaguyod ang tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin makayang itakwil ang mga kasamaang ito, sa gayon sila ay magiging mga layon na hindi na maililigtas para malulon ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng panlulupig-upang iligtas ang mga tao at upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan-itong lahat ay ibinubunyag ng gawaing panlulupig. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawaing panlulupig.

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Sa gayon, paano pagpapangkat-pangkatin ang mga tao? Ang gawain sa pagpapangkat-pangkat sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao ng iba’t-ibang bansa saanman ay mapasasailalim sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao ng sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri, paglapit sa luklukan ng paghatol upang hatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol, at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ang lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral?

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Ngayon mismo ginagamit Ko ang gawain ng mga taong ito sa Tsina upang ibunyag ang lahat ng kanilang mapanghimagsik na disposisyon at ilantad ang lahat ng kanilang kapangitan. Ito ang pinagmulan ng pagsasabi ng lahat ng kailangan Kong sabihin. Pagkatapos, gagawin Ko ang susunod na hakbang sa gawain sa panlulupig ng buong sansinukob. Gagamitin Ko ang Aking paghatol sa inyo upang hatulan ang di-pagkamatuwid ng bawat isa sa buong sansinukob sapagkat kayong mga tao ay ang mga kumakatawan sa mga mapanghimagsik sa sangkatauhan. Silang mga walang paninindigan ay magiging mga pagkakaiba at mga gamit sa paglilingkod lamang, samantalang silang may kakayanan ang gagamitin. Bakit Ko sinasabi na silang mga walang paninindigan ay magsisilbing pagkakaiba? Sapagkat ang Aking mga salita at gawa sa kasalukuyan ay nakatutok sa inyong pinagmulan at dahil kayo ay naging mga kumakatawan at ang halimbawa ng pagiging mapanghimagsik sa lahat ng sangkatauhan. Pagkatapos ay dadalhin Ko ang mga salitang ito na lumulupig sa inyo sa mga dayuhang bansa at gagamitin Ko ang mga ito upang lupigin ang mga tao roon, ngunit ang mga ito'y hindi mo pa makakamtan. Hindi ka ba magiging pagkakaiba sa gayon? Ang masasamang disposiyon ng buong sangkatauhan, mga mapanghimagsik na kilos ng tao, ang mga pangit na wangis at mga mukha ng tao, ay lahat nakatala ngayon sa mga salita na ginamit upang lupigin kayo. Gagamitin Ko sa gayon ang mga salitang ito upang lupigin ang mga tao sa bawat bansa at bawat denominasyon sapagkat kayo ang modelo, ang pinamamarisan. Gayunpaman, hindi Ko binalak na sadyang pabayaan kayo; kung ikaw ay nagkukulang sa iyong mga pagtaguyod at samakatuwid pinatutunayan mong ikaw ay di-mapapagaling, hindi ba't ikaw ay basta na lang isang gamit sa paglilingkod at pagkakaiba?

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Ngayon ang pananampalataya ang nagpapahintulot sa iyo na malupig, at ang pagiging nalupig ang nagpapahintulot sa iyo na manalig kay Jehova. Dahil lamang sa pananampalataya kaya ka nakatatanggap ng ganitong uri ng pagkastigo at paghatol. Sa pamamagitan ng mga pagkastigo at mga paghatol na ito, ikaw ay nilulupig at nagiging perpekto. Kung wala ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol na tinatanggap mo ngayon, ang iyong pananampalataya ay mawawalan ng kabuluhan. Sapagkat hindi mo kilala ang Diyos, kahit gaano ka naniniwala sa Kanya, ang iyong pananampalataya ay mananatiling isang basyong pahayag na walang batayan sa realidad. Matapos mo lang tanggapin ang ganitong uri ng gawaing panlulupig na ginagawa kang lubos na masunurin na ang iyong pananampalataya ay magiging totoo at maaasahan at ang iyong puso ay matutuon sa Diyos. Kahit na ikaw ay hinatulan o sinumpa nang matindi dahil sa salitang “pananampalataya,” ikaw ay mayroong totoong pananampalataya, at ikaw ay makatatanggap ng pinakatunay, pinakatotoo, at pinakamahalagang bagay. Ito ay dahil sa pagpapatuloy lamang ng paghatol na makikita mo ang huling hantungan ng mga nilalang ng Diyos; sa paghatol na ito iyong makikita na ang Maylikha ay dapat ibigin; sa ganitong uri ng gawaing panlulupig makikita mo ang bisig ng Diyos; sa panlulupig na ito mauunawaan mo nang lubos ang buhay ng tao; sa panlulupig na ito makakamtan mo ang tamang landas ng buhay ng tao at mauunawaan mo ang totoong kahulugan ng “tao”; sa panlulupig na ito lang makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Makapangyarihan at ang Kanyang maganda, maluwalhating mukha; sa gawaing panlulupig na ito matututunan mo ang tungkol sa pinanggalingan ng tao at mauunawaan ang “walang kamatayang kasaysayan” ng buong sangkatauhan; sa ganitong panlulupig ay maiintindihan mo ang mga ninuno ng sangkatauhan at ang pinanggalingan ng kasamaan ng sangkatauhan; sa panlulupig na ito ay makatatanggap ka ng kaligayahan at kaginhawaan gayundin ng walang katapusang pagkastigo, disiplina, at ang mga pangaral na salita mula sa Maylikha sa sangkatauhang Kanyang nilikha; sa gawaing panlulupig na ito tatanggap ka ng mga pagpapala, at tatanggap ka ng mga sakuna na dapat tanggapin ng tao.... Hindi ba ang lahat ng ito ay dulot ng iyong mumunting pananampalataya? Matapos ninyong makamtan ang mga bagay na ito, hindi ba sumibol ang iyong pananampalataya? Hindi ka ba nakakamit ng napakalaking halaga?

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Siguro sasabihin mo na kung wala kang pananampalataya, sa gayon hindi ka magdurusa ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng paghatol. Ngunit dapat mong malaman na kung walang pananampalataya, hindi ka lang hindi makatatanggap ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng pagkalinga mula sa Makapangyarihan, kundi magpakailanmang mawawala mo ang pagkakataong makita ang Maylikha. Hinding-hindi mo malalaman ang pinagmulan ng sangkatauhan at mauunawaan kailanman ang kahalagahan ng buhay ng tao. Kahit na ang iyong katawan ay mamatay at ang iyong kaluluwa ay yumao, hindi mo pa rin mauunawaan ang lahat ng mga ginawa ng Maylikha. Lalong hindi mo malalaman na gumawa ng gayong kadakilang gawain sa mundo ang Maylikha matapos Niyang likhain ang sangkatauhan. Bilang kasapi nitong sangkatauhan na Kanyang ginawa, ikaw ba ay pumapayag na di-nauunawaang mahulog nang ganito sa kadiliman at magdusa ng walang hanggang kaparusahan? Kung ihiwalay mo ang inyong sarili sa pagkastigo at paghatol ngayon, ano ang iyong haharapin? Sa tingin mo ba na minsang maihiwalay sa kasalukuyang paghatol ay makatatakas ka sa mahirap na buhay na ito? Hindi ba totoo na kung lumisan ka sa “lugar na ito,” ang iyong haharapin ay masakit na pagdurusa o malulupit na pinsalang ipinataw ng diyablo? Ikaw ba ay haharap sa di-makayanang mga araw at mga gabi? Sa tingin mo ba dahil lang natakasan mo ang paghatol na ito ngayon, magpakailanman mong maiiwasan ang pahirap sa hinaharap? Ano kaya ang darating sa iyo? Ito kaya ang Shangri-La na iyong inaasahan? Sa tingin mo ba ay matatakasan mo ang susunod na walang hanggang pagkastigo sa pamamagitan lang ng pagtakas sa realidad na iyong ginagawa? Pagkatapos ng ngayon, makahahanap ka ba kaya ng ganitong uri ng pagkakataon at ganitong uri ng pagpapala muli? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag dinatnan ka ng sakuna? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag ang lahat ng sangkatauhan ay nakapagpahinga na? Ang kasalukuyang masaya mong buhay at ang iyong magkaayong munting pamilya-maari bang sila ang papalit sa iyong hinaharap na walang hanggang hantungan? Kung ikaw ay may totoong pananampalataya, at kung marami kang makamtan dahil sa iyong pananampalataya, gayon lahat ng mga iyan ay ang dapat mong-isang katauhang nilalang-makamtan at ang dapat na iyong makuha rin. Itong uri ng panlulupig ay ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong pananampalataya at ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong buhay.

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos? Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan Kanino Ka Matapat? Tatlong Paalaala Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos Paano Makilala ang Diyos sa Lupa Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto Ang Masama ay Dapat Parusahan Paano Malaman ang Realidad Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan Dumating na ang Milenyong Kaharian Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao? Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi) Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos Paano Nakilala ni Pedro si Jesus Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag Ikaw Ba’y Nabuhay? Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao Umiiral ba ang Trinidad? (Unang bahagi) Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Unang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya? Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi) Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi) Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi) Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi) Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang bahagi) Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikatlong bahagi) Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang bahagi) Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi) Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaapat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaanim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikapitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikawalong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasiyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabindalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabintatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabinlimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap