Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

X. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao ang Aspeto ng Katotohanan Kung Paano Makikilala ang Diyos

2. Paano makikilala ng isang tao ang disposisyon at tunay na diwa ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Madalas na sinasabi ng mga tao na hindi madaling bagay ang kilalanin ang Diyos. Ngunit sinasabi ko na ang pagkilala sa Diyos ay hindi mahirap na bagay, sapagkat madalas na hinahayaan ng Diyos ang tao na pagmasdan ang Kanyang mga gawa. Hindi kailanman itinigil ng Diyos ang Kanyang pakikipag-usap sa mga tao; hindi Niya kailanman itinago o inilihim ang Sarili Niya sa tao. Ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang mga pananaw, ang Kanyang mga salita at mga gawa ay inihayag lahat sa sangkatauhan. Kaya hanggga't nais ng tao na makilala ang Diyos, makakalapit siya upang maunawaan at makilala Siya sa pamamagitan ng lahat ng mga paraan at pamamaraan. Ang dahilan kung bakit bulag ang tao sa pag-iisip na sinasadyang iwasan siya ng Diyos, na sinasadyang pagtaguan ng Diyos ang sangkatauhan, na ang Diyos ay walang intensyon na payagan ang tao na maunawaan at makilala Siya, dahil hindi niya alam kung sino ang Diyos, ni hindi niya ninais na maunawaan ang Diyos; higit sa lahat, wala siyang pakialam sa mga kaisipan, mga salita o mga gawa ng Manlilikha…. Sa totoo lang, kung gagamitin lamang ng isang tao ang kanilang bakanteng oras upang pagtuunan ng pansin at unawain ang mga salita at gawa ng Manlilikha, at magbigay ng kaunting pansin sa mga kaisipan ng Manlilikha at sa tinig ng Kanyang puso, hindi magiging mahirap para sa kanila na maunawaan na madaling makita at malinaw ang mga kaisipan, mga salita at mga gawa ng Manlilikha. Gayundin, kailangan lang ng kaunting pagsisikap upang maunawaan na ang Manlilikha ay nasa kalagitnaan ng mga tao sa lahat nang panahon, na lagi Siyang nakikipag-usap sa tao at sa buong sangnilikha, at Siya ay nagsasagawa ng mga bagong gawa sa araw-araw. Ang Kanyang diwa at disposisyon ay nahahayag sa Kanyang pakikipag-usap sa tao; Ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay lubos na nahahayag sa Kanyang mga gawa; Sinasamahan Niya at inoobserbahan ang sangkatauhan sa lahat ng panahon. Tahimik Siyang nagsasalita sa sangkatauhan at sa lahat ng nilikha sa Kanyang mahinang tinig: Ako ay nasa mga kalangitan, at Ako ay nasa kalagitnaan ng Aking mga nilikha. Ako'y patuloy na nagmamasid; Ako'y naghihintay; Ako'y nasa iyong tabi….

mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pagiging pamilyar sa kabuuan ng Diyos ay hindi mababaw na bagay. Kailangan mong maunawaan ang Kanyang disposisyon. Sa paraang ito, ikaw ay unti-unting magiging pamilyar sa kabuuan ng Diyos kasabay ng pag-usad sa mas malaki at mas magandang estado.

mula sa “Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang kalooban ng Diyos ay isang paksa na tila napakamatalinghaga at hindi madaling tanggapin, dahil ang Kanyang disposisyon ay hindi tulad sa pagkatao ng tao. Kahit ang Diyos ay may mga damdamin ng kasiyahan, galit, lungkot, at kaligayahan, ngunit ang mga naturang damdamin ay iba rin sa damdamin ng tao. May sariling pagkatao at mga ari-arian ang Diyos. Ang lahat ng Kanyang ipinahahayag at ipinapakita ay representasyon ng Kanyang diwa at ng Kanyang pagkakakilanlan. Ang Kanyang, pagkatao, mga ari-arian, pati na rin ang diwa at pagkakakilanlan ay hindi maaaring palitan ng sinumang tao. Saklaw ng Kanyang disposisyon ang Kanyang pag-ibig para sa sangkatauhan, ang pagkalinga sa sangkatauhan, ang pagkapoot sa sangkatauhan, at higit pa rito, ang isang masinsinang pag-unawa sa sangkatauhan. … Ang disposisyon ng Diyos ay yaong nabibilang sa Tagapamahala ng mga nabubuhay sa lahat ng mga bagay, sa Panginoon ng lahat ng nilalang. Kinakatawan ng Kanyang disposisyon ang karangalan, kapangyarihan, pagkamaharlika, kadakilaan, at higit sa lahat, ang kataas-taasang kapangyarihan. Ang Kanyang disposisyon ay ang simbolo ng awtoridad at lahat ng matuwid, maganda, at mabuti. Bukod dito, isa itong simbolo kung paano hindi maaaring[a] hadlangan o lusubin ng kadiliman at anumang puwersa ng kaaway ang Diyos, at simbolo rin kung paano hindi Siya maaaring (at sa katunayan ay hindi pinahihintulutang mangyari)[b] saktan ng anumang nilikhang nilalang. Ang Kanyang kalooban ay ang simbolo ng pinakamataas na disposisyon. Walang tao o mga tao ang maaari o kayang makagambala ng Kanyang gawain o ng Kanyang disposisyon.

mula sa “Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang kasiyahan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at paglitaw ng pagkamatuwid at ng liwanag; dahil sa pagkagunaw ng kadiliman at kasamaan. Nasisiyahan Siya dahil dinala Niya ang liwanag at magandang buhay sa sangkatauhan; Ang Kanyang kasiyahan ay isa sa pagkamatuwid, isang simbolo ng pag-iral ng lahat ng positibo at, higit sa lahat, isang simbolo ng pagiging mapalad. Ang galit ng Diyos ay dahil sa pag-iral ng kawalang katarungan at ang gulo na dinudulot nito na sumisira sa Kanyang sangkatauhan; dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, ang pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit pa rito, dahil sa pag-iral ng mga bagay na sumasalungat sa mabuti at maganda. Ang Kanyang galit ay isang simbolo ng lahat ng negatibong bagay na hindi na umiiral at, higit pa rito, isang simbolo ng Kanyang kabanalan. Ang Kanyang kalungkutan ay dahil sa sangkatauhan, na Kanyang inaasahan ngunit nahulog sa kadiliman, dahil ang ginagawa Niya sa tao ay hindi natatapatan ang Kanyang inaasahan, at dahil ang sangkatauhang mahal Niya ay hindi lahat maaaring manirahan sa liwanag. Nakadarama Siya ng kalungkutan para sa walang salang sangkatauhan, sa tapat ngunit ignoranteng tao, at sa mabuti ngunit nag-aalinlangang tao. Ang Kanyang kalungkutan ay isang simbolo ng Kanyang kabutihan at ng Kanyang awa, isang simbolo ng kagandahan at ng kabaitan. Mangyari pa, ang Kanyang kaligayahan ay mula sa paggapi ng Kanyang mga kaaway at pagkamit sa mabuting pananampalataya ng tao. Bukod dito, ito ay mula sa pagtaboy at pagkagunaw ng lahat ng mga puwersa ng kaaway at sa pagtanggap ng sangkatauhan sa isang mabuti at mapayapang buhay. Ang kaligayahan ng Diyos ay hindi tulad ng kagalakan ng tao; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng pagtanggap sa mga mabubuting bunga, isang pakiramdam na mas higit pa kaysa sa kagalakan. Ang Kanyang kaligayahan ay isang simbolo ng paglaya ng sangkatauhan sa paghihirap, at pagpasok sa mundo ng liwanag.

mula sa “Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pagkamakatotohanan ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang katapatan ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang di-pagkamakasarili ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang kababaang-loob ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang pagmamahal ba ng Diyos para sa tao ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Malayang ibinibigay ng Diyos sa tao ang katotohanan at buhay-ito ba ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang lahat ng ito na ibinubunyag ng Diyos ay natatangi; hindi ito umiiral sa loob ng tiwaling pagkatao, ni hindi ito nakikita doon. Walang pinaka maliit na bakas nito ang makikita sa panahon ng proseso nang pagawang tiwali ni Satanas sa tao, ni sa tiwaling disposisyon ni Satanas ni sa kakanyahan o kalikasan ni Satanas. Kaya ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay natatangi at tanging ang Diyos Mismo ang may ganitong uri ng kakanyahan, tanging ang Diyos Mismo ang nag-aangkin ng ganitong uri ng kakanyahan.

mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III)” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga salita at disposisyong nilabas at ipinakita ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang kalooban, at kinakatawan din ang Kanyang diwa. Kapag nakikipag-ugnay ang Diyos sa tao, anuman ang Kanyang sabihin o gawin, o anuman ang disposisyong Kanyang ipakita, at anuman ang makita ng tao sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, kinakatawan nito lahat ang kalooban ng Diyos para sa tao. Hindi alintana kung hanggang saan ang kayang matanto, maunawaan o maintindihan ng tao, kinakatawan nito lahat ang kalooban ng Diyos-ang kalooban ng Diyos para sa tao. Ito ay walang duda! Ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan ay kung paanong maging ang kinakailangan Niya sa mga tao, ang mga hiniling Niyang gawin nila, kung paano Niya sila kinakailangang mabuhay, at kung paano Niya sila kinakailangang magkaroon ng kakayahang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Ito ba ang mga bagay na hindi mahihiwalay mula sa mga diwa ng Diyos? Sa ibang salita, inilalabas ng Diyos ang Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon Siya at sa parehong oras sa pag-utos sa tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga pag-aari at pag-iral ng Diyos, ang pinakadiwa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos-lahat ay ipinakilala sa Kanyang mga salita para sa sangkatauhan. Kapag nararanasan niya ang mga salita ng Diyos, hahantong ang tao sa proseso ng pagsasagawa nila na maunawaan ang layunin sa likod ng mga salita na ipinahahayag ng Diyos, at maunawaan ang bukal at pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at maunawaan at mapahalagahan ang nilayong epekto ng mga salita ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang mga ito ay ang lahat ng mga bagay na dapat maranasan, maunawaan, at maabot ng tao upang makamit ang katotohanan at buhay, maunawaan ang mga hangarin ng Diyos, magbago sa kanyang disposisyon, at makayang magpasakop sa soberanya at mga kaayusan ng Diyos. Sa parehong pagkakataon na nararanasan, nauunawaan at naaabot ng tao ang mga bagay na ito, unti-unti niyang matatamo ang pang-unawa sa Diyos, at sa panahong ito matatamo rin niya ang iba't ibang antas ng kaalaman hinggil sa Kanya. Ang pang-unawa at kaalamang ito ay hindi lumalabas mula sa isang bagay na guni-guni o nilikha ng tao, ngunit sa halip mula sa kung ano ang pinahahalagahan, nararanasan, nararamdaman, at pinatutunayan niya sa kanyang ganang sarili. Tanging pagkatapos na mapahalagahan, maranasan, maramdaman, at mapatunayan ang mga bagay na ito na nakakamit ng kaalaman ng tao sa Diyos ang nilalaman, tanging ang kaalaman na natatamo niya sa panahong ito ay aktwal, tunay, at tumpak, at ang prosesong ito-ng pagkamit ng tunay na pang-unawa at kaalaman sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahalaga, pagpaparanas, pagdamdam, at pagpapatunay ng Kanyang mga salita-ay walang iba kundi ang tunay na pakikipag-isa ng tao at Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang tao ay tunay na hahantong upang mauunawaan at maiintindihan ng tao ang mga hangarin ng Diyos, tunay na hahantong upang mauunawaan at malaman ng tao ang mga pag-aari ng Diyos at pag-iral, tunay na hahantong upang mauunawaan at malaman ang pinakadiwa ng Diyos, unti-unting hahantong upang maunawaan at malaman ang disposisyon ng Diyos, darating nang may tunay na katiyakan hinggil sa, at tamang kahulugan, ng katotohanan ng dominyon ng Diyos sa lahat ng nilikha, at matamo ang makabuluhang tindig sa at kaalaman ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, binabago ng tao, nang bai-baitang, ang kanyang mga ideya hinggil sa Diyos, hindi na Siya gunigunihin mula sa kawalan, o pinaiiral ang kanyang mga hinala hinggil sa Kanya, o magkamali sa pang-unawa sa Kanya, o magbigay ng paghatol sa Kanya, o pagdudahan Siya. Bilang bunga, magkakaroon ang tao ng mas kakaunting pagtatalo sa Diyos, magkakaroon siya ng mas kakaunting mga sigalot sa Diyos, at magkakaroon ng kakaunting pagkakataon na maghihimagsik siya laban sa Diyos. Sa kabaligtaran, ang pagkalinga at pagpapasakop ng tao sa Diyos ay lalong lalago, at ang kanyang paggalang sa Diyos ay magiging mas makatotohanan pati mas malalim. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, hindi lamang matatamo ng tao ang pagtatadhana ng katotohanan at bautismo ng buhay, ngunit matatamo rin niya ang tunay na kaalaman ng Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, hindi lamang magbabago ang tao sa kanyang disposisyon at tumanggap ng kaligtasan, ngunit sa parehong panahon matatamo niya ang tunay na paggalang at pagsamba ng isang nilikhang nilalang tungo sa Diyos. Sa pagtataglay ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay hindi na magiging blangkong pilas ng papel, o isang pangako na inialok na pambobola lamang, o isang anyo ng bulag na paghahangad at pag-iidolo; tanging sa ganitong uri ng pakikipag-isa lalago ang buhay ng tao tungo sa kahinugan sa araw-araw, at tanging ngayon unti-unting magbabago ang kanyang disposisyon, at ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay, bai-baitang, dadaan mula sa isang malabo at walang katiyakang paniniwala tungo sa tunay na pagpapasakop at pagkalinga, tungo sa tunay na paggalang; ang tao rin, sa kanyang paghahangad sa Diyos, ay unti-unting susulong mula sa isang pasibo tungo sa isang aktibong tindig, mula sa isang tao na pinakikilos tungo sa isang tao na gumagawa ng positibong pagkilos; tanging sa ganitong uri ng pakikipag-isa darating ang tao sa tunay na pang-unawa at pag-intindi sa Diyos, sa tunay na kaalaman sa Diyos.

mula sa “Punong Salita” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hindi alintana anong yugto ka man nakarating sa iyong karanasan, ikaw ay hindi maihihiwalay sa salita ng Diyos o sa katotohanan, at kung ano ang iyong pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang iyong pagkakilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay ipinahayag lahat sa mga salita ng Diyos; ang mga ito ay may ugnayang hindi maihihiwalay sa katotohanan. Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay ang mga katotohanan mismo; ang katotohanan ay isang tunay na kapahayagan ng disposisyon ng Diyos at ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Ginagawa nitong kongkreto ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos at malinaw na sinasabi ito; sinasabi nito sa iyo nang mas tuwiran kung ano ang gusto ng Diyos, kung ano ang hindi Niya gusto, kung ano ang nais Niyang gawin mo at kung ano ang hindi Niya pinahihintululot na gawin mo, anong mga tao ang hinahamak Niya at anong mga tao ang Kanyang kinagigiliwan. Sa likod ng mga katotohanan na ipinahahayag ng Diyos nakikita ng tao ang Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at kaligayahan, gayundin ang Kanyang diwa-ito ang pagbubunyag ng Kanyang disposisyon. Maliban sa pagkakilala sa kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at pagkaunawa sa Kanyang disposisyong mula sa Kanyang salita, ang mahalaga ay ang pangangailangan na marating ang pagkaunawang ito sa pamamagitan ng praktikal na karanasan. Kung aalisin ng isang tao ang kanyang sarili mula sa totoong buhay nang upang makilala ang Diyos, hindi niya magagawang makamtan iyon. Kahit na may mga tao na nakapagkakamit ng ilang pagkaunawa mula sa salita ng Diyos, ito ay limitado lamang sa mga teorya at mga salita, at mayroong kaibahan sa kung ano talaga ang Diyos.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Upang maunawaan ang disposisyon ng Diyos at ang Diyos Mismo kailangan ninyong magsimula sa isang bagay na napakaliit. Ngunit mula sa kaunting bahagi ng alin kayo magsisimula? Una sa lahat, nakahukay ako ng ilang kabanata sa Biblia. Ang impormasyon sa ibaba ay naglalaman ng mga bersikulo sa Biblia, na may kaugnayan lahat sa paksang gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos at ang Diyos Mismo. Natuklasan ko mismo ang mga pagpapatibay na ito bilang sanggunian para matulungan kayong malaman ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. …

…………

… Ngunit ang layunin Ko sa paghanap ng mga kabanatang ito ngayon ay hindi upang masubukan mong malaman ang mga kuwento at tauhan ng mga ito. Ngunit, ito ay para makita mo, sa pamamagitan ng mga kuwento ng mga tauhang ito, ang mga gawain ng Diyos at ang disposisyon Niya, at sa gayong paraan ay mas magiging madaling makilala at maunawaan ang Diyos, upang makita ang tunay na panig Niya, upang pigilan ang iyong imahinasyon, upang mahinto ang iyong mga pagkaintindi tungkol sa Kanya, at matapos ang iyong malabong pananampalataya. Ang subukang intindihin ang disposisyon ng Diyos at unawain at kilalanin ang Diyos Mismo nang walang pundasyon ay madalas na maaaring makapagpadama sa iyo ng kawalang-kakayahan, kahinaan, at pagiging alanganin sa kung saan magsisimula. Kaya ko naisip na gamitin ang ganoong pamamaraan at pagtrato sa paksa upang mas maunawaan mo ang Diyos, mas mapahalagahan mo nang totoo ang kalooban ng Diyos, at malalaman ang tungkol sa disposisyon ng Diyos at ang Diyos Mismo, at nang totoong madama mo ang pag-iral ng Diyos at mapahalagahan ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan.

…………

(Gen 2:15-17) At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.

…………

Sa iilang mga simpleng salita na ito, makikita natin ang puso ng Diyos. Ngunit anong uri ng puso ang makikita natin? May pag-ibig ba sa puso ng Diyos? May malasakit ba doon? Ang pag-ibig at malasakit ng Diyos sa mga bersikulong ito ay hindi lamang napahahalagahan ng mga tao, kundi mainam at totoong madarama rin. Hindi ba ganoon nga? Ngayong nasabi ko na ang mga bagay na ito, sa palagay ba ninyo ay iilang mga simpleng salita lamang ang mga ito? Hindi gaanong simple, di ba? Nakita ba ninyo ito dati? Kung personal na sabihin ng Diyos sa iyo ang iilang mga salita na ito, ano ang mararamdaman mo sa iyong kalooban? Kung ikaw ay isang taong hindi mahabagin, kung ang puso mo ay mala-yelo sa lamig, kung gayon wala kang anumang mararamdaman, hindi mo pahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos, at hindi mo sinusubukang maunawaan ang puso ng Diyos. Ngunit kung ikaw ay isang taong may konsensya, may kabaitan, samakatwid iba ang mararamdaman mo. Makararamdam ka ng init, madadama mong ikaw ay nililingap at minamahal, at madadama mo ang kasayahan. Hindi ba tama yan? Kapag nadama mo ang mga bagay na ito, paano ka makikitungo sa Diyos? Madadama mo kayang kaugnay ka ng Diyos? Mamahalin at igagalang mo kaya ang Diyos mula sa kaibuturan ng iyong puso? Mapapalapit kaya ang puso mo sa Diyos? Makikita mo mula rito kung gaano talaga kahalaga para sa tao ang pag-ibig ng Diyos. Ngunit ang lubhang mas mahalaga pa ay ang pagpapahalaga at pagkaunawa ng tao sa pag-ibig ng Diyos. Sa katunayan, hindi ba nagsasabi ang Diyos ng maraming kagaya ng mga bagay na ito sa yugtong ito ng Kanyang gawain? Ngunit pinahahalagahan ba ng mga tao sa panahong ito ang puso ng Diyos? Nauunawaan ba ninyo ang katatalakay ko lang na kalooban ng Diyos? Ni hindi ninyo maaninag ang kalooban ng Diyos kapag ito ay tunay, nahahawakan, at makatotohanan. Kaya ko nasasabing wala kayong totoong kaalaman at pagkaunawa sa Diyos. Hindi ba ito totoo?

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang kaalaman sa awtoridad ng Diyos, kapangyarihan ng Diyos, sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at diwa ng Diyos ay hindi maaaring makamit sa pamamagitan ng pagtitiwala sa iyong imahinasyon. Dahil hindi ka maaaring magtiwala sa imahinasyon para makilala ang awtoridad ng Diyos, kung gayon, sa anong paraan mo makakamit ang tunay na kaalaman sa awtoridad ng Diyos? Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng pagsasamahan, at sa pamamagitan ng karanasan sa mga salita ng Diyos, magkakaroon ka ng unti-unting karanasan at pagpapatunay sa awtoridad ng Diyos at sa gayon makakukuha ka ng dahan-dahang kaunawaan at unti-unting kaalaman dito. Ito lamang ang tanging paraan para makamit ang kaalaman sa awtoridad ng Diyos; walang mga madaliang paraan. Ang paghingi sa inyo na huwag ilarawan sa isip ay hindi pareho sa pagpapaupo sa inyo na walang ginagawa at maghihintay ng kapahamakan, o pagpigil sa inyo para gawin ang anumang bagay. Ang hindi paggamit ng iyong utak para mag-isip at maglarawan sa isip ay nangangahulugang hindi paggamit ng pangangatwiran para magpalagay, hindi paggamit ng kaalaman para suriing mabuti, hindi paggamit sa siyensya bilang basehan, ngunit sa halip ay pagpapahalaga, pagbeberipika, at pagkumpirma na ang Diyos na iyong pinaniniwalaan ay may awtoridad, kinukumpirma na may hawak Siyang kapangyarihang naghahari sa iyong kapalaran, at sa lahat ng oras ang Kanyang kapangyarihan ay nagpapatunay sa Kanya na Siya ang tunay na Diyos Mismo, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng katotohanan, sa pamamagitan ng lahat ng bagay na iyong kinahaharap sa buhay. Ito ang tanging paraan para makamit ng sinuman ang pagka-unawa sa Diyos. Sabi ng ilan na kanilang ninanais na makahanap ng simpleng paraan para makamit ang layuning ito, ngunit may maisip ba kayong naturang paraan? Sinasabi ko sa iyo, hindi na kailangang mag-isip: Walang ibang paraan! Ang tanging paraan ay matapat at totoong kilalanin at beripikahin kung ano ang mayroon sa Diyos at ano Siya sa pamamagitan ng bawat salita na Kanyang ipinahahayag at sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ito ang tanging paraan para makilala ang Diyos. Dahil kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at lahat ng bagay ng Diyos, ay hindi hangin na walang laman at walang kahulugan-ngunit tunay.

mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

a. Mababasa ang orihinal na teksto bilang “ang pagiging walang kakayahang maging.”

b. Mababasa ang orihinal na teksto bilang “ang pagiging walang kakayahang maging (at tunay na hindi pinahihintulutang maging).”

Sinundan:Ano ba talaga ang pagkilala sa Diyos? Maituturing bang pagkilala sa Diyos ang pag-unawa sa kaalaman at teolohikal na teorya ng Biblia?

Sumunod:Sa aling mga aspeto pangunahing inihayag ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos?

Baka Gusto Mo Rin