Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Saksi kay Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

24. Ano ang kaibhan sa pagitan ng mabuting alipin at ng masamang alipin?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang mga naglilingkod sa Diyos ay dapat kapuso ng Diyos, sila ay dapat na minahal ng Diyos, at may kakayanan sa sukdulang katapatan sa Diyos. Di alintana kung ikaw ay kumilos sa likod ng mga tao, o sa harap ng mga ito, ikaw ay makatatanggap ng kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, ikaw ay may kakayahang tumindig nang matatag sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang sarili mong landas, at maglaan ng pangangalaga sa bawat pasanin ng Diyos. Tanging ito ang isang kapuso ng Diyos. Na ang mga kapuso ng Diyos na maaaring direktang magsilbi sa Kanya dahil sila ay binigyan ng mahalagang komisyon ng Diyos, at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang tratuhin ang puso ng Diyos bilang kanila, at maging ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi mahalaga sa kanila kung magkaroon o mawalan sila ng pagkakataon: Kahit wala silang pag-aasam, at wala silang makukuha, sila ay palagiang naniniwala sa Diyos na may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kapuso ng Diyos. Ang kapuso ng Diyos ay Kanya ring pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang maaaring magbahagi ng Kanyang pagkabalisa, at Kanyang mga nais, at bagaman ang kanilang laman ay masakit at mahina, natitiis nila ang mga sakit at tinatalikdan ang kanilang sariling kasiyahan upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa nasabing mga tao, at kung ano ang gagawain ng Diyos ay ipinapahayag gamit ang mga taong ito. Kaya, ang mga taong ito na minamahal ng Diyos, tagapaglingkod sila ng Diyos na nagnanais ng Kanyang sariling puso, at ang mga tanging tao na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos.

mula sa “Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain ng karapat-dapat na manggagawa ay maaaring magdala sa mga tao sa tamang daan at tinutulutan silang lumalim sa katotohanan. Ang gawain na ginagawa niya ay maaaring magdala sa mga tao sa harap ng Diyos. Idagdag pa, ang gawain na ginagawa niya ay maaaring maiba sa bawa’t indibiduwal at hindi nakatali sa mga alituntunin, anupa’t tinutulutan ang mga tao na makawala at makalaya. Bukod dito, maaari silang unti-unting lumago sa buhay, umunlad nang mas malalim tungo sa katotohanan. Ang gawain ng isang hindi karapat-dapat na manggagawa ay malayung-malayo; ang kanyang gawain ay kahangalan. Maaari lamang niyang dalhin ang mga tao sa mga alituntunin; ang hinihingi niya sa mga tao ay hindi naiiba sa bawa’t indibiduwal; hindi siya gumagawa ayon sa aktuwal na pangangailangan ng mga tao. Sa ganitong uri ng gawain, mayroong napakaraming alituntunin at napakaraming turo, at hindi nito madadala ang mga tao sa katunayan o sa normal na pagsasagawa ng paglago sa buhay. Maaari lamang itong magbigay-kakayahan sa mga tao na makatayo sa kaunti at walang-halagang mga tuntunin. Ang ganitong uri ng gabay ay nagdudulot lamang sa mga tao na maligaw. Inaakay ka niya na maging katulad ng kung ano siya; madadala ka niya tungo sa kung anong mayroon siya at kung ano siya.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang bawat isa sa inyo, bilang mga tao na naglilingkod, ay kailangang maipagtanggol ang kapakanan ng iglesia sa lahat ng mga bagay na iyong ginagawa, sa halip na atupagin ang iyong sariling mga kapakanan. Hindi katanggap-tanggap na gawin ito nang nag-iisa, kung saan pinahihina mo siya at pinahihina ka niya. Ang mga tao na kumikilos sa ganitong paraan ay hindi karapat-dapat na maglingkod sa Diyos! Ang disposisyon ng uri ng taong ito ay napakasama; wala ni isang patak ng pagkatao ang nananatili sa kanila. Sila ay isandaang porsiyentong Satanas! Sila ay mga hayop! Maging sa ngayon ang gayong mga bagay kagaya nito ay nangyayari pa rin sa inyo, umaaabot hanggang sa pag-atake sa bawat isa sa panahon ng pagsasamahan, sinasadyang paghahanap ng mga pagdadahilan, pamumula ng buong mukha sa pakikipagtalo dahil sa ilang malilit na bagay, hindi nakahanda ang sinuman na magparaya, itinatago ng bawat tao kung ano ang nasa loob sa isa pa, pinagmamasdang mabuti ang kabilang panig at nagiging alisto. Ang ganito bang uri ng disposisyon ay karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos? Ang ganito bang gawain kagaya ng sa iyo ay makapagbibigay ng panustos sa mga kapatid? Hindi lamang sa hindi mo nagagawang gabayan ang mga tao tungo sa tamang landas ng buhay, ang totoo ipinapasok mo ang iyong tiwaling disposisyon sa mga kapatid. Hindi mo ba sinasaktan ang iba? Napakasama ng iyong konsensiya, nabubulok hanggang sa pinakagitna! Hindi ka pumapasok sa katotohanan, at hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Bukod pa diyan, ibinubunyag mo ang iyong napakasamang kalikasan sa ibang mga tao nang walang kahihiyan, talagang wala kang nalalamang kahihiyan! Ipinagkatiwala sa iyo ang mga kapatid, ngunit dinadala mo sila sa impiyerno. Hindi ka ba isang tao na nabubulok ang konsensiya? Ikaw ay lubos na walang kahihiyan!

mula sa “Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maraming tao sa Aking likuran na nagnanais sa estado ng pagpapala, nilalamon nila ang pagkain, nais nila palagiang magpahinga at laging pangalagaan ang laman, laging natatakot na walang paraan sa laman. Hindi nila ginagawa ang kanilang karaniwang tungkulin sa simbahan, at kumakain nang walang bayad, o pinagsasabihan ang kanilang mga kapatid gamit ang Aking mga salita, masigasig silang nakatayo at ipinamukha sa iba. Palagiang sinasabi ng mga taong ito na dala nila ang kalooban ng Diyos, lagi nilang sinasabi na sila ay kapuso ng Diyos—hindi ba ito kahibangan? Kung ikaw ay may matuwid na adhikain, ngunit hindi napaglilingkuran ang kalooban ng Diyos, kung gayon ikaw ay nananatiling mangmang; ngunit kung ang iyong mga adhikain ay hindi tama, at sinasabi mo pa rin na ikaw ay naglilingkod sa Diyos, sa gayon ikaw ay taong sumasalungat sa Diyos, at marapat parusahan ng Diyos! Wala Akong simpatya sa mga naturang tao! Sa bahay ng Diyos malaya silang kumakain, at hinahangad ang kasaganahan ng laman, at walang konsiderasyon sa pagsasaalang-alang sa mga interes ng Diyos; lagi nilang hinahanap kung ano ang mabuti para sa kanila, hindi nila pinapansin ang kalooban ng Diyos, ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi pinapahintulutan ng Espiritu ng Diyos, lagi silang umiiwas at nagbabanta laban sa kanilang mga kapatid, at balat-kayo, tulad ng isang soro na nagnanakaw ng ubas, at sumisira ng ubasan. Maaari bang maging kapuso ng Diyos ang mga taong iyon? Ikaw ba ay wasto upang matanggap ang biyaya ng Diyos? Wala kang pananagutan sa iyong buhay at simbahan, ikaw ba ay wasto na matanggap ang komisyon ng Diyos? Sino ang mangangahas na magtiwala sa isang katulad mo? Kapag ikaw ay naglilingkod nang ganito, maaari bang magtiwala ang Diyos sa iyo ng mas mabigat na gawain? Hindi ba ninyo inaantala ang mga bagay?

mula sa “Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Yaong mga nananatiling hindi nagbabago ang masamang disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang iyong disposisyon ay hindi nahatulan at nakastigo ng salita ng Diyos, sa gayon ang iyong disposisyon ay kumakatawan pa rin kay Satanas. Ito ay sapat para patunayan na ang iyong paglilingkod sa Diyos ay nagmumula sa iyong sariling mabuting hangarin. Ito ay paglilingkod batay sa iyong makademonyong kalikasan. Ikaw ay naglilingkod sa Diyos gamit ang iyong likas na karakter, at ayon sa iyong personal na mga kagustuhan; ano pa nga ba, patuloy mong iniisip na nalulugod ang Diyos sa anumang nais mong gawin, at napopoot sa anumang hindi mo nais gawin, at lubusan kang ginagabayan ng iyong sariling mga kagustuhan sa iyong gawain. Maaari bang matawag itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang iyong disposisyon sa buhay ay hindi magbabago ng katiting; sa halip, ikaw ay lalong magiging mas matigas ang ulo sapagkat napaglilingkuran mo ang Diyos, at gagawin nito ang iyong masamang disposisyon na nakatanim nang malalim. Sa paraang ito, bubuo ka sa iyong loob ng mga alituntunin tungkol sa paglilingkod sa Diyos na pangunahing batay sa iyong sariling karakter, at sa karanasang nakuha mula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ito ang aral mula sa karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong katulad nito ay nabibilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magising at magsisi, sa kahuli-hulihan sila ay magiging mga huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw, at magiging mga manlilinlang ng mga tao. Ang sinabi noon na mga huwad na Cristo at manlilinlang ay magmumula sa ganitong uri ng tao. Kung yaong mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang sariling karakter at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon sila ay nasa panganib na mapalayas anumang oras. Yaong mga gumagamit ng kanilang maraming taon ng karanasan sa paglilingkod sa Diyos upang makuha ang pagmamahal ng ibang tao, mangaral sa kanila at pagharian sila, at magmalaki—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman nagtatatwa sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay mahuhulog sa harapan ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa luma. Sila ay kumakapit sa mga paniwala ng nakaraan, sa mga bagay mula sa nakaraan. Ito ay isang malaking sagabal sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang itakwil ang mga iyon, magiging hadlang ang mga bagay na ito ng buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos, kahit katiting, kahit pa mabali mo ang iyong mga binti sa pagtakbo o ang iyong likod sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa iyong paglilingkod sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang gumagawa ng masama.

mula sa “Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang sinumang hindi nauunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos ay yaong naninindigan laban sa Diyos, at lalo na yaong mga alam ang layunin ng gawa ng Diyos ngunit hindi hinahangad na bigyang kasiyahan ang Diyos. Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng mga taong iyon ay demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at katitisuran sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may “matipunong laman”, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng kaluluwang lalamunin?

mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Pagbabahagi ng Tao:

Ang mga lider at mga manggagawa ng iglesia sa lahat ng mga antas ay maaaring hatiin sa tatlong uri ng mga tao. Mas angkop na ilarawan ang tatlong uring ito ng mga tao bilang mga tapat na tagapaglingkod, taksil na tagapaglingkod at masasamang tagapaglingkod: Tunay na sinusunod ng unang uri ang gawain ng Diyos, nagagawang ipagsanggalang ang gawain ng Diyos habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, maiiwanan ang lahat ng bagay at nailalaan ang lahat ng kanilang mga pagsisikap para sa Diyos at nakapagbibigay-puri at nakasasaksi sa Diyos. Talagang hinahangad ng ganitong grupo ng mga tao ang katotohanan, naghahangad na maging perpekto at ibinibilang na tapat na mga lingkod ng Diyos. Hindi taglay ng ikalawang uri ang realidad ng katotohanan, hindi nagagawang ipagsanggalang ang gawain ng Diyos habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, hindi kumikilos alinsunod sa mga kaayusan ng gawain, ginagawa ang anumang kanilang maibigan at kumikilos nang walang ingat, tinatrato ang mga tao kalakip ang damdamin, kumikilos ayon sa nasa ng laman, hindi sinusunod ang mga pamantayan ng katotohanan, hirap na hirap sa pagsasagawa ng katotohanan, madalas nakikibahagi sa mga pakikipagtawaran sa Diyos; tinatahak nila ang landas ng anticristo at ibinibilang na taksil na mga tagapaglingkod. Ang ikatlong uri ay arogante at mapagmataas, naghahangad ng katayuan, at ambisyoso at palaging nais pamahalaan ang mga hinirang ng Diyos at sukdulang namamahala at sinusupil at nagtatangi laban sa yaong mga hindi umaayon sa kanila, pinipigilan, iginagapos at binibitag ang mga hinirang ng Diyos, sinusubukang pamahalaan ang mga hinirang ng Diyos upang gumawa ng isang nagsasariling kaharian; sila ay ibinibilang na masasamang tao na kauri ng bulaang mga lider at mga anticristo, iyon ay, masasamang tagapaglingkod. …

… Ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa yaong ang kanilang mga pagkatao ay mabuti at yaong umiibig sa katotohanan. Yaong mga walang taglay na mabuting pagkatao at hindi umiibig sa katotohanan ay hindi maaaring tanggapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang kalikasang pantao ng isa ay taksil, malupit at mapanira, kung gayon ang mga ito ay para sa isang masamang tao at mangyari pang ibinibilang na isang masamang tagapaglingkod. Ang masasamang tagapaglingkod ay ang mga kaaway ng Diyos at ang layon ng sumpa at kaparusahan ng Diyos. Angkop na angkop na gamitin ang tapat na mga tagapaglingkod (kagaya ng mga tapat na binabanggit ng mga hindi sumasampalataya), taksil na mga tagapaglingkod (kagaya ng taksil na mga pinuno ng hukuman na binabanggit ng mga hindi sumasampalataya) at masamang mga tagapaglingkod (kagaya ng mga taksil na latak na binabanggit ng mga hindi sumasampalataya) upang ilarawan ang tatlong uri ng mga lider at mga manggagawa na ito. Yaong mga tao na ibinibilang na tapat na mga tagapaglingkod ay higit na matapat at mayroong isang konsensiya at katuturan at pinagtitibay ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng pagsasagawa nila ng tungkulin. Silang lahat ay ang mga lider at mga manggagawa na masunurin at tapat sa Diyos at ang layon ng pagliligtas at pagka-perpekto ng Diyos. Hindi iniibig ang katotohanan niyaong mga tao na itinuturing bilang taksil na mga tagapaglingkod, hindi nakahandang hangarin ang katotohanan at hindi nagpapakita ng tunay na pagkamasunurin sa Diyos. Sa pagtupad ng kanilang tungkulin, ginagawa nila ang anumang kanilang maibigan. Tinatrato nila ang mga tao batay sa mga emosyon at hindi makatarungan at makatuwiran. Sa paglilingkod sa Diyos nilalabanan nila ang Diyos, sinusunod ang laman, at ginagawa ang mga bagay nang walang mga panuntunan, nakikipagtawaran pa sa Diyos. Paminsan-minsan maaari nilang ipagkanulo ang katotohanan at ang Diyos at gumagawa pa laban sa kapakanan ng sambahayan ng Diyos, hindi pinananatili ang gawain ng Diyos kahit kaunti. Ang ganitong uri ng mga tao ay itinuturing bilang mga taksil na tagapaglingkod, kagaya lamang ng taksil na mga pinuno ng hukuman na binabanggit ng mga hindi sumasampalataya. … Mangyari pang ang lahat ng taksil na mga tagapaglingkod ay itinuturing bilang bulaang mga lider at mga manggagawa. Gayunman, ang ilang bulaang mga lider at mga manggagawa ay mayroong mabuting pagkatao at ganap na nagagawang magsisi at magbago. Dapat silang tratuhin na may pag-ibig at bigyan ng isa pang pagkakataon para gamitin. Ang masasamang tagapaglingkod ay mga bulaang lider at mga anticristong lahat na may mala-demonyong kalikasan. Mangyari pang ang masasamang tagapaglingkod ay ibinibilang na masasamang taong lahat. Taglay nila ang kalikasan at kakanyahan ng diablo at kaya maaaring gawin ng mga taong ito ang lahat ng mga uri ng kasamaan at walang-awang sinusupil at inuusig ang mga hinirang ng Diyos. Sinisikap nilang gambalain at antalain ang gawain ng Diyos at kinakalaban ang Diyos sa lahat ng bagay, na parang sila ay walang pakiramdam. Ang kanilang mga puso ay matigas at sutil. Hindi ba ito ang kaaway ng Diyos? Ang masasamang tagapaglingkod ay hindi maliligtas. Kung gayon, dapat patalsikin ng sambahayan ng Diyos ang sinumang bulaang mga lider at mga anticristo na mayroong mala-demonyong kalikasan. Walang puwang para sa pakikipagkasundo.

mula sa “Mapapasok Lamang ng Isang Tao ang Realidad ng Katotohanan sa Pamamagitan ng Tunay na Pagsunod sa Gawain ng Diyos” sa Mga Piling Salaysay tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Kung talagang may abilidad ang mga taong naglilingkod, iyong mga nasa ibaba ay sasabay sa kanilang kilos. Mayroong pakiramdam ng tensyon at pagkakasundo. Ito’y puno ng buhay at ang buhay iglesia ay yumayabong sa bawat araw na dumadaan. Walang pagkanegatibo, walang nahuhuli. Lumilitaw ang pagkamatuwid at nagtutulungan ang lahat ng miyembro ng iglesia. Sila’y nagkakaisa sa kanilang mga pagsisikap at maaari silang lahat sumaksi sa Diyos at itaas Siya. Ito ang pinakamagandang kalalabasan. Kung wala pa ring buhay ang iglesia, at karamihan sa mga tao ay nasa negatibong punto, nagpapatunay ito na ang iyong patnubay ay hindi humantong sa daan. Ang buhay iglesia ay parang isang karwahe at ang lider ay parang isang kabayo sa baras. Kung kaya ng kabayo sa baras, ang karwahe ay maaaring hatakin pasulong. Ito’y gagalaw kapag ito’y gumalaw at tatakbo kapag ito’y dapat tumakbo. Walang bagay ang makakapigil nito. Kapag ang isa ay talagang may kakayahan sa paglilingkod sa Diyos, ang lahat ng mga problema ay maaaring maresolba saan man siya magpunta, at kahit ano pa mang problema mayroon ang mga tao, kaya niyang makipag-usap sa kanila at ituro ang daan. Ginagawa nito ang mga tao nang puno ng kasiyahan na para bang naibsan ang kabigatan. Kahit na gaano kahirap ang sitwasyon sa isang lugar, kung ,mananatili siya roon nang ilang mga araw at pagtitipunin ang mga tao nang ilang mga pagpupulong, liliwanag ang mga puso ng mga tao. Napuno sila ng enerhiya nang maintindihan ang katotohanan at lubos na naresolba ang kanilang pagkanegatibo. Ang gulo ng laman ay mawawala at mapupunta sa tamang landas ang buhay iglesia. Ang tao na talagang naglilingkod sa Diyos ay maaaring makakita sa mga kakulangan ng mga tao, at alam niya kung ano ang ibibigay para sa iba’t-ibang mga tao, kung saan magsisimula, at kung paano lubusang maresolba ang mga problema. Kahit pa ang bago o lumang mananampalataya, matanda o bata, namumuno o sumusunod, kaya niyang lubusang magbigay para sa kanila. Ang kanilang mga problema ay maaaring maresolba lahat at kaya niyang makipag-usap sa lahat ng mga tao. Para sa yaong mga talagang naglilingkod sa Diyos, ang komunikasyon ng katotohanan ay walang patakaran at hindi nila ito ginagawa sa pamamagitan ng pagsasaulo. Magsasalita sila mula sa bawat panig at mula sa bawat anggulo. Magsasalita sila sa iba’t-ibang lingguwahe at pagsasamahin ang lahat ng uri ng katotohanan. Maiintindihan ng mga tao sa bawat antas at aanihin ang mga benepisyo. Magugustuhan ng bawat isa na makasama iyong mga tunay na naglilingkod sa Diyos, magkukusang-loob na buksan ang kanilang mga puso at makikipag-usap sa kanila at irerespeto sila at magkukusang-loob na kaibiganin sila at magsasalita sa kanila mula sa puso. Kung takot ang bawat isa at nagtatago sa iyo, ikaw ay may problema. Ang kuwago sa gabi na pumapasok sa bahay ay hindi isang magandang sinyales. Iyong ang mga puso ay naayon sa kalooban ng Diyos ay laging nasa iglesia, naglalakad sa kalagitnaan ng mga layunin ng kanilang gawain, namumuhay at kumakain kasama ang mga tao, nakikipag-usap sa mga tao hanggang gabi. Kapag ipinagkakatiwala sa mga tao ang gawain, paulit-ulit nila silang hinihikayat. Takot sila na hindi gumanap nang mabuti at hindi kailanman hindi namamansin na mga tao. Alam nila na ang pag-alis sa lugar ng trabaho ay pagpapabaya sa tungkulin. Iyong mga iniiwan ang mga layunin ng kanilang gawain ay mga nanghuhuthot. Posible ba na malutas ang lahat ng mga problema ng reyalidad nang hindi nakikipag-usap sa mga lider sa pinakamababang lebel na nakikipagtulungan sa iyo? Maaari ba itong magawa nang hindi lubusang nararanasan ang buhay iglesia sa pinakamababang antas? Maaari bang magkaroon ng resulta nang walang tapatang komunikasyon? Maaari ka bang huminto sa iyong gawain kapag ang iyong boses ay hindi pa paos? Nabibigatan ka ba kapag wala ng bagay sa iyong isipan? Kapag hindi ka nabawasan ng timbang, nagtatrabaho ka ba nang mabuti? Maaari bang ang mga tao na nagpapakasawa sa masasarap na pagkain ay nagpapakita ng konsiderasyon para sa mga intensyon ng Diyos? Iyon bang nagbibigay nang matinding pansin sa kung ano ang kanilang kakainin at isusuot ay nagbibigay kahalagahan sa resulta ng kanilang gawain? Kaya ba talaga nilang gumawa ng mabuting gawain kung makikipagkita lang sila sa iilang mga tao na siyang hinahabol ang kanilang puso habang iniiwasan nilang makipagkita sa yaong mga hindi? Hindi ba sila mga parasito na naghahanap na isang madali, kumportable at masayang buhay?

Ang mga talagang naglilingkod sa Diyos ay nalalaman kung ano ang kakulangan nila at kayang palakasin ang kanilang mga sarili sa tuwina at sa parehong panahon sabihin ang katotohanan sa iba, at lalo na, nakatuon sila mismo sa pagpasok sa katotohanan at kinikilala ang kanilang mga sarili nang mas malalim. Kaya nilang ilayo ang kanilang mga sarili sa pagiging arogante, makasarili at sa pagpapasikat sa kanilang mga sarili at kusang-loob din nilang binubuksan ang kanilang mga puso para ipaalam sa ibang tao ang kanilang mga kahinaan at kakulangan. Samakatuwid, ang kanilang komunikasyon ay taos-puso at tunay, nang walang mga pagkukunwari. Magkakaroon ng paninindigan ang mga tao sa kanila, irerespeto sila at susundin ang katotohanan na kanilang ipinababatid.

Iyong mga talagang naglilingkod sa Diyos ay naiintindihan ang gawain ng Banal na Espiritu at alam kung ano ang mula sa kanilang sariling karanasan at kung ano ang mula sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Sila’y may pagpapahalaga sa Diyos at ni hindi arogante o mayabang. Hindi nila minamaliit ang iba dahil ang gawain ng Banal na Espiritu ay nasa kanila, ngunit mas isinasaalang-alang pa ang iba, inaalala ang iba at tinutulungan ang iba. Mas gugustuhin pa nilang magdusa para maging masaya ang iba. Naiintindihan nila ang mga problema na pinagdurusahan ng mga tao at naiintindihan din nang mabuti kung gaano ito kasakit para sa isang tao na walang katotohanan na mahulog sa kadiliman. Mas lalo pa nilang naiintindihan ang mga kagalakan ng pagkakaroon ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu at nakahandang magbahagi ng kanilang pagliliwanag ng Banal na Espiritu sa iba at ibahagi ang kasiyahan sa iba. Hindi nila ginagamit ang gawain ng Banal na Espiritu bilang kapital para matamasa. Tinatamasa nila ang gawain ng Banal na Espiritu at kayang magpakita ng konsiderasyon para sa kalooban ng Diyos. Handa sila na lutasin ang mga problema at sakit ng ibang tao at ipasa sa iba ang kasiyahang kanilang nakukuha mula sa gawain ng Banal na Espiritu para mapasaya ang Diyos. Kaya nilang aktibong makiisa sa gawain ng Banal na Espiritu, ipakita ang bawat konsiderasyon para sa kalooban ng Diyos at isuko ang kasiyahan para mapasaya ang Diyos. Tinatanggihan nila ang pagpapala ng katayuan, hindi naghahanap ng espesyal na trato, banal at magalang na naglilingkod sa Diyos at tapat na ginagawa ang kanilang tungkulin. Ang mga taong naglilingkod sa Diyos sa ganitong paraan ay kumikilos nang naaayon sa kalooban ng Diyos.

Para makamit ang serbisyo na naaayon sa kalooban ng Diyos, kailangan ng isang tao na pagdaanan ang mga pagbabago sa disposisyon sa buhay. Matapos itong mabago, mag-uumpisa ang isang tao ng pormal na serbisyo. Ang ilang taong karanasan ay kinakailangan at kapag walang katotohanan, walang magandang resulta. Kung tunay na naiintindihan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng serbisyo, malalaman nila kung paano gawin nang mabuti ang kanilang tungkulin. Lubos nilang naiintindihan na ang paggawa ng tungkulin ng isang tao ay nagbibigay ng katotohanan, daan, at buhay sa ibang tao na nakuha nila mula sa gawain ng Diyos at ibinibigay ang kanilang mga karanasan, kaalaman sa Diyos at ang liwanag na ibinunyag ng Banal na Espiritu sa iglesia, para maaari itong ibahagi ng iba, makakuha ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, makilala ang Diyos, sundin ang Diyos, maging tapat sa Diyos at makuha ng Diyos. Hindi nila nilalagyan ang kanilang mga sarili ng kaalaman sa katotohanan at tinuturuan ang iba ng mga liham at doktrina para ipakita kung gaano sila katalino. Ang paggawa ng tungkulin ng isang tao ay pagpapahalaga sa, pagtulong, pagkakaroon ng konsiderasyon sa at pangangalaga sa iba nang may pag-ibig sa Diyos, pagpapahalaga sa iba kaysa sa sarili, iniisip lagi ang iba, nilalayon ang lahat ng bagay para sa iglesia, mas ginugustong magdusa para makakuha ng buhay ang mas maraming tao at maligtas, para bayaran ang lahat ng kabayaran para maintindihan ng mga tao ang katotohanan at gamitin ang kanilang mga sarili para sa Diyos para matupad ang kalooban ng Diyos. Hindi ito pagmamayabang sa sarili batay sa katayuan ng isa at pagkapit sa mga kasiyahan ng laman at kahit gaano pa karaming mga kapatid ang nagdurusa, sa pagtupad lang ng sariling naisin ng isang tao na kumain, uminom at magsaya pa, habang iniiwan ang mga benepisyo ng mga kapatid. Nagtatrabaho pa ang ilang mga tao ayon sa kagustuhan at pagnanasa. Kapag tinanggap sila nang mabuti ng tao at nakuha ang kanilang pabor, sila’y makikipag-fellowship sa kanila. Kung hindi, tatanggi sila. Ang pinakakasuklam-suklam na tao ay siya na ikinakalakal ang kanyang gawain. Ang paggawa ng tungkulin ng isang tao ay pagsasaayon sa puso ng isang tao sa kalooban ng Diyos—inaalala ang tungkol sa mga alalahanin ng Diyos, iniisip ang tungkol sa kung ano ang iniisip ng Diyos, nag-aalala tungkol sa mga inaalala ng Diyos at laging inuuna ang mga interes ng pamilya ng Diyos. Ito’y pagsisikap nang mabuti hanggang sa makaligtaan ang mga pagkain at pagtulog ng isang tao at pagsusumikap sa paggawa, at paggawa sa gawain na ipinagkatiwala ng Diyos sa isang tao nang may diwa ng pagiging responsable ng isang amo. Hindi ito umaasa na magantimpalaan para sa maliit na gawain, o umaasa ng kasiyahan matapos ang kaunting pagdurusa, o nagiging mapagmataas at mayabang matapos makamit ang ilang mga resulta, o tinatamasa ang katayuan at kumikilos bilang isang tirano. Iyong mga matapat sa paggawa ng kanilang mga tungkulin ay nagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos, ay mga matapat at deboto at gumagawa ng walang reklamo at hindi makasarili bilang lingkod ng Diyos, handa lang ibalik ang pag-ibig ng Diyos, pinaglilingkuran ang Diyos nang karapat-dapat sa kanilang buhay. Itinuturing nila ang kanilang mga sarili bilang hindi hihigit sa isang kapirasong alikabok nang walang karangalan, at mas mababa pa sa pagiging karapat-dapat sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos, at sila’y lubusang nasa awa ng Diyos at hindi nagrereklamo. Hindi sila mga masasama at walang-hiyang mga hipokrito na pinapahalagahan ang kanilang mga sariling buhay, umaasa na makakatanggap ng magandang kapalaran, at umaasa na mangibabaw sa iba at nasisiyahan na mas mataas sa iba. Ang paggawa ng tungkulin ng isang tao ay pagkakaroon ng konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, pinapanatiling malapit sa dalahin ng Diyos, itinuturing ang mga kapatid bilang mga magulang ng isa, pagiging handa na maging lingkod ng bawat isa, laging iniisip ang mga buhay ng mga kapatid, lakas-loob na inaako ang responsibilidad, walang utang kanino man, hinahayaang makuha ng mga tao kung ano man ang kanyang nakuha, naglilingkod nang may konsensiya, at lakas-loob na tinatanggap ang pangangasiwa ng lahat. Hindi nito sinasabi ang mga bagay na magandang pakinggan ngunit walang ginagawang aktuwal na gawain, o tinatamasa ang hospitalidad ng mga kapatid ngunit sila’y inaapi pa rin, o inuutusan ang mga tao na gawin ito at iyon para alagaan siya nang mabuti, ngunit nangangaral, nagpupungos at hinaharap ang mga tao sa bawat liko, o hinihingi niya sa mga tao na pumnta at hintayin siya kapag siya ay may sakit at hinihingi sa mga tao na samahan siya kapag sila’y kailangan niya. Ang naturang tao na ginagawang mga lingkod ang mga tao ay talagang hindi naglilingkod sa Diyos; sa halip, itinataas ang kanyang sarili, sumasaksi sa kanyang sarili, itinatayo ang kanyang sarili, hinahayaan ang mga tao na ituring siya bilang Diyos, at takot na takot na mapunta siya sa mababang reputasyon at hindi makumbinsi ang mga tao. Pinapalakas niya nang todo ang opensiba at walang humpay pa niyang pinapasunod at pinapasamba ang mga tao, at umuupo sa lugar ng Diyos na nagtuturo sa mga tao ng mga aral. Minamaliit niya ang bawat isa at ginagawa ang lahat sa kanyang kapangyarihan para makagawa ng kanyang sirkulo ng impluwensiya, nagpapatakbo ng kanyang sariling mga negosyo para ilagay siya sa gitna ng mga tao, pakinggan ang kanyang mga salita, sundin ang kanyang pagsasaayos at ilagay ang Diyos sa isang tabi para sambahin siya. Matapos ang ilang taon nang siya’y nagtrabaho, ang mga pinamumunuan niyang tao ay walang kaalaman sa Diyos. Bagkos, takot sila lahat sa kanya at sinusunod siya. Siya’y naging diyos. Hindi ba ito pagdadala ng mga tao sa kanyang harapan? Magnanakaw ang ganitong uri ng tao, isang magnanakaw sa loob ng pamilya at isang anticristo.

mula sa “Ang Tunay na Kahulugan ng Paglilingkod at ang mga Tungkulin ng mga Manggagawa” sa Koleksyon ng mga Sermon—Suplay para sa Buhay

Sinasamba niyo ba sa kasalukuyan ang mga pastor at pinuno ng mga relihiyon? Hindi na ninyo ito ginagawa. Bakit hindi na ninyo ito ginagawa? May nagsabi, ‘Wala sa kanila ang katotohanan, kaya hindi ko sila sinasamba.’ Magaling ang pagkasabi, praktikal ang mga salitang ito. Ano pa? lahat sila ay anticristo at masama ang hangarin ng kanilang puso. Ipinako nila si Cristo sa krus, subalit hindi nila ito pinagsisisihan ni pinagmumuni-muni sa kanilang sarili. Hindi nila nadarama na may nagawa silang mali. Hindi nila iniisip na sila ang pinaka-pangunahing makasalanan. Napakasama ang hangarin at maitim ang puso ng mga taong ito. Hindi kaya dahil wala sa kanila ang anumang katotohanan? Punung-puno sila ng disposisyon at kasamaan ni Satanas. Wala sila ni katiting na konsiyensya o pakiramdam! Hindi lang wala sa kanila ang katotohanan, ganap rin na wala silang kabaitan. Ganap na napakasama at napakademonyo nila. Binabasbasan nila ang sinumang magbigay sa kanila ng pera. Kung hindi mo sila binibigyan ng donasyong pera, hindi ka nila babasbasan. Kasuklam-suklam sila, binabasbasan lamang nila ang mga tao dahil sa pera! Ano ang inialay mong kapalit ng mga pinansyal na kontribusyon ng mga piling tao ng Diyos? Nakapagdala ka ba talaga ng mga tao sa harap ng Diyos? Natulungan mo ba ang mga tao na matamo ang gawain ng pagliligtas ng Diyos? Natulungan mo na ba ang mga tao na matamo ang lahat ng katotohanang ipinapahayag ng Diyos? Natulungan mo na ba ang mga tao na magtamo ng kaligtasan? Karapat-dapat ka bang matamasa ang kanilang mga sakripisyo? Hindi ka pa nakapagbigay ni katiting sa mga piling tao ng Diyos sa buhay. Ni hindi mo pa nadadala sa harap ng Diyos ang mga taong iyon na nananalig sa Diyos. Sa halip, hinila mo sila sa iyo at nagpakabusog ka sa kanilang laman at ininom mo ang kanilang dugo. Hindi ka ba isang linta lamang? Sabihin mo sa akin, ito bang klase ng huwad na pastol, demonyo at masamang tao ang karapat-dapat na maglingkod sa Diyos? Kaya nga kailangang makita nang malinaw ng mga tao ang diwa ng sitwasyong ito. Matapos mo itong makita nang malinaw, hindi ka lamang titigil sa pagsamba sa mga taong ito, kamumuhian mo sila. Mauunawaan mo kung bakit nararapat isumpa ang ganitong klaseng mga tao. Sila ay mga kaaway ng Diyos. Sila ang mga kaaway ng mga piling tao ng Diyos. Kapag nagkaroon ka ng ganitong klaseng pag-unawa, malinaw mo nang makikita ang sitwasyong ito. … Ang mga nananalig ay nagbibigay ng donasyon sa iglesia para magtamo sila ng kaligtasan, magkaroon ng mas malaking pananampalataya sa Diyos at magtamo ng katotohanan. Gayunman, ibinubulsa ng mga pastor ang perang ito at ginagastos ito. Matapos nila itong kunin, inilalagay nila ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga nananalig upang basbasan sila. Ano ang akala nila? ‘Nabasbasan na kita. Ayos lang na gastusin ko ang pera mo.’ Hindi ba linta ito? Hindi ba isa itong halimaw na sumisipsip ng dugo? Kunwari’y nagpakita ang Diyos sa publiko isang araw at sinabing, ‘Ako ang Makapangyarihang Diyos. Ako ang Makapangyarihang Diyos na inuusig ninyo.’ Kapag nakita ito ng mga pastor, sasabihin nilang, “Naku. Ang Makapangyarihang Diyos pala talaga na isinusumpa natin ang tunay na Diyos!’ Kapag nakita ito ng mga miyembro ng mga iglesiang ito, sasabihin nila, “Naku, nilinlang tayo ng pastor natin. Sabi niya huwad ang Makapangyarihang Diyos, na hindi Siya ang tunay na daan. Nakakakilabot! Nadaya tayo ng ating pastor. Nalinlang niya tayo. Nagbigay tayo na napakalaking donasyong pera, subalit hindi pa natin natatamo ang tunay na daan. Hind niya tayo pinayagang tanggapin ang ikalawang pagparito ni Jesus. Hindi niya tayo pinayagang tanggapin ang tunay na daan. Napakadaya ng pastor na ito!’ Ngayon, tatayo ang mga nananalig na ito at pipitserahan ang pastor na ito at sasampalin ang kanyang bibig. Ano ba ito? Ang tawag dito, kung ano ang iyong itinanim ay iyon ang iyong aanihin, hindi ba? Libu-libo, sampu-sampung libo, daan-daang libo pa nga ang ibinibigay na donasyon ng mga tao. Kapag nalaman nila na nadaya sila, mamumuhi sila nang husto sa kaibuturan ng kanilang puso! Hindi ba kasalanan ang ubusin ng pastor na ito ang pera ng mga tao at inumin ang kanilang dugo? Kasalanan ito, ito ay dugong inutang! Sa ngayon, tinatamasa nila ang mga donasyon ng mga nananalig na ito. Akala nila hindi problema ito. Hindi ba sila nakokonsiyensya? Kung may konsiyensya sila, makokonsiyensya sila. Nakapagdala ka na ba ng mga tao sa harap ng Diyos? Ano na ang natustusan mo sa mga tao? Karapat-dapat ka bang magtamasa ng mga sakripisyong ito? Nagpunta ka sa seminaryo para mag-aral para mabusog mo ang iyong sarili. Naparito ka at ginamit mo ang mga sulat at doktrina upang dayain ang mga tao dahil sa pera nila. Ano ba ito? Ano ang kaibhan nito sa pagnanakaw? Kaya nga kailangang maunawaan nang malinaw ng mga tao ang kahalagahan ng bagay na ito. Para sa mga taong hindi ito malinaw na nauunawaan, maghintay lang kayo. Isang araw, kapag nagpakita nang hayagan ang Diyos, huling araw na iyon ng mga linta at masasamang lingkod na nasa iglesia. Sa panahong iyon, lahat ng nananalig ay babangon at pipitserahan sila. Pagbabayarin nila sila sa kanilang mga utang. Sasabihin ng mga nananalig, ‘Kailangang bayaran ng dugo ang dugong inutang!’ Sa panahong iyon, malalaman ng mga pinunong ito ng mga relihiyon kung anong klaseng katapusan ang sasakanila at mauunawaan mo ang diwa nila. Sa panlabas na anyo, naglilingkod sila sa Diyos, pero paano naman sa panloob? Nilalabanan nila ang Diyos. Sila ay mga anticristo at masasamang tao. Sinisipsip nila ang dugo ng mga tao nang walang kakurap-kurap. Kaya nga kung walang konsiyensya, normal na pakiramdam at katotohanan ang mga taong naglilingkod sa Diyos, sa huli ay maglalakad sila sa landas ng paggawa ng kasamaan, ibig sabihin, ang masamang landas ng paglaban sa Diyos. Ngayon mismo, may ilang tao nang nakakakita nang malinaw sa mga bagay na ito. Kaya nga hindi posibleng maglingkod sa Diyos nang wasto nang wala ang katotohanan. Napaka-mapanganib para sa mga tao na pagkakitaan ang paglilingkod sa Diyos. Kapareho ito ng landas ng mga pastor at ng landas ng mga anticristo. Nais nilang pagkakitaan ang paglilingkod sa Diyos. Pakay ng mga taong ito na kumita mula sa iglesia. Hindi pa sila tinatawag ng Diyos. Hindi sila nagsusumikap dahil sa pagmamahal sa Diyos o konsiderasyon sa mga layunin ng Diyos. Nagkikimkim sila ng masasamang layunin sa kanilang puso. Sasabihin ba ninyo na sinumang naglilingkod sa Diyos para maghanapbuhay, para sa kanilang sariling kapakinabangan, ay matalik na kaibigan ng Diyos? Hindi sila gayon. Sila ay mga taong isinugo ni Satanas upang patigilin at guluhin ang gawain ng Diyos. Sila ay mga alipin ni Satanas. Tiyakan silang inilarawan ng Diyos bilang “isang soro na nagnanakaw ng ubas.

mula sa “Ang mga Hinihingi sa mga Naglilingkod sa Diyos na Kailangang Tugunan at Paano Maglingkod ayon sa Kalooban ng Diyos” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (II)

Sinundan:Ano ang kaibhan sa pagitan ng trigo at ng panirang damo?

Sumunod:Ano ang gawain ng buhay na walang hanggan? Paano nakikilala ang gawain ng Banal na Espiritu?

Baka Gusto Mo Rin