Mga Klasikong Salita ng Diyos Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

Upang makilala ang gawa ng Diyos sa mga panahong ito, kadalasa’y, upang makilala rin kung sino ang Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay gawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay pumarito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano itinatakda ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawat tao ay mapaglalaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay pumarito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, ipinakalat Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinapos ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan nang pagpapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at iwinaksi ang lahat ng luma. Tinapos nang pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inilunsad ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdulot ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Pumarito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at maliwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos na nananahan sa puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain ni Jesus na Kanyang natapos noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, ginamot Niya at itinaboy ang mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos nang pagpapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang pagkaintindi, naniniwala ang tao na iyon ang dapat na pagkilos ng Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nanggamot Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at ipinakalat Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.

Ano ang dapat ninyong malaman:

1. Ang gawain ng Diyos ay hindi kayang gawin ng tao, at hindi kayo dapat magkimkim ng mga pagkaintindi ukol dito.

2. Dapat ninyong maunawaan ang pangunahing gawain nang pagparito ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahong ito.

Hindi Siya dumating upang manggamot, o di kaya nama’y magpalayas ng mga demonyo, o upang magpakita ng mga milagro, o hindi Siya pumarito upang ipakalat ang ebanghelyo ng pagsisisi, maging ang pagkalooban ang tao ng pagtubos. Ito ay dahil naisakatuparan na ni Jesus ang Kanyang gawain, at hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Sa kasalukuyan, tinapos na ng Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya at tinanggal ang lahat ng kaugalian ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang praktikal na Diyos ay pumarito upang ipakita na Siya ay totoo. Noong dumating si Jesus, Siya ay nagwika ng kaunting mga salita; una sa lahat, nagpakita Siya ng mga milagro, nagpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nanggamot at nagpalayas ng mga demonyo, kung hindi, nagwika Siya ng mga propesiya upang mapaniwala ang tao, at upang tulungan ang tao na makita na Siya ay totoong Diyos, at isang mahinahong Diyos na walang kinakatigan. Sa huli, kinumpleto Niya ang gawain nang pagpapako sa krus. Ang Diyos ng kasalukuyan ay hindi nagpapakita ng mga signos o kababalaghan, ni hindi Siya nanggagamot at nagpapalayas ng demonyo. Noong dumating si Jesus, ang gawa na Kanyang kinatawan ay isang bahagi ng Diyos, ngunit sa kasalukuyan ay dumating ang Diyos upang isagawa ang yugto ng Kanyang gawain na nararapat, dahil ang Diyos ay hindi umuulit ng Kanyang gawain; Siya ang Diyos na laging bago at hindi naluluma, at dahil dito lahat nang nakikita mo ngayon ay ang mga salita at gawain ng praktikal na Diyos.

Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay dumating upang wikain ang Kanyang mga salita, upang ipaliwanag ang lahat ng kinakailangan sa buhay ng tao, upang ituro kung ano ang dapat pasukin ng tao, upang ipakita sa tao ang gawa ng Diyos, at upang ipakita sa tao ang karunungan, walang hanggang kapangyarihan, at kadakilaan ng Diyos. Sa pamamagitan ng maraming paraan kung saan nagwiwika ang Diyos, nakikita ng tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang kalawakan ng Diyos, at, higit pa rito, ang kababaang-loob at pagiging kubli ng Diyos. Nakikita ng tao na ang Diyos ay kataas-taasan, ngunit Siya rin ay mapagkumbaba at nakakubli, at maaaring maging pinakamababa sa lahat. Ilan sa Kanyang mga salita ay winika nang tama mula sa perspektibo ng Espiritu, ilan sa Kanyang mga salita ay winika nang direkta mula sa perspektibo ng tao, at ilan sa Kanyang mga salita ay winika mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan. Dito maaaring makita na ang pamamaraan ng gawain ng Diyos ay higit na paiba-iba at sa pamamagitan ng mga salita’y pinahihintulutan Niya ang tao na makita ito. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay parehong normal at totoo, at dahil dito ang pangkat ng mga tao sa mga huling araw ay sasailalim sa pinakamatindi sa lahat ng mga paglilitis. Dahil sa pagka-karaniwan at pagkatotoo ng Diyos, ang lahat ng tao ay pumasok sa gitna ng mga paglilitis na iyon; na ang tao ay lumusong sa mga pagsubok ng Diyos dahil sa pagka-karaniwan at pagkatotoo ng Diyos. Noong panahon ni Jesus, walang mga pagkaintindi o mga paglilitis. Dahil karamihan sa gawain na naisakatuparan ni Jesus ay ayon sa pagkaintindi ng tao, sinunod Siya ng mga tao, at wala silang naging pagkaintindi sa Kanya. Ang mga paglilitis sa kasalukuyan ay ang pinakamatinding kinakaharap ng tao, at kapag sinabi na ang mga taong ito ay nakalabas mula sa malaking kapighatian, ito ang matinding paghihirap na tinutukoy dito.

Sa kasalukuyan, nangungusap ang Diyos sa mga tao upang lumikha sa kanila ng pananampalataya, pag-ibig, pagdurusa, at pagsunod. Ang mga salitang winika ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay naaayon sa sangkap ng kalikasan ng tao, ayon sa asal ng tao, at ayon sa kung saan dapat pumasok ang tao sa kasalukuyan. Ang Kanyang paraan sa pananalita[a] ay kapwa totoo at normal: Hindi Siya nangungusap nang patungkol sa kinabukasan, ni hindi rin Siya tumatanaw sa nakaraan; nangungusap lang Siya kung ano ang dapat na pasukin, isagawa, at intindihin sa kasalukuyan. Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga signos at kababalaghan, at kayang palayasin ang mga demonyo, at manggamot, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila ang pagdating ni Jesus, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ni Jesus ang yugto ng Kanyang gawain, at ang Diyos ay hindi na kailanman idaraos ang yugtong iyon ng Kanyang gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi mapagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao; halimbawa, hinulaan na ng Lumang Tipan ang pagdating ng Mesiyas, ngunit ang nangyari ay dumating si Jesus, kung kaya’t hindi tama na dumating ang isa pang Mesiyas. Dumating na nang minsan si Jesus, at ito ay magiging mali kapag si Jesus ay darating pang muli sa panahong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat panahon, at bawat pangalan ay inilalarawan nang panahong iyon. Sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay dapat na laging magpakita ng mga signos at kababalaghan, dapat laging magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at dapat laging maging katulad ni Jesus, ngunit sa panahon ngayon ang Diyos ay hindi na katulad noon. Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga signos at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nanggagamot—kung ginawa Niya ng eksakto ang ginawa ni Jesus—kung gayon, uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging halaga o silbi. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto sa bawat panahon. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, ito ay agad na ginagaya ng mga masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundin ang yapak ng Diyos, ang Diyos ay nagpapalit ng ibang pamamaraan; kapag nakumpleto na ng Diyos ang yugto ng Kanyang gawain, ito ay ginagaya ng mga masasamang espiritu. Kailangan ninyong maging malinaw tungkol sa mga bagay na ito. Bakit ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay kaiba sa gawain ni Jesus? Bakit hindi nagpapakita ang Diyos ngayon ng mga signos at kababalaghan, hindi nagpapalayas ng mga demonyo, at hindi nanggagamot? Kung ang gawain ni Jesus ay kapareho ng gawain na naisakatuparan noong Kapanahunan ng Kautusan, maaari ba Siyang kinatawan ng Diyos noong Kapanahunan ng Biyaya? Maaari bang nakumpleto ni Jesus ang gawain ng pagpapako sa krus? Kung, sa Kapanahunan ng Kautusan, pumasok si Jesus sa templo at pinanatili ang Araw ng Pamamahinga, kung gayon ay wala sanang umusig sa Kanya at tinanggap Siya ng lahat. Kung gayon, napako kaya Siya sa krus? Nakumpleto kaya Niya ang gawain ng pagtubos? Ano ang punto kung ang Diyos na katawang-tao nitong mga huling araw ay nagpapakita ng mga signos at kababalaghan, gaya ni Jesus? Kung ginawa lamang ng Diyos ang isa pang yugto ng Kanyang gawain sa mga huling araw, ang siyang kakatawan sa isang bahagi ng Kanyang plano sa pamamahala, maaaring makakuha ang tao ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Diyos, at doon lamang maaaring makumpleto ang plano sa pamamahala ng Diyos.

Nitong mga huling araw pumarito ang Diyos pangunahin na upang wikain ang Kanyang mga salita. Nagsasalita Siya mula sa perspektibo ng Espiritu, mula sa perspektibo ng tao, at mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan; nagsasalita Siya sa iba’t-ibang paraan, gamit ang isang paraan sa isang panahon, at gumagamit ng mga paraan ng pakikipag-usap upang baguhin ang mga pagkaintindi ng tao at alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao. Ito ang pangunahing gawain na naisakatuparan ng Diyos. Dahil naniniwala ang tao na dumating ang Diyos upang manggamot, at magpalayas ng mga demonyo, at magpamalas ng mga milagro, at upang maghandog ng mga materyal na biyaya sa tao, isinasagawa ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain—ang gawain ng pagkastigo at paghatol—upang alisin ang mga bagay na ito mula sa mga pagkaintindi ng tao, upang malaman ng tao ang katotohanan at pagka-karaniwan ng Diyos, at upang ang imahe ni Jesus ay maaaring maalis sa kanyang puso at mapalitan ng bagong imahe ng Diyos. Sa oras na ang imahe ng Diyos sa puso ng tao ay maging luma, ito ay magiging isang idolo. Nang dumating si Jesus at isinagawa ang yugtong iyon ng Kanyang gawain, hindi Siya kumakatawan sa kabuuan ng Diyos. Nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, nagwika ng ilang mga salita, at sa bandang huli ay napako sa krus, at kumatawan Siya sa isang bahagi ng Diyos. Hindi Siya maaaring kumatawan sa kabuuan ng Diyos, ngunit kumatawan sa Diyos sa pagsasagawa ng isang bahagi ng Kanyang gawain. Ito ay dahil ang Diyos ay labis na dakila, at kamangha-mangha, at hindi maarok, at dahil ginagawa lamang ng Diyos ang isang bahagi ng Kanyang gawain sa bawat panahon. Ang pangunahing gawain nang panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga signos at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ibunyag ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga ginawa ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Kautusan, pinangunahan ni Jehovah si Moises palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at nagwika ng ilang mga salita sa mga Israelita; noong panahong iyon, ang ilang bahagi ng mga gawain ng Diyos ay ginawang payak, ngunit dahil ang kakayahan ng tao ay limitado at walang anumang makakapagpakumpleto ng kanyang kaalaman, ipinagpatuloy ng Diyos ang pagwiwika at paggawa. Noong Kapanahunan ng Biyaya, nakitang muli ng tao ang bahagi ng mga gawain ng Diyos. May kakayahan si Jesus na magpakita ng mga signos at kababalaghan, ang manggamot at magpalayas ng mga demonyo, at mapako sa krus, tatlong araw matapos noon Siya ay muling nabuhay at nagpakita sa laman sa harap ng tao. Sa Diyos, wala nang iba pang nalaman ang tao bukod dito. Maraming alam ang tao sa mga ipinakita ng Diyos sa kanya, at kung ang Diyos ay walang nang ipakikita sa tao, kung gayon ito ang magiging pagtatakda ng mga hangganan para sa tao tungkol sa Diyos. Dahil dito, ang Diyos ay nagpapatuloy sa paggawa, upang ang pagkakaalam ng tao sa Kanya ay maging mas malalim, at upang siya ay unti-unting malaman ang sangkap ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang tao. Ang iyong tiwaling disposiyon ay isiniwalat ng mga salita ng Diyos, at ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi ay napalitan ng katotohanan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, una sa lahat, ay dumating dito upang isakatuparan ang mga salita na “ang Salita ay nagiging katawang-tao, ang Salita ay dumarating sa katawang-tao, at ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao.” at kung wala kang sapat na kaalaman tungkol dito, kung ganoon ikaw ay hindi pa rin kayang mangagpakatibay; nitong mga huling araw, unang-unang layunin ng Diyos ang makagawa ng yugto ng Kanyang gawain kung saan ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao, at ito ay isang bahagi ng Plano sa pamamahala ng Diyos. Kaya naman, ang inyong kaalaman ay dapat maging malinaw; hindi alintana ang paraan kung paano kumilos ang Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos ang tao na limitahan Siya. Kung hindi ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain nitong mga huling araw, kung gayon ang kaalaman ng tao tungkol sa Kanya ay hindi maaaring lumawak pa. Malalaman mo lang na ang Diyos ay maaaring ipako sa krus at maaring wasakin ang Sodoma, at si Jesus ay maaaring bumangon mula sa patay at magpakita kay Pedro…. Ngunit hindi mo kailanman masasabi na magagawa ang lahat ng mga salita ng Diyos, at maaaring lupigin ang tao. Sa pamamagitan lang ng karanasan sa mga salita ng Diyos mo masasabi ang iyong kaalaman, at kung higit pang maranasan ang mga gawain ng Diyos, ang siyang paglalim rin nang kaalaman mo sa Kanya. Doon mo lamang mapipigil ang paglilimita sa Diyos salig sa iyong pagkaintindi. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang mga gawa, at walang iba pang tamang paraan upang kilalanin ang Diyos. Sa kasalukuyan, maraming tao ang walang ginagawa kung hindi maghintay lang na makakita ng mga signos at mga kababalaghan at ang panahon ng delubyo. Naniniwala ka ba sa Diyos, o ikaw ba ay naniniwala sa delubyo? Kung ikaw ay maghihintay hanggang sa delubyo ay huli na ang lahat, at kung ang Diyos ay hindi magpadala ng delubyo, Siya ba ay hindi na Diyos? Naniniwala ka ba sa mga signos o kababalaghan, o ikaw ba ay naniniwala sa Diyos Mismo? Hindi nagpakita si Jesus ng mga signos at kababalaghan noong Siya ay pinagtawanan ng iba; hindi ba Siya Diyos? Naniniwala ka ba sa mga tanda at mga kababalaghan, o naniniwala ka ba sa sangkap ng Diyos? Ang mga pananaw ng tao tungkol sa paniniwala sa Diyos ay mali! Si Jehovah ay nagwika ng mga salita noong Kapanahunan ng Kautusan, ngunit hanggang ngayon ang ilan sa kanila ay kailangan pang maisakatuparan. Masasabi mo bang si Jehovah ay hindi Diyos?

Sa kasalukuyan, dapat maging malinaw sa inyong lahat na, sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan ng “ang Salita ay nagiging katawang-tao” na isinasakatuparan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawa sa daigdig, pinahihintulutan Niya ang tao upang makilala Siya, at upang makiisa sa Kanya, at upang Makita ang Kanya mismong mga gawa. Pinahihintulutan Niya ang tao na makita nang malinaw na kaya Niyang magpakita ng mga signos at kababalaghan at may mga panahon na hindi Niya kayang gumawa ng mga ito, at ito ay nababatay sa panahon. Mula rito, maaari mong makita na ang Diyos ay hindi kayang magpakita ng mga signos at kababalaghan, bagkus ay binabago ang Kanyang paggawa ayon sa Kanyang gawain, at ayon sa panahon. Sa kasalukuyang yugto ng Kanyang gawain, hindi Siya nagpapakita ng mga signos at kababalaghan; na kaya Siya ay nagpakita ng ilang mga signos at kababalaghan sa panahon ni Jesus ay dahil sa kakaibang gawain Niya nang panahong iyon. Hindi na isinasagawa ng Diyos ang gawaing ito ngayon, at ang ilang tao ay naniniwala na wala Siyang kakayahang magpakita ng mga signos o kababalaghan, o di kaya naman ay iniisip nila na kung hindi Siya magpakita ng mga signos o kababalaghan, ay hindi Siya ang Diyos. Hindi ba iyon isang kamalian? Ang Diyos ay kayang magpakita ng mga signos at kababalaghan, ngunit Siya ay kumikilos sa ibang panahon, kaya naman hindi Siya gumagawa ng nasabing gawain. Dahil ito ay sa ibang panahon, at dahil ito ay ibang yugto ng gawain ng Diyos, maging ang mga gawaing ginawang payak ng Diyos ay kakaiba rin. Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi ang paniniwala sa signos at kababalaghan, ni hindi ang paniniwala sa milagro, bagkus ang paniniwala sa Kanyang tunay na gawain sa makabagong panahon. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pamamaraan nang paggawa ng Diyos, at ang kaalamang ito ang magbubunga ng pananampalataya ng tao sa Diyos, na ang ibig sabihin, ang pananampalataya sa gawain at mga gawa ng Diyos. Sa yugtong ito ng gawain, ang Diyos ang pangunahing nagsasalita. Huwag kang maghintay ng mga signos at kababalaghan; hindi mo makikita ang mga ito! Dahil hindi ka ipinanganak noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung ikaw nga ay ipinanganak noong Panahon ng Biyaya, nakita mo na sana ang mga signos at kababalaghan, ngunit ikaw ay ipinanganak nitong mga huling araw, at dahil dito ay maaari mo lamang na makita ang katotohanan at pagka-karaniwan ng Diyos. Huwag umasa na makita ang higit sa karaniwang Jesus nitong mga huling araw. Ang makikita mo lamang ay ang pratikal na Diyos na nagkatawang-tao, na hindi kaiba mula sa sinumang ordinaryong tao. Sa bawat kapanahunan, gumagawang malinaw ang Diyos ng mga iba’t-ibang gawa. Sa bawat panahon, ginagawa Niyang payak ang ilang bahagi ng mga gawain ng Diyos, at ang gawain sa bawat kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kumakatawan sa isang bahagi ng mga gawain ng Diyos. Ang mga trabahong Kanyang ginagawang payak ay magkakaiba sa panahon na Siya ay kumikilos, ngunit silang lahat ay nagbibigay sa tao ng kaalaman ng Diyos na mas malalim, isang pananampalataya sa Diyos na mas mapagkumbaba, at mas totoo. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa lahat ng gawain ng Diyos, at dahil ang Diyos ay labis na kamangha-mangha, labis na dakila, dahil Siya ay ang Makapangyarihan sa lahat, at hindi maarok. Kung naniniwala ka sa Diyos dahil kaya Niyang magpakita ng mga signos at kababalaghan at kayang manggamot at magpalayas ng mga demonyo, kung gayon ang iyong pananaw ay mali, at ang ilang tao ay magsasabi sa iyo, “Hindi ba ang masasamang espiritu ay kaya ring gawin ang mga bagay na iyon?” Hindi ba ito upang mapagkamalan o ang imahe ng Diyos sa imahe ni Satanas? Sa kasalukuyan, ang paniniwala ng tao sa Diyos ay dahil sa Kanyang maraming nagawa at dahil sa maraming kaparaanan kung saan Siya ay gumagawa at nagwiwika. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga wika upang lupigin ang tao at gawin siyang perpekto. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa Kanyang maraming gawa, hindi dahil kaya Niyang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nauunawan lang Siya ng tao dahil nakikita nila ang Kanyang mga gawa. Sa pamamagitan lang nang pagkakaalam ng mga aktwal na gawa ng Diyos, kung paano Siya kumilos, ang mga pamamaraan kung paano Niya gamitin ang Kanyang karunungan, paano Siya magwika, at kung paano Niya ginagawang perpekto ang tao—sa pamamagitan lang nang pagkakaalam ng mga aspetong ito—saka mo mauunawaan ang Diyos at maiintindihan ang Kanyang disposisyon. Kung ano ang Kanyang nais, kung ang Kanyang kinasusuklaman, paano Siya kumilos sa tao—sa pamamagitan ng pagkaunawa sa mga nais at hindi nais ng Diyos, maaari mong ipagkaiba kung alin ang positibo at negatibo, at sa pamamagitan ng iyong pagkakakilala ng Diyos ay mayroong pag-unlad sa iyong buhay. Samakatuwid, kailangan mong magkaroon ng pagkakakilala sa mga gawain ng Diyos, at dapat mong ilagay nang tuwid ang iyong paniniwala tungkol sa pananampalataya sa Diyos.

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay naglalaman ng salitang “Ito.”