Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong 13: Sabi sa Biblia: “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Naniniwala kami na napawalang-sala na tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at ginawa tayong matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Bukod pa riyan, naniniwala kami na kung minsang nailigtas ang isang tao, ligtas na sila magpakailanman, at kapag nagbalik ang Panginoon agad tayong madadala sa langit at papasok sa kaharian ng langit. Kaya bakit mo pinatototohanan na kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw bago tayo maligtas at madala sa kaharian ng langit?

Sagot:

Kahit napatawad na ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, at mabibilang tayo na nailigtas, nananatili tayong marumi at tiwali at hindi pa nakakatakas sa kasalanan upang tumanggap ng kalinisan. Ang mapatawad ang ating mga kasalanan ay nangangahulugan lamang na hindi tayo hahatulan ng kautusan. Ito ang tumpak na kahulugan ng “naligtas sa pamamagitan ng biyaya.” Maaaring pinatawad na ng Diyos ang ating mga kasalanan at ipinagkaloob sa atin ang maraming biyaya, hinahayaan tayong tamasahin ang kapayapaan at kaligayahan ng pagkakapatawad ng ating mga kasalanan, at ibinibigay sa atin ang karapatang magdasal sa Diyos at makipag-usap sa Diyos, bakit matapos mapatawad ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, hindi pa rin natin mapigilan ang ating mga sarili at madalas pa ring nakakagawa ng mga pagkakasala, at hindi mapalaya ang ating mga sarili mula sa pamumuhay sa kasalanan? Ito ay dahil ang pagtitiwali sa atin ni Satans ay napakalalim, sa hangganang lahat tayo’y may kalikasang mala-satanas at punung-puno ng mala-satanas na disposisyon. Kaya hindi natin mapigilang makagawa ng mga pagkakasala. Kung ang mala-satanas na kalikasang ito ay hindi maresolba, maaari pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos kahit na napatawad ang ating mga pagkakasala. Sa ganoong paraan, hindi natin kailanman makakamit ang pagkakaayon sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoong Jesus na kailangan Niyang bumalik. Ito ay upang maisagawa Niya ang Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw upang ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang tumatanggi sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, ngunit ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang narungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang karumihan at ang tiwaling bahaging nasa kanya, at magagawa niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagdalisay, magagawa ng tao na maitaboy ang kanyang katiwalian at maging malinis. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay ang panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakuha ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita upang dalisayin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng mga karumihan, mga paniniwala, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na nailantad” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ngunit hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maitataboy at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na nanirahan sa dating masamang makademonyong disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa napakasamang makademonyong disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maitaboy at hindi na muling mabuo, at sa gayon ay hayaang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at maisasapamuhay niya ito sa ilalim ng sikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, itaboy ang napakasamang makademonyong disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ang nagpapalinis sa tao sa pamamagitan ng salita upang bigyan ang tao ng landas na susundin. … Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa sa nauna at mas mabunga, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapalitan ng bago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakalinaw: Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lamang ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawaing pagtubos. Ang mga pagkakasala ng sangkatauhan ay napatawad dahil sa paniniwala sa Panginoon, ngunit hindi nalutas ang kanilang makasalanang kalikasan. Ang makasalanang kalikasan ng tao ay kalikasan ni Satanas. Nagkaugat na ito sa loob ng tao, na naging buhay ng tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin maiwasan ng tao ang magkasala at lumaban sa Diyos. Ang pagkakaroon ng tao ng mala-satanas na kalikasan ay ang ugat na dahilan ng kanyang paglaban sa Diyos. Ang mga pagkakasala ng tao ay maaaring mapatawad, ngunit mapapatawad ba ng Diyos ang kanyang mala-satanas na kalikasan? Ang mala-satanas na kalikasan ay direktang tumututol sa Diyos at sa katotohanan. Hindi ito kailanman patatawarin ng Diyos. Samakatuwid, kailangang ganap na iligtas ng Diyos ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, at kailangang hatulan at kastiguhin ang sangkatauhan. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawaing nakaasinta sa mala-satanas na kalikasan at disposisyon sa loob natin. Maaaring itanong ng ilang tao, malulutas lang ba ang ating mala-satanas na kalikasan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo? Hindi ba natin magagawa, sa pamamagitan ng pagbabayad ng pagdurusa, pagsupil sa ating katawan, at pagpigil sa ating mga sarili nang kusa, na lutasin ang ating mala-satanas na kalikasan? Siguradong hindi. Tingnan nating muli ang maraming banal sa kabuuan ng kasaysayan na nagbayad ng pagdurusa at sinupil ang kanilang mga katawan, silang lahat nagnais na makatakas sa pagkaalipin at pagkontrol ng pagkakasala, at mangibabaw sa katawang tao. Ngunit sino sa kanila ang nagawang mapagtagumpayan si Satanas upang maging isang tao na tunay na sumusunod sa Diyos? Halos wala. Kahit pa mayroon, sila ay mga tao na natatanging ginawa ng Diyos na kumpleto. Ngunit ilang ganoong tao ang naroon? Dahil mismo sa walang paghatol at pagkastigo ng Diyos, kaya hindi nalinis ang mala-satanas na disposisyon ng tao. Samakatuwid, ang disposisyon ng tao sa buhay ay hindi kinayang magbago. Ang katotohanang ito ay sapat upang patunayan na ang paggamit ng mga paraan ng tao ay hindi kayang lutasin ang mala-satanas na kalikasan ng sangkatauhan. Kailangang dumaan ang tao sa paghatol at pagkastigo, pagpupungus at pakikitungo, at mga pagsubok at pagpipino ng Diyos, bago nila makamit ang katotohanan at buhay, tanggapin ang daan ng buhay na walang hanggan. Doon lamang ganap na malulutas ang mala-satanas na kalikasan ng tao. Ito ang dahilan kung bakit, batay sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain na paghatol at pagkastigo sa mga huling araw, upang ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, upang malinis ang sangkatauhan na tumanggap sa pagliligtas ng Diyos at makamit ng Diyos. Magmula dito makikita natin na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ang ganap na makakalinis at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang katotohanan.

mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

Sinundan:Tanong 12: Karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon ay naniniwala na ang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na” ay patunay na lubos nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Subalit pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon sa katawang-tao para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos para lubusang iligtas ang mga tao. Kaya paano ba talaga dapat maunawaan ng isang tao ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Hindi pa malinaw sa amin ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag naman ito sa amin.

Sumunod:Tanong 15: Sinasabi mo na kailangang tanggapin ng mga taong nananalig sa Diyos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at noon lamang mapapadalisay ang kanilang tiwaling disposisyon at maliligtas sila mismo ng Diyos. Pero tayo, ayon sa mga hinihingi ng Panginoon, ay nagpapakumbaba at nagpapasensya, nagmamahal sa ating mga kaaway, nagpapasan ng ating krus, tumatalikod sa mga makamundong bagay, at gumagawa at nangangaral para sa Panginoon at kung anu-ano pa. Kaya hindi ba mga pagbabago ito sa atin? Palagi tayong naghahangad sa ganitong paraan, kaya hindi rin ba tayo maaaring magtamo ng pagdadalisay, madadala at makakapasok sa kaharian ng langit?

Baka Gusto Mo Rin