Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Kategorya

Recital-latest-expression-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

36. Mula sa paglikha hanggang sa ngayon, nakapagtiis nang sobrang sakit ang Diyos, at nagdusa ng napakaraming mga pag-atake. Nguni’t kahit na ngayon, hindi pa rin nilulubayan ng tao ang Diyos sa kahihingi, pinag-aaralan pa rin niya ang Diyos, wala pa rin siyang pagpaparaya sa Diyos, at walang ginawa kundi bigyan Siya ng payo, at punahin Siya, at disiplinahin Siya, na tila malalim na natatakot na dadaan ang Diyos sa maling landas, na ang Diyos sa lupa ay malupit at hindi makatwiran, o nanggugulo, o na wala Siyang kahahantungang anuman. Laging may ganitong uri ng saloobin ang tao tungo sa Diyos. Paanong hindi ito makakapagpalungkot sa Diyos? Sa pagiging katawang-tao, dumanas ng matinding sakit at kahihiyan ang Diyos; gaano pa kalálâ, kung gayon, na ipatanggap sa Diyos ang mga aral ng tao? Ang Kanyang pagdating sa mga tao ay nag-alis sa Kanya ng lahat ng kalayaan, na parang nabilanggo Siya sa Hades, at tinanggap Niya ang pagsusuri ng tao na wala ni bahagya mang pagtutol. Hindi ba ito kahiya-hiya? Sa pagdating sa pamilya ng isang normal na tao, nagdusa si Jesus ng pinakamatinding kawalang-katarungan. Ang mas nakakahiya pa ay yaong dumating Siya rito sa maalikabok na mundong ito at Siya mismo ay nagpakumbaba sa pinakamababang kalaliman, at nagbihis ng katawang-tao na sukdulan ang pagiging karaniwan. Sa pagiging isang maliit na tao, hindi ba nagdurusa ng paghihirap ang Diyos na Kataas-taasan? At hindi ba ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan? Mayroon bang anumang mga sandali na nag-isip Siya para sa Sarili Niya? Pagkatapos Siyang tanggihan at patayin ng mga Judio, at pagtawanan at tuyain ng mga tao, hindi Siya kailanman nagreklamo sa langit o lumaban sa lupa. Ngayon, itong isang-libong-taóng gulang na trahedya ay muling lumitaw sa gitna nitong mga taong gaya ng Judio. Hindi ba sila gumagawa ng parehong mga kasalanan? Anong nagsasanhi sa tao na maging kwalipikado upang makatanggap ng mga pangako ng Diyos? Hindi ba niya tinututulan ang Diyos at pagkatapos ay tatanggapin ang Kanyang mga pagpapala? Bakit hindi kailanman hinaharap ng tao ang katarungan, o naghahanap para sa katotohanan? Bakit hindi kailanman siya interesado sa kung ano ang ginagawa ng Diyos? Nasaan ang kanyang pagkamatuwid? Nasaan ang kanyang pagiging patas? Mayroon ba siyang lakas-ng-loob na kumatawan sa Diyos? Nasaan ang kanyang pandama ng katarungan? Gaano karami roon sa minamahal ng tao ang minamahal ng Diyos? Hindi kayang kilalanin ng tao ang kaibahan ng yeso sa keso,33 palagi siyang nalilito sa itim at puti, sinisiil niya ang katarungan at katotohanan, at itinataas nang napakataas ang kawalang-katarungan at di-pagkamatuwid. Itinataboy niya paláyô ang liwanag, at naglululundag sa gitna ng kadiliman. Yaong mga naghahanap ng katotohanan at katarungan sa halip ay itinataboy paláyô ang liwanag, yaong mga naghahanap sa Diyos ay tinatapakan Siya sa ilalim ng kanilang mga paa, at itinataas ang kanilang mga sarili tungo sa kalangitan. Hindi naiiba ang tao sa isang tulisan.34 Nasaan ang kanyang katuwiran? Sino ang maaaring magsabi ng tama mula sa mali? Sino ang kayang manindigan para sa katarungan? Sino ang handang magdusa para sa katotohanan? Mapanira at ubod ng sama ang mga tao! Pumapalakpak sila at nagsasaya sa pagkapako ng Diyos sa krus, walang tigil ang kanilang mga malalakas na sigawan. Tulad sila ng mga manok at mga aso, magkasabwat sila at nagbubulag-bulagan, nagtatag sila ng kanilang sariling kaharian, ang kanilang panghihimasok ay walang sinasantong lugar, ipinikit nila ang kanilang mga mata at mistulang hibang na umaalulong nang paulit-ulit, ang lahat ay sama-sama sa kulungan, at lumalaganap ang nakakahawang kapaligiran, ito ay matao at buháy na buháy, at yaong bulag na ikinakabit ang kanilang mga sarili sa iba ay patuloy na dumarami, lahat ay humahawak sa “bantog” na mga pangalan ng kanilang mga ninuno. Matagal nang kinalimutan ng mga aso at mga manok na ito ang Diyos, at hindi kailanman nagbigay ng anumang pansin sa katayuan ng puso ng Diyos. Bahagyang nakapagtataka na sinasabi ng Diyos na ang tao ay tulad ng isang aso o isang manok, isang tumatahol na aso na nagsasanhi sa isandaang iba pa na magsiungol; sa ganitong paraan, nadala ng sobrang publisidad ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan, hindi alintana kung ano ang katulad ng gawain ng Diyos, kung may katarungan man, kung ang Diyos man ay may lugar na matutungtungan, kung ano ang kahalintulad ng bukas, ng kanyang sariling kababaan, at ng kanyang sariling karumihan. Hindi kailanman napag-isipan ng tao nang ganoong katindi ang tungkol sa mga bagay-bagay, hindi siya kailanman nag-aalala sa kanyang sarili para sa kinabukasan, at tinipon ang lahat ng kapaki-pakinabang at mahalaga sa kanyang sariling pag-aari, walang iniwan sa Diyos maliban sa mga patapong piraso at mga tira-tira.35 Kaylupit ng sangkatauhan! Hindi niya alintanang saktan ang damdamin ng Diyos, at pagkatapos lamuning palihim ang lahat na mayroon ang Diyos, inihahagis niya ang Diyos paláyô sa likuran niya, hindi na pinapansin ang Kanyang pag-iral. Nasisiyahan siya sa Diyos, datapuwa’t sinasalungat ang Diyos, at niyuyurakan Siya sa ilalim ng kanyang paa, habang sa kanyang bibig nagpapasalamat siya at nagpupuri sa Diyos; nagdarasal siya sa Diyos, at umaasa sa Diyos, habang dinadaya rin ang Diyos; “pinupuri” niya ang pangalan ng Diyos, at tumitingala sa mukha ng Diyos, datapuwa’t siya rin ay bastos at walang-kahihiyan na nakaupo sa luklukan ng Diyos at hinahatulan ang “hindi-pagkamatuwid” ng Diyos; mula sa kanyang bibig lumalabas ang mga salita na siya ay “may utang na loob sa Diyos,” at kanyang tinitingnan ang mga salita ng Diyos, gayunpaman sa kanyang puso ay tinutuligsa niya ang Diyos; “mapagparaya” siya sa Diyos nguni’t sinisiil ang Diyos, at sinasabi ng kanyang bibig na ito ay para sa kapakanan ng Diyos; sa kanyang mga kamay hawak niya ang mga bagay ng Diyos, at sa kanyang bibig nginunguya niya ang pagkain na ibinigay ng Diyos sa kanya, nguni’t nananatiling malamig at walang emosyon ang kanyang matang nakatitig sa Diyos, na para bang nais niyang lunukin Siya nang buo; tinitingnan niya ang katotohanan nguni’t pilit na sinasabing ito ay panlilinlang ni Satanas; tinitingnan niya ang katarungan nguni’t pilit itong ginagawang pagtatatwa-sa-sarili; tinitingnan niya ang mga gawa ng tao, nguni’t ipinipilit na ang mga iyon ay kung ano ang Diyos; tinitingnan niya ang natural na mga kaloob ng tao nguni’t ipinipilit na ang mga iyon ay ang katotohanan; tinitingnan niya ang mga gawa ng Diyos nguni’t ipinipilit na ang mga iyon ay pagmamataas at kahambugan, ngasngas at sariling-pagkamatuwid; kapag tumitingin ang tao sa Diyos, ipinipilit niya ang pagbabansag sa Kanya bilang tao, at sinusubukang maigi na tratuhin Siya bilang isang nilalang na nakipagsabwatan kay Satanas; alam na alam niya na ang mga iyon ay ang mga pagbigkas ng Diyos, gayunma’y tatawagin ang mga iyong walang iba kundi mga sinulat ng isang tao; alam na alam niyang ang Espiritu ay natanto sa katawang-tao, nagkatawang-tao ang Diyos, nguni’t sinasabi lamang na ang katawang-taong ito ay inápó36 ni Satanas, alam na alam niyang ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago, ngunit sinasabi lamang na si Satanas ay napahiya, at ang Diyos ay nanalo. Mga walang silbi! Ang tao ay hindi man lamang karapat-dapat na maglingkod bilang mga asong-bantay! Hindi niya nakikilala ang kaibahan sa pag-itan ng itim at puti, at sadya pang pinipilipit ang itim na puti. Kaya ba ng mga puwersa ng tao at pagsalakay ng tao na mangyari ang araw ng pagpapalaya sa Diyos? Pagkatapos na sadyang salungatin ang Diyos, ang tao ay walang pakialam, o nagawa pa nitong ipapatay Siya, hindi tinutulutan ang Diyos na ipakita ang Sarili Niya. Nasaan ang pagkamatuwid? Nasaan ang pag-ibig? Umuupo siya sa tabi ng Diyos, at pinaluluhod ang Diyos upang humingi ng kapatawaran, upang sundin ang lahat ng kanyang mga pagsasaayos, upang pumayag sa lahat ng kanyang mga pagmamaniobra, at pinasusunod ang Diyos sa kanyang hudyat sa lahat nang ginagawa Niya, o kung hindi ay magagalit37 siya at magwawalâ. Paano kayang hindi malilipos ng kapighatian ang Diyos sa ilalim ng gayong impluwensiya ng kadiliman, na pinipilipit ang itim para maging puti? Paano kayang hindi Siya mag-aalala? Bakit sinabi na noong sinimulan ng Diyos ang Kanyang pinakabagong gawain, ito ay tulad ng pagbubukang-liwayway ng isang bagong kapanahunan? Napaka- “yaman” ng mga gawa ng tao, ang “patuloy na umaagos na bukal ng buháy na tubig” ay walang-hinto sa “pagpupunong muli” sa lináng ng puso ng tao, habang ang “bukal ng tubig na buháy” ng tao ay nakikipagpaligsahan sa Diyos nang walang pangíngímî;38 ang dalawa ay hindi mapagkakasundo, at nagtutustos ito sa mga tao sa halip na ang Diyos nang walang anumang pasubali, samantalang ang tao ay nakikipagtulungan dito nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga panganib na kasangkot. At para sa anong epekto? Walang-pangíngímî niyang isinantabi ang Diyos, at inilalayo Siya, kung saan hindi Siya papansinin ng tao, lubhang natatakot na kukunin Niya ang kanilang pansin, at takot na takot na ang bukal ng buháy na tubig ng Diyos ay makakaakit sa tao, at makakamit ang tao. Kaya, pagkatapos makaranas ng maraming mga taon ng makamundong alalahanin, nakikipagsabwatan siya at iniintriga ang Diyos, at pinatatamaan pa ang Diyos sa kanyang pagmumura. Para bang ang Diyos ay naging tulad ng isang troso sa kanyang mata, at desperado siyang sunggaban ang Diyos at ilagay Siya sa apoy upang mapino at mapalinis. Nakikita ang hindi-maginhawang kalagayan ng Diyos, dinadagukan ng tao ang kanyang dibdib at tatawa, sumasayaw siya sa galak, at sasabihin na ang Diyos ay inilublob din sa pagdadalisay, at sinasabing susunugin niya nang malinis ang maruming kahalayan ng Diyos, na parang ito lamang ang makatwiran at makabuluhan, na parang ang mga ito lamang ang makatarungan at makatwirang mga pamamaraan ng Langit. Ang marahas na pag-uugaling ito ng tao ay tila parehong sinadya at hindi-namamalayan. Parehong ibinubunyag ng tao ang kanyang pangit na mukha at ang kanyang kakila-kilabot at maruming kaluluwa, pati na rin ang kaawa-awang hitsura ng isang pulubi; matapos magwalâ nang husto, nagmumukha siyang kaawa-awa at nagsusumamo para sa kapatawaran ng Langit, katulad ng isang sukdulang kahabag-habag na aso. Palaging kumikilos ang tao sa hindi inaasahang mga paraan, palagi siyang “sumasakay sa likod ng isang tigre upang takutin ang iba,” nakikipagsayá siya kapag kaya niya, hindi niya isinasaalang-alang ni bahagya man ang puso ng Diyos, hindi rin siya gumagawa ng anumang mga paghahambing sa kanyang sariling katayuan. Tahimik niya lamang na sinasalungat ang Diyos, na para bang ang Diyos ay nagkamali sa kanya, at hindi nararapat na tratuhin siya nang ganoon, at para bang walang mga mata ang Langit at sinasadyang gawing mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanya. Kaya laging palihim na nagsasakatuparan ang tao ng mapanirang mga pakánâ, at hindi niya binabawasan kahit bahagya man ang kanyang mga hinihingi sa Diyos, nakatingin nang may mga matang ganid, galit na galit na nakadarag sa bawa’t galaw ng Diyos, hindi kailanman iniisip na siya ay ang kaaway ng Diyos, at umaasa na ang araw ay darating kung kailan hinawi na ng Diyos ang hamog, at ginawang malinaw ang mga bagay-bagay, at iniligtas siya mula sa “bibig ng tigre” at naghiganti sa kanyang ngalan. Kahit ngayon, hindi pa rin naiisip ng mga tao na ginagampanan nila ang papel ng sumasalungat sa Diyos na ginampanan ng napakarami sa buong mga kapanahunan; paano kaya nila malalaman na, sa lahat nang ginagawa nila, matagal na silang naligaw, na ang lahat ng kanilang naunawaan ay matagal nang nilamon ng mga dagat.

Sino ang kailannan ay nakákatánggáp ng katotohanan? Sino ang kailanman ay nakákatánggáp sa Diyos nang bukal sa kalooban? Sino ang kailanman ay masayang nag-aasam sa pagpapakita ng Diyos? Matagal nang sumámâ ang pag-uugali ng tao, at dahil sa kanyang karumihan ay matagal nang hindi makilala ang templo ng Diyos. Ang tao, samantala, ay patuloy pa ring nagsasakatuparan ng kanyang sariling gawain, laging minamaliit ang Diyos. Na para bang ang kanyang pagsalungat sa Diyos ay nakatatak na sa bato, at hindi mababago, at bilang resulta, mas nanaisin niyang masumpa kaysa magdusa sa ano pa mang masamang pagtrato sa kanyang mga salita at mga pagkilos. Paano kayang makikilala ng mga taong tulad nito ang Diyos? Paano nila masusumpungan ang kapahingahan sa piling ng Diyos? At paano sila magiging angkop na lumapit sa harap ng Diyos?

mula sa “Gawa at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

37. Ginugol Ko ang maraming araw at gabi kasama ang tao, tumira Ako sa mundo kasama ang tao, at hindi Ako kailanman nagtalaga ng anumang mas marami pang kinakailangan sa tao; lagi Ko lamang ginagabayan ang tao pasulong, wala akong ginagawa kundi gabayan ang tao, at, para sa kapakanan ng tadhana ng sangkatauhan, walang tigil Kong isinasakatuparan ang gawain ng pagsasaayos. Sino ang kailanman ay nakakaunawa sa kalooban ng Ama sa langit? Sino na ang nakatawid sa pag-itan ng langit at lupa? Hindi ko nais na makasama pa ng tao sa kanyang “katandaan”, dahil masyadong makaluma ang tao, wala siyang nauunawaan, ang tanging nalalaman niya ay busugin ang kanyang sarili sa kapistahang aking inihanda, wala nang iba pa—hindi kailanman iniisip ang anumang iba pang mga bagay. Masyadong mahirap ang sangkatauhan, ang ingay, lungkot, at ang panganib sa gitna ng tao ay masyadong matindi, at kaya hindi ko nais na ibahagi ang mahalagang mga bunga na pinagtagumpayang makamit sa huling mga araw. Hayaan ang tao na tamasahin ang masaganang mga pagpapala na siya mismo ang may likha, dahil hindi Ako tinatanggap ng tao—bakit ko pipilitin ang sangkatauhan na ngumiti nang pakunwari? Nawalan ng init ang bawa’t sulok ng mundo, walang bakas ng tagsibol sa buong kalupaan ng mundo, sapagka’t, tulad ng isang naninirahan-sa-tubig na nilalang, wala siya ni bahagyang init, para siyang isang bangkay, at kahit na ang dugong dumadaloy sa kanyang mga ugat ay mistulang matigas na yelo na nagpapanginig sa puso. Nasaan ang init? Ipinako ng tao ang Diyos sa krus nang walang dahilan, at pagkatapos nito’y hindi siya nakadama ni bahagyang pagsisisi. Kailanman walang sinuman ang nakadama ng panghihinayang, at ang mga malulupit na maniniil na ito ay nagbabalak pa rin na minsan pang “hulihing buháy”39 ang Anak ng tao at dalhin Siya sa harap ng isang grupo ng berdugo, upang tapusin ang poot sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Anong pakinabang ang mayroon para sa Akin sa pananatili sa mapanganib na lupaing ito? Kung mananatili Ako, ang tanging bagay na idudulot Ko sa tao ay paglalaban at karahasan, at walang katapusan ang problema, dahil hindi Ako kailanman nagdala ng kapayapaan sa tao, digmaan lamang. Dapat mapuno ng digmaan ang huling mga araw ng sangkatauhan, at ang hantungan ng tao dapat ay ang mabaligtad sa gitna ng karahasan at paglalaban. Ayaw Ko na “makibahagi” sa “kaluguran” ng digmaan, hindi Ko sasamahan ang pagdanak ng dugo at sakripisyo ng tao, dahil ang pagtanggi ng tao ay nagtulak sa Akin sa “kawalang pag-asa,” at wala Akong pagnanais na makita ang mga digmaan ng tao—hayaang lumaban ang tao hangga’t gusto niya, gusto Kong magpahinga, gusto Kong matulog, hayaan ang mga demonyo na makasama ng sangkatauhan sa panahon ng kanyang mga huling araw! Sino ang nakakaalam ng Aking kalooban? Dahil hindi Ako tinanggap ng tao, at hindi niya Ako kailanman hinintay, ang kaya Ko lamang ay magpaalam sa kanya, at ipinagkakaloob Ko ang hantungan ng sangkatauhan sa kanya, iwan ang lahat ng Aking mga kayamanan sa tao, ihasik ang Aking buhay sa kalagitnaan ng tao, itanim ang binhi ng Aking buhay sa lináng ng puso ng tao, mag-iwan sa kanya ng walang-hanggang mga alaala, iwan ang Aking buong pag-ibig sa sangkatauhan, at ibigay sa tao ang lahat nang minamahal ng tao sa Akin, bilang regalo ng pag-ibig na matagal na nating pinananabikan sa isa’t isa. Gusto Ko na mahalin natin ang isa’t isa magpakailanman, na ang ating kahapon ay ang mainam na bagay na ibinibigay natin sa isa’t isa, dahil ibinigay Ko na ang Aking kabuuan sa sangkatauhan—anong mga hinaing ang pwedeng magkaroon ang tao? Iniwan Ko na ang kabuuan ng Aking buhay sa tao, at wala ni isang salita, nagpagal nang husto upang bungkalin ang magandang lupain ng pag-ibig para sa sangkatauhan; hindi Ako kailanman nagtalaga ng anumang katumbas na kinakailangan sa tao, at walang ginawa kundi simpleng magpasakop sa mga pagsasaayos ng tao at lumikha ng isang mas magandang bukas para sa sangkatauhan.

mula sa “Gawa at Pagpasok (10)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

38. Nagulantang ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng mga sekta at mga denominasyon, “ginulo” nito ang kanilang orihinal na kaayusan, at niliglig nito ang mga puso ng lahat niyaong mga nananabik sa pagpapakita ng Diyos. Sino ang hindi sumasamba? Sino ang hindi nananabik na makita ang Diyos? Sa loob ng maraming mga taon personal na nakasama ng Diyos ang tao, nguni’t hindi kailanman ito napagtanto ng tao. Ngayon, nagpakita ang Diyos Mismo, at ipinakita ang Kanyang pagkakakilanlan sa masa—paanong hindi ito magdadala ng kaluguran sa puso ng tao? Minsa’y nakibahagi ang Diyos sa mga kagalakan at kalungkutan ng tao, at ngayon muli Niyang nakasama ang sangkatauhan, at nagbabahagi sa kanya ng mga kuwento ng mga panahong lumipas. Pagkatapos Niyang umalis sa Judea, wala nang mabakas ang mga tao tungkol sa Kanya. Naghahangad sila na minsan pang makita ang Diyos, hindi nila nalalaman na muli nila Siyang nakatagpo ngayon, at muli Siyang nakasama. Paanong hindi nito mapupukaw ang mga saloobin ng kahapon? Dalawang libong taon na ang nakaraan ngayon, nakita ni Simon Bar-Jonah, ang inápó ng mga Judio, si Jesus ang Tagapagligtas, nakisalo siya sa parehong mesa sa Kanya, at pagkatapos ng pagsunod sa Kanya sa loob ng maraming taon nakadama ng isang mas malalim na pagmamahal para sa Kanya: Minahal niya Siya hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso, matindi niyang inibig ang Panginoong Jesus. Walang alam ang mga taong Judio kung paanong itong may-ginintuang-buhok na sanggol, ipinanganak sa isang maginaw na sabsaban, ay ang unang imahe ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Naisip nilang lahat na Siya ay katulad lamang nila, walang sinumang nag-isip na Siya ay iba—paano makikilala ng mga tao itong normal at ordinaryong si Jesus? Naisip ng mga taong Judio na Siya ay isang Judiong anak ng mga kapanahunan. Walang sinuman ang tumingin sa Kanya bilang isang kaibig-ibig na Diyos, at walang ginawa ang mga tao kundi humingi nang humingi sa Kanya, humihiling na bigyan Niya sila ng mayaman at saganang mga biyaya, at kapayapaan, at kagalakan. Ang alam lamang nila ay, tulad ng isang milyonaryo, mayroon Siya ng lahat ng bagay na kailanman ay maaaring naisin ng isa. Nguni’t hindi Siya kailanman itinuring ng mga tao bilang isa na minamahal; hindi Siya minahal ng mga tao nang panahong iyon, at tumutol lamang sa Kanya, at gumawa ng mga hindi-makatwirang paghingi sa Kanya, at hindi Niya kailanman nilabanan, patuloy na nagbibigay ng mga biyaya sa tao, kahit na hindi Siya kilala ng tao. Wala Siyang ginawa kundi tahimik na magpadama sa tao ng init, pag-ibig, at awa, at higit pa, binigyan Niya ang tao ng bagong paraan ng pagsasagawa, inaakay ang tao palִábás sa mga gapos ng batas. Hindi Siya mahal ng tao, naiinggit lamang siya sa Kanya at kinikilala ang Kanyang pambihirang mga talento. Paano malalaman ng bulag na sangkatauhan kung gaano katinding kahihiyan ang pinagdusahan ng kaibig-ibig na si Jesus ang Tagapagligtas nang dumating Siya sa gitna ng sangkatauhan? Walang sinuman ang nagsaalang-alang ng Kanyang pagkabalisa, walang nakaalam ng pagmamahal Niya sa Diyos Ama, at walang sinuman ang maaaring makaalam ng Kanyang kalungkutan; kahit na si Maria ang Kanyang nagluwal na ina, paano niyang malalaman ang mga saloobin sa puso ng mahabaging Panginoong Jesus? Sino ang nakaalam ng tungkol sa hindi-mabigkas na paghihirap na tiniis ng Anak ng tao? Pagkatapos na humingi nang humingi sa Kanya, kinalimutan na Siya ng mga tao nang panahong iyon, at pinalayas Siya. Kaya nagpagala-gala Siya sa mga kalye, araw-araw, taun-taon, nagpapadala sa agos sa loob ng maraming taon hanggang Siya ay nabuhay sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon ng paghihirap, mga taon na naging kapwa mahaba at maikli. Kapag kailangan Siya ng mga tao, Siya ay iniimbitahan nila sa kanilang mga tahanan nang nakangiti, sinusubukang manghingi sa Kanya—at pagkatapos Niyang makapagbigay sa kanila, kaagad nila Siyang itinutulak palabas ng pinto. Kinain ng tao kung ano ang ipinagkaloob mula sa Kanyang bibig, ininom nila ang Kanyang dugo, nagpakasaya sila sa mga biyaya na ipinagkaloob Niya sa kanila, gayunma’y sinalungat pa rin nila Siya, dahil hindi nila kailanman nalaman kung sino ang nagbigay sa kanila ng kanilang mga buhay. Sa huli, ipinako nila Siya sa krus, gayunma’y wala pa rin Siyang imik. Kahit ngayon, nananatili Siyang tahimik. Kinakain ng mga tao ang Kanyang laman, kinakain nila ang pagkain na inihahanda Niya para sa kanila, nilalakaran nila ang daang nabuksan Niya para sa kanila, at iniinom nila ang Kanyang dugo, nguni’t nais pa rin nilang tanggihan Siya, sa katunayan itinuturing nila ang Diyos na nagbigay sa kanila ng kanilang mga buhay bilang ang kaaway, at sa halip itinuturing yaong mga aliping tulad lamang nila bilang ang Ama sa langit. Sa ganito, hindi ba nila sinasadyang salungatin Siya? Paano dumating si Jesus para mamatay sa krus? Alam ba ninyo? Hindi ba Siya ipinagkanulo ni Judas, na siyang pinakamalapit sa Kanya at kumain sa Kanya, uminom sa Kanya, at kinawilihan Siya? Ang dahilan ba ng pagtataksil ni Judas ay hindi dahil sa si Jesus ay walang iba kundi isang normal na maliit na guro? Kung talagang nakita ng mga tao na si Jesus ay hindi-pangkaraniwan, at Isa na mula sa langit, paano nila Siya naipako nang buhay sa krus sa loob ng dalawampu’t apat na oras, hanggang wala na Siyang hiningang naiwan sa Kanyang katawan? Sino ang makakakilala sa Diyos? Walang anumang ginagawa ang mga tao kundi magpakasaya sa Diyos taglay ang walang-kabusugang kasakiman, nguni’t hindi nila kailanman Siya nakilala. Binigyan sila ng isang pulgada at nakakuha ng isang milya, at ginagawa nilang ganap na masunurin si Jesus sa kanilang mga atas, sa kanilang mga utos. Sino ang kailanman ay nakapagpakita ng anuman ng landas ng awa tungo rito sa Anak ng tao, na wala man lamang mahigaan ng Kanyang ulo? Sino ang kailanman ay nakaisip na makipagsanib-pwersa sa Kanya upang tapusin ang iniatas ng Diyos Ama? Sino ang kailanman ay nag-isip para sa Kanya? Sino ang kailanman ay naging maalalahanin sa Kanyang mga paghihirap? Kung wala kahit bahagyang pag-ibig, hinihila Siya ng tao paroo’t parito; hindi alam ng tao kung saan nanggaling ang kanyang liwanag at buhay, at walang anumang ginagawa kundi planuhin nang palihim kung paano minsan pang ipapako si Jesus ng dalawang libong taong nakalipas, na nakaranas ng sakit sa gitna ng tao. Talaga bang pinupukaw ni Jesus ang gayong poot? Lahat ba ng ginawa Niya ay matagal nang nakalimutan? Ang poot na nagsanib sa loob ng libu-libong taon ay sasabog na sa wakas. Kayong lahi ng mga Hudyo! Kailan ba nagalit sa inyo si Jesus, na dapat ninyo Siyang kapootan nang sobra? Napakarami ng Kanyang nagáwâ, at napakarami Siyang nasalita—wala ba sa mga ito ang may benepisyo sa inyo? Naibigay Niya ang Kanyang buhay sa inyo nang hindi humihingi ng anumang kapalit, naibigay Niya ang Kanyang kabuuan sa inyo—talaga bang nais pa rin ninyong kainin Siya nang buháy? Naibigay Niya ang Kanyang lahat sa inyo nang walang itinirang anuman, nang hindi kailanman tinatamasa ang makamundong kaluwalhatian, ang pagkagiliw sa gitna ng tao, at ang pag-ibig sa gitna ng tao, o ang lahat ng mga pagpapala sa gitna ng tao. Masyadong malupit ang mga tao sa Kanya, hindi Siya kailanman nagtamasa ng lahat ng mga kayamanan sa lupa, iniuukol Niya ang kabuuan ng Kanyang taos at magiliw na puso sa tao, naiukol Niya ang Kanyang kabuuan sa sangkatauhan—at sino ang kailanman ay nagpadama sa Kanya ng pagkagiliw? Sino ang kailanman ay nakapagdulot sa Kanya ng kaaliwan? Idínágán ng tao ang lahat ng pabigat sa Kanya, ipinasa niya ang lahat ng kasawian sa Kanya, ipinilit niya ang pinaka-sawíng mga karanasan ng tao sa Kanya, isinisisi niya sa Kanya ang lahat ng kawalang-katarungan, at walang-imik Niyang tinatanggap ito. Sumalungat ba Siya kailanman sa sinuman? Naningil ba Siya kahit kailan ng kahit maliit na kabayaran mula sa sinuman? Sino ang kahit kailan ay nagpadama sa Kanya ng anumang pagdamay? Bilang normal na mga tao, sino sa inyo ang hindi nagkaroon ng isang romantikong pagkabata? Sino ang hindi nagkaroon ng isang makulay na kabataan? Sino ang hindi kinagigiliwan ng mga mahal sa buhay? Sino ang hindi minamahal ng mga kamag-anak at mga kaibigan? Sino ang hindi iginagalang ng iba? Sino ang hindi kinagigiliwan ng pamilya? Sino ang hindi palagay-ang-loob sa kanilang mga pinagkakatiwalaan? At kahit kailan ba ay natamasa Niya ang alinman sa mga ito? Sino ang kahit kailan ay nagiliw sa Kanya? Sino ang kahit kailan ay nagpadama sa Kanya ng kahit kaunting kaaliwan? Sino ang kahit kailan ay nagpakita ng kaunting kabutihang-asal sa Kanya? Sino ang kahit kailan ay nagparaya sa Kanya? Sino ang kahit kailan ay nakasama Niya sa panahon ng kahirapan? Sino ang kahit kailan ay nagpalipas ng hirap ng buhay na kasama Siya? Hindi kailanman nabawasan ng tao ang kanyang mga kinakailangan sa Kanya; humihingi lamang siya sa Kanya nang wala man lamang pangíngímî, tulad nang kung, dahil sa siya’y pumarito sa mundo ng tao, kailangan Siyang maging kanyang baka o kabayo, kanyang bilanggo, at kailangang ibigay ang Kanyang lahat-lahat sa tao; kung hindi, hindi Siya kailanman patatawarin ng tao, hindi Siya kailanman tatantanan, hindi kailanman Siya tatawaging Diyos, at hindi Siya kailanman pag-uukulan ng mataas na pagpapahalaga. Masyadong mahigpit ang pagtrato ng tao sa Diyos, na para bang nakatalaga siyang pahirapan ang Diyos hanggang kamatayan, saka lamang niya luluwagan ang kanyang mga kinakailangan sa Diyos; kung hindi, hindi kailanman ibababa ng tao ang pamantayan ng kanyang mga kinakailangan sa Diyos. Paanong hindi kamumuhian ng Diyos ang taong gaya nito? Ang tulad nito ay hindi trahedya ng kasalukuyan? Nawawala ang budhi ng tao. Palagi niyang sinasabi na susuklian niya ang pag-ibig ng Diyos, nguni’t sinusuri niya ang Diyos at pinahihirapan Siya hanggang mamatay. Hindi ba ito ang “lihim na timpla” sa kanyang pananampalataya sa Diyos, na minana mula sa kanyang mga ninuno? Walang lugar na hindi mo makikita ang mga “Judio”, at ngayon ginagawa pa rin nila ang parehong gawain, ginagawa pa rin nila ang parehong gawain ng pagsalungat sa Diyos, at gayunpaman ay naniniwala na itinataas nila ang Diyos. Paano kayang makikilala ng sariling mga mata ng tao ang Diyos? Paano kayang ituturing ng tao, na namumuhay sa laman, bilang Diyos ang nagkatawang-taong Diyos na nagmula sa Espiritu? Sino sa gitna ng tao ang maaaring makakilala sa Kanya? Nasaan ang katotohanan sa gitna ng tao? Nasaan ang tunay na pagkamatuwid? Sino ang may kakayahan na malaman ang disposisyon ng Diyos? Sino ang kayang makipagkumpetensiya sa Diyos sa langit? Hindi kataka-taka na, noong dumating Siya sa gitna ng tao, walang nakakakilala sa Diyos, at Siya ay tinanggihan. Papaanong natitiis ng tao ang pag-iral ng Diyos? Paano niya nahahayaan na itaboy ng liwanag ang kadiliman ng mundo? Hindi ba ang lahat ng ito ay mula sa marangal na pag-uukol ng tao? Hindi ba ito ang walang-bahid-dungis na pagpasok ng tao? At hindi ba ang gawain ng Diyos ay nakasentro sa pagpasok ng tao? Gusto ko na isanib ninyo ang gawain ng Diyos sa pagpasok ng tao, at itatag ang isang magandang ugnayan sa pag-itan ng tao at Diyos, at gampanan ang tungkulin na dapat magampanan ng tao sa abot ng kanyang mga kakayahan. Sa ganitong paraan, darating na sa katapusan ang gawain ng Diyos, nagtatapos sa Kanyang pagkaluwalhati!

mula sa “Gawa at Pagpasok (10)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

33. “Hindi kayang kilalanin ng tao ang kaibahan ng yeso sa keso” ay nagpapahiwatig kapag binabaluktot ng mga tao ang kalooban ng Diyos tungo sa isang bagay na maka-demonyo, malawakang tumutukoy sa pag-uugali kung saan ay tinatanggihan ng mga tao ang Diyos.

34. “Tulisan” ay ginamit upang ipahiwatig na walang katinuan at walang kabatiran ang mga tao.

35. “Mga patapong piraso at mga tira-tira” ay ginamit upang ipahiwatig ang pag-uugali na kung saan ay inaapi ng mga tao ang Diyos.

36. “Inápó” ay ginamit nang pakutya.

37. “Magagalit” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng tao na nagagalit at nayayamot.

38. “Walang pangíngímî” ay tumutukoy sa kawalan ng pag-iingat ng tao, at kawalan ng kahit katiting na paggalang sa Diyos.

39. “Hulihing buháy” ay tumutukoy sa marahas at kasuklam-suklam na pag-uugali ng tao. Ang tao ay marahas at walang kahit katiting na pagpapatawad sa Diyos, at gumagawa ng mga katawa-tawang kahilingan sa Kanya.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos? Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan Kanino Ka Matapat? Tatlong Paalaala Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos Paano Makilala ang Diyos sa Lupa Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto Ang Masama ay Dapat Parusahan Paano Malaman ang Realidad Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan Dumating na ang Milenyong Kaharian Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao? Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi) Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos Paano Nakilala ni Pedro si Jesus Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag Ikaw Ba’y Nabuhay? Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao Umiiral ba ang Trinidad? (Unang bahagi) Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Unang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya? Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi) Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi) Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi) Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao (Unang bahagi) Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi) Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang bahagi) Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikatlong bahagi) Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang bahagi) Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikalimang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikaanim na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos” Unang bahagi Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos” Ikalawang bahagi Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi) Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaapat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaanim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikapitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikawalong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasiyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabindalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabintatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabinlimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap