Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong 36: Hawak ng mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon ang kapangyarihan sa iba’t ibang relihiyon at karamihan sa mga tao ay sinusunod at sinusundan sila—ito ay totoo. Sinasabi mo na hindi kinikilala ng mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon ang katotohanan na nagkatawang-tao na ang Diyos, na hindi sila naniniwala sa katotohanang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao at na sinusundan nila ang yapak ng mga Fariseo, at sang-ayon kami sa puntong ito. Pero bakit mo sinasabi na lahat ng pastor at elder ng mga relihiyon ay mapagpaimbabaw na mga Fariseo, lahat ng anticristo na inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, at na mapupuksa sila sa huli? Hindi namin matatanggap ang puntong ito sa ngayon. Pakipaliwanag kung saan mo ibinatay ang sinabi mong ito, na ang mga taong ito ay hindi maliligtas at na kailangang mapuksa silang lahat.

Sagot:

Ang tunay na diwa kung paano sinusuway ng mga tao ang Diyos sa mga relihiyosong grupo ay maaari lamang maibunyag at mahimay-himay matapos ang pagdating ng nagkatawang-taong Cristo. Walang tiwaling mga tao ang maaaring makaunawa sa katotohanan at diwa ng mga relihiyosong mundo na sumusuway sa Diyos, dahil ang mga tao ay walang pinanghahawakang katotohanan. Maaari lamang silang makontrol, malito, at mapaikot ng mga bulaang pastol at mga demonyong anticristo sa pagsali sa kanila sa paggawa ng masama, at maging mga lingkod at kasabwat ni Satanas sa pagsuway sa Diyos. Ito’y natural. … Tignan natin kung paano, noong Kapanahunan ng Biyaya, ibinunyag ng Panginoong Jesus ang katotohanan at diwa kung paano ang mga pwersa ng masasamang anticristo sa mga relihiyosong grupo ay laging sinuway ang Diyos:

Datapuwa't sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. Sa aba ninyo, mga eskriba't mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka't sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya't magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa.

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.

Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya. Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto? At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya. Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o ang dambana na bumabanal sa handog? Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito. At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at yaong tumatahan sa loob nito. Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon.

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka't inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas.

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa't sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan.

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi'y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. Kaya't kayo'y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo'y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito” (Mateo 23:13-36).

Ito ang mga kilang-kilalang mga salita ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya na nagbubunyag at humahatol sa mga pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng Judiong relihiyosong grupo.

Mula sa katunayan na ibinunyag at hinimay-himay ng Panginoong Jesus itong mga “pitong aba” ng mga pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo mula sa mga relihiyosong grupo noong Kapanahunan ng Kautusan, makikita natin na karamihan sa mga relihiyosong lider ay mga hipokritong Fariseo at simula pa nang matagal na panahon, ay naging malasatanas na masasamang pwersa na sumasalungat sa Diyos. Ito’y isang katotohanang hindi na maitatanggi.

…………

Ang mga “pitong aba” ng mga Fariseo na ibinunyag ng Panginoong Jesus ay naglantad na ang kadiliman at kasamaan ng mga relihiyosong grupo ay hindi naiiba mula sa sekular na mundo. Kaya lubos na nakikita ng mga tao na ang mga pagkilos ng pangulong saserdote, eskriba at mga Fariseo ng relihiyosong grupo ay hindi talaga paglilingkod sa Diyos, ngunit sa halip ay sumusuway at sumasalungat sa Diyos. Tumayo sila bilang mga saserdote at lider sa mga posisyon sa paglilingkod sa Diyos, subalit hindi nila isinasagawa ang katotohanan at pagkamatuwid. Sa halip, ginawa nila ang lahat ng uri ng mga nakapangingilabot na gawain, at itinuring pa nila ang nagkatawang-taong Cristo bilang isang kalaban, kinokondena at inaapi Siya at ipinapako Siya sa krus. Sa malalaking kasalanang nagawa nito, paano nila hindi maaaring makamit ang galit ng Diyos? Ito ang dahilan kung bakit kinapootan sila ng Diyos at nagalit sa kanila, at kung bakit Niya sila ibinunyag, hinatulan, at kinondena. Lubos na natural ito. Ipinapakita sa atin nito na hindi hinahayaan ng Diyos ang sinuman na magkasala sa Kanyang matuwid na disposisyon. Noong Kapanahunan ng Biyaya, Kinamuhian at kinapootan na ng Diyos ang iba’t-ibang masasamang gawain laban sa katotohanan at sa Kanya na ginawa nitong mga pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo. Ang mga walang-awang pagbunyag at paghatol na Kanyang ginamit laban sa kanila ay nagpapakita na ang Diyos ay matuwid at banal. Hindi Niya kailanman pinuri iyong mga nasa relihiyosong grupo na naglilingkod sa Diyos subalit Siya’y sinusuway. Malinaw na nagkatawang-tao ang Diyos para sa layunin na bumalik sa mundo ng mga tao para personal na hanapin ang Kanyang tupa, para iligtas ang lahat nang nagmamahal sa katotohanan at maaaring makarinig ng tinig ng Diyos. Pinipili ng Diyos iyong mga makakatanggap ng katotohanan. Noong mga panahon ng pangangaral ng Panginoong Jesus, ang pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo ay naging puntirya lahat ng pagkokondena at pag-alis ng Diyos. Ibinubunyag nito ang pagkamatuwid at pagkabanal ng Diyos. Diyos lang ang kaibig-ibig, kasinta-sinta, kagalang-galang at mapagkakatiwalaan, at ang mga lider, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo ay mga hipokrito lahat, puno ng kasinungalingan, panlilinlang, pagbabanta, at kasamaan. Lahat sila’y mga anak ng ugrupog na nanlilito at kumokontrol sa mga tao at sinusuway ang Diyos. Sila mismo iyong mga uri ng tao na dapat abandonahin. Sa Kapanahunan ng Biyaya, noong isinasagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawaing mapantubos, walang Judiong pangulong saserdote, eskriba, o mga Fariseo ang humarap kailanman sa Panginoong Jesus nang may pagsisisi. Ni walang masyadong Fariseo ang tunay na nagnilay-nilay at nagsisi sa kanilang sariling masamang gawain matapos ipako ang Panginoong Jesus sa krus at kinumpleto ang Kanyang gawaing mapantubos. Kung mayroon man, mayroon lamang mga iilang indibidawal. Ang mga katotohanang ito ay sapat na para patunayan na ang mga pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ay mga demonyo lahat na kinapootan ang katotohanan at sinuway ang Diyos. Kahit gaano pa karaming kasamaan ang kanilang ginawa, kahit ipinapako pa ang Panginoong Jesus sa krus, hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga pagkilos. Nakakaintriga talaga ang isyung ito. Hindi mahirap makita rito na karamihan sa mga lider sa mga relihiyosong grupo ay mga bulaang pastol na naglilingkod sa Diyos subalit sinusuway ang Diyos. Sila ang tunay na larawan ng demonyong anticristo—Satanas. Subalit, maraming tao na naniniwala sa Diyos ang sumasamba pa rin at sumusunod sa kanila. Sapat na ito para ipakita na ang mga tao ay lubos na tiwali, at sila’y nalinlang na ng mga kasinungalingan at kasalanan. Binulag ni Satanas ang kanilang mga mata. Kahit sila’y sinira na ng mga demonyo, sila’y matigas pa rin na tumatanggi na magbago, na para bang sila’y patay na. Kaya, makikita natin kung gaano kahirap ang gawain ng Diyos sa pagliligtas nitong malubhang natiwaling mga tao! Ito ang pangunahing katanungan na dapat salaminin at kilalanin ng lahat ng mga tiwaling tao.

…………

Itinala ng Biblia ang maraming sandali na ang Judiong pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ay sinusuway at kinokondena ang Panginoong Jesus. Dito makikita ng mga tao na itong mga Judiong pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ay nakatuon lang sa pagtupad ng mga relihiyosong rituwal at tinuturuan ang mga tao na sumunod sa mga patakaran at sundin ang mga kautusan. Sapat na ito para ipakita na itong mga pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ay hindi isinasagawa ang anumang katotohanan at walang anumang reyalidad. Alam na alam nila ang tungkol sa Biblia at pinag-aralan ang kautusan, ngunit talagang hindi nila kilala ang Diyos. Ang pinakakasuklam-suklam na bagay ay nakakaya pa nilang patayin ang mga propeta at matutuwid na tao. Hindi lang sila hindi nagpapasakop kay Cristo, na nagkatawang-tao at ipinahayag ang mga katotohanan, nakakaya pa nilang kondenahin, hulihin, bitagin, at patayin Siya, ginagawa ang kanilang mga sarili na mga kalaban ng Diyos. Kaya lumalim nang lumalim ang pagkapoot ng Diyos sa kanila, at Kaniyang ibinunyag, hinimay-himay, at kinondena sila. Higit pa, ibinunyag nito na ang Diyos ay isang matuwid at banal na Diyos. Gusto Niya iyong mga makatwiran, at kinapopootan iyong mga gumagawa ng kasamaan. Hindi kailanman pinuri ng Diyos ang mga pangulong sasaserdote, eskriba, at mga Fariseo ng Judiong relihiyosong grupo. Ibinunyag, hinatulan, at isinumpa lang sila ng Diyos. Ito ay isang katotohanan na alam ng lahat ng mga naniniwala sa Panginoong Jesus. Kung talagang naiintindihan ng mga tao ang Biblia, bakit hindi nila gamitin ang mga salita ng Panginoong Jesus para makilala ang tunay na hipokritong, tumututol sa Diyos na mga mukha ng mga makabagong pastor at elder sa mga relihiyosong grupo? Bakit hindi kaya ng mga tao na kumampi sa Panginoong Jesus para makita ang kaibahan at iwan ang mga walang utang na loob na mga anak ng ugrupog na naglilingkod sa Diyos subalit Siya’y sinusuway? Kung talagang naiintindihan ng mga tao ang Biblia, dapat nilang makita ang higit na mas nakakatakot na katunayan: Na ang karamihan sa mga lider at pastor sa relihiyosong grupo ngayon ay kumikilos nang may parehong papel bilang mga pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo na siyang sumuway sa ating Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya. Sinusuway pa rin nila ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at ang kanilang mga kasalanan ay mas malaki kaysa sa mga pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo na sumuway sa Panginoong Jesus. Matindi ang galit nila sa katotohanan, at lubos na natatakot sila na sila’y mailalayo kapag ang mga piniling tao ng Diyos ay tinanggap ang tunay na daan, nagpasakop sa gawain ng Diyos, at nakuha ng Diyos. Binabaluktot pa nila ang katotohanan, binabago ang mga katunayan, nangkukuwadro at nambibitag, naninira ng puri at kumokondena, at walang-hiya nilang, sinasadyang binibigyan ng maling kahulugan ang Biblia para kondenahin si Cristo at manlapastangan laban sa gawain ng Banal na Espiritu at mga pagbigkas ng Diyos. Para mailigtas ang kanilang sariling mga posisyon at ikinabubuhay, gumagamit sila ng lahat ng uri ng panloloko para hatulan ang Diyos, manlapastangan laban sa Diyos, at suwayin ang Diyos. Parehong-pareho ang kanilang mga pagkilos tulad ng mga iba’t-ibang malasatanas na panloloko na ginamit ng Judiong pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo sa pagsuway sa Panginoong Jesus. Lahat sila ay naglalakad sa landas ng anticristo sa pagsasalungat sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga iba’t-ibang anyo ng panlabas na paglilingkod sa Diyos—subalit panloob na tinututulan Siya—ginagawa ng karamihan sa mga lider at pastor ng mga relihiyosong grupo, makikita natin na mayroong pitong pangunahing masasamang pagkilos na nakasakit na sa Diyos. Tiyak na mapaparusahan sila. Ang pitong masasamang pagkilos na ginawa ng karamihan sa mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo ay nakalista dito:

1. Ginagawa lang nila ang mga relihiyosong rituwal na nagpapanatili at nagpapahayag ng pamana at mga doktrina ng sangkatauhan, ngunit iniiwan nila ang mga utos ng Diyos. Hindi nila kailanman itinuturo sa mga tao na magpasakop sa Diyos, unawain Siya, o pakinggan ang Kanyang mga salita. Hindi nila sinasabi ang reyalidad ng katotohanan, at hindi kailanman ginagamit ang mga salita ng Diyos para ibunyag ang kadiliman sa mga relihiyosong grupo para ipaalam sa mga tao ang tungkol sa kapanahunan ng kasamaan.

2. Hindi nila iginagalang ang Diyos. Walang puwang ang Diyos sa kanilang mga puso, subalit sila’y ganid at patagong kumakain mula sa mga alay sa Diyos. Hindi nila kayang tunay na maglingkod sa Diyos, ngunit kanilang ginagamit ang mga alay sa Diyos bilang kanilang mga ikinabubuhay, at madalas silang humihingi at pinipilit ang mga tao na magbigay para mas lalo silang mabuhay nang may karangyaan, ginagawa ang kanilang mga sarili na tunay na mga bampira at mga parasito.

3. Nililibot nila ang lupa at dagat para makaakit ng mga tao papunta sa kanilang iglesia, at sa sandaling ginawa nila, nalito at nakontrol ang mga tao sa pagiging mga alipin. Hindi nila binibigyan ang mga tao na mamili nang malaya, at hindi hinahayaan ang mga tao na siyasatin ang tunay na daan, para hanapin ang pagpapakita at gawain ng Diyos, nagdudulot sa kanila na maging mga anak ng impiyerno. Ito ay ang pag-akay ng bulag sa bulag, at babagsak ang lahat sa hukay.

4. Sa kanilang pangangaral, madalas nilang ninanakaw ang kaluwalhatian ng Diyos para ipagyabang ang kanilang mga sarili at sumaksi sa kanilang mga sarili para gayahin, hangaan, at sundin ng mga tao, ginagawa silang idolo ng mga tao para sila’y mabitag at makontrol. Hindi sila kailanman totoo at tunay na mga sumasaksi sa Diyos at pinaparangalan ang Diyos bilang dakila, para ang mga tao ay magpasakop at magpuri sa Diyos.

5. Kinapopootan nila ang katotohanan, at nagseselos sila lalo sa mga taong naghahanap at naiintindihan ang katotohanan: Sila ay pinipigilan, tinatanggihan, at hinahatulan. Pinapayagan lang nila ang mga tao na sambahin at sundin sila, subalit hinahadlangan at pinipigilan nila ang mga tao sa pagtanggap kay Cristo, at sinasaraduhan nila ang mga iglesia dahil takot sila na sumaksi ang mga tao sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.

6. Para mailigtas ang kanilang mga sariling posisyon at ikinabubuhay, nag-imbento pa sila ng iba’t-ibang uri ng mga bali-balita at kasinungalingan para manira, kumondena, at lumapastangan sa Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinupuno nila ang lahat ng bagay ng kanilang kadiliman, at mas gusto pa nila ng pakikipagbuno sa buhay at kamatayan laban sa Diyos sa katapusan. Halata na hindi nila pinaglilingkuran ang Diyos ngunit ang kanilang sariling mga posisyon at ikinabubuhay.

7. Hindi nila inaamin ang katunayan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ni hindi sila naniniwala sa salita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw. Sapat na ito para patunayan na lahat sila ay may kalikasan at diwa ng mga anticristo sa pagkapoot sa katotohanan. Naglalakad sila sa landas ng mga anticristo sa paglilingkod sa Diyos ngunit sinusuway at sinasalungat ang Diyos.

Itong mga pitong masasamang pagkilos ng mga pwersa ng anticristo sa mga relihiyosong grupo na sumusuway sa Diyos ay hayagang tanggap na mga katunayan ng lahat ng mga mananampalataya sa Diyos. Itong mga pitong masasamang pagkilos na ginawa ngayon sa mga relihiyosong grupo ay may halos kaparehong katangian bilang mga “pitong aba” na kung saan ibinunyag at hinatulan ng ating Panginoong Jesus ang mga Fariseo. Sapat na para patunayan ito na ang mga relihiyosong lider ay, sa mahabang panahon, madalas mukhang naglilingkod sa Diyos ngunit sa katunayan ay sinuway ang Diyos at naglakad sa landas ng anticristo. Inilantad din ng mga katunayang ito na sila lahat ay may malasatanas na kalikasan at diwa ng pagkapoot sa katotohanan at pagsuway sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sila nagiging mga pwersang lumalaban sa Cristo ng mga huling araw: Inaakay nila ang mga relihiyosong grupo sa kadiliman at kasamaan. Ganap na tinutupad nito ang propesiya sa Libro ng Pahayag sa Biblia na ang mga relihiyosong grupo ay ang mga “dakilang pokpok” at ang “dakilang Babilonia.” Ngayon, ang ilang mga tao na mahal ang Diyos at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos ay nakita na ang kalikasan at diwa ng anticristo nitong mga modernong Fariseo, at nagsimula nang iwan ang mga relihiyosong grupo para hanapin ang mga yapak ng gawain ng Diyos. Kahit na itong mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo ay malinaw na nakababatid na ang lahat ng mga salita na ipinahayag ng Cristo ng mga huling araw ay mga katotohanan, paghatol at pagkastigo na nakatuon sa mga tiwaling tao, sila’y gayun pa man pinili pa rin na magkaroon ng isang pag-uugali na sumusuway, humahatol, kumokondena, at sumasalungat sa Diyos dahil sa kanilang pagkapoot sa katotohanan. Una, sila’y nakagawa rin ng karumal-dumal na kasalanan sa paglalapastangan sa Banal na Espiritu at gawain ng Diyos. Ang tatlong pangunahing manipestasyon ng kasalanang ito ay nakalista bilang mga sumusunod:

1. Nag-iimbento sila ng mga kasinungalingan para sirain ang nagkatawang-taong Diyos. Seryosong panlalapastangan ito laban sa Diyos.

2. Itinuturing nila ang mga salita ng Diyos bilang mga salita ng tao, at sinasabi nila na may masamang espiritu sa mga salita ng Diyos na nanggagayuma ng mga tao kapag tinitignan ang mga ito. Seryosong panlalapastangan ito laban sa Diyos.

3. Inilalarawan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw bilang gawain ng mga masamang espiritu, na parang sinasabi na ang gawain ng Banal na Espiritu ay gawain ng mga masamang espiritu. Panlalapastangan ito laban sa Diyos.

Ang mga tao sa lahat ng relihiyosong grupo ay nagkakalat ng mga seryosong panlalapastangan laban sa Diyos dito sa tatlong mga paraan. Kung sila ay mga tunay na tao na iginagalang ang Diyos, tiyak na hindi sila mangangahas na magsabi ng mga naturang bagay. Nagbabalik-tanaw sa panahon ng pangangaral ng ating Panginoong Jesus, noong mga panahong iyon may mga relihiyosong tao na nagsabi na si Jesus ay ginagamit si Beelzebub, ang hari ng mga demonyo, para magpaalis ng mga demonyo. Tunay na paggawa ito ng kasalanan ng panlalapastangan laban sa Banal na Espiritu. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” (Mateo 12:31). Sa mga relihiyosong grupo ngayon, karamihan sa mga lider at pastor ay humahayo at nagkakalat ng mga bali-balita at paninira na lumalapastangan laban sa Banal na Espiritu. Kahit ano pa man ang kanilang mga hangarin at layunin, nakagawa na sila ng kasalanan ng panlalapastangan sa Banal na Espiritu. Iyong mga tunay na iginagalang ang Diyos ay hindi kailanman mangangahas na magsalita nang walang habas nang hindi nagsasagawa ng masusing pagsisiyasat sa tunay na daan, subalit sila’y walang pakundangang nagpapasya na ang Kidlat ng Silanganan ay gawain ng mga masamang espiritu, at nalilinlang ang mga tao kapag naririnig ang mensahe nito. Ito ay tunay na katawa-tawa! ... Karamihan sa mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo ay ibinunyag na bilang mga yaong tiyak na naglalakad sa landas ng anticristo. Para panatilihin ang kanilang katayuan at ikinabubuhay ay nagpupumilit sila sa desperasyon laban sa Diyos hanggang sa katapusan. Matigas ang kanilang mga puso, wala silang pagsisisi, at sa tingin nila na ang Diyos sa huli ay makikipagkasundo sa kanila, sa paraan kung paano itinuring ng Panginoong Jesus si Pablo noong Kapanahunan ng Biyaya. Akala nila na ang Diyos ay ibubunyag ang Kanyang sarili at tatawagin sila mula sa langit. Para ipako ang Diyos sa krus at pagkatapos ay gustong matanggap ang awa ng Diyos ay kawalang-hiyaan na nang sagad-sagaran. Hangal sila at matigas hanggang kamatayan, nagpapakita ng “magiting, walang-kupas” na mga pag-uugali na tipikal sa “kagitingan” ng mga relihiyosong dinastiya. Tinutupad nito ang propesiya sa Libro ng Hebreo sa Biblia: “Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Hebreo 10:26-27).

… Ngayon ang pangunahing sandali para sa pagpapakalat ng ebanghelyo ng kaharian. Maraming tao, kapag sinusuri ang tunay na daan, ay nasilaw at nalito sa mga kasinungalingan at bali-balita ng mga demonyong anticristo sa mga relihiyosong grupo. Nilito sila ng mga kasinungalingan at heresiya ng malaking pulang dragon para hindi sila mangahas na tanggapin ang tunay na daan. Maraming tao, kapag sinusuri ang tunay na daan, ay pinipigil at nililito ng mga lider at pastor sa mga relihiyosong grupo, para hindi sila makalapit sa Diyos. Ang kanilang mga buhay ay sinira at sinakal ng mga relihiyosong lider, pastor, at ng malaking pulang dragon. Para ang mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo para makipaglaban sa Diyos sa Kanyang mga pinili ay kabuktutan sa punto ng pagiging mga kalaban ng Diyos. Hindi nila binibigyan ng karapatan ang mga pinili ng Diyos na siyasatin ang tunay na daan o mamili nang malaya. Sapat na ang masamang katunayang ito para ipaliwanag na sila, tulad ng malaking pulang dragon, ay mga demonyo na pumapatay ng mga buhay at lumalamon sa mga kaluluwa ng tao. Nakagawa na nila itong karumal-dumal na kasalanan ng pananakit sa Diyos. Hindi ba’t ang katunayan na kaya nilang pigilan nang todo ang mga tao mula sa pagtanggap ng tunay na daan at pagbabalik sa Diyos ay naglalantad sa kanila bilang mga kasabwat at kakampi ni Satanas? Ang dugo na kanilang inutang sa mga tao ay kailangang mabayaran nang buo. Ibabalik ng Diyos ang kabayaran sa kanila batay sa kanilang sariling indibidwal na pagkilos, at ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang sarili at nagtatrabaho sa mga relihiyosong grupo sa Kanyang pagkakatawang tao sa mga huling araw. Kung paano ang Panginoong Jesus kinapootan, ibinunyag, hinatulan ang mga pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo ay kung paano ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay kinapopootan, ibinubunyag, hinahatulan, at kinokondena ang mga pastor at elder ng mga modernong relihiyosong grupo na naglalakad sa landas ng anticristo. Makikita n’yo na noong nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para muling gumawa, kahit na nagbago ang Kanyang pangalan, ang Kanyang disposisyon at diwa ay hindi nagbago. Ang Diyos ay laging Diyos, ang mga tao ay laging mga tao, at si Satanas ay laging kalaban ng Diyos. Ito ang mga hindi nagbabagong katotohanan. Kailangang makita nang malinaw ng mga tao ang diwa at katotohanan ng mga relihiyosong grupo na naglilingkod sa Diyos subalit sinusuway ang Diyos, para maaari nilang matanggap ang tunay na daan, sundin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at makamtan ang pagliligtas ng Diyos. Ito ay mabilisang usapin at hindi maaaring maantala, dahil ang araw ng Diyos ay paparating na. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kaawaan sa sinumang tao” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Maaari nating makita ang katotohanan mula sa Biblia na, noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi lang ang Panginoong Jesus ay hindi tinawag ang mga pangulong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo, sila’y ibinunyag at hinatulan Niya. Lalo na, ang lahat ng kasangkot sa pagpapapako sa Panginoong Jesus sa krus ay naparusahan nang matindi, at lahat sila ay nagdusa ng teribleng kapalaran. Ito ay katunayan na alam ng lahat. Iniisip ba ng sinuman na ang Makapangyarihang Diyos na dumating sa Kapanahunan ng Kaharian ay maaaring maging maawain at mapagpatawad sa mga pwersa ng anticristo sa mga relihiyosong grupo? Talagang hindi, dahil matuwid at banal ang Diyos, at hindi hinahayaan ng Diyos ang sinuman na masaktan ang Kanyang disposisyon. Napagpasyahan na ng Makapangyarihang Diyos ang kanilang katapusan, at malinaw na ibinubunyag ang makasalanang katunayan na karamihan sa mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo ngayon ay tumututol sa Diyos. Tignan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gusto ba ninyong malaman kung ano ang pinag-ugatan ng pagkalaban ng mga Fariseo kay Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang substansya ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman sa daan ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang daan ng katotohanan. Sasabihin ninyo, paano matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang daan ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang pagkatao ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magagawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, kung isasaalang-alang na wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang mahiwatigan ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at mas maraming tao ang huhusgahan ang pagbabalik ni Jesus sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litong-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao sa ibabaw ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag tanggapin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko sa inyo: Ang mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang lahing lilipulin. Hinahangad lang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lang ninyong matamasa ang napakaligayang kaharian ng langit, subalit hindi naman ninyo sinunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao. Ano ang pinanghahawakan ninyo bilang kapalit ng katotohanan ng pagbalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo na paulit-ulit kayong gumagawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay ikinukumpisal ang mga ito, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng pagtatrabaho na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang pinanghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Iyon bang mayabang ninyong kalikasan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Gaano karami ang naghahanap ng katotohanan at sumusunod sa katuwiran? Silang lahat ay mga hayop tulad ng mga baboy at mga aso, pinapangunahan ang isang grupo ng mga mabahong langaw sa isang tumpok ng dumi upang kawagin ang kanilang mga ulo at mag-udyok ng kaguluhan.[1] Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ay ang pinaka-nakahihigit sa mga hari, na hindi napagtatantong sila ay walang kwenta na mas higit pa sa mga langaw sa bulok. Hindi lamang iyon, gumagawa sila ng mga mapanirang-puri na puna laban sa pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa mga baboy at aso ng kanilang magulang. Tingin ng mga maliit na langaw sa kanilang mga magulang ay kasing laki ng may ngipin na balyena.[2] Hindi nila mapagtanto na sila ay maliit, gayon ma’y ang kanilang mga magulang ay di-malinis na mga baboy at mga aso na isang bilyong beses na mas malaki kaysa sa kanilang mga sarili? Walang kamalayan sa kanilang sariling kababaan, tumatakbo silang naghuhuramentado sa batayan nang bulok na amoy ng mga baboy at mga aso at mayroong maling ideya na magpakarami sa hinaharap na mga henerasyon. Yan ay ganap na makapal ang mukha! Na may berdeng pakpak sa kanilang mga likuran (ito ay tumutukoy sa kanilang pahayag na naniniwala sa Diyos), nagsisimula silang maging mayabang at ipinagmamalaki sa lahat ng dako ang kanilang sariling kagandahan at pagiging kaakit-akit, lihim na tinataboy palayo ang kanilang mga karumihan papunta sa tao. Sila rin ay mayabang, na parang ang isang pares ng bahagharing kulay na mga pakpak ay maaaring itago ang kanilang sariling mga karumihan, at sa gayon inuusig nila ang pag-iral ng tunay na Diyos (ito ay tumutukoy sa tunay na kuwento ng mundo ng relihiyon). Hindi masyadong alam ng tao na, kahit na ang mga pakpak ng mga langaw ay maganda at kaakit-akit, itong lahat ay hindi hihigit sa isang maliit na langaw na puno ng dumi at nababalot ng mga mikrobyo. Sa kalakasan ng mga baboy at mga aso ng kanilang mga magulang, tumatakbo silang huramentado sa buong lupa (ito ay tumutukoy sa mga relihiyosong opisyal na umuusig sa Diyos sa batayan nang malakas na suporta mula sa bansa na pinagtataksilan ang tunay na Diyos at ang katotohanan) na may napakalaking kabangisan. Ito ay parang ang mga multo ng mga Judiong Pariseo ay bumalik kasama ang Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, bumalik sa kanilang lumang pugad. Nagsimula silang muli sa kanilang gawa ng pag-uusig, ipinagpapatuloy ang kanilang gawa na sumasaklaw sa ilang libong taon. Ang grupong ito ng masasamang tao ay tiyak na malilipol sa lupa sa katapusan! Lumalabas na, pagkatapos ng ilang libong taon, ang mga karumaldumal na espiritu ay naging mas tuso at mapandaya. Patuloy silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sila ay matalino at tuso at nais ulitin sa kanilang tinubuang-bayan ang trahedya na ilang libong taon na ang nakakaraan. Halos pinilit nitong magbigay ang Diyos ng isang malakas na sigaw, at hirap Siyang panatilihin ang Sarili Niya sa pagbabalik sa ikatlong langit upang lipulin sila” (mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

mula sa “Bakit Palaging Kinakalaban ng Iba’t Ibang Relihiyon ang Diyos Habang Pinaglilingkuran

Siya” sa Koleksyon ng mga Sermon—Suplay para sa Buhay

Isipin ang tungkol sa Kapanahunan ng Biyaya, nang lubusang natiwali, ipinako ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus sa krus. Ano ba talaga ang kalikasan ng kanilang pagkilos? Para ibigay ang Panginoong Jesus, na nagpapalaganap ng daan ng kaharian ng langit, sa demonyo, at dagdag pa rito para sabihin din na ito ay kailangan para ipako si Jesus sa krus, na mas gugustuhin pa nilang pakawalan ang isang magnanakaw at ipako sa krus si Jesus: Hindi ba ang naturang tiwaling sangkatauhan ay malademonyo? Tanging ang mga demonyo ang maaaring mapoot nang todo sa Diyos nang sa gayon ay hindi nila ibahagi ang parehong langit sa Diyos. Ang mga punong saserdote, eskriba, at napakaraming mga tagasunod—na siyang sumigaw nang sabay-sabay sa mga panahong iyon na kailangang ipako sa krus si Jesus—maaari lamang ba na mga grupo ng demonyo ang napoot sa Diyos, hindi nga ba ganoon? Hindi ba karamihan ngayon ng mga pastor at lider sa relihiyosong komunidad, kasama ang karamihan sa mga mananampalataya, ay kinokondena rin ang Makapangyarihang Diyos nang may iisang tinig? Mga demonyo ba ito na sumasalungat sa Diyos? Lalo na ngayon, kapag ang malaking pulang dragon ay galit na galit na tumututol at kumokondena sa gawain ng Diyos, ang relihiyosong komunidad ay kumakampi rin sa malaking pulang dragon, at magkakasama pang nagtutulungan para tutulan ang Diyos, kondenahin ang Diyos, at lapastanganin ang Diyos. Kaya naman nasasaksihan ng sangkatauhan ang relihiyosong komunidad at ang malaking pulang dragon na magkakasama sa kampo ni Satanas. Ang relihiyosong komunidad ay matagal nang naging kasabwat ni Satanas, kung saan ganap na ibinubunyag na ang diwa ng “paglilingkod sa Diyos” ng relihiyosong komunidad ay, sa katunayan, pagtutol sa Diyos, kung saan lubos na nagpapatunay sa mga salita ng Panginoong Jesus na nagbunyag at naghatol sa mga Fariseo. Ito mismo ang diwa ng katiwalian at kasamaan ng relihiyosong komunidad ngayon. Ang pagtutol sa Diyos ng relihiyosong komunidad ngayon ay pumapantay o lumalampas sa relihiyosong komunidad noong panahon ng Panginoong Jesus. Malademonyong grupo sila na sumasalungat kay Cristo na itinakwil at kinondena ng Diyos, at lubusan silang nababagay sa masasamang pwersa ni Satanas. Mula dito, malinaw na ang katiwalian ng sangkatauhan ay umabot na sa sukdulan kung saan sa totoo lang maaari muli nitong ipako sa krus si Cristo, na siyang sa mga huling araw ay naghahatid ng katotohanan at nagbibigay ng paghatol. Sapat na ito para ipakita na ang sangkatauhan ay masyado nang natiwali ni Satanas na ito’y naging mga demonyo. … Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng pagdadala sa katapusan ng tadhana ni Satanas. Maaari kaya na ang Diyos ay magpakita ng kaluwagan dito sa mga malademonyong anticristo ng relihiyosong komunidad na hindi nagbabahagi ng parehong langit sa tunay na nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw? Maaaring maghintay at makita ng lahat kung anong magiging tanawin nito kapag ang mga bansa at mga tao ng mundo ay masaksihan ang pagpapakita sa publiko ng Diyos. Bakit mananaghoy ang mga tao? Pagkatapos, ang katotohanan ay dadalhin sa liwanag!

mula sa “Paano Malalaman ang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos sa mga Huling Araw” sa Koleksyon ng mga Sermon—Suplay para sa Buhay

10. Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus

(Mc 3:21-22) At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya’y hulihin: sapagka’t kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait. At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem, Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.

11. Ang Pagsaway ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo

(Mateo 12:31-32) Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.

(Mateo 23:13-15) Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. Sa aba ninyo, mga eskriba’t mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya’t magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa. Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.

Mayroong dalawang magkahiwalay na mga talata sa itaas—tingnan muna natin ang nauna: Ang Paghatol ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus.

Sa Biblia, ang pagsusuri ng mga Fariseo kay Jesus Mismo at ang mga bagay na Kanyang ginawa ay: “sapagka’t kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait. … Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio” (Mc 3:21-22). Ang paghatol ng mga eskriba at mga Fariseo sa Panginoong Jesus ay hindi mga panggagaya o pag-iisip sa wala—ito ang kanilang konklusyon sa Panginoong Jesus mula sa kung ano ang kanilang nakita at kung ano ang narinig sa Kanyang mga pagkilos. Bagamat ang kanilang konklusyon sa wari ay ginawa sa ngalan ng katarungan at lumilitaw sa mga tao na parang may matatag na batayan, ang kahambugan kung paano nila hinatulan ang Panginoong Jesus ay mahirap din para sa kanila na mapigilan. Ang silakbo ng lakas ng pagkamuhi para sa Panginoong Jesus ang nagbunyag sa kanilang sariling lisyang mga ambisyon at ang kanilang masasama at malademonyong mababangis na mukha, gayundin ang kanilang masamang kalikasan ng paglaban sa Diyos. Ang kanilang sinabi sa kanilang paghatol sa Panginoong Jesus ay udyok ng kanilang lisyang mga ambisyon, pagkainggit, at ang pangit at masamang kalikasan ng kanilang pagkapoot sa Diyos at sa katotohanan. Hindi nila siniyasat ang pinagmulan ng mga pagkilos ng Panginoong Jesus, ni siniyasat nila ang diwa ng kung ano ang Kanyang sinabi o ginawa. Ngunit basta-basta nila, nang may pagkainip, nang may pagkahibang, at nang sinadyang masamang hangarin na batikusin at siraan ang kung ano ang Kanyang ginawa. At ito ay hanggang sa punto pa ng basta-bastang paninira sa Kanyang Espiritu, iyon ay, ang Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos. Ito ang kanilang ibig sabihin nang kanilang sinabing “Siya ay nasisiraan ng bait,” “ang Beelzebub at ang prinsipe ng mga demonyo.” Na ang ibig sabihin, sinabi nila na ang Espiritu ng Diyos ay Beelzebub at ang prinsipe ng mga demonyo. Inilalarawan nila ang gawain ng laman ng Espiritu ng Diyos na nadaramtan ng kabaliwan. Hindi lamang nila nilapastangan ang Espiritu ng Diyos bilang Beelzebub at ang prinsipe ng mga demonyo, ngunit kanilang hinatulan ang gawain ng Diyos. Kanilang hinatulan at nilapastangan ang Panginoong JesuKristo. Ang diwa ng kanilang paglaban at paglapastangan sa Diyos ay lubos na kagaya ng diwa ni Satanas at ang paglaban at paglapastangan ng diablo sa Diyos. Hindi lamang nila kinakatawan ang mga taong tiwali, ngunit higit pang sila ay larawan ni Satanas. Sila ay daluyan para kay Satanas sa gitna ng sangkatauhan, at sila ang mga kasabwat at mga sinugo ni Satanas. Ang diwa ng kanilang pamumusong at ang kanilang paninirang-puri sa Panginoong JesuKristo ay ang kanilang pakikipaglaban sa Diyos para sa kanilang kalagayan, ang kanilang pakikipagpaligsahan sa Diyos, ang kanilang walang katapusang pagsubok sa Diyos. Ang diwa ng kanilang paglaban sa Diyos at ang kanilang asal sa paglaban sa Kanya, gayundin ang kanilang mga salita at kanilang mga saloobin ay tahasang nilalapastangan at ginagalit ang Espiritu ng Diyos. Kaya, pinagpapasyahan ng Diyos ang isang makatuwirang paghatol sa kung ano ang kanilang sinabi at ginawa, at pinagpapasyahan ang kanilang mga gawa bilang pagkakasala ng paglapastangan laban sa Banal na Espiritu. Ang pagkakasalang ito ay walang kapatawaran kapwa sa mundong ito at sa mundong susunod, kagaya ng sinasabi sa mga sumusunod na talata sa kasulatan: “datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” at “ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa tunay na kahulugan ng mga salitang ito mula sa Diyos “hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Iyon ay pag-aalis sa kalituhan kung paano tutuparin ng Diyos ang mga salitang “hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.

Ang lahat ng ating napag-usapan ay may kaugnayan sa disposisyon ng Diyos, at ng Kanyang saloobin tungo sa mga tao, mga usapin, at mga bagay. Sa karaniwan, ang dalawang talata sa itaas ay walang eksepsyon. May napansin ba kayong anuman sa dalawang talata na ito ng kasulatan? Sinasabi ng ilang mga tao na nakikita nila ang galit ng Diyos. Sinasabi ng ilang mga tao na nakikita nila ang bahagi ng disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti sa pagkakasala ng sangkatauhan, at na kapag gumawa ang mga tao ng isang bagay na kapusungan sa Diyos, hindi nila makakamit ang Kanyang kapatawaran. Sa kabila ng katotohanan na nakikita at nauunawaan ng mga tao ang galit ng Diyos at hindi pagkunsinti sa pagkakasala ng sangkatauhan sa dalawang talatang ito, hindi pa rin nila talaga maunawaan ang Kanyang saloobin. Nagtataglay ang dalawang talatang ito ng pahiwatig ng tunay na saloobin at pamamaraan ng Diyos tungo sa kanila na lumalapastangan at nagpapagalit sa Kanya. Taglay ng talatang ito sa kasulatan ang tunay na kahulugan ng Kanyang saloobin at pamamaraan: “sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Kapag nilalapastangan ng mga tao ang Diyos, kapag ginalit nila Siya, naglalathala Siya ng hatol ng hurado, at ang hatol na ito ay ang Kanyang huling kahihinatnan. Ito ay isinasalarawan sa ganitong paraan sa Biblia: “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” (Mateo 12:31), at “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!” (Mateo 23:13). Gayunman, nakatala ba sa Biblia kung ano ang kinalabasan nilang mga eskriba at mga Fariseo, gayundin ng mga taong nagsabing siya ay baliw pagkatapos sabihin ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito? Nakatala ba kung sila ay nagdanas ng kaparusahan? Ito ay tiyak na wala. Ang pagsasabi rito na “wala” ay hindi sa hindi ito naitala, ngunit sa katotohanan walang kalalabasan na maaaring makita gamit ang mga mata ng tao. Nililinaw ng “wala” na ito ang isang isyu, iyon ay, ang saloobin at mga panuntunan ng Diyos sa pagharap sa mga bagay. Ang pagtrato ng Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya o maging yaong naninira sa Kanya—mga tao na sinasadyang atakihin, siraan, at sumpain Siya—hindi Siya nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Hinahamak Niya ang mga taong ito, at sa Kanyang puso ay hinahatulan sila. Sinabi pa Niya nang hayagan ang kalalabasan para sa kanila, nang upang malaman ng mga tao na Siya ay mayroong malinaw na saloobin tungo sa kanila na lumalapastangan sa Kanya, at ang sa gayon ay kanilang malaman na pagpapasyahan Niya ang kanilang kalalabasan. Gayunman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga ito, hindi pa rin halos makita ng mga tao ang ukol sa kung paano haharapin ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maiintindihan ang mga panuntunan sa likod ng kalalabasan ng Diyos, ang Kanyang hatol para sa kanila. Na ang ibig sabihin, hindi makita ng sangkatauhan ang partikular na saloobin at mga pamamaraan na mayroon ang Diyos sa pagharap sa kanila. Ito ay may kinalaman sa mga panuntunan ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Ginagamit ng Diyos ang pagdating ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao. Iyon ay, hindi Niya ipinapahayag ang kanilang kasalanan at hindi pinagpapasyahan ang kanilang kalalabasan, ngunit ginagamit Niya nang tuwiran ang pagdating ng mga katotohanan upang tulutan silang maparusahan, upang makuha ang kanilang nararapat na kagantihan. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang laman ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan; lahat ng ito ay isang bagay na maaaring makita sa mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao, sinusumpa lamang sila ng Diyos sa mga salita, ngunit kasabay nito, ang galit ng Diyos ay darating sa kanila, at ang kaparusahan na kanilang matatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao, ngunit ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao sa pinarurusahan o pinapatay. Ito ay dahil sa ilalim ng gayong mga kalagayan na pinagpasyahan ng Diyos na hindi ililigtas ang ganitong uri ng tao, upang huwag nang magpakita ng habag o magkaroon ng pagpapaubaya para sa kanila, upang huwag na silang pagkalooban ng mga pagkakataon, ang saloobin na Kanyang isinasaalang-alang sa kanila ay isantabi sila. Ano ang kahulugan ng “isantabi”? Ang kahulugan ng terminong ito sa kanyang sarili ay upang ilagay ang isang bagay sa isang panig, upang huwag nang bigyang pansin ito. Dito, kapag ang Diyos ay “nagsasantabi,” mayroong dalawang magkaibang paliwanag sa kahulugan nito: Ang unang paliwanag ay na binigyan Niya ng buhay ang taong yaon, ang lahat ng bagay sa taong yaon ay pakikitunguhan ni Satanas. Hindi na magiging pananagutan ng Diyos at hindi na Niya ito pamamahalaan. Maging ang taong iyon ay baliw, o hangal, at maging sa buhay o sa kamatayan, o kung sila ay bumaba sa impiyerno para sa kanilang kaparusahan, wala na itong magiging kaugnayan sa Diyos. Mangangahulugan ito na ang nilalang na iyon ay wala ng kaugnayan sa Maylalang. Ang ikalawang paliwanag ay na pinagpasyahan na ng Diyos na sa Sarili Niya ay may gustong gawing isang bagay sa taong ito, sa Kanyang sariling mga kamay. Posible na gagamitin Niya ang serbisyo ng ganitong uri ng tao, o na gagamitin Niya ang ganitong uri ng tao bilang isang pantapat. Maaaring magkakaroon Siya ng isang natatanging paraan ng pakikitungo sa ganitong uri ng tao, isang natatanging paraan ng pagtrato sa kanila—kagaya lamang ni Pablo. Ito ang panuntunan at saloobin sa puso ng Diyos kung paano pinagpapasyahang makitungo sa ganitong uri ng tao. Kaya kapag kinalaban ng mga tao ang Diyos, at siniraan at nilapastangan Siya, kapag ginalit nila ang Kanyang disposisyon, o kung narating na nila ang hangganan ng Diyos, ang mga kahihinatnan ay hindi sukat akalain. Ang pinakamalalang kahihinatnan ay ibibigay ng Diyos ang kanilang buhay at ang lahat sa kanila kay Satanas, nang tuluyan. Hindi sila patatawarin magpakailanman. Ito ay nangangahulugan na ang taong ito ay naging pagkain sa bibig ni Satanas, isang laruan sa kanyang kamay, at simula noon wala nang kinalaman ang Diyos sa kanila. Naiisip ba ninyo kung anong uri ng kahapisan ito nang tuksuhin ni Satanas si Job? Sa kondisyon na hindi pinapayagan si Satanas na saktan ang buhay ni Job, napakatindi pa rin ang dinanas ni Job. At hindi ba lalong mas mahirap isipin ang pagdaraanang pinsala kay Satanas ng isang tao na ganap na ibinigay kay Satanas, na ganap na napasakamay ni Satanas, na lubusang nawala ang pagmamalasakit at habag ng Diyos, na wala na sa ilalim ng pamamahala ng Maylalang, na inalisan na ng karapatan na sambahin Siya, at ang karapatan na maging isang nilalang sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, na ang kaugnayan sa Panginoon ng paglikha ay lubusang pinutol? Ang pag-uusig ni Satanas kay Job ay isang bagay na maaring makita ng mga mata ng tao, ngunit kapag ibinigay ng Diyos ang buhay ng isang tao kay Satanas, ang kahihinatnan nito ay isang bagay na hindi maiisip ninuman. Ito ay kagaya lamang ng ilang mga tao na ipapanganak muli bilang isang baka, o isang asno, o ilang mga taong pinangibabawan, inalihan ng mga maruruming, masasamang espiritu, at iba pa. Ito ang kalalabasan, ang katapusan ng ilang mga taong ibinigay kay Satanas ng Diyos. Mula sa labas, tila itong mga taong nanlibak, nanira, humatol, at lumapastangan sa Panginoong Jesus ay hindi nagdanas ng anumang mga kahihinatnan. Gayunman, ang katotohanan ay na ang Diyos ay mayroong saloobin sa pakikitungo sa lahat ng bagay. Maaaring hindi Siya gumamit ng malinaw na wika upang sabihin sa mga tao ang kalalabasan ng kung paano Siya nakikitungo sa bawat uri ng tao. May mga pagkakataon na hindi Siya tuwirang nagsasalita, ngunit Siya ay gumagawa ng mga bagay nang tuwiran. Ang hindi Niya pagsasalita ukol dito ay hindi nangangahulugan na walang kahihinatnan—maaaring ang kahihinatnan ay mas malala pa. Mula sa mga pagpapakita, tila ang Diyos ay hindi nakikipag-usap sa ilang mga tao upang ibunyag ang Kanyang saloobin; ang totoo, ayaw ng Diyos na bigyang pansin sila sa mahabang panahon. Ayaw na Niya silang makita kailanman. Dahil sa mga bagay na kanilang ginawa, ang kanilang pag-uugali, dahil sa kanilang kalikasan at sa kanilang diwa, gusto na lamang ng Diyos na maglaho sila sa Kanyang paningin, nais na ibigay sila nang tuluyan kay Satanas, upang ibigay ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan kay Satanas, upang tulutan si Satanas na gawin ang maibigang gawin. Malinaw kung hanggang saan namumuhi ang Diyos sa kanila, kung hanggang saan nayayamot ang Diyos sa kanila. Kapag ginalit ng isang tao ang Diyos hanggang sa puntong ayaw man lamang silang makita ng Diyos, na lubusan ng sumuko ang Diyos sa kanila, hanggang sa puntong ayaw na ng Diyos na makitungo sa kanila Mismo—kapag nakarating ito sa punto na ibibigay na sila kay Satanas upang gawin ang maibigan, upang tulutan si Satanas na mamahala, lamunin, at tratuhin sila sa anumang paraan—ang taong ito ay natapos na nang tuluyan. Ang kanilang karapatan na maging isang tao ay binawi na magpakailanman, at ang kanilang karapatan bilang nilalang ay dumating na sa katapusan. Hindi ba ito ang pinakamalalang parusa?

Ang lahat ng ito sa itaas ay ang kumpletong paliwanag sa mga salitang: “hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating,” at ito din ay isang simpleng komentaryo sa mga talatang ito ng kasulatan. Sa tingin Ko ay mayroon na kayong pagkaunawa ngayon dito!

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

1. “Mag-udyok ng kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paano lumalaganap ang mga taong mala-diyablo, hinaharangan at tinututulan ang gawain ng Diyos.

2. “May ngipin na balyena” ay ginamit nang pakutya. Ito ay isang metapora sa kung gaano kaliit ang mga langaw na ang mga baboy at aso ay nagmumukhang sinlaki ng mga balyena sa kanila.

Sinundan:Tanong 35: Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon na napili at naitalaga na ng Panginoon ang mga pastor at elder, at na lahat sila ay naglilingkod sa Panginoon sa mga iglesia ng iba’t ibang relihiyon; kung susundin natin ang mga pastor at elder, talagang sinusunod at sinusundan natin ang Panginoon. Tungkol sa kung ano talaga ang kahulugan ng sundin ang tao at sundan ang tao, at ano talaga ang kahulugan ng sundin ang Diyos at sundan ang Diyos, hindi maunawaan ng karamihan sa mga tao ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag ito para sa amin.

Sumunod:Tanong 38: Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang sekta at denominasyon sa iba’t ibang relihiyon, nawala ang orihinal na pananampalataya at pagmamahal ng mga tao people at lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina. Nakikita rin namin ang panlalata ng espiritu at nadarama namin na wala kaming maipangaral at na nawala sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Pakisabi sa amin, bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon? Talaga bang kinamumuhian ito ng Diyos at iwinaksi na ito ng Diyos? Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng Diyos sa iba’t ibang relihiyon sa Aklat ng Pahayag?

Baka Gusto Mo Rin