Isang Pag-unawa ng Pagkakaligtas

Lin Qing    Lungsod ng Qingzhou, Lalawigan ng Shandong

Sa loob ng mga nakaraang ilang taon ng pagsunod sa Diyos, tinalikdan ko ang kasiyahan ng aking pamilya at ng laman, at ako ay okupado buong araw sa pagtutupad ng aking tungkulin sa iglesia. Kaya ako’y naniwala: Hangga't hindi ko pabayaan ang gawain sa iglesia na ipinagkatiwala sa akin, hindi ko pagtaksilan ang Diyos, hindi lumisan sa iglesia, at sundan ang Diyos hanggang sa dulo, ako ay patatawarin at ililigtas ng Diyos. Naniwala rin ako na ako ay tumatahak sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos, at ang kailangan ko lamang gawin ay sundan Siya hanggang sa katapusan.

Ngunit, noong nakaraang ilang araw, nakakita ako ng teksto mula sa pangangaral ng isang tao "Tanging mga Nakatamo ng Katotohanan at Pumasok sa Katunayan Lamang ang Talagang Ligtas": "Hindi kasing-simple tulad ng iniisip ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos. Dapat tayong umasa sa paghatol at pagkastigo, pati na rin sa mga pagsubok at pagpipino na mula sa salita ng Diyos sa bawat hakbang ng ating mga karanasan. Dapat nating sundan nang mabuti ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos, at sa huli ay matamo ang katotohanan at makamit ang pagbabago sa disposisyon upang maging bagong likha, at makaasa sa katotohanan upang magtagumpay kay Satanas at mapangibabawan ang kasalanan. Kailangan kaya nating mabuhay nang sinasadya na umaasa sa mga salita ng Diyos, upang ganap na sundin ang Diyos at maging kaayon Niya. Ito lamang ang  tunay na pagtagumpay kay Satanas, pagpangibabaw sa kasalanan, at pagtatamo ng Diyos sa atin. Kung makakamit natin ang kalalabasang ito mula sa pagdanas ng gawain ng Diyos, kung gayon, ito lamang ang tunay na pagliligtas ng Diyos." "Sa landas ng paghahanap ng katotohanan at pagkamit ng kaligtasan mula sa Diyos, marami pang mga paghihirap at balakid, tulad ng paghihiwalay ng pamilya, mga sakunang natural at gawa ng tao—bawat uri ng pagsubok at pagdurusang dapat harapin ng mga tao. Tiyak na hindi ito madali, at kung nagkukulang ang mga tao sa katotohanan, hindi sila makakatayo nang matatag, ang tsansang pagtataksilan nila ang Diyos ay 100%."Pagkatapos kong basahin ito, pakiramdam ko ay para akong nagigising mula sa isang panaginip. Kaya, ang pagliligtas ng Diyos ay hindi kasing-simple pala nang aking inaakala; ito ay nakaasa sa mga taong dumaranas ng gawain at mga salita ng Diyos sa bawat hakbang ng proseso, tumatanggap ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, pag-aksyon at pagpupungos, pati na rin pagdaranas ng kapaitan ng lahat ng uri ng pagsubok at pagdurusa. Upang makamit nila ang tunay na pagkaunawa ng kanilang mga sariling tiwaling disposisyon at unti-unting tanggalin ang katiwalian mula sa kanilang sarili, at sa huli ay maaari silang magtiwala sa mga salita ng Diyos at manalig sa katotohanan upang magtagumpay kay Satanas at mapangibabawan ang mga puwersa ng kadiliman sa lahat ng uri ng kapaligiran. Tanging ang pagkamit ng ganitong kalabasan lamang ang tunay na pagliligtas ng Diyos. Ngunit kung ikukumpara ito sa aking aktwal na kalagayan, malayo ako sa pagkamit ng nasabing kinalabasan. Napakaraming beses na kahit na alam kong ang pagpupursigi ng reputasyon at katayuan ay hindi pinupuri ng Diyos, ako ay nakibahagi pa rin sa pagpupursigi ng mga bagay na ito, at naging negatibo at mahina kapag hindi ko sila nakuha. Nawawala ko ang aking pangganyak na pursigihin ang katotohanan at nahuhulog sa isang kadilimang kung saan hindi ako makalaya. Napakaraming beses na kahit na alam kong ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugang dapat kong pursigihin ang katotohanan upang suklian ang Kanyang pagmamahal at hindi ako maaaring magsagawa ng mga transaksyon sa Diyos, nakita ko na ang araw ng Diyos ay masyadong huli na sa pagdating at dinala ko ang pagiging negatibo sa sarili ko. Ang aking lakas nang mga naunang panahon ay basta na lang nawala nang walang bakas, at isinagawa ang pagtutupad ng aking tungkulin nang padalus-dalos. Kapag nakakatagpo ako ng mga kahirapan sa aking gawain, kahit na alam ko na ito ay ang paraan ng pagsasanay sa akin ng Diyos sa pamamagitan ng mga kahirapan, ang loob ko ako ay puno pa rin ng maling pagkakaunawa at hinaing sa Diyos. Naramdaman ko na ang pagpaniwala sa Diyos ay masyadong mahirap, masyadong nakakapagod, at lagi kong nais makatakas, at pati na rin bumitaw sa aking gawain. Napakaraming beses na kahit na alam ko ang kapaligiran at lahat ng mga tao, mga paksa at mga bagay-bagay na nakapalibot sa akin ay itinakda ng Diyos upang gawin akong perpekto, at dapat kong hanapin ang katotohanan mula sa mga bagay na ito, palagi akong tumututol at ayaw kong tanggapin kapag ako ay naharap sa isang tao, paksa o bagay na hindi naaayon sa aking mga pagkakaintindi. Kapag tinitingnan ko ang lahat ng mga aktwal na kalagayang ito, paano ako magkakaroon ng kahit katiting na tunay na tayog? Kapag nahaharap sa kahit maliit na pagsubok o kabiguan, ako ay nasa panganib na madapa, ano pa kaya ang kakayahang makatayo nang matatag sa gitna ng malalaking pagsubok at paghihirap. Sa sandaling iyon nakita ko na kahit na sinunod ko ang Diyos nang ilang taon nang hindi sumusuko, hindi ko talaga nauunawaan ang katotohanan, at ang aking disposisyon sa buhay ay hindi nagbago nang kahit kaunti. Ako ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng madilim na impluwensya ni Satanas at napapasailalim sa kanyang panlilinlang at pagmamanipula. Napakalayo nito sa pamantayan ng pagiging tunay na inililigtas ng Diyos, ngunit naniniwala pa rin ako na matagal na akong nakapasok sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos at ako ay halos sapat na—ito ay panlilinlang sa sarili lamang.

O Diyos, maraming salamat! Ang iyong pagbibigay liwanag at pamamatnubay ang malinaw na nakapagpakita sa akin ng aking tunay na kalagayan at nakapagpaunawa sa akin kung ano ang tunay na kaligtasan, binago ang aking maling kaalaman mula noong nakaraan. Ipinaunawa rin sa akin na kung hindi ko matamo ang katotohanan o hindi ako magkaroon ng pagbabago sa aking disposisyon sa buhay, hindi ko matatamo ang Iyong papuri kahit ilang taon pa akong naniniwala sa Diyos. Mula sa araw na ito, handa kong mahalin ang kayamanang ito na oras upang mabigyan ako ng mas marami pang katotohanan, at sa pamamagitan ng pagdanas ng Iyong gawain, matatanggal ko ang tiwaling disposisyon mula sa aking sarili. Ako ay mabubuhay nang naaayon sa Iyong mga salita at lubusang susundin Ka, at kakamtan ang tunay na kaligtasan mula sa Iyo. Kapag nakikita ko ang ibang tao na may masasayang pamilya samantalang ako ay inabandona ng aking mga mahal sa buhay at walang lugar ng pahingahan, madalas akong makaramdam ng kalungkutan at sama ng loob dahil dito, hanggang umaabot sa puntong nais kong lisanin ang Diyos nang ilang beses. ... Gayon pa man, akala ko pa rin na matagal na akong tumatahak sa landas ng pagliligtas ng Diyos.