Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong 25: Nanghahawakan ang mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga salita ni Pablo sa Biblia: “Lahat ng mga kasulatan [ay] kinasihan ng Diyos,” na naniniwala na lahat na nasa Biblia ay mga salita ng Diyos. Pero sinasabi mo na hindi lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, kaya tungkol saan ang lahat ng ito?

Sagot:

Una sa lahat, kailangan nating maintindihan kung paano nahubog ang Biblia, at noong ito’y ginawa. Ang orihinal na libro ng Biblia ay tumutukoy sa Lumang Tipan. Ang mga Israelita, iyon ay, ang mga Judio, tinawag lang ang Lumang Tipan na Kasulatan. At pagkatapos, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng yugto ng gawain ng pagtubos. Mahigit sa tatlong daang taon pagkatapos ng Panginoon, ang mga pinuno ng iglesia ng panahong iyon ay nagsama-sama para magsimula ng pulong. Naniwala sila na ang mga huling araw ay nalalapit na at ang mga salitang sinabi ng Panginoong Jesus, at ang mga epistola na isinulat ng mga disipulo, ay nararapat na pagsama-samahin para bumuo ng isang librong katulad ng Lumang Tipan, at pinadala sa mga iglesia sa lahat ng mga lugar. Sa ganitong paraan ang mga sulat ay mapangangalagaan nang mabuti at ang buhay ng mga iglesia ay maaring ilagay sa tamang landas. Samakatuwid, pinili nila, at pinagsama-sama ang lahat ng mga sulat ng mga apostol at disipulo ng Panginoong Jesus at kalaunan, matapos sumailalim sa pananaliksik, tinukoy nila ang pinagpiliang dalawampu’t pitong mga piraso ng sulat para maging opisyal na panuntunan ng Bagong Tipan. Magkasunod nilang isinama ang dalawampu’t pitong gawain ng opisyal na panuntunan ng Bagong Tipan at ang Lumang Tipan para maging kabuuang nilalaman ng Biblia. Ito ang batayan ng produksiyon ng buong libro ng mga Bago at Lumang Tipan. May ilang naniniwala na ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos; partikular sa, sinabi ni Pablo nang panahong iyon: “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios.” May katotohanan sa likod ng mga salitang ito. Sa panahong sinabi ang mga iyon, wala pang Bagong Tipan dahil ang Bagong Tipan ay hindi pa naging libro at watak-watak na liham lang ang mga ito. Laban sa ganitong uri ng pinagmulan, ano ba talaga ang tinutukoy ng mga salita ni Pablo? Siyempre, sanggunian ang mga iyon sa Lumang Tipan. Samakatuwid, ang pahayag ni Pablo sa 2 Timoteo na “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” ay nakadirekta sa Lumang Tipan dahil ang Bagong Tipan ay hindi pa nagiging Libro nang mga oras na iyon ngunit dose-dosenang watak-watak na mga liham na nasa pangangalaga ng bawat iglesia. Ito ay isang katotohanan at samakatuwid ang sinabi ni Pablo ay tiyak na hindi tumutukoy sa Bagong Tipan. Gayunpaman, ang mga tao sa mga huling araw ay kinuha ang “kasulatan” na sinabi ni Pablo para bigyang kabuluhan ang buong mga kasulatan ng mga Luma at Bagong Tipan. Ito ay sumasalungat sa mga katotohanan sa panahong iyon at kumokontra sa pinagmulan sa kung anong sinabi ni Pablo sa panahong iyon. Samakatuwid, hindi ito umaakma sa mga katotohanan at sumasailalim sa hindi patas at mga maling interpretasyon. Bukod pa rito, kung sinasabi nito na ang Lumang Tipan ay kinasihan ng Diyos, ito ba ay may katuturan? Ano ba ang isinasagisag ng “kinasihan ng Diyos” Ano ang tawag natin sa “kinasihan ng Dios”? Kung hahanguin natin ang “kinasihan ng Dios” sa Intsik bilang “默示,” ano ang ibig sabihin ng orihinal na teksto sa Hebreo? May katanungan sa loob nito at hindi talaga natin alam kung sila ba’y tiyak na isinalin o hindi. Sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan, si Moises ay naging pinuno ng mga Israelita at isang ministro na itinakda ng Diyos, iyon ay, isang taong pinamunuan ang mga tao ng Israel palabas ng Ehipto, at ipinaabot ang mga kautusan ng Diyos. Ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Moises. Si Moises ang may higit na awtoridad para ipaliwanag ang Lumang Tipan at wala ng kwalipikasyong ito ang iba. Buweno, sa Limang Libro ni Moises, nasabi ba niya na ang kanyang sinulat ay kinasihan ng Diyos? Una, ito ay hindi sinabi ni Moises; Pangalawa, sa lahat ng mga propetang iyon na siyang pinagtrabaho ng Diyos sa kapanahunan ng Lumang Tipan, wala sa kanila ang nakitang nagsalita sa ganitong paraan. Sa mga pinakadakilang propeta, sina Isaias, Daniel, at Ezekiel, mayroon ba sa kanilang nagsabi ng mga ganitong salita? Hindi. Ang pangungusap na “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” ay sinabi lang kalaunan ni Pablo, at samakatuwid hindi ito maaaring kunin bilang ebidensya. Kung sinabi ng Diyos na ang Lumang Tipan ay kinasihan lahat ng Diyos, sinabi na Niya sana sa pamamagitan ng mga propeta ngunit hindi ito lumalabas sa mga salita ng mga propeta. Kung nakuha ni Moises ang pananaw na ito, sinabi na niya sana, ngunit walang ganoong mga salita sa sinabi ni Moises. Ito ang uri ng pag-unawa na dapat nating taglayin tungkol sa paglikha ng Biblia at ng istruktura nito. Ito’y maaaring sabihin bilang ang istorya sa likod ng Biblia na magpapaalam sa atin kung paano talaga nabuo ang Biblia, sino ang sumulat nito, at sino ang nagrekord nito. Ang Biblia ay may ilang dosenang mga sumulat na nagbahagi ng isang karaniwang pag-unawa at isang karaniwang pananaw. Ilan sa kanila ang nagsabi na ang lahat ng ito ay kinasihan ng Diyos? Si Pablo lamang. Paano ang sinabi ni Pablo sa panahong iyon, na ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos, isinalin matapos ang ilang daang taon? Ang buong Lumang Tipan at Bagong Tipan ay kinasihan ng Diyos. Hindi ba’t ang naturang interpretasyon ay bagkus malayong mangyari at hindi kapani-paniwala?

Matapos ang paglitaw ng Bagong Tipan at ang kombinasyon nito sa Lumang Tipan, sa pagbabasa sa mga salita ni Pablo, naniwala ang mga tao na ang “kasulatan” sa mga salita ni Pablo ay sinaklaw ang Lumang Tipan at Bagong Tipan. Kung nabubuhay pa si Pablo, at narinig niya ang naturang paliwanag ng mga sumunod sa kanya, agad niya itong kokontrahin, ipinapahayag na: “Ang aking sinabi nang oras na iyon sa tumutukoy sa Lumang Tipan, hindi nito kasama ang Bagong Tipan,” Bukod pa rito, ano ang magiging posisyon ni Pablo, o bilang karagdagan sa lahat ng tulad ni Pedro at iba pa na sumulat ng mga epistola ng Bagong Tipan, kapag nakita nila ang mga tao sa mga sekta sa mga huling araw na itinuturing ang mga epistolang kanilang isinulat na tila ito ay mga salita ng Diyos? Matatanggap ba nila ang katotohanang ito? Ano ang kanilang dapat sabihin? Sasabihin ba nilang: “O mahal, nakapag-aalala ito. Nakagawa ka ng isang malaking pagkakamali at ika’y nakagawa ng heresiya. Tayong lahat ay magkakapatid, ano man ang aming sinabi ay hindi kumakatawan sa salita ng Diyos. Napakabulag mo naman, paano mo kinuha ang aming mga salita para maging salita ng Diyos?” Magugulat sila, di ba? Hindi agad isinulat nila Pablo at Pedro ang kanilang mga epistola matapos ang pag-akyat ng Panginoong Jesus. Tatlumpung taon pa matapos ang pag-akyat ng Panginoong Jesus na ang kanilang epistola ay lumabas nang magkakasunod, at pormal lamang silang nagsulat ng mga epistola matapos mangaral ng dalawampu o tatlumpung taon. Matapos ang mga sulat na ito na kanilang isinulat ay naipadala sa mga iglesia, paano tinignan ng mga kapatid sa iglesia ang mga ito? Maaari bang sinabi nila “O, ito ay tinig ng Diyos, ito ay salita ng Diyos!”? Sasabihin ba nila ito? Sasabihin sana nila: “O, ito ay liham mula kay Kapatid na Pedro, tignan ninyo, talagang maganda ang kanyang isinulat sa liham na ito, nakakapagpaliwanag talaga ito,” “O, ito ay liham mula kay Kapatid na Pablo,” “Ito ay liham mula kay Barnabas,” “Ito ay liham mula kay Mateo.” … Sa panahong iyon, maaaring kayang napagkamalan ng ilan ang mga epistolang ito mula sa mga disipulo bilang salita ng Diyos? Isang daang porsiyentong hindi, hindi nila kaya, dahil itong mga iilang kapatid, ang mga desipulong ito ay hindi kailanman sinabi na sila ay Diyos, ni hindi sila kailanman nagsabi na sila ay Diyos na nagkatawang-tao. Kinilala nilang lahat na sila ay mga mananampalataya ng Panginoong Jesus, na sila ay naging mga desipulo ng Panginoong Jesus. Samakatuwid, ang mga kapatid sa mga iglesia sa panahong iyon ay nakita rin sila bilang mga kapatid at kinuha ang kanilang mga liham at ang kanilang sinabi bilang mga salita ng mga kapatid, komunikasyon ng mga kapatid, at pagsasaksi ng mga kapatid, na ganap na tama at umaayon din sa makasaysayang pinagmulan. Gayun pa man, itinuturing ng mga tao ngayon na salita ng Diyos ang mga salita ng mga disipulo, at binabanggit ang mga ito sa halos magkasabay na pagkakataon bilang salita ng Diyos; hindi ba ito sumasalungat sa makasaysayang katotohanan ng panahon? Ang mga tao ngayon ay nangangahas na sumalungat sa makasaysayang katotohanan nang dilat na dilat ang mga mata at kinukuha ang mga salita ng mga taong ito bilang salita ng Diyos nang hindi nakakaramdam na sila ay nagkakamali. Kung may isang tao na maglalantad ng katotohanang ito, ipagtatanggol pa rin nila ang kanilang mga sarili, at babanggitin ang mga salita ng Biblia para ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Mayroon bang anumang batayan para sa mga ganoong salita? Ano ang kanilang tinutukoy? Naiintindihan mo ba ang mga ito? May mga salita na ganito ang epekto sa mga liham ng mga disipulo: Nabanggit ni Pedro na ang mga salita, ang mga epistola, ni Kapatid na Pablo ay napaliwanagan ng Diyos, ng Banal na Espiritu, at naglaman ng gawain ng Banal na Espiritu; hindi ba ito ang sinabi ni Pedro? Ngunit hindi sinabi ni Pedro na ang mga salita ni Pablo ay mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ni Pedro na ang mga salita ni Pablo ay kinasihan ng Banal na Espiritu at dapat silang ituring bilang salita ng Diyos, at kung hindi ikaw ay nagkamali. Hindi rin nangahas na sabihin ni Pablo na ang kanyang mga salita ay ibinunyag ng Diyos, na ang mga ito ay kinasihan ng Diyos. Ni hindi si Pablo o si Pedro ay nangahas na sumaksi na ang mismong sinabi nila ay ang salita ng Diyos, kaya paano magagawa ng mga mananampalataya sa mga huling araw na ituring ang kanilang mga salita bilang salita ng Diyos? Anong pagkakamali ang ginagawa nila? Masasabi mo ba na ang mga tagapagsalin ng mga kasulatan sa buong relihiyosong mundo ay naintindihan ang mga ito nang tama o hindi? Ang pagharap sa naturang malaking hindi makatwirang pagkakamali, wala silang kamalay-malay dito, walang kaalaman dito at hindi ito nakikita. Ang mismong mga taong ito ay walang katotohanan at hindi nakakakita sa mga bagay; gayon pa man, ang ibang mga tao ay bulag silang sinasamba. Ang paniniwala ng mga tao sa Diyos ay batay sa pamahiin, paniniwalaan nila kung ano man ang sinabing paniwalaan nila, sumamba nang walang pinipili, gumawa ng mga analohiyang malayong mangyari, at sumunod sa mahigpit na mga panuntunan. Hindi nila hinahayaan ang sinuman na magsalita nang totoo, hindi hinahayaan ang sinuman na sabihin ang katotohanan. Ni hindi nga nila hinahayaan na mailahad ang makasaysayang katotohanan at ang resulta ay ang mga mananampalataya sa mga huling araw ay nalinlang. Nagsimulang maging mapamahiin ang mga mananampalataya tungkol sa Biblia, para sambahin ang Biblia, para ilugar ang Biblia na mas mataas sa Diyos, iniisip na ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos, at lahat ay dapat naaayon sa Biblia. Pinanghahawakan nila ang mga naturang mapamahiing paniniwala at pagmamahal tungkol sa Biblia. Hindi ba ito’y hindi makatwirang pagkilos? Paano pinanghahawakan ng mga tao ang mapamahiing paniniwala tungkol sa Biblia? Ginagawa nila ito kapag hindi nila ito itinuturing alinsunod sa mga makasaysayang katotohanan. Hindi nila tunay na hinahangad ang katotohanan at itinuturing ang Biblia ayon sa pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, ngunit sa halip ay bulag nilang sinasamba ang sikat na mga tao, at kahit sino man ang nagsabi ng ano man, itinuturing nilang tama ang lahat ng ito, at tinatanggap ang lahat ng ito, at isinasagawa ito nang walang pinipili. Wala bang kamalian si Pablo? Eksakto ba ang kanyang sinabi? Siya ay tao rin, paano naging posible para sa isang tao na hindi maging marumi? Samakatuwid, hindi ba isang pagkakamali na sa Kapanahunan ng Biyaya, pinagsama-sama ng mga tao ang mga liham ng mga disipulo sa salita ng Diyos at inayon ang mga ito kasama ang salita ng Diyos? Ang mga salita ng Diyos sa Biblia ay ang mga salita ng Diyos, habang kung ano ang sinabi ng tao ay salita ng tao. Aling mga salita sa Biblia ang salita ng Diyos? Dapat nating mabatid ang mga ito. Ang lahat ng sinabi ng Mismong Diyos na si Jehovah, kung ano ang inutos na sabihin ng Diyos na si Jehovah kay Moises, ano ang inutos na sabihin ng Diyos na si Jehovah sa mga propeta, kung ano ang sinabi sa mga propeta na ipahayag, at gayon din kung ano ang sinabi ng Mismong Panginoong Jesus, tanging ang mga ito ang tunay na salita ng Diyos. Nakakita ka ba ng isang bagay sa mga salita ng mga propeta na partikular na simboliko? Sinasabi nila “Kaya sinabi ng PANGINOON,” hindi nila sinabing “Kaya sinabi ko, akong si Daniel (akong si Isaias).” Ipinapaliwanag nito na kinokopya lamang nila ang salita ng Diyos. “Kaya sinabi ng PANGINOON,” “Ito ang sinasabi ng PANGINOON,” ang mga salitang ito ay nagbibigay linaw sa mga tao na kinokopya ng mga propeta ang orihinal na mga salita ng Diyos. Samakatuwid, ang lahat ng orihinal na mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta ay tunay na salita ng Diyos, ang lahat ng naitala na sinabi Mismo ng Diyos na si Jehovah ay ang tunay na salita ng Diyos, ang lahat ng naitala ng mga disipulo na sinabi Mismo ng Panginoong Jesus ay ang salita ng Diyos. May bahagi lang ng Biblia na tunay na salita ng Diyos at maliban doon, ang lahat ng sinabi ng mga disipulo at mga bagay na naitala ng mga lingkod ng Diyos ay pagsasaksi ng mga tao. Sa sandaling tayo ay magsalita tungkol sa pagsasaksi ng mga tao, nagkakaroon ng problema. Minsan ang sinasabi natin ay hindi kumpleto, hindi matibay, nagkukulang ito ng mga bagay; samakatuwid, sa Kanyang gawain sa mga huling araw sinabi ng Diyos na sa mga panahong iyon mayroong ganitong uri ng katotohanan, at ganoon noong panahong iyon, at kinailangan Niyang gumawa ng pagdadagdag. Halimbawa, ang mga kalagayan ni Pablo ay ganito’t ganyan, ang kalagayan ni Pedro ay ganito’t ganyan; dinagdagdagan ng Diyos ang mga ito sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Samakatuwid, makikita natin mula rito na ang anumang sinabi ng tao ay hindi lubos na umaayon sa tunay na pinagmulan, ibinubunyag ng Diyos ang isyung ito sa Kanyang gawain sa mga huling araw.

mula sa “Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pangangaral ng Ebanghelyo” sa

Maliligtas Lamang ang Isang Tao Kapag Nanalig Siya sa Makapangyarihang Diyos

Dahil sa mga sulat ni Pablo minsang binanggit na ang lahat ng kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, pagkatapos, ang mga grupong pangrelihiyon ay nagsimulang limitahan ang lahat ng nakasulat sa Biblia bilang ang inspirasyon ng Diyos, at bilang mga salita ng Diyos. Ang sinabi ni Pablo ay walang batayan, sapagkat ang Diyos ay hindi kailanman nagpatotoo sa Biblia sa ganitong paraan, ni sinabi kailanman ng Panginoong Jesus na ang Biblia ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos at ang ganap na salita ng Diyos. Ang patotoo ni Pablo sa Biblia ay batay lamang sa kaniyang indibidwal na kaalaman dito; siya ay hindi ganap na nagsasalita sa ngalan ng Diyos. Ang Banal na Espiritu at ang Diyos na nagkatawang-tao lamang ang nakakaalam ng panloob na kuwento sa kung ano patungkol ang Biblia, at ang mga tao ng paglalang ay hindi ito naunawaan ng husto. Ito ay katotohanan. Sinabi lamang ng Panginoong Jesus na ang Biblia ay patotoo ng Diyos; hindi Niya sinabi na ito ay inspiradong lahat ng Diyos at ang salita ng Diyos. Ni ang Banal na Espiritu ay hindi kailanman nagbigay ng gayong patotoo tungkol sa Biblia sa sinuman. Kaya, ang sinabi ni Pablo ay walang saligan. Hindi siya nagsasalita sa ngalan ng Diyos, kahit man lang sa Banal na Espiritu. Ang mga nilalaman ng Biblia ay talaan lahat ng mga aktuwal na kaganapan at mga patotoo ng mga karanasan na may kaugnayan sa gawain ng Diyos, na isinulat ng mga taong naglingkod sa Kaniya. Wala sa mga kabanata ang isinulat ng Diyos Mismo; ang kanilang mga may-akda ay naghahatid lamang ng salita ng Diyos o naglalarawan ng kanilang sariling mga karanasan at pagkaunawa, na naliwanagan sa pamamagitan ng pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, upang sumaksi sa pangalan at gawain ng Diyos. Ito ay katotohanan. Bagaman ang mga nakasulat na mga salaysay at mga sulat ng mga apostol ay naliwanagan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, hindi sila kumakatawan sa salita ng Diyos, sapagkat ang Banal na Espiritu ay nagpapalinaw, nagpapaliwanag, at gumagabay sa bawat tao ayon sa kaniyang indibidwal na situwasyon para maabot niya ang pagkaunawa sa katotohanan at tamuhin ang kaalaman ng Diyos. Ito ang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya, ang pagliliwanag at pagpapalinaw na dulot ng gawain ng Banal na Espiritu ay hindi katumbas ng salita ng Diyos; ang mga pagbigkas ng Diyos ay kumakatawan sa disposisyon ng buhay ng Diyos at dinadalang lahat ang esensya ng katotohanan. Walang pangungusap na sinalita ng Diyos ang kailanma’y maaaring ganap na maranasan ng mga tao, sapagkat ang Kaniyang mga pagbigkas ay naglalaman ng napakaraming esensya ng katotohanan para ating maunawaan sa loob ng limitadong karanasan ng isang habang-buhay. Dahil dito, kahit na gaano karaming mga tao pa ang maunawaan ang katotohanan o makilala ang Diyos, hindi nila kailanman magagawang maipahayag ang Kanyang salita. Tila, ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ay nagbibigay lamang sa mga tao ng ilang liwanag at patnubay upang sa pamamagitan nito ay maunawaan ang katotohanan; walang saysay kahit na gaano pa kalalim ang kanilang mga karanasan at maging ang kanilang mga patotoo, ang mga ito ay hindi dapat na kahit banggitin sa parehong antas sa mga pagbigkas ng Diyos. Dahil sa ang esensya ng mga tao at ang esensya ng Diyos ay kasing-iba ng gabi at araw, ang mga tao ay hindi kailanman magagawang magpahayag ng salita ng Diyos; si Cristo lamang na pinagkalooban ng esensya ng pagkaDiyos ng Diyos ang kayang gawin ito. Ang mga propeta ay kaya lamang maghatid ng salita ng Diyos; kahit ang mga tao na maaaring ginamit ng Banal na Espiritu ay kaya lamang salitain ang kanilang sariling mga karanasan at kung ano ang kanilang nasaksihan sa kanilang sarili. Ang mga tao ay kaya lamang magpahayag ayon sa kanilang sariling esensya; ito din naman, ang tumitiyak sa kanilang mga patotoo. Ang Diyos ay nagtataglay ng esensya ng pagkaDiyos, kaya likas Niyang ipinahahayag ang salita ng Diyos; tayong mga tao ay may esensya ng pagkatao, kaya ang ating naipahahayag ay likas na batay sa ating mga karanasan at kung ano ang ating nasaksihan. Sa pangyayaring ito, bukod sa mga bahagi na inihahatid sa pamamagitan ng mga tao na mga salita ng Diyos, ang natitira ay walang alinlangan na mga salaysay ng mga karanasan at pagkaunawa ng tao. Kahit na ang mga ito ay maaring nakalinya sa katotohanan, ang mga ito ay talagang hindi maikukumpara sa salita ng Diyos, sapagkat ang esensya ng sangkatauhan ay isang malayong iba mula sa esensya ng Diyos. Samakatuwid, habang binabasa ang Biblia, dapat tayong gumawa ng isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga bahagi na naglalaman ng salita ng Diyos at niyaong mga sinalita ng mga tao. Sa gayong paraan lamang natin mapakikitunguhan nang responsable ang Biblia at sa paraan na tumatalima sa kalooban ng Diyos. Higit pa rito, kapag ang relihiyosong komunidad ay nagpapahayag na ang lahat ng nakasulat sa Biblia ay salita ng Diyos, ito ay hindi naaayon sa mga makasaysayang katotohanan ng panahon. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus ay hindi kailanman sumaksi na sabihin na ang mga sulat at patotoo na isinulat ng mga apostol ay inspirasyon ng Diyos. Bukod dito, ang mga apostol mismo ay hindi rin kailanman sinabi na ang kanilang sinulat ay nagmula sa inspirasyon ng Diyos; ni hindi nila pinangahasang ipahayag na ito ay aktuwal na salita ng Diyos. Ang mga sulat na ipinadala sa mga iglesia sa panahong iyon ay nakitang lahat bilang mga sulat na isinulat ng mga apostolikong kapatid; wala ni isa man sa kanilang lahat ang nagsabi na ang mga iyon ay salita ng Diyos at inspirado ng Diyos. Ito ay ang katotohanan noon. Ito ay hindi na ba katotohanan ngayon? Ngayon, sa mga huling araw, ang mga tao na iginigiit na ang mga sulat ay ang salita ng Diyos ay sumasalungat sa mga makasaysayang katotohanan! Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga lingkod ng Diyos at mga propeta ay hindi nagsabi na ang kanilang mga salita ay mga inspirasyon ng Diyos, ni ang mga ito ay salita ng Diyos. Sa mga aklat naman na kanilang isinulat, ang mga Israelita sa panahong iyon ay tiyak na nakita ang mga ito na isinusulat ng mga lingkod o mga propeta ng Diyos. Bukod sa mga salita ng Diyos na kanilang ipinahayag, ang iba ay maaaring ikategorya bilang mga talaan ng gawain ng Diyos. Kung ang mga Israelita ay hindi kailanman nagpatotoo na ang mga aklat na isinulat ng mga lingkod at mga propetang ito ay mga inspirasyon at mga pagbigkas lahat ng Diyos, paano kung gayon magagawa ng mga taong nabubuhay makalipas ang dalawang libong taon na sumalungat sa mga makasaysayang katotohanan ng panahong iyon? Paano magagawa ng mga tao na malayang igiit na ang mga salita ng Biblia na isinulat ng mga tao ay tunay na salita ng Diyos? Ito ay hindi alinsunod sa mga makasaysayang katotohanan! Ang pamahiin at idolatriya na kung saan tinatanaw ng mga tao sa mga huling araw ang Biblia ay mahiwagang nagmulang ganap sa mga konsepto at imahinasyon ng tao; sila ay wala talagang batayan sa salita ng Diyos. Ang kaugaliang ito sa gitna ng relihiyosong komunidad na walang taros na pagsunod sa Biblia ay nakaliligaw, at paglaban sa Diyos. Ganito kung paanong ang lakas ng anticristo ay nakapagliligaw sa mga tao at nililito sila papunta sa mga pamahiin at huwad na pagsamba sa Biblia. Ito ay naging sanhi na upang ang napakaraming mga sekta ay mabuo, pinabubulusok ang buhay sa iglesia at mga buhay ng mga tao sa kaguluhan at nagiging sanhi ng maraming negatibong mga bunga. Sa puntong ito, ang mga tao ay dapat na salaminin ang kanilang mga sarili, makilala kung ano ang nangyayari, at hanapin ang katotohanan upang malutas ang problemang ito at maiwasang maligaw mula sa tamang landas.

mula sa “Yaong mga Hindi Makakilala kay Cristo bilang ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay ay Hindi Makakapasok sa Kaharian ng Langit Kailanman” sa Koleksyon ng mga Sermon—Suplay para sa Buhay

Ang karamihan sa relihiyosong mundo ay umaasa sa mga salita ni Pablo na “Ang lahat ng mga banal na kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos” at hangga’t nananalig ang tao sa Biblia ay dadalhin sila sakaharian ng langit. Lalo na sa mga huling araw, naniniwala pa rin dito ang karamihan sa mga mananampalataya ng Panginoon. Ngunit naaayon ba ang pananaw na ito sa katotohanan at mga katunayan? Sinabi ba kailanman ng Panginoong Jesus na “Ang lahat ng mga banal na kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos”? Nagpatotoo ba kailanman ang Banal na Espiritu sa mga ito? Hindi nila ginawa. Sinabi ito ni Pablo. Marami sa mga mananampalataya ang gumamit ng mga salitang ito ni Pablo bilang batayan ng kanilang paniniwala na ang bawat salita sa Biblia ay hango sa Diyos at ang salita ng Diyos. Hindi ba ito isang malaking pagkakamali? Naniniwala din ang ilang tao na kahit na winiwika ng isang tao, ito ay ang salita ng Diyos hangga’t naitala ito sa Biblia. Hindi ba’t nakakalinlang at kakatuwa ang naturang pananaw? Dapat ay napakalinaw na ang lahat sa mga mananampalataya ng Panginoon na ang Biblia ay isa lamang patotoo ng Diyos at isang tala na nagdodokumento sa gawain ng Diyos. Ang paglikha ng Biblia ay batay sa gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay puno ng labanan sa pagitan ng Diyos at ng masasamang puwersa ni Satanas, kaya ang salita ng Diyos ay hindi lamang ang tanging bagay na naitala sa Biblia, dahil mayroon ding mga salita mula sa iba’t ibang tao at kahit kay Satanas. Ito ay isang malinaw na katunayan. Paano nagawang magbuo ng mga tao ng gayong maling paniniwala? Bakit hindi nila kayang magsalitaayon sa mga katotohanan? Ang sinumang nakabasa ng Biblia ay alam na naglalaman ang Biblia ng mga pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ni Moises, Diyos at ni Job, Diyos at ng Kanyang mga napiling tao, at sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Posible bang ang mga salitang winika ng taong kausap ng Diyos ay naging salita ng Diyos? Hindi ba iyon masyadong kakatuwa? Samakatuwid, ang kasabihang “Ang lahat ng mga banal na kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos at ang salita ng Diyos” ay hindi maaaring mapanindigan! Ang ilan sa mga kakatuwang tao ay basta na lang ipinilit na ang salita ng tao sa Biblia ay salita ng Diyos. Ito ay ganap na naiiba sa katotohanan, Ganap nitong dinudumihan ang Diyos, nilalapastangan ang Diyos, at seryosong nagkakasala sa disposisyonng Diyos! Ang mga salita ng Diyos ay salita ng Diyos, ang mga salita ng tao ay salita ng tao, at ang mga salita ni Satanas ay salita ni Satanas. Bakit pinaghahalo ng mga tao ang mga ito? Laging magiging katotohanan ang mga salita ng Diyos. Hindi kailanman magiging katotohanan ang mga salita ng tao at kadalasan ay maaari lamang sumunod sa katotohanan. At na Laging magiging kabulaanan at kasinungalingan ang mga salita ni Satanas. Kahit na binigkas nang sampung libong beses, mga kabulaanan at kasinungalingan pa rin ang mga ito! Dapat tanggapin ng mga matatalinong tao ang katunayang ito. Tanging ang mga hangal na tao lamang ang magpipilit sa mga maling pananaw. Mas malilinawan tayo sa problemang ito pagkatapos nating basahin ang isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ngayon, naniniwala ang mga tao na ang Biblia ay Diyos, at na ang Diyos ay Biblia. Kaya naniniwala rin sila na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita lamang na binigkas ng Diyos, at na lahat ng ito ay sinabi ng Diyos. Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na bagama’t lahat sa animnapu’t anim na aklat ng Luma at Bagong Tipan ay isinulat ng mga tao, lahat ng ito ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, at isang talaan ng mga binigkas ng Banal na Espiritu. Ito ang maling paliwanag ng mga tao, at hindi ito lubos na naaayon sa mga totoong nangyari. Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa paliwanag ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng tao, resultang lahat ito ng paliwanag ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa iglesia, mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang binigkas ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Philadelphia, Galacia, at iba pang mga iglesia. Sa gayon, ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga isinulat ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito direktang binigkas ng Banal na Espiritu. ... Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga binigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang walang delikadesa. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi kalapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang binigkas na para bang ang mga ito ay isang banal na aklat, o isang aklat ng langit? Maaari bang bigkasin ng tao na parang balewala ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?” (“Patungkol sa Biblia (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na binigkas ng Diyos. Dinodokumento lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa buong panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Nasa marami sa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at walang katotohanang mga interpretasyon ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng paliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga interpretasyong iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tumpak na tumpak na mga pagpapahayag ng katotohanan” (“Patungkol sa Biblia (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Dahil nabasa na natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita nating lahat na ang Biblia ay hindi ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos nang buung-buo, hindi puro salita ng Diyos. Patungkol sa kung aling mga bahagi ng Biblia ang salita ng Panginoon at alin ang mga salita ng mga tao, yaong may matang nakakahiwatig ay agad itong matutukoy. Sapagkat ang pangalan ng may-akda ay malinaw na nakasaad sa bawat talata ng Biblia, at malinaw ring nakasaad kung aling bahagi ng Biblia ang naglalaman ng mga salita ng Diyos. Kaya bakit wala man lang kaabug-abog, patuloy na tinanggap ng mga tao ang mga salita ng tao at ni Satanas na mga salita ng Diyos? Makatarungan ba ang pamamaraang ito ng pananalita? Kung igigiit ng mga nananalig sa Panginoon na ang mga salita ng tao na nasa Biblia ay totoong salita ng Diyos, ano sa palagay n’yo ang mararamdaman ng Diyos? Makatarungan ba ito sa Diyos? Hindi ba ito paninirang-puri, pagmahak at paglapastangan sa Diyos? Ano ang halaga ng salita ng tao sa mga mata ng Diyos? Bakit hindi tayo mag-isip sandali? Paano makakahambing ang salita ng tao sa salita ng Diyos? Napakalayo ng diwa ng tao sa diwa ng Diyos, kaya siyempre napakalayo ng mga salita ng tao sa salita ng Diyos. Kung, sa pamamagitan ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu, ang salita ng tao ay maaaring umayon sa katotohanan, malaking tagumpay na ‘yan. Kung ang salita ng tao ay hindi nagagabayan ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi ba maling pagkaintindi at kasinungalingan ito? Kung hindi ito nakikita ng mga nananalig sa Diyos, ikinalulungkot kong sabihin na napakahangal at napakamangmang nila! Sa panahong ito, itinuturing ng lahat ng relihiyon ang mga salita ng mga tao sa Biblia na mga salita ng Diyos. Ipinapakita nito na walang sinuman sa mga relihiyon ang talagang nakakakilala sa Diyos. Karamihan sa mga pinuno ng mga relihiyon ay mapagkunwaring mga Fariseo. Yaong mga tunay na kilala ang Diyos ay hindi maniniwala kailanman na ang Biblia ay ibinigay na lahat sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos at puro salita ng Diyos. Tiyak na hindi nila pikit-matang sasambahin ang Biblia at tatratuhin pang Diyos ang Biblia. Pinanghahawakan ng halos lahat ng relihiyon na ang Biblia ay ibinigay na lahat sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos at ang salita ng Diyos, at na ang Biblia ay maaaring kumatawan sa Diyos. Ito ang lubhang katawa-tawang maling paniwala sa lahat ng relihiyon.

mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

Sinundan:Tanong 24: Pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, na ipinapahayag niya ang buong katotohanan na magtutulot sa mga tao na mapadalisay at maligtas, at na kasalukuyan Niyang ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, pero hindi tayo nangangahas na tanggapin ito. Ito ay dahil sa madalas ituro sa atin ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nakatala sa Biblia at hindi maaaring magkaroon ng iba pang mga salita o gawain ng Diyos sa labas ng Biblia, at na lahat ng tumataliwas o lumalabis sa Biblia ay erehe. Hindi namin mahiwatigan ang problemang ito, kaya pakipaliwanag mo naman ito sa amin.

Sumunod:Tanong 26: Ang Biblia ang pamantayan ng Kristiyanismo at sumunod ang mga nananalig sa Panginoon sa Biblia sa loob ng dalawang libong taon. Bukod pa riyan, naniniwala ang karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon na ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon, na ang pananalig sa Panginoon ay pananalig sa Biblia, at ang pananalig sa Biblia ay pananalig sa Panginoon, at na kung lalayo ang isang tao sa Biblia, hindi sila matatawag na isang nananalig. Puwede ko bang malaman kung ang pananalig sa Panginoon sa ganitong paraan ay naaayon sa kalooban ng Panginoon?

Baka Gusto Mo Rin