Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Tanong 21: Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus bilang alay para sa kasalanan ng tao, sa gayo’y tinutubos tayo mula sa kasalanan. Kung lalayo tayo sa Panginoong Jesus at maniniwala sa Makapangyarihang Diyos, hindi ba ito pagkakanulo sa Panginoong Jesus? Hindi ba ito apostasiya?

Sagot:

Sa ating mga taon ng paniniwala sa Panginoon, bawat isa sa atin ay tumanggap mula sa Panginoong Jesus ng maraming biyaya at pagpapala, na may mga pusong puspos ng pag-ibig at pasasalamat sa Panginoon. At nang tiyakin para sa kadahilanang ito, kapag narinig natin ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, hindi natin maiwasan na magkaroon ng alalahanin sa ating mga puso: Kung iiwanan natin ang Panginoong Jesus at ilalagay ang ating pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, hindi ba’t iyon ay pagtataksil sa Panginoong Jesus?

Mga kapatid, hayaan ninyong gumawa tayo ng isang pagkakatulad. Ipagpalagay na nabuhay tayo sa panahon nang ang Kapanahunan ng Kautusan ay naging Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang panahon nang dumating ang Panginoong Jesus sa lupa upang gumawa. Ano ang magiging katulad ng ating mga puso sa kalooban? Iisipin ba natin na ipinagkakanulo ng mga mananampalataya sa Panginoong Jesus ang Diyos na Jehova? Ang totoo, lahat ng saloobin sa ating mga puso ngayon ay katulad ng sa mga taimtim na mananampalataya sa Diyos na Jehova. Maaaring naisip din ng mga Hudyo ng panahong iyon: Ang pagsunod sa Panginoong Jesus ay magiging kataksilan sa Diyos na Jehova, pag-alis mula sa paraan ng Diyos na Jehova, at pagkakanulo sa Diyos na Jehova. Gaya ng nakita nila ito, ang gawain ng Panginoong Jesus ay hindi katulad ng gawain ng Diyos na Jehova, at ang Kanyang pangalan ay hindi Mesyas, ngunit Jesus. Hindi nila napagtanto na ang Panginoong Jesus at ang Diyos na Jehova ay iisa, ngunit inakala na walang kaugnayan ang Panginoong Jesus at ang Diyos na Jehova, sinasabing inililigaw ng Panginoong Jesus ang mga tao (basahin ang Juan 7:45-48), sinasabing ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay maling pananampalataya (basahin ang Mga Gawa 24:14), na nangahulugan na pagkakanulo sa Diyos na Jehova. Malinaw, ang dahilan kung bakit hinatulan ng mga taong iyon ang gawain ng Panginoong Jesus bilang maling pananampalataya, bilang isang kulto, at hinatulan ang paglisan mula sa kautusan ng Lumang Tipan upang maniwala sa Panginoong Jesus bilang lubusang pagtalikod sa relihiyon, ay dahil hindi nila alam ang mga prinsipyo ng paggawa ng Diyos—palaging bago at hindi kailanman luma. Ginagamit nila ang dating gawain ng Diyos upang sukatin ang bagong gawain ng Diyos, at hinatulan at nilabanan nila ang bagong gawain na inakala nilang hindi tumutugma sa dating gawain. Pinanghahawakan nila ang luma! … Alam nating lahat hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, subalit, batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan at sa sariling plano ng pamamahala ng Diyos, patuloy itong umuunlad. Sa paraang ito lang maililigtas ang sangkatauhan nang unti-unti mula sa impluwensiya ni Satanas. Sa katunayan, ang Panginoong Jesus ay ang Espiritu ng Diyos na Jehova na nagkatawang-tao. Ang Kanyang gawain ay ang pagpapatuloy ng gawain ng Diyos na Jehova. Ang ibig sabihin, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay ang pagpapatuloy ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang gawain na ginawa ng Panginoong Jesus ay ang pagsulong batay sa gawain ng Diyos na Jehova. Ang dalawang yugto ng gawain ay dalawang uri ng gawain na ginawa sa dalawang magkaibang kapanahunan ng iisang Diyos. Bagama’t dahil sa pagkakaiba ng mga kapanahunan ang mga pangalan ng Diyos ay hindi pareho at ang gawain ng Diyos ay hindi magkatulad, si Jesus at Jehova ay iisa pa rin (basahin ang Juan 10:30). Pareho Silang ang Diyos Mismo. Yaong tumanggap sa bagong gawain ng Diyos, ang mga tagasunod ng Panginoong Jesus, tiyak na hindi nagkanulo sa Diyos, ngunit sinundan ang mga yapak ng Diyos, mga tapat sa Diyos, na ganap na sumusunod sa puso ng Diyos. At yaong mga may pakiramdam ng pagkamatapat sa Diyos na Jehova ay tumangging tanggapin ang bagong gawain ng Diyos at hindi iniwan ang templo upang sundan ang Panginoong Jesus, ay ang mga taong lumalaban sa Diyos. Hindi lang nila hindi tinanggap ang pag-apruba ng Diyos, ngunit sa bagkos ay naging mga bagay ng pagtanggi ng Diyos.

Patuloy na sumusulong ang kapanahunan at umunlad hanggang sa mga huling araw, na nangangahulugan na dumating na ang panahon upang wakasan ang kapanahunan na itinalaga ng Diyos dalawang libong taon na ang nakalipas, at tatapusin ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at gagawin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawaing ito ay isang bagong yugto ng gawain na ginagawa ng Diyos batay sa gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Siyempre, ang gawaing ito ay ang gawain din ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama na hinulaan ng Panginoon dalawang libong taon na ang nakalipas ay gagawin sa Kanyang ikalawang pagdating sa mga huling araw. Dahil ang kasalukuyang kapanahunan ay hindi na ang Kapanahunan ng Biyaya, kaya dapat pumili ang Diyos ng bagong pangalan (basahin ang Pahayag 3:12) upang katawanin ang Kanyang bagong gawain. Ang pangalang ito na kumakatawan sa Kanyang bagong gawain ay ang Makapangyarihang Diyos (basahin ang Pahayag 1:8, 11:16-17, 15:2-3), at ang Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, hindi na ginagawa ang gawain ng pagtubos, ngunit ginagawa ang gawain ng paghatol (basahin ang Pahayag 14:6-7; Juan 12:48). Mas mataas na yugto ito ng gawain batay sa gawain na ginawa ng Panginoong Jesus. Katulad ng sa panahong iyon na ang Panginoong Jesus, batay sa gawain ng Diyos na Jehova ng paggawa sa tao na “malaman ang kasalanan,” ginawa ang isang yugto ng gawain ng “pagtubos sa kasalanan,” ngayon, ang Makapangyarihang Diyos sa batayan ng “pagpapatawad sa kasalanan” ay gumagawa ng isang yugto ng “pag-aalis ng kasalanan.” Jehova, Jesus, Makapangyarihang Diyos: ang tatlong ito ang iba’t ibang pangalan na pinili ng Diyos sa iba’t ibang kapanahunan batay sa iba’t ibang gawain. Bagama’t iba’t iba ang mga pangalan, at ang mga gawain ay iba’t iba, iisa pa rin ang Diyos. Katulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Minsan na Akong kinilala bilang Jehova. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na bumabangon mula sa mga dulo ng mundo, puno sa Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakibahagi sa Akin ang mga tao, kailanman hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa mga tao. Siya ay nakikipamuhay kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nag-aapoy na araw at nagniningas na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isang tao o bagay ang hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay ang minsan ng alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari Ako ng disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay sambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Naisulong ng gawaing ginagawa sa kasalukuyan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; iyan ay, ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nakasulong. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon ng pag-unlad sa gawain ng Diyos. Bakit paulit-ulit Kong sinasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nagtatayo sa ibabaw ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan? Nangangahulugan ito na ang gawain sa kasalukuyan ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagsulong doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay at ang bawa’t kawing sa kadena ay nakadugtong sa isa. Bakit sinasabi ko rin na ang yugtong ito ng gawain ay tumatayo roon sa ginawa ni Jesus? Kung sakaling hindi nakatayo ang yugtong ito sa gawaing ginawa ni Jesus, kakailanganin Niyang maipakong muli sa yugtong ito, at ang gawaing pagtubos ng nakaraang yugto ay kailangang ulitin muli. Magiging walang saysay ito. Kaya’t hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong ang kapanahunan at ang antas ng gawain ay naitaas nang mas mataas pa kaysa rati. Maaaring sabihin na ang yugtong ito ng gawain ay itinayo sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ay itinatayo nang yugtu-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong pasimula. Tanging ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain ang maaaring ituring na anim-na-libong-taong plano ng pamamahala” (“Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ako at si Jesus ay mula sa iisang Espiritu. Bagama’t wala Kaming kaugnayan sa Aming mga katawang-tao, iisa ang Aming mga Espiritu; bagama’t ang nilalaman ng ginagawa Namin at ang gawain na ginagampanan Namin ay magkaiba, magkapareho Kami sa diwa; magkaiba ang porma ng Aming mga katawang-tao, nguni’t ito ay dahil sa pagbabago sa kapanahunan at ang magkaibang mga kinakailangan sa Aming gawain; magkaiba ang mga ministeryo Namin, kaya ang gawain na dala Namin at ang disposisyon na ibinubunyag Namin sa tao ay magkaiba rin. Iyan ang dahilan kung bakit ang nakikita at nauunawaan ng tao ngayon ay hindi katulad roon sa nakaraan; ito ay dahil sa pagbabago sa kapanahunan” (“Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa gawain ni Jehova hanggang kay Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa kasalukuyang yugtong ito, sinasakop nitong tatlong yugto sa patuloy na hanay ang buong lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawa ng isang Espiritu. Mula sa paglikha ng mundo, ang Diyos ay palaging gumagawa sa pamamahala ng sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang nagsisimula ng kapanahunan at ang nagdadala ng kapanahunan sa katapusan. Ang tatlong yugto ng gawain, sa iba’t ibang kapanahunan at iba’t ibang lugar, ay walang alinlangan na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat yaong naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay lumalaban sa Diyos. Ngayon, kailangan mong maunawaan na lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa kasalukuyan ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Walang anumang pag-aalinlangan dito” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kung nakikita ng tao sa tatlong mga yugto ng gawain na ang mga iyon ay isinasakatuparan ng Diyos Mismo sa iba’t ibang panahon, sa iba’t-ibang lugar, at sa iba’t-ibang tao, kung gayon makikita ng tao na,[a] kahit iba ang gawain, lahat ng ito ay ginawa ng isang Diyos. Dahil ito ay gawain na ginawa ng isang Diyos, kung gayon tiyak na ito ay wasto, at walang kamalian, at kahit ito ay kontra sa mga pagkaintindi ng tao, hindi maipagkakaila na ito ay gawain ng isang Diyos. Kung tiyak na masasabi ng tao na ito ay gawain ng isang Diyos, sa gayon ang mga pagkaintindi ng tao ay magiging walang-kabuluhan, hindi karapat-dapat na banggitin. Dahil ang mga pananaw ng tao ay malabo, at kilala lamang ng tao si Jehova bilang Diyos, at si Jesus bilang ang Panginoon, at nahahati sa dalawang pag-iisip tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao ngayon, maraming tao ang nananatiling tapat sa gawain ni Jehova at Hesus, at sila ay nakakulong sa mga pagkaintindi tungkol sa gawain ngayon, karamihan ng tao ay laging nagdududa, at hindi sineseryoso ang gawain ng ngayon” (“Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa sinabi ng Makapangyarihang Diyos na alam natin, ang Makapangyarihang Diyos ay si Jehova na nagpahayag ng mga kautusan upang gabayan ang tao at ang Panginoong Jesus din na ipinako sa krus upang tubusin tayo. Gaano man magbago ang pangalan Diyos, paano magbago ang gawain, ang layunin ng gawain ng Diyos, iyon ay, ang Kanyang layon ng pagliligtas sa tao, ay hindi nagbabago, hindi kailanman nagbabago ang kakanyahan ng Diyos. Tiyak na hindi nagkakasalungatan ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos; sa halip, bawat yugto ng gawain ay batay sa isang naunang yugto; at bawat yugto ng gawain ay isang mas malalim, mas mataas na yugto kaysa sa huli. Ginawa ang gawaing ito ng Diyos alinsunod sa pag-unlad ng mga panahon at mga pangangailangan ng sangkatauhan, lahat para sa kapakanan ng mas mabuting pagliligtas sa sangkatauhan. Ibig sabihin, ang gawain ng paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at ang gawain ng pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus at ang gawain ng kautusan na ginawa ng Diyos na Jehova lahat ay gawain ng iisang Diyos; ang Diyos ayon sa Kanyang sariling plano, ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, ay nagliligtas sa sangkatauhan sa mga yugto. Dapat nating maunawaan, lahat ng ginawa mula sa Diyos na Jehova hanggang sa Panginoong Jesus, lahat nang ginawa mula sa Panginoong Jesus hanggang sa Makapangyarihang Diyos, ay tatlong sunud-sunod na yugto ng buong pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Ngayon, ang ating pagtanggap ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay hindi kawalan ng utang na loob o pagkanulo sa Panginoong Jesus; sa halip, ito ay ang ating pagsunod sa bilis ng gawain ng Diyos, sinusunod ang mga yapak ng Cordero; at siya na ginagawa ito nang tunay ay may konsensiya, may katapatan, may pananaw, at nakakamit ang pag-apruba ng Diyos.

Ngayon, nagbago ang kapanahunan, nagbago ang gawain ng Diyos, kaya dapat magbago ang pagsasagawa ng tao. Hindi na pinalulugod ng katapatan sa kautusan at sa krus ang kasalukuyang kalooban ng Diyos at hindi makakamit ang pag-apruba ng Diyos. Tanging yaon lamang na tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na sumusunod sa Diyos hanggang sa wakas, ang magkakamit ng huling pagpapala ng Diyos. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Tanging ang mga sumusunod lamang sa mga yapak ng Kordero hanggang sa katapusan ang magkakamit ng pangwakas na pagpapala, samantalang ang mga ‘tusong tao,’ na hindi makasunod hanggang sa katapus-katapusan nguni’t naniniwala na nakamtan nila ang lahat, ay walang kakayahang masaksihan ang pagpapakita ng Diyos. Lahat sila ay naniniwala na sila ang pinakamatalinong tao sa lupa, at pinuputol nila ang patuloy na pag-unlad ng gawain ng Diyos na wala namang dahilan, at sila ay tila naniniwala nang may lubos na katiyakan na isasama sila ng Diyos sa langit, silang ‘mayroong lubos na katapatan sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at tumatalima sa mga salita ng Diyos.’ … Yaong mga hindi sumusunod hanggang sa katapus-katapusan, na hindi sumasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at kumakapit lamang sa mga lumang gawain ay hindi lamang nabigo sa pagkamit ng katapatan sa Diyos, nguni’t sa kabaligtaran, naging yaong mga sumasalungat sa Diyos, naging yaong mga tinatanggihan ng bagong kapanahunan, at siyang mapaparusahan. Mayroon pa bang mas nakakaawa kaysa kanila? Marami pa nga ang naniniwala na ang lahat ng tumatanggi sa lumang kautusan at tumatanggap sa bagong gawain ay walang konsensya. Ang mga taong ito, na ang tanging sinasambit lamang ay “budhi,” at hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, sa kahuli-hulihan ay mapuputol ang kanilang mga inaasam-asam ng kanila mismong mga konsensya. Ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa katuruan, at kahit na ito ay Kanyang sariling gawain, hindi pa rin kumakapit ang Diyos dito. Yaong dapat tanggihan ay tinatanggihan, kung ano ang dapat maalis ay inaalis. Nguni’t inilalagay pa rin ng tao ang kanyang sarili sa galit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapit sa maliit na bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Hindi ba’t nakakatawa ang tao? Hindi ba’t ito ang kamangmangan ng tao? Mas mahina ang loob at sobrang maingat ang mga tao dahil sila ay takot na hindi magkamit ng pagpapala ng Diyos, mas hindi sila magkakamit ng mas malalaking pagpapala, at tatanggap ng pangwakas na pagpapala. Yaong mga tao na hamak na sumusunod sa kautusan at nagpapakitang lahat ng kanilang sukdulang katapatan sa kautusan, Mas ipinakikita nila ang kanilang gayong katapatan sa kautusan, sila ay mas mga suwail na tumatalima sa Diyos. Dahil ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian at hindi ang Kapanahunan ng Kautusan, at ang gawain sa ngayon ay hindi maaaring ihambing sa mga gawain ng nakalipas, at ang mga gawain ng nakalipas ay hindi maihahambing sa gawain sa ngayon. Ang gawain ng Diyos ay nagbago, at ang pagsasagawa ng tao ay nagbago rin; ito ay hindi para kumapit sa kautusan o magpasan ng krus. Kaya, ang katapatan ng mga tao sa kautusan at sa krus ay hindi magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mga kapatid, ngayon iniisip pa rin ba ninyo na ang pagtanggap sa bagong gawain ng Diyos ng mga huling araw at ang pagsunod sa Makapangyarihang Diyos ay nangangahulugan ng pagkakanulo sa Panginoong Jesus? Marahil sa sandaling ito ay naunawaan ninyo: Ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay pagiging matapat sa Panginoong Jesus, ay ang pagsunod sa mga yapak ng Cordero, dahil ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus.

mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

Ano ang susi sa paniniwala sa Diyos? Upang maniwala sa Diyos kailangan nating tanggapin ang pangalan ng Diyos at ang Kanyang kasalukuyang gawain. Dapat nating maranasan at sundin ang kasalukuyang gawain ng Diyos, at saka lang tayo maaaring maligtas ng Diyos at tumanggap ng papuri ng Diyos. Nang dumating ang Panginoong Jesus, nagbigay Siya ng pangalan, na tinatawag na “Jesus,” at yaong mga naniwala sa Panginoong Jesus ay naligtas. Anong anyo ng pagkaligtas ang “naligtas”? Hindi ito nangangahulugang kakayahang makapasok sa kaharian ng langit, kundi sa halip ay ang hindi makasali sa kahatulan at sumpa ng batas. Kung naniniwala ka kay Jesus at nilabag mo ang batas hindi ka hahatulan, at mapapatawad ng Panginoong Jesus ang iyong mga kasalanan, inihihiwalay mo ang sarili mo sa kapangyarihan ng sumpa ng batas. Patatawarin ang iyong mga kasalanan. Subalit, pinatatawad ni Jesus ang iyong mga kasalanan; makakapasok ka pa rin ba sa kaharian ng langit? Hindi iyan sinabi ng Panginoong Jesus. Ano ang sinabi ng Panginoong Jesus? Ipinropesiya ng Panginoon kung anong uri ng gawain ang Kanyang isasakatuparan pagbalik Niya sa mga huling araw. Pagsapit ng mga huling araw, kung tinatanggap mo ang Kanyang pagbabalik, kung naririnig mo ang Kanyang tinig at tinatanggap ang Kanyang gawain sa mga huling araw, ilalagay ka sa daan patungo sa kaharian ng langit. Kaya dumating ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol. Ano ang hatid ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? Ito ang walang-hanggang landas ng buhay. Bakit mo sinasabi na ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid sa atin ng walang-hanggang landas ng buhay? Hindi ba marami ring salitang sinambit ang Panginoong Jesus nang dumating Siya upang gawin ang Kanyang gawain? Bakit hindi mo masabi na ang salita ng Panginoong Jesus ang walang-hanggang landas ng buhay? Alam ng lahat ng naniwala sa Panginoon nang maraming taon at nakaranas ng gawain ng Panginoong Jesus na ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay maaari lamang magdala ng kapatawaran ng mga kasalanan. Matapos tayong mapatawad sa ating mga kasalanan, bakit patuloy pa rin tayong nagkakasala? Magkakasala pagkatapos ay ikukumpisal ang kasalanan at pagkatapos ay muling magkakasala? Bakit hindi tayo makaalis sa pagkagapos sa laman at sa ating pagiging likas na makasalanan? Bakit hindi natin maihiwalay ang ating sarili sa kasalanan, bakit hindi natin maipamuhay ang mga salita ng Diyos, maranasan ang katotohanan? Ang mahirap na problemang ito ay isang bagay na inamin ng lahat ng naniwala sa Panginoon sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ba? Sa mga huling araw kapag nagbalik ang Panginoong Jesus, anong gawain ang gagawin? May mga ipinropesiya ba ang Panginoon? Sabi ng Panginoon: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Natupad na ang propesiyang ito ngayon, tinupad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na dapat maunawaan at pasukin ng mga naniniwala sa Diyos. Sa gayon ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, ito ba ang pahayag ng Espiritu ng katotohanan? Ipinaalam ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na ginagamit ng Diyos sa pagliligtas sa tao; mahalaga ang mga katotohanang ito sa tao at ang mga ito ang walang-hanggang landas ng buhay, ibig sabihin, ang landas tungo sa buhay na walang hanggan.

mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Ang Makapangyarihang Diyos ay si Jehova, na nagbigay ng kautusan upang gabayan ang buhay ng mga tao, at Siya ang Panginoong Jesus na ipinako sa krus para tubusin ang sangkatauhan. Ang gawain ng paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos, ang gawain ng pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus, at ang gawain ng kautusan na ginawa ng Diyos na Jehova---lahat ng ito'y ginawa ng iisang Diyos. Inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan sa paisa-isang hakbang, ayon sa Kanyang sariling plano, at sa mga pangangailangan ng sangkatauhan.

Ngayon ang pagtanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kawalan ng pasasalamat sa Panginoong Jesus, o pagtataksil sa Kanya, kundi pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero, ipinagtatanggol ang paraan ng Diyos, at matapat na pagsunod sa Kanya. Inaaprubahan ito ng Diyos, tulad ng nasusulat sa Pahayag 14:4: “Ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.” Lahat ng mga nakakapit sa pangalan ni Jesus at tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay magiging mga taksil sa Diyos, at aalisin Niya. Tulad noong dumating ang Diyos para gumawa gamit ang pangalan ni Jesus, lahat ng disipulong tumanggap sa bagong gawain ng Diyos at sumunod sa Panginoong Jesus ay hindi lumilihis sa totoong daan o nagtataksil sa Diyos na Jehova. Sa halip, umaagapay sila sa mga hakbang ng Diyos, at sila lamang ang matatapat sa Diyos. Ang mga Fariseo na naniwala na tapat sila sa Diyos na Jehova ay kumapit sa Kanyang pangalan, itinatatwa ang Panginoong Jesus. Bilang resulta, hindi lamang sila nabigong makamit ang papuri ng Diyos na Jehova, kundi natuon din sa kanila ang sumpa at parusa ng Diyos. Kaya dapat nating matutuhan ang aral ng kabiguan ng mga Fariseo, tanggapin ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos at sundan ang mga yapak ng Diyos. Ito lang ang paraan para mailigtas ng Diyos.

mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay hindi kasama ang “kung gayon makikita ng tao na.”

Sinundan:Tanong 20: Nakasulat iyon diyan mismo sa Biblia: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Heb 13:8). Kaya ang pangalan ng Panginoon ay hinding-hindi nagbabago! Pero sinasabi mo kapag muling pumarito ang Panginoon sa mga huling araw magtataglay Siya ng bagong pangalan at tatawaging Makapangyarihang Diyos. Paano mo ito ipaliliwanag?

Sumunod:Tanong 22: Sabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Jn 4:14). Iniisip ng karamihan sa mga tao na naipagkaloob na sa atin ng Panginoong Jesus ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, pero nabasa ko na ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos: “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan.” Tungkol saan ang lahat ng ito? Bakit sinasabi nito na tanging si Cristo ng mga huling araw ang makapagbibigay sa tao ng daan tungo sa buhay na walang hanggan?

Baka Gusto Mo Rin