Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Pinakamababang Dahilan na Nararapat Taglayin sa Paglilingkod sa Diyos

Lahat ng mga taong naglilingkod sa Diyos ay dapat malaman na kung iyong mga naglilingkod sa Diyos ay mga taong hindi pa nagawang perpekto ng Diyos, hindi sila nababagay na magamit ng Diyos. Iyon ay dahil ang masamang sangkatauhan sa kabuuan ay may kalikasan ng pagtutol at pagtataksil sa Diyos, at lahat sila ay may mga disposisyong mapagmataas, palalo, pa-importante, at mapagmagaling. Sa tuwing ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, handa silang gawin ito nang naaayon sa kanilang sariling kalooban, ngunit hindi sila handang hanapin ang kalooban ng Diyos, at lalong hindi sila handang maghanap ng pagsasamahan. Wala silang tunay na pagsunod sa Diyos, ngunit masiba nilang tinatamasa ang mga benepisyo ng kanilang mga posisyon nang walang kahit na anong dahilan. Kapag gumawa sila ng ilang araw na gawain, magsisimula silang maging mapagmataas, at magsisimula silang humingi sa Diyos ng korona at pagpapala, at maghahanda silang maghari kasama ng Diyos. Sa oras na tanggapin nila ang pagpupungos o pakikitungo o pag-aalis ng Diyos, nagsisimula silang dumaing at napapahiya sa galit, sa pag-iisip na ang paglilingkod sa Diyos ay tulad ng mapanganib na kalagayan ng paglilingkod sa isang mabangis na tigre. Hindi nila nakilala na ang Diyos ay matuwid, mabuti, at kaibig-ibig, ngunit ang mga tao ay masyadong masama at masyadong kulang sa pagkatao, karapat-dapat tumanggap ng kaparusahan sa kanilang mga krimen. Sa puso ng mga tao, hindi patas ang Diyos sa mga tao, animo’y trinato sila ng Diyos nang mali. Ang ganitong uri ng mga tao ay naglilingkod sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit nagiging mga kaaway sila ng Diyos, hayagang tumututol at humahatol sa Diyos. Paano magiging angkop sa paggamit ng Diyos ang ganitong uri ng mga tao? Kung ang mga taong naglilingkod sa Diyos ay tunay na mga taong naghahanap sa katotohanan, dapat nilang tanggapin ang pinagmulan ng pagtutol ng masamang sangkatauhan sa Diyos, dapat nilang tanggapin ang kanilang sariling kalikasan ng pagtutol sa Diyos, dapat nilang tanggapin na kapag ang masamang sangkatauhan ay naglilingkod sa Diyos ay dapat silang tumanggap ng pagpupungos at pakikitungo, at lalo nang dapat silang tumanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kung sa kanilang paglilingkod ay ginagambala nila ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng paghahalo ng kalooban ng tao o paglilihis ng gawain patungo sa kanilang sariling mga landas, lalong dapat nilang tanggapin ang mga kaparusahan at mga sumpa ng Diyos at sumunod sa gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang maaaring magkamit ang mga tao ng mga pagbabago sa disposisyon sa buhay sa pamamagitan ng paglilingkod at paglakad sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos.

Sapagkat walang katotohanan ang masamang sangkatauhan, wala silang kahit katiting na pag-unawa ng kalooban ng Diyos, ni hindi nila makita nang malinaw ang mga bagay-bagay. Hindi nila kayang kilalanin nang wasto ang pinagkaiba ng utos ng Diyos, paghirang ng Diyos, mga pagsasagawa ng tao, at kung ano ang pinapahintulutan ng Diyos, kaya sila ay sadyang nagkukulang sa pangangatwiran. Ito ay malinaw na kaso na ang bawat antas ng mga pinuno at manggagawa sa iglesia ay pinipili ng mga tao, at hindi nakikialam ang Diyos sa gawain ng mga tao. Kung ang mga pagpili sa mga tao ay tama at angkop, sumasang-ayon ang Diyos dito; ngunit hindi isinasapubliko ng Diyos ang Kanyang mga alalahanin kapag pumipili nang mali o hindi angkop ang mga tao. Bagama’t ang Diyos ay tila hindi tumututol sa kung paano gumagawa ng gawain ang mga tao, nais ng Diyos na ipahayag ang isang bagay, iyon ay kapag ang mga pinuno at manggagawang pinili ng mga tao ay hindi tama, hindi gumagawa ng gawain ang Banal na Espiritu. Ang totoo, ang hindi paggawa ng Banal na Espiritu ay naghahayag na ng kalooban ng Diyos. Ang hindi paggawa ng Banal na Espiritu ay nagpapakita ng hindi pagkakasundo at hindi pagsang-ayon ng Diyos. Ngunit paano ito malalaman ng mga taong manhid at mapurol ang utak? Iniisip nila na hangga’t ang mga tao ay naitataas ang posisyon at nagagamit, kahit na hindi pa sila itinatag ng Diyos, ay sinang-ayunan na sila ng Diyos. Kaya, kapag ang mga tao ay naging mga pinuno at manggagawa, para bang tumanggap sila ng awtoridad mula sa Diyos, at nagsisimula silang gawin ang kanilang mga sariling gawain nang nagmamagaling. Mula noon, kumakapit ang mga tao sa tungkuling ito na parang kanilang pribadong pag-aari, at ginagamit nila nang mali at inaabuso ang awtoridad sa kanilang mga kamay para gawin ang kahit anong gusto nilang gawin. Hindi sila nakikisama sa iba, ni hindi sila nag-uulat o tumatanggap ng mga utos mula sa itaas, iniisip nilang may awtoridad silang gawin ito o iyan at walang karapatang manghimasok ang ibang mga tao, na anuman ang kanilang gawin ay lubos na nakapaloob sa kanilang tungkulin at hindi nila kailangan ang mga nasa itaas na mag-alala ng kahit ano. “Gagawin ko ang kung ano sa tingin ko ay tama. Hindi ba itinalaga ng tahanan ng Diyos sa akin ang trabahong ito?” Hindi pa talaga napagtanto ng mga tao na ang pagpayag ng Diyos sa mga tao na gawin ang trabahong ito ay hindi nangangahulugang itinatatag ng Diyos ang mga tao na maging mga pinuno, ni ibig sabihin nito na may katayuan ang mga tao para lubusang mangibabaw sa trabahong ito. Ito ang aspeto kung saan walang katuwiran ang mga tao patungkol sa gawaing inihanda ng sambahayan ng Diyos. Batay sa iyong pag-unawa ng katotohanan at ng iyong sariling kalibre, wala ka pa ring kakayahang pormal na tanggapin ang utos ng Diyos, ni maaari kang tumanggap ng kahit anong gawain nang nagsasarili. Para gumawa sa tahanan ng Diyos, ito ang pangunahing dahilan na kinakailangang taglayin, at iyon ang dahilan na dapat mayroon ang sinumang taong naglilingkod sa Diyos kapag sila ay tumatanggap ng utos mula sa Diyos. Una, dapat silang manalangin na tulad nito: “Diyos ko! Kahit na ako ngayon ay gumagawa bilang isang pinuno (isang manggagawa), ako ay tunay na hindi karapat-dapat. Diyos ko, alam Mo na ako ay lubhang pinasama ni Satanas, at mayroon din akong disposisyon ng paghihimagsik at pagtutol sa Diyos, ni hindi ko tinataglay ang katotohanan o tunay na pag-unawa sa Diyos. Ako ay lubusang hindi karapat-dapat para gawin ang gawain ng tahanan ng Diyos. Subalit, upang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, upang matapos ang utos ng Diyos, nangangako ako Diyos ko na hindi ko gagawin ang gawain ng Diyos nang nakabatay sa aking sariling kalooban, sapagkat ang gawain ay sa Diyos. Dapat kong gawin sa abot ng aking makakaya na umasa sa gawain ng Banal na Espiritu, at gawin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng mga panalangin at paghahanap ng pagsasamahan. Dapat akong gumawa nang naaayon sa mga hinihingi at mga pagkakaayos ng gawain ng mga nasa itaas, at handa kong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at pangangasiwa ng mga tao. Kung ako ay gagawa ayon sa aking sariling kalooban at kikilos nang batay sa sariling kagustuhan, o gagawa para protektahan ang aking pansariling posisyon o katanyagan at kayamanan, nararapat akong tumanggap ng kahit anong kaparusahan at sumpa.” Kapag lamang maaaring ituring ng mga tao ang utos ng Diyos at mga tungkuling dapat nilang gampanan sa ganitong paraan at manalangin sa Diyos sa ganitong paraan, kung gayon sila ay mga taong makatwiran. Kung gawin ng mga tao ang gawain ng iglesia nang hindi nananalangin sa Diyos at naghahanap ng pagsasamahan, kung hindi sila mag-ulat sa mga nasa itaas kapag nahaharap sa mga mahahalagang bagay o kahirapan, kung gawin nila ang gusto nilang gawin at lubusang tatratuhin ang gawain ng Diyos bilang pribadong pag-aari tulad ng pangangasiwa sa mga bagay sa kanilang sariling sambahayan, kung, hindi alintana kung gumawa man sila nang mahusay o hindi, mas pipiliin nilang maapektuhan ang gawain sa iglesia kaysa humingi ng mga tagubilin o magbigay ng ulat, ito ang pinaka-hindi makatwirang tao.

Sa ngayon, ang gawain ng Diyos at gawain ng tao ay parehong praktikal. Ang Diyos ay nasa lupa, at ang tao ay nasa lupa. Bakit hindi ka hihingi ng mga tagubilin o magbibigay ng ulat, ngunit sa halip ay gagawin kung ano ang gusto mo? Sa tingin mo ba ang ganito kahalagang gawain ng tahanan ng Diyos ay nauukol sa iyong pansariling gawain? Tunay bang tuwirang ipinagkatiwala ito sa iyo ng Diyos? Nakikita ko na ang pagkaunawa ng mga tao sa utos ng Diyos ay sobrang batay sa maling paniniwala. Hindi nila naintindihan ang kalooban ng Diyos kahit katiting. Ang pagtupad sa mga tungkuling dapat tuparin ng isang tao ay wasto, ngunit ang gawain ay dapat magawa nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga pagsasaayos ng gawain ng mga nasa itaas. Kung kayang suwayin ng isang tao ang mga pagsasaayos ng mga nasa itaas at gawin ang kanilang mga bagong pakana, matatawag pa rin ba itong paggawa ng kanilang sariling mga tungkulin? Kung, kapag may natuklasang problema at nakatagpo ng mga kahirapan, hindi sila nag-uulat sa mga nasa itaas para sa isang solusyon nang nasa oras, sino ang nagbigay sa kanila ng ganitong karapatan? Maaari kayang hindi nila ginagampanan ang kanilang mga tungkulin kapag sila ay nagsusumbong sa mga nasa itaas kapag humaharap sa mga kahirapan at problemang hindi nila kayang lutasin nang nag-iisa? Ipinapakita ba nito ang kanilang sariling kawalan ng kakayahan at nagdudulot sa kanila ng kahihiyan? Ito ba ay pagiging taksil sa Diyos? Ang mga pangangatwiran ng mga tao ay tunay na katawa-tawa! Ang mga taong naglilingkod sa Diyos ay hindi maaaring gumamit ng samu’t-saring dahilan at pangangatwiran para maapektuhan ang gawain ng Diyos. Ang paghanap ng pagsasamahan at pag-uulat sa mga nasa itaas kapag nahaharap sa mga kahirapan ang tamang pagpapahayag ng pananagutan. Kung tinatrato nila ang utos ng Diyos bilang kanilang sariling pribadong pag-aari at hindi makikibahagi o ni hihingi ng mga tagubilin kapag nahaharap sa mga problema at sa halip ay iniisip na ito ay sakop ng kanilang tungkulin, ito ay tunay na pagpapahayag ng pagiging hindi makatwiran at gayundin isang iresponsableng pamamaraan ng pagkilos. Paano nila hindi maaapektuhan ang pagsasagawa ng kalooban ng Diyos kung gagawin at gagampanan nila ang kanilang mga tungkulin sa ganitong paraan? Iyon lamang mga mapagmataas, palalo, pa-importante, at mapagmagaling na tao ang may kakayahang gumawa ng mga ganitong kahangalan. Ang lubusang paggawa ayon sa kanilang sariling kalooban, hindi paghanap ng pgsasamahan, at hindi paghingi sa mga nasa itaas ng mga tagubilin at maging paggamit ng “sakop ng aking tungkulin” bilang isang dahilan, napakasakim at kasuklam-suklam nito! Kilalang-kilala ng matatalinong tao ang kanilang mga sarili. Alam nilang dapat nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin nang wasto at pormal pagdating sa paglilingkod sa Diyos o pagsagawa ng gawain ng tahanan ng Diyos. Alam nila na sila ay karaniwan lamang at hindi ganoon kagaling. Ito ay parang mga aliping gumagawa para sa kanilang mga panginoon. Ang gawaing ito ay hindi sa alipin, ito ay sa panginoon. Kapag ginagampanan ng mga alipin ang gawaing ibinigay sa kanila ng kanilang panginoon, paano nila ito dapat unawain? Anong klaseng saloobin ang dapat dala nila sa paggawa? Kapag itinuturing ng alipin ang gawain ng kanyang panginoon bilang kanyang sariling bagay, kung gayon siya ay gumagawa sa posisyon ng panginoon. Ito ay labag sa mga prinsipyo. Kung anong saloobin dapat mayroon ang isang alipin kapag gumagawa ng gawaing ipinagkatiwala sa kanila ng kanilang panginoon ay isang tanong na may kaugnayan sa katuwiran ng tao. Paano tayong mga naglilingkod sa Diyos dapat na gumawa nang maayos sa gawaing ipinagkatiwala ng tahanan ng Diyos? Ano’ng klaseng saloobin ang dapat mayroon tayo? Ano’ng uri ng katuwiran ang dapat nating tinataglay? Ito ay isang napakahalagang katanungan. Kapag ang masasamang tao ay naglilingkod sa Diyos, matapos ang ilang araw ng gawain ay nagsisimula silang maging mapagmataas. Kaya lalong kailangan natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang gabayan ang ating paglilingkod. Kapag may inihahandang gawain ang tahanan ng Diyos para sa atin, dapat tayong tumanggap ng pananagutan, hindi awtoridad o katayuan. Kapag tayo ay tumuon sa awtoridad o katayuan, hindi tayo karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Kahit na maglingkod pa tayo, tiyak na tututulan natin ang Diyos at pagtataksilan ang Diyos. Kung magagawa nating maging tulad ng mga tapat na alipin na ang tanging alam ay tapat na maglingkod sa Diyos, kung hindi natin nararamdamang tayo ay may awtoridad o katayuan, kung igigiit natin sa ating sarili na tayo ay walang hanggang magiging mga alipin at walang hanggang magiging tapat sa Diyos, kung gayon ito ay naaangkop, at tayo ay lubusang magiging kawangis ng tao. Natutuhan mo ba ang puntong ito sa pamamagitan ng iyong mga karanasan? May taglay ka bang kahit katiting na katuwiran ng tao?

Ano ang dahilan na dapat taglayin ng mga taong naglilingkod sa Diyos? Una, dapat mong malaman na ang pagtataas ng posisyon o pagpili sa iyo ng tahanan ng Diyos ay hindi tuwirang ipinagkakatiwala ng Diyos sa iyo na gawin ang gawain ng tahanan ng Diyos. Ito ay isa lamang pansamantalang panahon ng pagsubok mula sa tahanan ng Diyos para ikaw ay sanayin o palaguin. Ito ay isa lamang pansamantalang panahon ng pagsubok mula sa tahanan ng Diyos, na mangyari pa’y sinang-ayunan ng Diyos. Hindi nito mapapatunayan na ikaw ay itinatatag o ginagamit ng Diyos, ni hindi nito mapapatunayan na ang Diyos ay nagiginhawahan sa iyo. Kung hindi mo hahanapin ang katotohanan, nariyan lagi ang panganib na maalis. Ikalawa, dapat kang maging malinaw na ngayon ang mga taong ginamit ng tahanan ng Diyos ay pawang masasamang tao na hindi pa nagawang perpekto. Sapagkat limitado ang pag-unawa ng mga tao at may mabababaw na mga karanasan ng katotohanan, hindi sila nagtataglay ng kakayahang gamitin ang katotohanan nang sila lang upang malutas ang mga problema. Ngayon, ang paggamit sa tao ng tahanan ng Diyos ay nasa yugto pa lamang ng pagsasanay, pagpapalago, at pagperpekto sa mga tao. Kung sila ba ay maaaring gawing perpekto ay may kaugnayan sa landas na kanilang tinatahak. Ikatlo, dapat na makita na, kapag may itinatalagang gawain sa iyo ang tahanan ng Diyos, ito ay hindi dahil nagtitiwala sila na kaya mong gawin nang nag-iisa ang gawaing ito nang mahusay. Sa halip, ito ay upang ikaw ay umasa sa Banal na Espiritu, umasa sa mga nasa itaas, upang maghanap sa lahat ng bagay, at makisama at madalas na humingi ng mga tagubilin kung may mga puntong hindi mo nauunawaan. Higit pa rito, kailangan mong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at pangangasiwa ng tao, at matutong isagawa ang katotohanan at magpailalim sa gawain ng Diyos. Bukod sa paggawa sa abot ng iyong makakaya, dapat mo ring matugunan ang mga hinihinging ito upang magkaroon ka ng karapatan na maglingkod sa Diyos. Kung hindi, ikaw ay hindi karapat-dapat. Ito ang pag-asa at pangaral kung saan inihahanda ng tahanan ng Diyos ang gawain ng mga tao. Ito ang dapat na makilala ng mga taong makatwiran.

Ngayon, ang kamaramihan ng mga tao ay mayroong maling pag-unawa sa pagsasaayos, pagtataas ng posisyon, at paggamit ng tahanan ng Diyos. Iniisip nila na kung ginagamit ka ng tahanan ng Diyos, iyon ay Diyos ang tuwirang humihirang sa iyo na gawin ang gawain ng tahanan ng Diyos, na ang Diyos ay naniniwala sa iyo at pinipili ka ng Diyos, at mula ngayon ay isa ka nang lingkod ng Diyos ayon sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nabibigo ang maraming taong naglilingkod sa Diyos. Ginagawa lang nila ang gawain ayon sa kanilang sariling kalooban, ngunit pinapabayaan ang mga hinihingi ng Diyos. Ito ang nagtatadhana sa kanila sa kabiguan. Paano sila magiging perpekto kung hindi sila gagawa nang ayon sa mga hinihingi ng Diyos? Ang masasamang tao ay tunay na nagkukulang sa katuwiran. Sa pagtanggap sa gawain ng tahanan ng Diyos, para bang tumanggap sila ng awtoridad mula sa Diyos at kaya nilang gawin ang kanilang ibig sa tahanan ng Diyos. Ni ayaw nilang makinig sa mga sinasabi ng mga nasa itaas, at para bang sila ay nakapantay sa Diyos, hindi na nila kailangang humingi ng mga tagubilin o mag-ulat patungkol sa gawain, at kapag sila ay humarap sa mga kahirapan ay maaari silang maghintay ng tamang panahon. Ang namumuno ay kasing layo ng mga kalangitan, at maaari nilang gawin nang malaya ang anumang gusto nila. Ganito ang ikinikilos ng masamang sangkatauhan kapag sila ay may posisyon. Kahit ang mga tao ay hindi ito kayang tanggapin, kung gayon paano magiginhawahan ang Panginoon? Kung wala silang kahit anong dahilan na tanggapin ang mga bagay na inihanda ng tahanan ng Diyos, paano nila maayos na magagawa ang gawain ng tahanan ng Diyos? Bagama’t malinaw na nakakuha sila ng utos mula sa mga kamay ng mga tao, ipinipilit nilang ang Diyos ang nagkatiwala sa kanila. Bagama’t halatang hinandaan sila ng gawain ng tahanan ng Diyos, ipinipilit nilang ang Diyos ang gumagamit sa kanila. Bagama’t malinaw na bihira lang magbigay ang Diyos ng Kanyang pagsang-ayon at hindi ito sigurado, naiisip pa nila na gusto sila ng Diyos at sila lang ang pipiliin. Nasaan ang normal na matinong pag-iisip ng tao? Kung pagmamasdan ang katayuan ng mga tao ngayon, kaya lamang nilang gumawa ng ilang mga pangkaraniwan, at panlabas na gawain. Wala silang kakayahang gumawa ng pangunahin at mahalagang gawain. Kung wala ang gabay ng mga nasa itaas, silang lahat ay may kakayahang lumihis mula sa tunay na daan at magpatuloy sa daan ng mga anticristo, na naglilingkod sa isang relihiyosong pamamaraan. Nakikita natin nang malinaw na ang mga taong hindi nasasangkapan ng katotohanan at iyong hindi nabago ang disposisyon sa buhay ay hindi maaaring gawin ang gawain ng pagsaksi sa Diyos, hindi mga taong ginawang perpekto ng Diyos, at hindi kayang maabot ang pagiging angkop para sa paggamit ng Diyos.

Kung ang mga taong naglilingkod sa Diyos ay hindi nagtataglay ng katotohanan, paano nila madadala ang mga tao patungo sa katotohanan? Kung sa oras na makatagpo sila ng mga bagong bagay o mga kakaibang bagay, sila ay pinaikot-ikot at hindi alam ang gagawin, kung alam lang nila kung paano sumunod sa mga patakaran ngunit hindi alam ang pagsagupa sa mga prinsipyo, hindi ba masyadong malaking pagkukulang ito? Kung pagdating sa paggawa ng mga panlabas na bagay at bagong pakana, mas magaling sila nang doble kaysa sa iba, ngunit sa pagbibigay ng katotohanan at paglulutas ng mga problema sa katotohanan ay nahihirapan silang umusad ng isang hakbang pasulong, kaya’t paano sila magiging angkop para sa gawain ng Diyos nang tulad nito? Maaari bang tuwirang ipagkatiwala ng Diyos ang gawain sa ganitong uri ng mga tao? Iyong mga naglilingkod sa Diyos ay hindi dapat makalimot: Kung hindi nila hahanapin ang katotohanan habang naniniwala sa Diyos, hindi sila maaaring gawing perpekto. Ang mga taong hindi tunay na nagpapailalim sa Diyos ay hindi angkop para magamit ng tahanan ng Diyos. Paano patototohanan ng mga tao ang Diyos nang hindi sila nasasangkapan ng katotohanan? Kung ang mga taong hindi makatwiran ay maglilingkod sa Diyos, hindi ba Niya sila kamumuhian? Paano dapat tumanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ang mga taong naglilingkod sa Diyos, paano sila dapat tumanggap ng pagpupungos at pakikitungo, ito ay mahalaga sa paglilingkod ng mga tao. Sapagkat ang mga kasalanan ng mga tao ay marami, kung sa proseso ng paglilingkod sa Diyos ay hindi nila kayang gumawa nang maayos ayon sa mga hinihingi ng Diyos, naroroon ang posibilidad ng pagtanggap ng kaparusahan. Kaya nga, lubhang mapanganib na maglingkod sa Diyos nang walang pusong gumagalang sa Diyos. Kung ang mga taong naglilingkod sa Diyos ay kayang tanggapin ang katotohanan, tanggapin ang pagpupungos at pakikitungo, at tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at ang pangangasiwa ng tahanan ng Diyos, sa pamamagitan lamang nito maaaring mabago ang kanilang disposisyon sa buhay, magawang perpekto ng Diyos, at maging isang taong malapit sa puso ng Diyos.

Abril 20, 2005

Sumunod:Mga Pamantayan sa Pagsukat ng Mabubuti at Masasamang Tao

Baka Gusto Mo Rin