Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Bahay ng Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Bilis

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Ang Awtoridad ng Diyos (I)

Ang huli kong maraming mga pagbabahagi ay tungkol sa gawain ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos, at sa Diyos Mismo. Pagkatapos marinig ang mga pagbabahaging ito, pakiramdam ba ninyo ay nakatamo kayo ng pagkaunawa at pagkakilala sa disposisyon ng Diyos? Gaano kalaking pagkaunawa at pagkakilala? Nalalagyan ba ninyo ito ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagbabahaging ito ng mas malalim na pagkaunawa tungkol sa Diyos? Masasabi kaya na ang pagkaunawang ito ay tunay na pagkakilala sa Diyos? Masasabi kaya na itong pagkakilala at pagkaunawa sa Diyos ay pagkakilala sa kabuuang diwa ng Diyos, at sa lahat ng mayroon at kung ano Siya? Hindi, kitang-kitang hindi! Iyan ay dahil nagbigay lamang ang mga pagbabahaging ito ng pagkaunawa sa bahagi ng disposisyon ng Diyos, at ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya—hindi sa lahat ng ito, o sa kabuuan nito. Ang mga pagbabahagi ay nagpaunawa sa inyo ng bahagi ng gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, kung saan nakita ninyo ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, pati na rin ang pamamaraan at pag-iisip sa likod ng lahat ng Kanyang nagáwâ. Nguni’t isa lamang itong literal at nasábing pagkaunawa sa Diyos, at, sa inyong mga puso, nananatili kayong hindi sigurado kung gaano karami rito ang totoo. Ano ang mga pangunahing nagpapaálám kung mayroon bang anumang katotohanan sa pagkaunawa ng mga tao sa mga gayong bagay? Naaalaman ito sa pamamagitan ng kung gaano karami sa mga salita ng Diyos at disposisyon ang tunay nilang naranasan sa panahon ng kanilang aktwal na mga pagdaranas, at kung gaano karami ang nakaya nilang makita at malaman sa panahon nitong aktwal na mga pagdaranas. “Ang huling maraming mga pagbabahagi ay nagpaunawa sa atin ng mga bagay na ginawa ng Diyos, ang mga iniisip ng Diyos, at bukod diyan, ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan at ang basehan ng Kanyang mga pagkilos, pati na rin ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos. At kaya nakakarating tayo sa pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos, at nakikilala ang kabuuan ng Diyos.” Mayroon bang sinuman na nakapagsabi ng gayong mga salita? Tama ba na sabihin ito? Ito’y malinaw na hindi. At bakit ko sinasabi na hindi? Ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay naipapahayag sa mga bagay na Kanyang nagágawâ at sa mga salitang Kanyang nasásabi. Nakakaya ng tao na makita kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng gawain na Kanyang nagágawâ at ng mga salitang Kanyang nasásabi, nguni’t ito lamang ay para sabihin na ang gawain at mga salita ay nagbibigay-kakayahan sa tao na maunawaan ang isang bahagi ng disposisyon ng Diyos, at isang bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Kung ninanais ng tao na magtamo pa ng mas marami at malalim na pagkaunawa tungkol sa Diyos, kung gayon dapat ay mas maranasan pa ng tao ang mga salita at gawa ng Diyos. Bagama’t ang tao ay nagtatamo lamang ng isang bahagi ng pagkaunawa sa Diyos kapag nakakaranas ng bahagi ng mga salita o gawa ng Diyos, ito bang bahagi ng pagkaunawang ito ay kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos? Kumakatawan ba ito sa diwa ng Diyos? Sabihin pa ito’y kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos, walang duda riyan. Anumang oras o lugar, o sa kung anumang paraan ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, o sa kung anumang anyo Siya nagpapakita sa tao, o sa kung anong paraan Niya ipinahahayag ang Kanyang kalooban, ang lahat na Kanyang ibinubunyag at ipinapahayag ay kumakatawan sa Diyos Mismo, sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at sa Kanyang totoong pagkakakilanlan; ito ay talagang tunay. Nguni’t, ngayon, ang mga tao ay may isang bahagi lamang ng pagkaunawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at sa pamamagitan ng kung ano ang naririnig nila kapag sila ay nakikinig sa pangangaral, at kaya sa isang tiyak na lawak, ang pagkaunawang ito ay nasasabi na panteoryang kaalaman lamang. Sa pagtingin sa iyong aktwal na mga katayuan, napapatunayan mo lamang ang pagkaunawa o pagkakilala sa Diyos na iyong naririnig, nakikita, o nalalaman at naiintindihan sa iyong puso ngayon kung ang bawa’t isa sa inyo ay dumadaan dito sa iyong mga aktwal na mga pagdaranas, at dumarating sa pagkaalam nito nang paunti-unti. Kung hindi ko ibinahagi ang mga salitang ito sa inyo, makakamit ba ninyo ang tunay na pagkakilala sa Diyos sa pamamagitan lamang ng inyong mga karanasan? Para gawin iyon, sa tingin ko, ay magiging napakahirap. Iyon ay dahil kinakailangan ng mga tao na taglayin muna ang mga salita ng Diyos para malaman kung paano makaranas. Kung gaano man karami sa mga salita ng Diyos ang kinakain ng mga tao, gayon ang bilang na aktwal nilang nararanasan. Nangunguna ang salita ng Diyos sa daanan sa unahan, at ginagabayan ang tao sa kanyang pagdaranas. Sa madaling salita, para sa mga nagkaroon ng ilang tunay na karanasan, itong huling maraming mga pagbabahagi ay tutulong sa kanilang kamtin ang mas malalim na pagkaunawa sa katotohanan, at mas makatotohanang pagkakilala sa Diyos. Nguni’t para sa mga wala pang anumang tunay na karanasan, o mga kasisimula pa lamang sa kanilang pagdaranas, o kasisimula pa lamang na makahipo sa realidad, ito ay isang malaking pagsubok.

Ang pangunahing nilalaman ng huling maraming mga pagbabahagi ay nakatuon sa “disposisyon ng Diyos, gawain ng Diyos, at Diyos Mismo.” Ano ang nakita ninyo sa mga pangunahin at sentrong bahagi ng lahat ng aking sinabi? Sa pamamagitan ng mga pagbabahaging ito, nakakaya ba ninyong kilalanin na Siya na gumawa ng gawain, at nagbunyag ng mga disposisyong ito, ay ang natatanging Diyos Mismo, na may hawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay? Kung ang sagot ninyo ay oo, kung gayon ano ang nagdadala sa inyo sa ganoong konklusyon? Sa pamamagitan ba ng anong mga aspeto naaabot ninyo ang ganitong konklusyon? Maaari bang sabihin sa akin ng sinuman? Alam ko na naapektuhan kayo nang matindi ng mga huling pagbabahagi, at nagbigay ng bagong simula sa inyong puso para sa inyong pagkakilala sa Diyos, na maganda naman. Nguni’t kahit na nagkaroon kayo ng malaking paglaktaw sa inyong pagkaunawa sa Diyos kumpara sa dati, ang pakahulugan ninyo sa pagkakakilanlan ng Diyos ay hindi pa umusad nang lampas sa mga pangalan ng Diyos na Jehova ng Kapanahunan ng Kautusan, ng Panginoong Jesus ng Kapanahunan ng Biyaya, at ng Makapangyarihang Diyos ng Kapanahunan ng Kaharian. Na ang ibig sabihin ay, kahit na ang mga pagbabahaging ito tungkol sa disposisyon ng Diyos, gawain ng Diyos, at Diyos Mismo ay nagbigay sa inyo ng kaunting pagkaunawa tungkol sa mga salitang minsa’y sinabi ng Diyos, at sa gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, at sa katauhan at mga pag-aari na minsa’y ibinunyag ng Diyos, wala kayong kakayahan para magbigay ng tunay na kahulugan at tumpak na oryentasyon ng salitang “Diyos.” Wala rin kayong tunay at tumpak na oryentasyon at pagkakilala sa katayuan at pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, na ibig sabihin, tungkol sa katayuan ng Diyos sa gitna ng lahat ng mga bagay at sa kabuuan ng buong sansinukob. Iyon ay dahil, sa mga nakaraang pagbabahagi tungkol sa Diyos Mismo at sa disposisyon ng Diyos, ang lahat ng nilalaman ay base sa nakaraang mga pagpapahayag at mga pagbubunyag ng Diyos na nakatala sa Biblia. Nguni’t mahirap para sa tao na tuklasin ang katauhan at mga pag-aari na ibinubunyag at ipinahahayag ng Diyos sa panahon, o sa labas ng, Kanyang pamamahala at pagliligtas ng sangkatauhan. Kaya, kahit pa naiintindihan ninyo ang pagka-Diyos ng Diyos at mga pag-aari na ibinunyag sa gawain na minsan Niyang ginawa, ang inyong pakahulugan sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos ay malayo pa rin mula roon sa natatanging Diyos, ang Siyang may hawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay, at ito’y naiiba mula sa Maylalang. Ganoon din ang naramdaman dati ng lahat sa nakaraang maraming mga pagbabahagi: Paano malalaman ng tao ang mga iniisip ng Diyos? Kung may isang talagang makaaalam, malamang ang taong iyon ay Diyos, dahil ang Diyos Mismo lamang ang nakaaalam ng Kanyang sariling iniisip, at ang Diyos Mismo lamang ang nakaaalam ng basehan at paraan sa likod ng lahat ng Kanyang ginagawa. Mukhang makatwiran at lohikal para sa inyo na kilalanin ang pagkakakilanlan ng Diyos sa ganoong paraan, nguni’t sino ang nakapagsasabi mula sa disposisyon at gawain ng Diyos na ito nga ay talagang gawa ng Diyos Mismo, at hindi gawa ng tao, gawain na hindi nagagawa ng tao sa ngalan ng Diyos? Sino ang nakakakita na ang gawaing ito ay bumabagsak sa ilalim ng kapangyarihan ng Isa na mayroong diwa at kapangyarihan ng Diyos? Na ang ibig sabihin, sa pamamagitan ng anong katangian o diwa inyong nakikilala na Siya ay Diyos Mismo, na may pagkakakilanlan ng Diyos, at Siyang may hawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay? Naiisip ba ninyo ang tungkol doon? Kung hindi pa, kung gayon ay pinatutunayan nito ang isang katunayan: Ang mga nakaraang maraming mga pagbabahagi ay nagbigay lamang sa inyo ng kaunting pagkaunawa sa kapiraso ng kasaysayan kung saan ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at tungkol sa paraan, kahayagan, at mga pagbubunyag ng Diyos sa panahon ng gawaing iyon. Bagama’t ang naturang pagkaunawa ay nagsasanhi sa bawa’t isa sa inyo na makilala nang walang duda na Siya na nagsakatuparan nitong dalawang yugto ng gawain ay ang Diyos Mismo na inyong pinaniniwalaan at sinusundan, at Siya na nararapat na lagi ninyong sundin, hindi pa rin ninyo kayang kilalanin na Siya ay ang Diyos na umiiral na mula pa sa paglikha ng mundo, at Siyang iiral magpakailanman, ni hindi ninyo kayang kilalanin na Siya ang nangunguna at may hawak ng kapangyarihan sa ibabaw ng buong sangkatauhan. Siguradong kailanman ay hindi ninyo naisip ang tungkol sa problemang ito. Maging ito man ay si Jehova o ang Panginoong Jesus, sa pamamagitan ng anong mga aspeto ng diwa at kahayagan nakakaya ninyong kilalanin na hindi lamang Siya ang Diyos na dapat ninyong sundin, kundi Siya rin ang nag-uutos sa sangkatauhan at may hawak ng kapangyarihan sa kapalaran ng sangkatauhan, na bukod doon, Siya ang natatanging Diyos Mismo na may hawak ng kapangyarihan sa kalangitan at lupa at sa lahat ng mga bagay? Sa pamamagitan ng aling mga paraan ninyo nakikilala na Siya na pinaniniwalaan ninyo at sinusunod ay ang Diyos Mismo na may hawak ng kapangyarihan sa ibabaw ng lahat ng mga bagay? Sa pamamagitan ng aling mga paraan ninyo pinag-uugnay ang Diyos na inyong pinaniniwalaan sa Diyos na may hawak ng kapangyarihan sa kapalaran ng sangkatauhan? Ano ang nagpapahintulot sa inyo na makilala na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay ang natatanging Diyos Mismo, na Siyang nasa langit at nasa lupa, at nasa lahat ng bagay? Ito ang problemang aking sasagutin sa susunod na bahagi.

Ang mga problema na kailanman ay hindi ninyo napag-isipan o hindi naiisip ay maaaring yaong pinakamahalaga sa pagkilala sa Diyos, at kung saan maaaring makita ang mga katotohanang hindi naaarok ng tao. Kapag dumating ang mga problemang ito sa inyo, at kailangan ninyong harapin, at kailangan ninyong pumili, kung hindi ninyo malutas nang lubusan ang mga iyon dahil sa inyong kahangalan at kamangmangan, o dahil ang inyong mga karanasan ay masyadong mababaw at kulang kayo sa tunay na pagkakilala sa Diyos, kung gayon ang mga iyon ay magiging ang pinakamalaking balakid at pinakamatinding hadlang sa landas ng inyong paniniwala sa Diyos. Kaya nararamdaman Ko na lubos na kinakailangan na magbahagi sa inyo tungkol sa paksang ito. Alam ba ninyo kung ano ang problema ninyo ngayon? Maliwanag ba sa inyo ang mga problemang Aking sinasabi? Ang mga problema bang ito ang inyong kakaharapin? Ang mga iyon ba ang mga problemang hindi ninyo nauunawaan? Ang mga iyon ba ang mga problemang kailanman ay hindi nangyari sa inyo? Mahalaga ba ang mga problemang ito sa inyo? Problema ba talaga ang mga iyon? Ang bagay na ito ay pinagmumulan ng matinding kalituhan sa inyo, na nagpapakita na wala kayong tunay na pagkaunawa tungkol sa Diyos na inyong pinaniniwalaan, at hindi ninyo Siya sineseryoso. Sabi ng ibang tao, “Alam kong Siya ay Diyos, at kaya ko Siya sinusunod, dahil ang Kanyang mga salita ay ang pagpapahayag ng Diyos. Tama na iyon. Anong katibayan pa ba ang kailangan? Tiyak na hindi natin kailangang maglabas ng mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos? Tiyak na hindi natin dapat subukan ang Diyos? Tiyak na hindi natin kailangang pagdudahan ang diwa ng Diyos at ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo?” Kung ganito man ang paraan ng inyong pag-iisip, hindi ko inilalabas ang ganyang mga tanong para lituhin kayo tungkol sa Diyos, o udyukan kayong subukan Siya, at lalong hindi upang bigyan kayo ng mga pag-aalinlangan tungkol sa pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Sa halip, ginagawa ko ito para hikayatin ko sa loob ninyo ang mas matindi pang pagkaunawa sa diwa ng Diyos, at mas malaking katiyakan at pananalig tungkol sa katayuan ng Diyos, para ang Diyos ay maging nag-iisa lamang sa puso ng lahat niyaong sumusunod sa Diyos, at upang ang orihinal na katayuan ng Diyos—bilang ang Manlilikha, ang Pinuno ng lahat ng mga bagay, ang natatanging Diyos Mismo—ay maaaring maibalik sa puso ng bawa’t nilalang. Ito rin ang tema na Aking ibabahagi sa pagsasamahan.

Simulan nating basahin ngayon ang sumusunod na mga talata mula sa Biblia.

1. Gumagamit ang Diyos ng mga Salita para Likhain ang Lahat ng mga Bagay

Gen 1:3-5 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.

Gen 1:6-7 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon.

Gen 1:9-11 At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon. At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti. At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.

Gen 1:14-15 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.

Gen 1:20-21 At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.

Gen 1:24-25 At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.

Sa Unang Araw, ang Araw at Gabi ng Sangkatauhan ay Isinilang at Tumatag Salamat sa Awtoridad ng Diyos

Tingnan natin ang unang talata: “At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw” (Gen 1:3-5). Inilalarawan ng talatang ito ang unang kilos ng Diyos sa simula ng paglikha, at ang unang araw na pinalipas ng Diyos kung saan mayroong gabi at umaga. Nguni’t ito’y isang hindi pangkaraniwang araw: Nagsimula ang Diyos na ihanda ang liwanag para sa lahat ng bagay, at, saka, hinati ang liwanag mula sa kadiliman. Sa araw na ito, nagsimulang magsalita ang Diyos, at magkatabing umiral ang Kanyang mga salita at awtoridad. Nagsimulang makita ang Kanyang awtoridad sa lahat ng mga bagay, at ang kapangyarihan Niya ay kumalat sa lahat ng mga bagay bilang resulta ng Kanyang mga salita. Simula sa araw na ito, ang lahat ng mga bagay ay nabuo at tumatag nang dahil sa mga salita ng Diyos, sa awtoridad ng Diyos, at sa kapangyarihan ng Diyos, at nagsimula silang gumana salamat sa mga salita ng Diyos, sa awtoridad ng Diyos, at sa kapangyarihan ng Diyos. Nang sinabi ng Diyos ang mga salitang “Magkaroon ng liwanag,” nagkaroon nga ng liwanag. Hindi sumabak ang Diyos sa anumang sapalaran; lumitaw ang liwanag bilang resulta ng Kanyang mga salita. Ito ang liwanag na tinawag ng Diyos na araw, at kung saan nakadepende pa rin ngayon ang tao para sa kanyang pag-iral. Sa pamamagitan ng utos ng Diyos, ang diwa at halaga nito ay hindi kailanman nagbabago, at hindi kailanman ito naglalaho. Ipinakikita ng pag-iral nito ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, at ipinoproklama ang pag-iral ng Maylalang, at kinukumpirma nito, nang paulit-ulit, ang pagkakakilanlan at katayuan ng Maylalang. Hindi ito bagay na di-nahahawakan, o ilusyon, kundi isang tunay na liwanag na nakikita ng tao. Simula sa mga oras na iyon, dito sa mundong walang-laman na kung saan “ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” naibunga ang unang materyal na bagay. Ang bagay na ito ay nanggaling mula sa mga salita ng bibig ng Diyos, at lumitaw sa unang gawa ng paglikha ng lahat ng mga bagay dahil sa awtoridad at mga pagbigkas ng Diyos. Di nagtagal, inutusan ng Diyos na maghiwalay ang liwanag at kadiliman.… Nagbago ang lahat at nakumpleto dahil sa mga salita ng Diyos…. Tinawag ng Diyos itong liwanag na “Araw,” at tinawag Niya ang kadiliman na “Gabi.” Simula sa oras na iyon, naibunga ang unang gabi at ang unang umaga sa mundong hinahangad na likhain ng Diyos, at sinabi ng Diyos na ito ang unang araw. Ang araw na ito ang unang araw ng paglikha ng Maylalang sa lahat ng mga bagay, at ang simula ng paglikha ng lahat ng mga bagay, at ang unang pagkakataon na ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay naipakita sa mundong ito na Kanyang nilikha.

Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nakakaya ng tao na mamasdan ang awtoridad ng Diyos, at ang awtoridad ng mga salita ng Diyos, at ang kapangyarihan ng Diyos. Dahil Diyos lamang ang may angkin ng naturang kapangyarihan, at kaya Diyos lamang ang mayroong naturang awtoridad, at dahil angkin ng Diyos ang naturang awtoridad, at kaya Diyos lamang ang mayroon ng naturang kapangyarihan. Maaangkin ba ng sinumang tao o bagay ang naturang awtoridad at kapangyarihang tulad nito? Mayroon bang sagot sa inyong mga puso? Bukod sa Diyos, mayroon bang nilikha o di-nilikhang kabuuan na may angkin ng gayong awtoridad? Nakakita na ba kayo ng halimbawa ng gayong bagay sa anumang iba pang mga libro o lathalain? Mayroon bang anumang talâ na may isang lumikha ng kalangitan at lupa at ng lahat ng mga bagay? Wala ito sa anumang iba pang mga libro o mga talaan; ang mga ito, sabihin pa, ang tanging may awtoridad at makapangyarihang mga salita tungkol sa kagila-gilalas na paglikha ng Diyos sa mundo, na nakatala sa Biblia, at ang mga salitang ito ay nagsasalita para sa natatanging awtoridad ng Diyos, at sa natatanging pagkakakilanlan ng Diyos. Maaari bang sabihing ang naturang awtoridad at kapangyarihan ay sumasagisag sa natatanging pagkakakilanlan ng Diyos? Maaari bang sabihin na ang mga iyon ay pagmamay-ari ng Diyos, at ng Diyos lamang? Walang alinlangan, ang Diyos Mismo lamang ang may angkin ng naturang awtoridad at kapangyarihan! Ang awtoridad at kapangyarihang ito ay hindi maaaring angkinin o palitan ng anumang nilikha o di-nilikhang kabuuan! Isa ba ito sa mga katangian ng natatanging Diyos Mismo? Nasaksihan ninyo ba ito? Ang mga salitang ito ay agaran at malinaw na nagpapaunawa sa mga tao sa katunayan na ang Diyos ay may angking natatanging awtoridad, at natatanging kapangyarihan, at Siya ay may angking pinakamataas na pagkakakilanlan at katayuan. Mula sa pagbabahagi sa itaas, nasasabi ba ninyo na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay ang natatanging Diyos Mismo?

Sa Ikalawang Araw, Isinasaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginagawa ang mga Kalawakan, at Isang Puwang para sa Pinaka-pangunahing Pananatili ng Tao ang Lumilitaw

Basahin natin ang ikalawang talata ng Biblia: “At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon” (Gen 1:6-7). Anong mga pagbabago ang nangyari matapos sabihin ng Diyos “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig”? Sa mga Kasulatan sinasabi na: “At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan.” Ano ang resulta matapos itong nasabi at nagáwâ ng Diyos? Ang kasagutan ay nakahimlay sa huling bahagi ng talata: “at nagkagayon.”

Ang dalawang maikling mga pangungusap na ito ay nagtatala ng isang kagila-gilalas na pangyayari, at naglalarawan ng isang kamangha-manghang tagpo—ang napakalaking pagbalikat kung saan pinamahalaan ng Diyos ang mga katubigan, at lumikha ng espasyo kung saan ang tao ay maaaring umiral...

Sa larawang ito, ang mga katubigan at ang kalawakan ay lumitaw sa harap ng Diyos sa isang iglap, at sila ay pinaghiwalay ng awtoridad ng salita ng Diyos, at pinaghiwalay sa itaas at ibaba sa paraang iniutos ng Diyos. Na ang ibig sabihin, hindi lamang sakop ng kalawakan na nilikha ng Diyos ang mga katubigan sa ibaba, kundi sinusuhayan din ang mga katubigan sa itaas.... Dito, walang magagawa ang tao kundi ang tumitig, matulala, at mamangha habang pinagmamasdan ang kaningningan ng tagpo kung saan inilipat ng Maylalang ang mga katubigan, at inutusan ang mga katubigan, at nilikha ang kalawakan, at sa kapangyarihan ng Kanyang awtoridad. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ng kapangyarihan ng Diyos, at ng awtoridad ng Diyos, nakamit ng Diyos ang isa pang dakilang gawa. Hindi ba ito ang kapangyarihan ng Awtoridad ng Maylalang? Gamitin natin ang mga kasulatan upang ipaliwanag ang mga gawa ng Diyos: Sinambit ng Diyos ang Kanyang mga salita, at dahil sa mga salitang ito ng Diyos nagkaroon ng kalawakan sa gitna ng mga katubigan. At sa kasabay na pagkakataon, ang napakalaking pagbabago ay nangyari sa kalawakang ito dahil sa mga salitang ito ng Diyos, at hindi ito pagbabago sa isang ordinaryong kahulugan, kundi isang uri ng paghalili kung saan mula sa wala ay nagkaroon ng isang bagay. Ito ay isinilang mula sa mga kaisipan ng Maylalang, at naging isang bagay mula sa wala dahil sa mga salita na sinambit ng Maylalang, at, higit pa roon, mula sa puntong ito, ito ay iiral at tatatag, para sa kapakanan ng Maylalang, at lilipat, magbabago, at mapapanibago alinsunod sa mga kaisipan ng Maylalang. Inilalarawan ng talatang ito ang pangalawang kilos ng Maylalang sa paglikha ng buong mundo. Ito ay isa pang pagpapahayag ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at isa pang kauna-unahang pagbalikat ng Maylalang. Ang araw na ito ay ang ikalawang araw na pinalipas ng Maylalang simula sa pagtatatag ng mundo, at ito ay isa pang kahanga-hangang araw para sa Kanya: Siya ay naglakad sa gitna ng ilaw, dinala Niya ang kalawakan, inayos at pinamahalaan ang mga katubigan, at ang Kanyang mga gawa, ang Kanyang awtoridad, at ang Kanyang kapangyarihan ay napasa-gawain sa bagong araw...

May kalawakan na ba sa gitna ng mga katubigan bago binigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita? Siyempre wala! At paano naman noong matapos sabihin ng Diyos na “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig”? Lumitaw ang mga bagay na hinangad ng Diyos; nagkaroon ng kalawakan sa gitna ng mga katubigan, at naghiwalay ang mga katubigan dahil sinabi ng Diyos “at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.” Sa paraang ito, kasunod ng mga salita ng Diyos, dalawang bagong bagay, dalawang bagong-silang na mga bagay ang lumitaw sa kalagitnaan ng lahat ng mga bagay bilang resulta ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. At ano ang pakiramdam ninyo sa paglitaw ng dalawang bagong bagay na ito? Ramdam ba ninyo ang kadakilaan ng kapangyarihan ng Lumikha? Ramdam ba ninyo ang natatangi at pambihirang puwersa ng Maylalang? Ang kadakilaan ng naturang puwersa at kapangyarihan ay dahil sa awtoridad ng Diyos, at ang awtoridad na ito ay isang pagkatawan sa Diyos Mismo, at isang natatanging katangian ng Diyos Mismo.

Binigyan ba kayo ng talatang ito ng isa pang malalim na pakiramdam ng pagiging-natatangi ng Diyos? Nguni’t malayong hindi pa ito sapat; ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay malayong lampas pa rito. Ang Kanyang pagiging-natatangi ay hindi lamang dahil mayroon Siyang diwa na hindi katulad ng anumang nilikha, kundi dahil din sa ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan ay pambihira, walang limitasyon, kataas-taasan sa lahat, at tumatayo sa ibabaw ng lahat, at bukod dito, dahil ang Kanyang awtoridad at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay nakakalikha ng buhay, at nakakapagbunga ng mga himala, at nalilikha ang bawa’t at lahat ng kagila-gilalas at pambihirang minuto at segundo, at sa kasabay na pagkakataon, kaya Niyang pamahalaan ang buhay na Kanyang nililikha, at hawakan ang kapangyarihan sa ibabaw ng mga himala at bawa’t minuto at segundo na kanyang nililikha.

Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay

Susunod, basahin natin ang unang pangungusap sa Genesis 1:9-11: “At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan.” Ano ang mga pagbabagong naganap matapos simpleng sabihin ng Diyos ang, “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan”? At ano ang nasa espasyong ito bukod sa liwanag at sa kalawakan? Sa mga Kasulatan, nakasulat ito: “At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.” Ibig sabihin, nagkaroon na ngayon ng lupa at mga karagatan sa espasyong ito, at napaghiwalay ang lupa at karagatan. Ang paglitaw ng mga bagong bagay na ito ay sumunod sa utos mula sa bibig ng Diyos, “at nagkagayon.” Inilalarawan ba sa Kasulatan na naging abala ang Diyos habang ginagawa Niya ito? Inilalarawan ba nito na Siya’y pisikal na gumagawa? Kaya, paano ba ito lahat nagáwâ ng Diyos? Paano ba sinanhi ng Diyos ang mga bagong bagay na ito na maibunga? Sa pansariling-patunay, gumamit ang Diyos ng mga salita para makamit ang lahat ng ito, para likhain ang kabuuan nito.

Sa tatlong mga talata sa itaas, natutunan natin ang mga pangyayari ng tatlong malalaking kaganapan. Lumitaw itong tatlong malalaking kaganapan, at binigyang buhay, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at dahil sa Kanyang mga salita na, magkakasunod, lumitaw ang mga ito sa harapan ng Diyos. Kaya nakikita na ang “Nagsasalita ang Diyos, at matutupad ito; Iniuutos Niya, at maitatatag ito” ay hindi mga salitang walang-bisa. Itong diwa ng Diyos ay kumpirmado agad sa sandali na ang Kanyang mga iniisip ay nabuo, at kapag ibinubuka ng Diyos ang Kanyang bibig para magsalita, lubos na nasasalamin ang Kanyang diwa.

Magpatuloy tayo sa huling pangungusap ng talatang ito: “At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong-kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.” Habang nagsasalita ang Diyos, ang lahat ng mga bagay na ito ay nagkaroon ng buhay ayon sa mga kaisipan ng Diyos, at sa isang sandali, ang iba’t-ibang uri ng mga maselang maliliit na anyo ng buhay ay walang-tigil sa pag-usli ng kanilang mga ulo palabas ng lupa, at bago pa nila maipagpag ang mga maliliit na dumi mula sa kanilang mga katawan, sabik na silang kumakaway sa bawa’t isa sa pagbati, tumatango at ngumingiti sa mundo. Pinasalamatan nila ang Lumikha sa buhay na Kaniyang ibinigay sa kanila, at inihayag sa mundo na bahagi sila ng lahat ng mga bagay, at ang bawa’t isa sa kanila’y maglalaan ng kanilang mga buhay sa pagpapakita ng awtoridad ng Lumikha. Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, naging malago at berde ang lupa, tumubo at umusbong mula sa lupa ang lahat ng uri ng mga halaman na maaaring tamasahin ng tao, at ang mga bundok at kapatagan ay kumapal nang todo dahil sa mga puno at kagubatan…. Itong tigang na mundo, na kung saan walang anumang bakas ng buhay, ay mabilis na natakpan ng mga masaganang damo, mga halaman at mga puno at umaapaw sa kaberdehan…. Ang samyo ng damo at ang halimuyak ng lupa ay kumalat sa hangin, at nagsimula ang mga uri ng halaman na huminga kasabay ng sirkulasyon ng hangin, at nagsimula sa proseso ng paglaki. Kasabay nito, salamat sa mga salita ng Diyos at ayon sa mga kaisipan ng Diyos, sinimulan ng lahat ng mga halaman ang magpakailanmang ikot ng buhay na kung saan sila ay lumalago, namumulaklak, namumunga, at dumarami. Nagsimula silang sumunod nang mahigpit sa kani-kanilang mga landas ng buhay, at nagsimulang gampanan ang kani-kanilang mga tungkulin sa gitna ng lahat ng mga bagay…. Isinilang sila lahat, at nabuhay, dahil sa mga salita ng Maylalang. Tatanggap sila ng walang-humpay na probisyon at pagpapakain mula sa Maylalang, at laging matatag na mabubuhay sa bawa’t sulok ng lupain para maipakita ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at lagi nilang ipapakita ang pwersa ng buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang…

Pambihira ang buhay ng Maylalang, pambihira ang Kanyang mga kaisipan, at pambihira ang Kanyang awtoridad, at kaya, kapag binigkas ang Kanyang mga salita, ang huling resulta ay “at nagkagayon.” Malinaw na, hindi kailangan ng Diyos na gumawa gamit ang Kanyang mga kamay kapag Siya ay kumikilos; ginagamit Niya lamang ang Kanyang kaisipan para mag-utos, at ang Kanyang mga salita para mag-atas, at sa ganitong paraan, nakakamit ang mga bagay-bagay. Sa araw na ito, tinipon ng Diyos ang mga katubigan sa iisang lugar, at pinalitaw ang tuyong lupa, pagkatapos noon ay pinausbong ng Diyos ang damo mula sa lupa, at tumubo roon ang mga halaman na nagbibigay ng mga buto, at ang mga puno na namumunga, at pinagsama-sama ng Diyos ang bawa’t isa sa mga iyon ayon sa uri, at nagsanhi sa bawa’t isa na magkaroon ng sarili nitong buto. Nangyari ang lahat ng ito ayon sa kaisipan ng Diyos at sa mga utos ng mga salita ng Diyos, at lumitaw ang bawa’t isa, magkakasunod, dito sa bagong mundo.

Nang hindi pa Niya nasisimulan ang Kanyang gawain, mayroon nang larawan ang Diyos sa Kanyang isipan kung ano ang hinahangad Niyang makamit, at nang itinalaga na ng Diyos itong mga bagay na kakamtin, na kung kailan din ibinuka ng Diyos ang Kanyang bibig para bigkasin ang nilalaman ng larawang ito, nagsimulang mangyari ang mga pagbabago sa lahat ng mga bagay, salamat sa awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Kung paano man ginawa ito ng Diyos, o iniunat ang Kanyang awtoridad, ang lahat ay nakamit nang isa-isang hakbang ayon sa plano ng Diyos at dahil sa mga salita ng Diyos, at nangyari ang mga sunud-sunod na pagbabago sa pag-itan ng langit at lupa, salamat sa mga salita at awtoridad ng Diyos. Ipinakita ng lahat ng mga pagbabago at pangyayaring ito ang awtoridad ng Maylalang, at ang pagiging-di-karaniwan at kadakilaan ng kapangyarihan ng buhay ng Maylalang. Hindi mga simpleng kuru-kuro ang Kanyang kaisipan, o isang bakanteng larawan, kundi isang awtoridad na nagtataglay ng kasiglahan at pambihirang lakas, at ang mga iyon ang kapangyarihang magsasanhi para ang lahat ng mga bagay ay mabago, mapanumbalik, mapanibago, at mawala. At dahil dito, gumagana ang lahat ng mga bagay dahil sa Kanyang mga kaisipan, at, sa kasabay na pagkakataon, ay nakakamit dahil sa mga salita mula sa Kanyang bibig….

Bago lumitaw ang lahat ng mga bagay, matagal nang nabuo sa isipan ng Diyos ang isang kumpletong plano, at matagal nang nakamit ang isang bagong mundo. Bagama’t sa pangatlong araw noon lumitaw ang lahat ng uri ng mga halaman sa lupa, walang dahilan ang Diyos para pigilan ang mga hakbang ng Kanyang paglikha sa mundong ito; sinadya Niyang magpatuloy sa pagbigkas sa Kanyang mga salita, para magpatuloy na kamtin ang paglikha ng bawa’t bagong bagay. Magsasalita Siya, ibibigay ang Kanyang mga utos, at iuunat ang Kanyang awtoridad at ipapakita ang Kanyang kapangyarihan, at inihanda Niya ang lahat ng mga bagay na Kanyang binalak para ihanda ang lahat ng mga bagay at ang sangkatauhan na hinahangad Niyang likhain….

Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Sumasapit Habang Muling Iniuunat ng Diyos ang Kanyang Awtoridad

Ginamit ng Maylalang ang Kanyang mga salita para tuparin ang Kanyang plano, at sa paraang ito, pinalipas Niya ang mga unang tatlong araw ng Kanyang plano. Sa loob ng tatlong araw na ito, hindi nakitang naging abala ang Diyos, o pinapagod ang Kanyang sarili; bagkus, pinalipas Niya ang kamangha-manghang unang tatlong araw ng Kanyang plano, at nakamit ang dakilang pagbalikat ng radikal na pagbabagong-anyo sa mundo. Isang bagung-bagong mundo ang lumitaw sa Kanyang harapan, at, isa-isang piraso, ang magandang larawan na nakatago sa loob ng Kanyang mga kaisipan ay naibunyag sa wakas sa mga salita ng Diyos. Ang paglitaw ng bawa’t bagong bagay ay parang kapanganakan ng isang bagong-silang na sanggol, at nalugod ang Maylalang sa larawang minsa’y nasa Kanyang mga kaisipan, nguni’t ngayon ay nabigyan na ng buhay. Sa sandaling ito, nagkaroon ng munting kasiyahan ang Kanyang puso, ngunit kasisimula pa lamang ng Kanyang plano. Sa isang kisap-mata, isang bagong araw ang nakarating—at ano ang susunod na pahina sa plano ng Maylalang? Ano ang sinabi Niya? At paano Niya iniunat ang Kanyang awtoridad? At, kasabay nito, anong mga bagong bagay ang dumating dito sa bagong mundo? Sa pagsunod sa gabay ng Maylalang, matutuon ang ating pagtingin sa pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, isang araw na isa na namang bagong pasimula. Sabihin pa, para sa Lumikha, walang-duda na ito’y isa na namang kamangha-manghang panibagong araw, at panibagong araw na sukdulan ang kahalagahan para sa sangkatauhan sa kasalukuyan. Ito nga, sabihin pa, ay isang araw na hindi matantya ang halaga. Gaano ito kaganda, gaano ito kahalaga, at paanong hindi matantya ang halaga nito? Makinig muna tayo sa mga salitang binigkas ng Maylalang….

“At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa” (Gen 1:14-15). Isa na naman itong pag-uunat ng awtoridad ng Diyos na ipinakita ng mga nilalang na kasunod sa Kanyang paglikha ng tuyong lupa at ng mga halamang nasa loob nito. Para sa Diyos, ang naturang gawa ay parehong madali, dahil may ganoong kapangyarihan ang Diyos; kasinggaling ang Diyos ng Kanyang salita, at matutupad ang Kanyang salita. Iniutos ng Diyos na lumitaw ang mga tanglaw sa langit, at ang mga tanglaw na ito ay hindi lamang sumikat sa kalangitan at sa lupa, kundi nagsilbi ring mga tanda para sa araw at gabi, para sa mga panahon, mga araw, at mga taon. Sa paraang ito, habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita, ang bawa’t gawa na gustong makamit ng Diyos ay natupad ayon sa kahulugan ng Diyos at sa paraang itinalaga ng Diyos.

Ang mga tanglaw sa langit ay pisikal na bagay sa himpapawid na nagsisinag ng liwanag; naiilawan ng mga iyon ang papawirin, at naiilawan ang lupa at mga karagatan. Umiikot ang mga ito ayon sa ritmo at dalas na iniutos ng Diyos, at tinatanglawan ang iba’t-ibang sakop ng mga panahon sa ibabaw ng lupa, at sa ganitong paraan, ang isang-buong-pag-ikot ng mga tanglaw ay ang nagsasanhi sa araw at gabi na mapalabas sa silangan at kanluran ng lupa, at hindi lamang ang mga iyon mga tanda para sa gabi at araw, kundi sa pamamagitan nitong iba’t-ibang mga pag-ikot ang mga iyon ay tanda rin ng mga pista at iba’t-ibang espesyal na mga araw ng sangkatauhan. Ang mga iyon ay perpektong pambuo at kasama sa apat na panahon—tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig—na pinalabas ng Diyos, na kasama ng mga tanglaw na magkakaayong nagsisilbing palagian at tumpak na mga tanda para sa pagsikat ng buwan, mga araw, at mga taon ng sangkatauhan. Bagama’t pagkatapos lamang na dumating ang pagsasaka na nagsimulang maintindihan at makita ng sangkatauhan ang paghihiwalay ng mga sikat ng buwan, mga araw at mga taon na sanhi ng mga tanglaw na nilikha ng Diyos, sa katunayan ang mga sikat ng buwan, mga araw, at mga taon na naiintindihan ng tao ngayon ay nagsimula nang mapalabas nang matagal na noong pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at gayundin ang pagpapalitan ng pag-ikot ng tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig na nararanasan ng tao ay nagsimula nang matagal na noon pang ika-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Ang mga tanglaw na nilikha ng Diyos ay nagbigay-kakayahan sa tao na palagian, tumpak, at malinaw na maalaman ang pagkakaiba sa pag-itan ng gabi at araw, at bilangin ang mga araw, at malinaw na subaybayan ang mga pagsikat ng buwan at mga taon. (Ang araw ng kabilugan ng buwan ay ang pagkumpleto ng isang buwan, at mula rito, alam ng tao na ang pagpapalinaw ng mga tanglaw ay nagsisimula ng isang bagong pag-ikot; ang araw ng kalahating buwan ay ang pagkumpleto sa kalahati ng buwan, na nagsasabi sa tao na nagsimula na ang isang bagong pagsikat ng buwan, mula rito ay mahihinuha kung ilan ang mga araw at gabi sa isang pagsikat ng buwan, kung ilan ang pagsikat ng buwan sa isang panahon, at kung ilang panahon mayroon sa isang taon, at palagiang lumalabas ang lahat ng ito.) At kaya, madaling masubaybayan ng tao ang mga pagsikat ng buwan, mga araw, at mga taon na tinatandaan ng mga kumpletong pag-ikot ng mga tanglaw. Mula sa puntong ito, hindi namamalayan ng sangkatauhan at ng lahat ng mga bagay na namumuhay sila sa gitna ng maayos na pagpapalitan ng gabi at araw at ng mga pagpapalitan ng mga panahon na napapalabas ng mga kumpletong pag-ikot ng mga tanglaw. Ito ang kabuluhan ng paglikha ng Maylalang sa mga tanglaw sa pang-apat na araw. Katulad nito, ang mga minimithi at kabuluhan nitong pagkilos ng Maylalang ay hindi pa rin naihihiwalay mula sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan. At kaya, ang mga tanglaw na ginawa ng Diyos at ang halaga na nalalapit nang dalhin ng mga iyon sa tao ay isa pang kumpas ng kahusayan sa pag-uunat ng awtoridad ng Maylalang.

Sa bagong mundong ito, na kung saan hindi pa lumilitaw ang sangkatauhan, naihanda na ng Maylalang ang gabi at umaga, ang kalawakan, lupain at mga karagatan, damo, halaman at iba’t-ibang uri ng mga puno, at ang mga tanglaw, mga panahon, mga araw, at mga taon para sa bagong buhay na nalalapit Niyang likhain. Ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay naipahayag sa bawa’t bagong bagay na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga salita at mga nagawa ay nangyari nang sabay, nang wala kahit katiting na kaibahan, at nang wala kahit katiting na pag-itan. Ang paglitaw at pagsilang ng lahat nitong mga bagong bagay ay patunay ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang: kasing-galing Niya ang Kanyang salita, at ang Kanyang salita ay matutupad, at ang natupad na ay mananatili magpakailanman. Hindi nagbabago ang katunayang ito: ganoon sa nakaraan, ganoon din ngayon, at magiging ganoon din sa buong kawalang-hanggan. Kapag muli ninyong tinitingnan ang mga salitang iyon sa kasulatan, para bang bago ang mga iyon sa inyo? May nakikita ba kayong mga bagong nilalaman, at may mga natutuklasan ba kayong bago? Iyon ay dahil naaantig ng mga gawa ng Maylalang ang inyong mga puso, at ginagabayan ang direksiyon ng inyong pagkakilala sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at nabubuksan ang pintuan sa inyong pagkaunawa sa Lumikha, at ang Kanyang mga gawa at awtoridad ay nagbigay ng buhay sa mga salitang ito. At kaya sa mga salitang ito, nakikita ng tao ang isang totoo at malinaw na pagpapahayag ng awtoridad ng Maylalang, at tunay na nasasaksihan ang pananaig ng Maylalang, at namamasdan ang di-pangkaraniwang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang.

Ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay nagbubunga ng sunud-sunod na himala, at inaakit Niya ang pansin ng tao, at walang magawa ang tao kundi tumitig nang di-kumukurap sa mga kahanga-hangang gawa na nanggaling sa pag-uunat ng Kanyang awtoridad. Ang Kanyang di-pangkaraniwang kapangyarihan ay nagdudulot ng sunud-sunod na kasiyahan, at naiiwan ang tao na puno ng pagkamangha at labis na tuwa, at napapabuntong-hininga sa paghanga, tulala, at masaya; at higit pa, ang tao ay halatang naantig, at nabubuo sa kanya ang paggalang, pagpipitagan, at pagkagiliw. May matinding dating ang awtoridad at mga gawa ng Maylalang sa espiritu ng tao, at nililinis ang espiritu ng tao, at, bukod dito, nagbibigay ng kaganapan sa espiritu ng tao. Ang bawa’t iniisip Niya, bawa’t pagbigkas Niya, at ang bawa’t pagbubunyag ng Kanyang awtoridad ay isang obra-maestra sa gitna ng lahat ng mga bagay, at isang malaking pagbalikat na pinaka-karapat-dapat sa malalim na pagkaunawa at pagkakilala ng nilikhang sangkatauhan. Kapag binibilang natin ang bawa’t nilikha na isinilang mula sa mga salita ng Maylalang, ang mga espiritu natin ay napapalapit sa pagiging-kamangha-mangha ng kapangyarihan ng Diyos, at nakikita natin ang ating mga sarili na sumusunod sa mga yapak ng Maylalang hanggang sa susunod na araw: ang panlimang araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay.

Patuloy nating basahin nang isa-isa ang talata sa Kasulatan, habang tinitingnan natin ang mas marami pa sa mga gawa ng Maylalang.

Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan

Sinasabi ng Kasulatan, “At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:20-21). Malinaw na sinasabi ng Kasulatan na, sa araw na ito, ginawa ng Diyos ang mga nilalang sa mga katubigan, at ang mga ibon ng himpapawid, ibig sabihin ay Kanyang ginawa ang iba’t-ibang isda at ibon, at pinagsama-sama ang mga iyon ayon sa uri. Sa ganitong paraan, pinasagana ng paglikha ng Diyos ang lupa, ang mga papawirin, at mga katubigan…

Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, isang sariwang bagong buhay, na ang bawa’t isa ay may ibang anyo, ang agad na nabuhay sa kalagitnaan ng mga salita ng Maylalang. Dumating sila sa mundo na nakikipaggitgitan para sa tatayuan, nagtatalunan, nagkakatuwaan sa galak…. naglalanguyan sa mga katubigan ang mga isda na may iba’t-ibang hugis at sukat, naglabasan sa mga buhanginan ang lahat ng klase ng kabibe, ang may kaliskis, may talukab, at walang-gulugod na mga nilalang ay agarang naglakihan na may mga iba’t-ibang anyo, kahit pa malaki o maliit, mahaba o maikli. Gayundin nagsimulang lumaki nang mabilis ang mga iba’t-ibang klase ng halamang-dagat, sumasabay sa galaw ng iba’t-ibang mga nabubuhay sa tubig, umaalun-alon, hinihimok ang matining na mga katubigan, na para bang sinasabi sa kanila: Igalaw mo ang paa mo! Isama mo ang iyong mga kaibigan! Dahil kailanman hindi ka na muling mag-iisa! Simula sa sandali na ang mga iba’t-ibang buháy na nilalang na ginawa ng Diyos ay nagsilitaw sa katubigan, ang bawa’t sariwang bagong buhay ay nagpasigla sa mga katubigan na naging tahimik nang napakatagal, at naghatid ng isang bagong panahon…. Simula sa puntong iyon, humimlay sila sa piling ng bawa’t isa, at sinamahan ang bawa’t isa, at hindi inaring usapin ang pagkakaiba ng bawa’t isa. Umiral ang katubigan para sa mga nilalang na nasa loob nito, pinalulusog ang bawa’t buhay na naninirahan sa loob ng yakap nito, at ang bawa’t buhay ay umiral alang-alang sa katubigan dahil sa pagpapakain nito. Bawa’t isa’y nagsalalay ng buhay sa isa’t isa, at kasabay niyon, ang bawa’t isa, sa parehong paraan, ay naging patotoo sa pagiging-mahimala at kadakilaan ng paglikha ng Maylalang, at sa di-mapapantayang kapangyarihan ng awtoridad ng Maylalang…

Dahil hindi na tahimik ang karagatan, gayundin nagsimulang punuin ng buhay ang mga papawirin. Isa-isa, ang mga ibon, malaki at maliit, ay nagliparan sa himpapawid mula sa lupa. Di-tulad ng mga nilalang sa karagatan, may mga pakpak sila at balahibo na tumatakip sa kanilang mga payat at masiglang mga anyo. Ipinapayagpag nila ang kanilang mga pakpak, mapagmalaki at mayabang na ipinakikita ang kanilang napakagandang balabal na balahibo at ang kanilang natatanging mga tungkulin at kakayahang ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang. Malaya silang pumapailanglang, at bihasang nagpapabalik-balik sa pag-itan ng langit at lupa, patawid sa mga damuhan at mga kagubatan…. Sila ang mga ginigiliw ng hangin, sila ang mga ginigiliw ng lahat ng mga bagay. Sila ang di-maglalaon ay siyang magiging tali sa pag-itan ng langit at lupa, at magdadala ng mga mensahe sa lahat ng mga bagay…. Kumakanta sila, masaya silang sumisirok paikut-ikot, nagdudulot sila ng saya, halakhak, at kasiglahan dito sa minsang walang-buhay na mundo…. Gamit nila ang kanilang malinaw, mahimig na pagkanta, gamit ang mga salita sa kanilang mga puso upang purihin ang Maylalang para sa buhay na ipinagkaloob sa kanila. Masaya silang sumayaw para ipakita ang pagkaperpekto at pagiging-mahimala ng paglikha ng Maylalang, at ilalaan ang kanilang buong buhay sa pagpapatotoo sa awtoridad ng Maylalang sa pamamagitan ng natatanging buhay na Kanyang ipinagkaloob sa kanila…

Kung sila man ay nasa tubig, o sa mga papawirin, sa pamamagitan ng utos ng Maylalang, itong lubhang karamihan ng mga bagay na may buhay ay umiiral sa iba’t-ibang kayarian ng buhay, at sa utos ng Maylalang, nagsasama-sama sila ayon sa kani-kanyang uri—at ang batas na ito, ang patakarang ito, ay di-kayang baguhin ng anumang mga nilalang. Hindi sila kailanman nangangahas na lumampas sa mga hangganang itinalaga para sa kanila ng Maylalang, ni kaya nila ito. Tulad ng pagtatalaga ng Maylalang, namuhay sila at nagpakarami, at mahigpit na sumunod sa takbo ng buhay at mga batas na itinalaga para sa kanila ng Maylalang, at sadya silang sumusunod sa Kanyang mga di-binibigkas na mga utos at sa mga kautusan at tuntunin ng kalangitan na Kanyang ibinigay sa kanila, magpahanggang sa ngayon. Nakikipag-usap sila sa Maylalang sa kanilang sariling natatanging paraan, at natutunang pahalagahan ang kahulugan ng Maylalang, at sumunod sa Kanyang mga utos. Walang sinuman ang kailanman ay lumabag sa awtoridad ng Maylalang, at ang Kanyang kapangyarihan at utos sa ibabaw nila ay iniunat sa loob ng Kanyang mga kaisipan; walang mga salitang inilabas, nguni’t ang awtoridad na natatangi sa Maylalang ang nagpipigil sa lahat ng mga bagay sa katahimikan na di nagtataglay ng katungkulan ng wika, at naiiba mula sa sangkatauhan. Ang pag-uunat ng Kanyang awtoridad sa natatanging paraang ito ay pumilit sa tao na magtamo ng bagong pagkakilala, at makagawa ng bagong pakahulugan, sa natatanging awtoridad ng Maylalang. Dito, kailangan kong sabihin sa inyo na dito sa bagong araw, ipinakikitang muli ng pag-uunat ng awtoridad ng Maylalang ang pagiging bukod-tangi ng Maylalang.

Susunod, tingnan natin ang huling pangungusap sa talatang ito ng kasulatan: “nakita ng Dios na mabuti.” Ano sa tingin ninyo ang ibig nitong sabihin? Ang mga damdamin ng Diyos ay nakapaloob sa mga salitang ito. Pinanood ng Diyos na mabuhay ang lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha at tumatatag dahil sa Kanyang mga salita, at unti-unting nagsimulang magbago. Sa sandaling ito, nasiyahan ba ang Diyos sa iba’t-ibang mga bagay na Kanyang nagáwâ sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at ng iba’t-ibang gawa na Kanyang nakamit? Ang sagot ay yaong “nakita ng Dios na mabuti.” Ano ang nakikita ninyo rito? Ano ang tinutukoy ng “nakita ng Dios na mabuti”? Ano ang sinisimbolo nito? Ibig sabihin nito, may kapangyarihan at karunungan ang Diyos para tuparin ang Kanyang binalak at iniatas, para tuparin ang mga mithiing Kanyang inilatag na tutuparin. Nang nakumpleto na ng Diyos ang bawa’t gawain, nakaramdam ba Siya ng pagsisisi? Ang sagot pa rin ay “nakita ng Dios na mabuti.” Sa madaling salita, hindi lamang sa hindi Siya nagsisi, bagkus ay nasiyahan. Ano ba ang ibig sabihin ng wala Siyang pagsisisi? Ang ibig sabihin nito ay perpekto ang plano ng Diyos, na perpekto ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, at sa pamamagitan lamang ng Kanyang awtoridad na ang naturang pagkaperpekto ay natutupad. Kapag ang tao ay gumaganap ng isang gawain, nakikita ba niya, tulad ng Diyos, na ito ay maganda? Ang lahat ng bagay ba na nagagawa ng tao ay natutupad nang mayroong pagka-perpekto? Nakukumpleto ba ng tao ang isang bagay nang minsanan at hanggang kawalang-hanggan? Tulad ng sinasabi ng tao, “walang perpekto, mas gumanda lamang,” walang bagay na ginagawa ng tao na nakakaabot sa pagka-perpekto. Nang nakita ng Diyos na ang lahat na Kanyang nagáwâ at nakamtan ay mabuti, lahat ng ginawa ng Diyos ay itinalaga ng Kanyang salita, na ang ibig sabihin, noong “nakita ng Dios na mabuti,” ang lahat na Kanyang nagáwâ ay naging permanente na ang anyo, pinagsama-sama ayon sa uri, at binigyan ng permanenteng posisyon, layunin, at tungkulin, nang minsanan hanggang sa kawalang-hanggan. Bukod dito, ang kanilang papel sa gitna ng lahat ng mga bagay, at ang paglalakbay na dapat nilang balikatin sa panahon ng pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay, ay naitalaga na ng Diyos, at di mababago. Ito ang batas ng kalangitan na ibinigay ng Maylalang sa lahat ng mga bagay.

“Nakita ng Dios na mabuti,” itong mga simple, di-gaanong-pinahahalagahang mga salita, na kadalasang binabalewala, ay ang mga salita ng batas ng kalangitan at alituntunin ng kalangitang ibinigay sa lahat ng mga nilalang ng Diyos. Ang mga iyon ay isa pang pagsasakatawan ng awtoridad ng Maylalang, isa na mas praktikal, at mas malalim. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, hindi lamang natamo ng Maylalang kung ano ang itinakda Niya na matamo, at nakamtan ang lahat ng itinakda Niyang makamtan, kundi napipigilan din ng Kanyang mga kamay ang lahat ng Kanyang nalikha, at napapagharian ang lahat ng mga bagay na Kanyang nagáwâ sa ilalim ng Kanyang awtoridad, at, dagdag pa rito, ang lahat ay sistematiko at palagian. Ang lahat ng mga bagay din ay nabubuhay at namamatay sa pamamagitan ng Kanyang salita at, bukod diyan, umiiral sila sa gitna ng batas na Kanyang naítálágá sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, at walang di saklaw! Nagsimula agad ang batas na ito sa mismong sandali na “nakita ng Dios na mabuti,” at ito’y iiral, magpapatuloy, at gagana para sa kapakanan ng planong pamamahala ng Diyos hanggang sa araw na ipinawawalang-bisa ito ng Maylalang! Ang natatanging awtoridad ng Maylalang ay ipinakita hindi lamang sa Kanyang kakayahang likhain ang lahat ng mga bagay at utusan ang lahat ng mga bagay na mabuhay, kundi sa kakayahan din Niya na pamahalaan at hawakan ang kapangyarihan sa ibabaw ng lahat ng mga bagay, at ipagkaloob ang buhay at kasiglahan sa lahat ng mga bagay, at, bukod pa rito, sa Kanyang kakayahang magsanhi, nang minsanan at magpasawalang-hanggan, sa lahat ng mga bagay na gagawin Niya sa Kanyang plano na lumitaw at umiral sa mundong ginawa Niya sa perpektong hugis, at perpektong kayarian ng buhay, at isang perpektong gagampanan. Gayundin naipakita ito sa paraan kung saan ang mga kaisipan ng Maylalang ay hindi sumasailalim sa anumang mga limitasyon, na di-limitado ng oras, puwang, o heograpiya. Tulad ng Kanyang awtoridad, ang natatanging pagkakakilanlan ng Maylalang ay mananatiling di-nagbabago mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan. Ang Kanyang awtoridad ay laging magiging pagpapakita at sagisag ng Kanyang natatanging pagkakakilanlan, at ang Kanyang awtoridad ay magpakailanmang iiral kaagapay ng Kanyang pagkakakilanlan!

Sa Pang-anim na Araw, Nagsasalita ang Maylalang, at ang Bawa’t Uri ng Buháy na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumilitaw, nang Isa-isa

Hindi namamalayan, nagpatuloy ang paggawa ng Manlilikha sa lahat ng mga bagay nang limang araw, kasunod agad na sinalubong ng Manlilikha ang pang-anim na araw ng Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay. Isa na namang bagong pasimula ang araw na ito, at isa pang pambihirang araw. Ano naman ang plano ng Maylalang sa bisperas ng bagong araw na ito? Anong mga bagong nilalang ang Kanyang ilalabas, ang lilikhain Niya? Makinig, iyan ang boses ng Maylalang….

“At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:24-25). Anong mga buháy na nilalang ang kasama rito? Sinasabi ng Kasulatan: mga baka, at mga gumagapang na nilalang, at mga ganid ng lupa ayon sa kanyang uri. Ibig sabihin, sa araw na ito, hindi lamang mayroong iba’t-ibang uri ng mga buháy na nilalang sa lupa, kundi napagsama-sama silang lahat ayon sa uri, at ganoon din, “nakita ng Dios na mabuti.”

Tulad ng nakaraang limang araw, sa parehong tono, sa pang-anim na araw iniutos ng Maylalang ang pagsilang ng mga gusto Niyang mga buháy na nilalang, at lumitaw sila sa lupa, bawa’t isa’y ayon sa kanilang uri. Kapag iniuunat ng Maylalang ang Kanyang awtoridad, wala sa Kanyang mga salita ang nabibigkas nang walang saysay, at kaya, sa pang-anim na araw, ang bawa’t buháy na nilalang na hinangad Niyang likhain ay lumitaw sa itinakdang sandali. Tulad ng sinabi ng Maylalang “Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri,” agad na napuno ng buhay ang mundo, at sa ibabaw ng lupain ay biglang naglitawan ang hininga ng lahat ng uri ng mga buháy na nilalang…. Sa madamong berdeng kaparangan, matatabang baka, na ikinakawag ang kanilang mga buntot nang paroon at parito, ang isa-isang lumitaw, ang mga umuungang tupa ay nagtipun-tipon tungo sa mga kawan, at ang humahalinghing na mga kabayo ay nagsimulang magsikabíg …. Sa isang iglap, napuno ng buhay ang malaking kalawakan ng tahimik na damuhan…. Ang paglitaw nitong sari-saring uri ng mga hayop ay isang magandang tanawin sa payapang damuhan, at nagdulot ito ng walang hangganang kasiglahan…. Sila ang magiging mga kasama ng mga damuhan, at ang mga panginoon ng mga damuhan, bawa’t isa’y nakadepende sa isa’t isa; gayon din sila ang magiging tagabantay at tagapangalaga ng mga lupaing ito, na siyang magiging permanenteng tirahan nila, at siyang magbibigay sa kanila ng lahat ng kailangan nila, pagmumulan ng walang-hanggang pagkain para sa kanilang pag-iral…

Sa parehong araw na nabuhay ang iba’t-ibang mga hayop na ito, sa pamamagitan ng salita ng Maylalang, lumitaw rin ang maraming insekto, isa-isa. Kahit na sila ang pinakamaliit sa mga bagay na may buhay sa gitna ng lahat ng mga nilalang, ang mga puwersa ng kanilang buhay ay mahimalang paglikha pa rin ng Maylalang, at hindi sila huling-huling dumating…. Ikinakampay ng iba ang kanilang maliliit na pakpak, habang ang mga iba ay dahan-dahang gumagapang; ang iba ay tumatalon at tumatalbog, ang ilan ay sumusuray-suray; ang ilan ay gumugulong pasulong, habang ang iba ay mabilis na umuurong; ang iba ay gumagalaw nang patagilid, ang iba naman ay tumatalong pataas at pababa …. Abala ang lahat sa paghahanap ng matatahanan para sa kanilang mga sarili: Ang ilan ay sumusuot sa damuhan, ang ilan ay nagsimulang maghukay ng mga butas sa lupa, ang ilan ay lumipad pataas tungo sa mga puno, nakatago sa mga kagubatan…. Kahit na maliit, hindi nila gustong magtiis ng pahirap ng walang-lamang tiyan, at matapos makakita ng kanilang sariling mga matitirahan, nagmadali silang maghanap ng pagkain para pakainin ang kanilang mga sarili. Ang iba ay umakyat sa damo para kainin ang mga malalambot nitong talim, ang iba ay umukab sa lupa at kinain ito, sarap na sarap at siyang-siya habang kumakain (para sa kanila, kahit ang lupa ay masarap na pagkain); ang ilan ay nakatago sa mga kagubatan, nguni’t hindi sila huminto para magpahinga, dahil ang dagta sa loob ng makintab at matingkad na berdeng mga dahon ay nagkaloob ng napakasarap na pagkain …. Matapos silang magsawa, hindi pa rin huminto sa kanilang mga gawain ang mga insekto; bagama’t mababa ang katayuan, may taglay silang napakatinding kalakasan at walang-limitasyong kasiglahan, at kaya sa lahat ng mga nilalang, sila ang pinakamaliksi, at pinakamasipag. Hindi sila kailanman naging tamad, at kailanman ay hindi nagpasasa sa pamamahinga. Sa sandaling nagsawa, nagpapagal pa rin sila alang-alang sa kanilang hinaharap, abala sila at nagmamadali para sa kanilang kinabukasan, para sa kanilang pananatiling buháy…. Marahan silang humuhuni ng mga awitin na may sari-saring himig at ritmo para palakasin at himukin ang kanilang mga sarili na magpatuloy. Nagdudulot din sila ng kasiyahan sa damuhan, mga puno, at sa bawa’t pulgada ng lupa, ginagawa ang bawa’t araw, at bawa’t taon, na natatangi…. Sa kanilang sariling mga wika at sa kanilang sariling mga paraan, nagdadala sila ng kabatiran sa lahat ng mga bagay na may buhay sa kalupaan. At gamit ang kanilang sariling espesyal na takbuhin ng buhay, minamarkahan nila ang lahat ng mga bagay, kung saan nag-iiwan sila ng mga bakas…. Malapit ang relasyon nila sa lupa, sa damuhan, at sa mga kagubatan, at nagdudulot sila ng kalakasan at kasiglahan sa lupa, sa damuhan, at sa mga kagubatan, at dala ang mga pangaral at pagbati ng Maylalang sa lahat ng mga bagay na nabubuhay …

Humahagod ang pagtitig ng Maylalang sa lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha, at sa sandaling ito ang Kanyang mata ay sandaling napako sa mga kagubatan at kabundukan, umiikot ang isipan Niya. Habang ang Kanyang mga salita ay binibigkas, sa makapal na mga kagubatan, at sa ibabaw ng mga kabundukan, may lumitaw na isang uri ng nilalang na di-tulad ng ibang dati nang dumating: Ang mga iyon ay ang mababangis na hayop na binigkas ng bibig ng Diyos. Dapat sana’y matagal na, iniling-iling nila ang kanilang mga ulo at iwinasi-wasiwas ang kanilang mga buntot, bawa’t isa ay may kanilang sariling natatanging itsura. May mabalahibo, mayroong may kalasag, may naglalabas ng mga pangil, may nakangisi, may mahaba ang leeg, may maikli ang buntot, mayroong mabangis ang tingin, may mahiyaing tingin, may nakayukong kumakain ng damo, mayroong may dugo sa kanilang mga bibig, may lumuluksu-lukso sa dalawang paa, may naglalakad gamit ang apat na malalaking kuko, may nakatanaw sa malayo sa itaas ng mga puno, may naghihintay sa mga kagubatan, may mga naghahanap ng mga kweba para mamahinga, may masasayang nagtatakbuhan sa mga kapatagan, may mga umaali-aligid sa mga kagubatan...; may mga umaatungal, may mga umaalulong, may mga tumatahol, may mga umiiyak …; may mga soprano, may mga baritono, may mga malagong, may mga malinaw at malambing …; may mga mabagsik, may mga maganda, may mga nakakadiri, may mga nakatutuwa, may mga nakakatakot, may mga walang-muwang na kaakit-akit …. Isa-isa, sila ay naglabasan. Tingnan kung paano sila huminga, malaya, medyo mailap sa isa’t isa, di man lamang sumusulyap sa isa’t isa…. Bawa’t isa’y taglay ang partikular na buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang, at ang kanilang sariling kabangisan, at kalupitan, lumitaw sila sa mga kagubatan at sa mga kabundukan. Hinahamak ang lahat, ganap na nangingibabaw—sino ang gumawa sa kanila para maging mga tunay na amo ng mga kabundukan at kagubatan? Mula sa sandaling itinalaga ng Maylalang ang kanilang mga hitsura, “inangkin” na nila ang mga kagubatan, at “inangkin” na ang mga kabundukan, dahil isinara na ng Maylalang ang kanilang mga hangganan at tinukoy na ang sakop ng kanilang pag-iral. Sila lamang ang totoong mga panginoon ng mga kabundukan at kagubatan, at kaya napakabangis nila, at napakasuwail. Tinawag silang “mababangis na hayop” dahil lamang, sa lahat ng mga nilalang, sila ang siyang tunay na mabangis, malupit, at di mapaamo. Hindi sila mapaamo, kaya di sila maalagaan, at di makapamuhay nang kaayon ng sangkatauhan o makapagpagal sa ngalan ng sangkatauhan. Ito’y dahil di sila maalagaan, di makagawa para sa sangkatauhan, na kailangan nilang mamuhay nang malayo sa sangkatauhan, at di malapitan ng tao. At ito’y dahil sa namumuhay sila nang malayo sa sangkatauhan, at di malapitan ng tao, kaya nakakaya nilang tuparin ang pananagutan na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang: ang pagbabantay sa mga kabundukan at sa mga kagubatan. Pinangangalagaan ng kanilang kabangisan ang mga kabundukan at binabantayan ang mga kagubatan, at ang pinakamahusay na pag-iingat at kasiguruhan ng kanilang pag-iral at pagpaparami. Kasabay nito, pinapanatili at sinisiguro ng kabangisan nila ang pagiging timbang ng lahat ng mga bagay. Ang kanilang pagdating ay nagdulot ng suporta at kanlungan sa mga kabundukan at mga kagubatan; ang pagdating nila ay nagdala ng walang-hangganang kalakasan at kasiglahan sa tahimik at walang-buhay na mga kabundukan at mga kagubatan. Mula sa puntong ito, naging permanenteng tirahan na nila ang mga kabundukan at mga kagubatan, at kailanman ay di mawawala sa kanila ang kanilang tirahan, dahil lumitaw at umiiral ang mga kabundukan at mga kagubatan para sa kanila, at tutuparin ng mga mabangis na hayop ang kanilang mga tungkulin, at gagawin ang lahat ng kanilang makakaya, para bantayan ang mga iyon. Kaya, gayundin, ang mga mababangis na hayop ay mahigpit na susunod sa mga tagubilin ng Maylalang na panghawakan ang kanilang mga teritoryo, at patuloy na gamitin ang kanilang malahayop na kalikasan para panatilihin ang pagiging-timbang ng lahat ng mga bagay na itinatag ng Maylalang, at ipakita ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang!

Sa Ilalim ng Awtoridad ng Maylalang, Perpekto ang Lahat ng mga Bagay

Ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, kasama yaong mga nakagagalaw at mga di-nakagagalaw, tulad ng mga ibon at isda, tulad ng mga puno at mga bulaklak, at kasama ang mga hayop, mga insekto, at mga mababangis na hayop na ginawa noong pang-anim na araw—mabuti ang lahat ng mga ito sa Diyos, at, dagdag pa rito, sa mga mata ng Diyos, ang mga bagay na ito, alinsunod sa Kanyang plano, ay nakaabot lahat sa rurok ng pagka-perpekto, at naabot ang mga pamantayan na nais makamit ng Diyos. Isa-isang hakbang, ginawa ng Maylalang ang gawaing Kanyang hinahangad gawin ayon sa Kanyang plano. Sunud-sunod, ang mga bagay na Kanyang hinangad na likhain ay lumitaw, at ang paglitaw ng bawa’t isa ay isang salamin ng awtoridad ng Maylalang, at pagbubuu-buo ng Kanyang awtoridad, at dahil sa mga pagbubuu-buong ito, walang magáwâ ang lahat ng mga nilalang kundi maging mapagpasalamat para sa biyaya ng Maylalang, at sa tustos ng Maylalang. Habang ipinamamalas ng mapaghimalang mga gawa ng Diyos ang kanilang mga sarili, lumobo ang mundong ito, paisa-isang piraso, sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, at nabago ito mula sa kaguluhan at kadiliman patungo sa kalinawan at kaliwanagan, mula sa animo’y patay na katahimikan patungo sa pagiging buháy na buháy at walang-hangganang kasiglahan. Sa lahat ng mga bagay ng sangnilikha, mula sa malaki hanggang sa maliit, mula sa maliit hanggang sa sukdulan ang liit, walang hindi nilikha sa pamamagitan ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at nagkaroon ng natatangi at likas na pangangailangan at halaga sa pag-iral ng bawa’t nilalang. Anuman ang mga pagkakaiba sa kanilang mga hugis at kayarian, kailangan silang magáwâ ng Maylalang para umiral sa ilalim ng awtoridad ng Maylalang. Kung minsan ang mga tao ay makakakita ng insekto, isa na napakapangit, at sasabihin nila, “Ang insektong iyan ay nakakatakot, hindi mangyayari na ang gayong kapangit na bagay ay magágawâ ng Diyos—hindi mangyayari na makakalikha Siya ng isang bagay na napakapangit.” Anong hangal na pananaw! Ang dapat nilang sabihin ay, “Kahit napakapangit ng insektong ito, ginawa ito ng Diyos, kaya’t mayroon dapat itong natatanging layunin.” Sa mga kaisipan ng Diyos, sinadya Niya na bigyan ang bawa’t isa ng itsura, at lahat ng uri ng mga tungkulin at mga paggagamitan, sa iba’t-ibang mga bagay na may buhay na Kanyang ginawa, at kaya wala sa mga bagay na ginawa ng Diyos ang kinuha mula sa parehong hulmahan. Mula sa kanilang panlabas hanggang sa kanilang panloob na komposisyon, mula sa kanilang nakasanayang pamumuhay hanggang sa kinalalagyan na kanilang nasasakupan—kakaiba ang bawa’t isa. Ang mga baka ay may itsura ng mga baka, ang mga buriko ay may itsura ng mga buriko, ang mga usa ay may itsura ng mga usa, at ang mga elepante ay may itsura ng mga elepante. Nasasabi mo ba kung sino ang pinakamaganda, at kung sino ang pinakapangit? Nasasabi mo ba kung sino ang pinakamahalaga, at aling pag-iral ang pinaka-hindi kailangan? May mga taong gusto ang itsura ng mga elepante, nguni’t walang tao ang gumagamit ng mga elepante para magtanim sa mga bukid; may mga taong gusto ang itsura ng mga leon at tigre, dahil ang kanilang itsura ang pinakakahanga-hanga sa lahat ng mga bagay, nguni’t kaya mo ba silang gawing alaga? Sa madaling salita, pagdating sa lahat ng mga bagay, kailangang umayon ang tao sa awtoridad ng Maylalang, na ang ibig sabihin, umayon sa kaayusan na itinakda ng Maylalang sa lahat ng mga bagay; ito ang pinakamatalinong saloobin. Tanging ang saloobin ng paghahanap, at pagsunod, sa orihinal na mga intensyon ng Maylalang ang tunay na pagtanggap at katiyakan ng awtoridad ng Maylalang. Mabuti ito sa Diyos, kaya anong dahilan mayroon ang tao para maghanap ng kamalian?

Kaya, ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng awtoridad ng Maylalang ay tutugtog ng isang bagong pagkakaisang-himig para sa pangingibabaw ng Maylalang, magsisimula ng isang maningning na pambungad para sa Kanyang gawain sa panibagong araw, at sa sandaling ito, ang Maylalang ay bubuklat din ng bagong pahina sa gawain ng Kanyang pamamahala! Ayon sa batas ng mga suloy ng tagsibol, paghinog ng tag-init, pag-aani sa taglagas, at pag-iimbak sa taglamig na itinakda ng Maylalang, ang lahat ng mga bagay ay aayon sa plano sa pamamahala ng Maylalang, at kanilang sasalubungin ang kanilang sariling bagong araw, bagong simula, at bagong takbuhin ng buhay, at sila’y di-maglalaong magpaparami nang sunud-sunod nang walang katapusan para salubungin ang bawa’t araw sa ilalim ng kapangyarihan ng awtoridad ng Maylalang…

Wala sa mga Nilikha at Di-nilikhang mga Kabuuan ang Nakakapalit sa Pagkakakilanlan ng Maylalang

Mula nang sinimulan Niya ang paglikha sa lahat ng mga bagay, nagsimulang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos, at nagsimulang mabunyag, dahil gumamit ang Diyos ng mga salita para likhain ang lahat ng mga bagay. Kahit sa ano pa mang paraan Niya nilikha ang mga iyon, ano man ang dahilan kung bakit Niya nilikha ang mga iyon, ang lahat ng mga bagay ay nagkaroon ng buhay at tumatag at umiral dahil sa mga salita ng Diyos, at ito ang natatanging awtoridad ng Maylalang. Noong panahon bago lumitaw ang sangkatauhan sa mundo, ginamit ng Maylalang ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad para likhan ang lahat ng mga bagay para sa sangkatauhan, at ginamit ang Kanyang mga natatanging pamamaraan para ihanda ang angkop na kapaligiran para sa pamumuhay ng sangkatauhan. Lahat ng Kanyang ginawa ay paghahanda para sa sangkatauhan, na hindi maglalaon ay tatanggap ng Kanyang hininga. Na ang ibig sabihin, noong panahon bago nilikha ang sangkatauhan, naipakita ang awtoridad ng Diyos sa lahat ng mga nilalang na iba sa sangkatauhan, sa mga bagay na kasing-laki ng mga kalangitan, ng mga tanglaw, ng mga karagatan, at ng kalupaan, at doon sa mga maliliit na mga hayop at mga ibon, gayon din sa lahat ng uri ng mga insekto at mga sukdulan-ang-liit na mga organismo, kasama na ang mga iba’t-ibang mikrobyo na di nakikita ng mata. Binigyan ng buhay ang bawa’t isa sa pamamagitan ng mga salita ng Maylalang, at lumaganap ang bawa’t isa dahil sa mga salita ng Maylalang, at namuhay ang bawa’t isa sa ilalim ng kapangyarihan ng Maylalang dahil sa mga salita ng Maylalang. Kahit na di nila natanggap ang hininga ng Maylalang, ipinakita pa rin nila ang buhay at kasiglahan na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang sa pamamagitan ng kanilang mga iba’t-ibang anyo at mga kayarian; kahit na di sila nakatanggap ng abilidad para makapagsalita na ibinigay sa sangkatauhan ng Maylalang, nakatanggap ang bawa’t isa ng paraan ng paghahayag ng kanilang buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang, at na naiiba sa wika ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay hindi lamang nagbibigay ng kasiglahan ng buhay sa mga animo’y-di-gumagalaw na mga materyal na bagay, para di sila kailanman maglaho, kundi, higit pa rito, ay nagbibigay ng likas na kaisipan para manganak at magparami sa bawa’t nabubuhay na kabuuan, para hindi sila maglaho kailanman, at para, sa mga susunod na henerasyon, ipapasa nila ang ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang na mga batas at mga prinsipyo ng pananatiling buháy. Ang paraan kung paano iniuunat ng Maylalang ang Kanyang awtoridad ay hindi mahigpit na nakakapit sa pananaw na malaki o maliit, at hindi limitado sa anumang anyo; Kaya Niyang utusan ang pagtakbo ng sansinukob, at hawakan ang kapangyarihang maghari sa pagkabuhay at pagkamatay ng lahat ng mga bagay, at, higit pa rito, kayang imaniobra ang lahat ng mga bagay para sila’y magsilbi sa Kanya; kaya Niyang pamahalaan ang lahat ng mga ginagawa ng mga kabundukan, ilog, at lawa, at pagharian ang lahat ng mga bagay na nakapaloob sa kanila, at, bukod pa rito, ay kayang ibigay kung ano ang kailangan ng lahat ng mga bagay. Ito ang pagpapamalas ng natatanging awtoridad ng Maylalang sa lahat ng mga bagay bukod sa sangkatauhan. Ang naturang pagpapamalas ay hindi lamang sa buong buhay, at hindi kailanman hihinto, o magpapahinga, at hindi nababago o nasisira ng sinumang tao o bagay, ni nadaragdagan o nababawasan ng sinumang tao o bagay—dahil walang nakakapalit sa pagkakakilanlan ng Maylalang, at, samakatuwid, hindi napapalitan ng anumang nilikhang kabuuan ang awtoridad ng Maylalang, at hindi naaabot ng anumang di-nilikhang kabuuan. Halimbawa, ang mga mensahero at mga anghel ng Diyos. Hindi nila taglay ang kapangyarihan ng Diyos, mas lalong hindi nila taglay ang awtoridad ng Maylalang, at ang dahilan kung bakit hindi nila taglay ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay dahil hindi nila taglay ang diwa ng Maylalang. Ang mga di-nilikhang kabuuan, tulad ng mga mensahero at mga anghel ng Diyos, kahit na nagagawâ nila ang ilang mga bagay sa ngalan ng Diyos, di nila maaaring katawanin ang Diyos. Kahit na may ilang kapangyarihan sila na wala ang tao, hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos, hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos na likhain ang lahat ng mga bagay, at utusan ang lahat ng mga bagay, at hawakan ang kapangyarihang maghari sa lahat ng mga bagay. At kaya hindi napapalitan ng anumang di-nilikhang kabuuan ang pagiging-natatangi ng Diyos, at, ganoon din, hindi napapalitan ng anumang di-nilikhang kabuuan ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Sa Biblia, may nabasa ka bang sinumang mensahero ng Diyos na lumikha ng lahat ng mga bagay? At bakit hindi inutusan ng Diyos ang sinuman sa Kanyang mga mensahero o mga anghel na likhain ang lahat ng mga bagay? Dahil hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos, at kaya wala silang abilidad na iunat ang awtoridad ng Diyos. Tulad din ng lahat ng mga nilalang, nasa ilalim silang lahat ng kapangyarihang maghari ng Maylalang, at nasa ilalim ng awtoridad ng Maylalang, at kaya, sa parehong paraan, ang Maylalang din ang Diyos nila, at Siya rin ang kanilang pinaka-makapangyarihang pinuno. Sa gitna ng bawa’t isa sa kanila—kung sila ma’y marangal o hamak, may malaki o maliit na kapangyarihan—wala ni isa ang nakakahigit sa awtoridad ng Maylalang, at kaya sa kanilang lahat, wala ni isa ang nakakapalit sa pagkakakilanlan ng Maylalang. Kailanman ay hindi sila matatawag na Diyos, at kailanman ay hindi nila kayang maging ang Maylalang. Ang mga ito ay hindi-nababagong mga katotohanan at mga katunayan!

Sa pamamagitan ng talakayan sa itaas, maaari ba nating igiit ang mga sumusunod: tanging ang Maylalang at Pinuno ng lahat ng mga bagay, Siya na may natatanging awtoridad at natatanging kapangyarihan, ang matatawag na natatanging Diyos Mismo? Sa puntong ito, maaari ninyong maramdamang masyadong malalim ang naturang katanungan. Kayo ay, sa ngayon, walang kakayahang unawain ito, at hindi nadarama ang kakanyahan nito, at kaya sa sandaling ito nararamdaman ninyo na mahirap sagutin. Kung gayon, ipagpapatuloy ko ang Aking pagbabahagi. Susunod, hahayaan ko kayong makita ang mga aktwal na gawa ng maraming mga aspeto ng awtoridad at kapangyarihan na pag-aari lamang ng Diyos, at kaya hahayaan ko kayong tunay na maunawaan, pahalagahan, at malaman ang pagiging bukod-tangi ng Diyos, at ano ang ibig sabihin ng natatanging awtoridad ng Diyos.

2. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga Salita para Magtatag ng Kasunduan Sa Tao

Gen 9:11-13 At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.

Matapos Niyang Gawin ang Lahat ng mga Bagay, Nakukumpirma at Muling Naipapakita ang Awtoridad ng Maylalang sa Kasunduan ng Bahaghari

Ang awtoridad ng Maylalang ay palaging naipapakita at naiuunat sa gitna ng lahat ng mga nilalang, at hindi lamang Niya pinamumunuan ang kapalaran ng lahat ng mga bagay, kundi pinamumunuan din ang sangkatauhan, ang espesyal na nilalang na Kanyang nilikha gamit ang Kanyang sariling mga kamay, at nagtataglay ng ibang kayarian ng buhay at umiiral sa ibang anyo ng buhay. Matapos gawin ang lahat ng mga bagay, hindi huminto ang Maylalang sa paghahayag ng Kanyang awtoridad at kapangyarihan; para sa Kanya, ang awtoridad Niya na panghawakan ang kapangyarihang maghari sa lahat ng mga bagay at ang kapalaran ng buong sangkatauhan, ay pormal na nagsimula lamang sa sandaling ang sangkatauhan ay tunay na naisilang mula sa Kanyang kamay. Hinangad Niyang pangasiwaan ang sangkatauhan, at pagharian ang sangkatauhan, hinangad Niyang iligtas ang sangkatauhan, hinangad na tunay na makamit ang sangkatauhan, na makamit ang isang sangkatauhan na makakapamahala sa lahat ng mga bagay, at hinangad Niyang gawin ang naturang sangkatauhan na mabuhay sa ilalim ng Kanyang awtoridad, at kilalanin ang Kanyang awtoridad, at sundin ang Kanyang awtoridad. Kaya, nagsimula ang Diyos na opisyal na ipahayag ang Kanyang awtoridad sa gitna ng tao gamit ang Kanyang mga salita, at nagsimulang gamitin ang Kanyang awtoridad para magkatotoo ang Kanyang mga salita. Sabihin pa, naipakita ang awtoridad ng Diyos sa lahat ng mga lugar sa panahon ng prosesong ito; pumili lamang ako ng ilang mga partikular at mga kilalang halimbawa kung saan maaari ninyong maintindihan at makilala ang pagiging bukod-tangi ng Diyos, at maintindihan at makilala ang natatanging awtoridad ng Diyos.

May pagkakapareho sa pag-itan ng talata sa Genesis 9:11-13 at sa mga talata sa itaas patungkol sa pagkatala ng paglikha ng Diyos sa mundo, nguni’t may pagkakaiba rin. Ano ang pagkakapareho? Ang pagkakapareho ay nasa paggamit ng Diyos ng mga salita upang gawin kung ano ang binabalak Niya, at ang pagkakaiba ay yaong ang talatang ito ay ang pakikipag-usap ng Diyos sa tao, kung saan ay nagtatag Siya ng kasunduan sa tao, at sinabi sa tao kung ano ang nilalaman ng kasunduan. Itong pag-uunat ng awtoridad ng Diyos ay nakamit sa panahon ng pakikipag-usap Niya sa tao, na ang ibig sabihin, bago ang paglikha sa sangkatauhan, ang mga salita ng Diyos ay mga tagubilin, at mga utos, na ibinigay sa mga nilalang na Kanyang hinahangad na likhain. Nguni’t ngayon mayroon nang makikinig sa mga salita ng Diyos, at kaya ang Kanyang mga salita ay parehong pakikipag-usap sa tao, at pangaral at payo rin sa tao, at higit pa rito, mga kautusan ito na ibinigay sa lahat ng mga bagay na sakop ng Kanyang awtoridad.

Anong pagkilos ng Diyos ang nakatala sa talatang ito? Nakatala rito ang kasunduan na itinatag ng Diyos sa tao matapos ang paggunaw Niya sa mundo sa pamamagitan ng baha, sinasabi nito sa tao na hindi na muling maghahatid ang Diyos ng naturang paggunaw sa mundo, at para sa layuning ito, lumikha ang Diyos ng tanda—at ano ang tandang ito? Sinabi sa Kasulatan na “Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.” Ito ang orihinal na mga salita na binigkas ng Maylalang sa sangkatauhan. Habang sinasabi Niya ang mga salitang ito, lumitaw ang isang bahaghari sa harapan ng tao, kung saan ito ay nananatili hanggang ngayon. Lahat ay nakakita na ng naturang bahaghari, at kapag nakikita mo ito, alam mo ba kung paano ito nagpapakita? Walang kakayahan ang siyensya na patunayan ito, o hanapin ang pinagmulan nito, o tukuyin kung nasaan ito. Iyan ay dahil ang bahaghari ay tanda ng kasunduan na itinatag sa pag-itan ng Maylalang at ng tao; hindi nito kailangan ang maka-siyensyang basehan, hindi ito ginawa ng tao, ni hindi ito kayang baguhin ng tao. Pagpapatuloy ito ng awtoridad ng Maylalang matapos Niyang bigkasin ang Kanyang mga salita. Ginamit ng Maylalang ang Kanyang sariling partikular na paraan para tumalima sa Kanyang kasunduan sa tao at Kanyang pangako, at kaya ang paggamit Niya sa bahaghari bilang isang tanda ng kasunduan na Kanyang naitatag ay isang kautusan at batas ng kalangitan na magpakailanman ay mananatiling di-nagbabago, kung patungkol man sa Maylalang o sa nilikhang sangkatauhan. Datapuwa’t ang di-nagbabagong batas na ito, kailangan itong masabi, ay isa pang tunay na pagpapamalas ng awtoridad ng Maylalang kasunod ng paglikha Niya ng lahat ng mga bagay, at kailangang masabi na ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay walang-hangganan; ang paggamit Niya ng bahaghari bilang tanda ay pagpapatuloy at karugtong ng awtoridad ng Maylalang. Isa na naman itong kilos na ginampanan ng Diyos gamit ang Kanyang mga salita, at tanda ng kasunduang naitatag ng Diyos sa tao gamit ang mga salita. Sinabi Niya sa tao ang tungkol doon sa Kanyang ipinasyang gawin, at sa kung papaanong paraan ito matutupad at makakamit, at sa paraang ito ang bagay ay natupad ayon sa mga salita mula sa bibig ng Diyos. Tanging Diyos lamang ang mayroong ganoong kapangyarihan, at ngayon, ilang libong taon matapos Niyang bigkasin ang mga salitang ito, nakakatingin pa rin ang tao sa bahaghari na binigkas mula sa bibig ng Diyos. Dahil sa mga salitang yaon na binigkas ng Diyos, nanatiling walang pagbabago at 'di-nagbabago ang bagay na ito hanggang sa ngayon. Walang sinuman ang makatatanggal sa bahagharing ito, walang makapagbabago ng mga batas nito, at umiiral lamang ito para sa mga salita ng Diyos. Ito mismo ang awtoridad ng Diyos. “Kasingbuti ng Diyos ang Kanyang salita, at matutupad ang Kanyang salita, at kung ano ang natupad ay mananatili magpakailanman.” Malinaw na ipinahayag ang mga naturang salita rito, at malinaw itong tanda at katangian ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Ang gayong tanda o katangian ay hindi taglay o nakikita sa anumang mga nilikhang kabuuan, ni nakikita man ito sa anumang di-nilikhang mga kabuuan. Sa natatanging Diyos lamang ito, at tinutukoy ang kaibahan ng pagkakakilanlan at diwa na taglay lamang ng Maylalang mula roon sa taglay ng mga nilikhang iyon. Kasabay nito, ito rin ay tanda at katangian na, maliban sa Diyos Mismo, ay hindi mahihigitan ng anumang nilikha o di-nilikhang kabuuan.

Ang pagtatatag ng Diyos sa Kanyang kasunduan sa tao ay isang pagkilos na may malaking kahalagahan, at isa na hinangad Niyang gamitin para magpaabot ng isang katunayan sa tao at sabihin sa tao ang Kanyang kalooban, at para sa layuning ito gumamit Siya ng isang natatanging paraan, gamit ang isang espesyal na tanda para magtatag ng kasunduan sa tao, isang tanda na isang pangako ng kasunduan na Kanyang naitatag sa tao. Kung gayon, malaking pangyayari ba ang pagtatatag ng kasunduang ito? At gaano ba ito kalaki? Ito ang napakaespesyal sa kasunduang ito: Hindi ito isang kasunduang itinatag sa pag-itan ng isang tao at ng isa pa, o isang grupo at isa pa, o isang bansa at isa pa, kundi isang kasunduang itinatag sa pag-itan ng Maylalang at ng buong sangkatauhan, at mananatili itong may bisa hanggang sa araw na buwagin ng Diyos ang lahat ng mga bagay. Ang Maylalang ang tagapagpatupad ng kasunduang ito, at ang Maylalang din ang tagapagpanatili nito. Sa madaling salita, ang kabuuan ng kasunduan ng bahaghari na itinatag sa sangkatauhan ay natupad at nakamit ayon sa pag-uusap sa pag-itan ng Maylalang at sangkatauhan, at nananatili pa rin hanggang ngayon. Ano pa ba ang maaaring gawin ng mga nilalang kundi ang magpasakop, at sumunod, at maniwala, at magpahalaga, at sumaksi, at magpuri sa awtoridad ng Maylalang? Sapagka’t walang sinuman kundi ang bukod-tanging Diyos lamang ang may kapangyarihang magtatag ng naturang kasunduan. Ang pagpapakita ng bahaghari, muli’t muli, ay nagbabalita sa sangkatauhan at tinatawag ang kanyang atensiyon sa kasunduan sa pag-itan ng Maylalang at ng sangkatauhan. Sa patuloy na pagpapakita ng kasunduan sa pag-itan ng Maylalang at ng sangkatauhan, ang ipinakikita sa sangkatauhan ay hindi isang bahaghari o ang mismong kasunduan, kundi ang di-nagbabagong awtoridad ng Maylalang. Ang pagpapakita ng bahaghari, muli’t muli, ay nagpapakita ng matindi at mapaghimalang mga gawa ng Maylalang sa mga nakatagong lugar, at, kasabay nito, ay isang mahalagang pagsalamin sa awtoridad ng Maylalang na hindi kailanman kukupas, at hindi kailanman magbabago. Hindi ba ito isang pagpapakita ng isa pang aspeto ng natatanging awtoridad ng Maylalang?

3. Ang mga Pagpapala ng Diyos

Gen 17:4-6 Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka’t ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.

Gen 18:18-19 Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa? Sapagka’t siya’y aking kinilala, upang siya’y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.

Gen 22:16-18 Sa aking sarili ay sumumpa ako, anang Panginoon, sapagka’t ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak; Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.

Job 42:12 Sa gayo’y pinagpala ng Panginoon, ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya’y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.

Ang Natatanging Paraan at mga Katangian ng mga Pagbigkas ng Maylalang ay Simbolo ng Natatanging Pagkakakilanlan at Awtoridad ng Maylalang

Marami ang nag-aasam na hanapin, at matamo, ang mga pagpapala ng Diyos, nguni’t hindi lahat ay nakakatamo ng mga pagpapalang ito, dahil may sariling mga prinsipyo ang Diyos, at pinagpapala ang tao sa Kanyang sariling paraan. Ang mga pangakong ginagawa ng Diyos sa tao, at ang dami ng biyaya na Kanyang ipinagkaloob sa tao, ay inilalaan batay sa mga kaisipan at pagkilos ng tao. At kaya, ano ang ipinakikita ng mga pagpapala ng Diyos? Ano ang sinasabi ng mga iyon sa atin? Sa puntong ito, ilagay natin sa isang tabi ang pagtalakay tungkol sa kung anong uri ng mga tao ang pinagpapala ng Diyos, o ang mga prinsipyo ng pagpapala ng Diyos sa tao. Sa halip, tingnan natin ang pagpapala ng Diyos sa tao nang may layunin na kilalanin ang awtoridad ng Diyos, mula sa pananaw ng pagkilala sa awtoridad ng Diyos.

Ang apat na mga talata ng kasulatan sa itaas ay mga tala lahat tungkol sa pagpapala ng Diyos sa tao. Nagbibigay ang mga ito ng detalyadong paglalarawan ng mga tumatanggap ng mga pagpapala ng Diyos, tulad nina Abraham at Job, gayundin ng mga dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang mga pagpapala, at kung ano ang mga nakapaloob sa mga pagpapalang ito. Ang tono at paraan ng mga pagbigkas ng Diyos, at ang pananaw at posisyon mula kung saan Niya binigkas, ay nagpapahintulot sa mga tao na pahalagahan na Siyang nagkakaloob ng mga pagpapala at ang tumatanggap ng gayong mga pagpapala ay malinaw na magkaiba ang pagkakakilanlan, katayuan at diwa. Ang tono at paraan ng mga pagbigkas na ito, at ang posisyon mula sa kung saan binigkas ang mga iyon, ay bukod-tangi sa Diyos, na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng Maylalang. Mayroon Siyang awtoridad at lakas, pati na rin ang karangalan ng Maylalang, at kamahalan na hindi hinahayaan ang pagdududa mula sa sinumang tao.

Una, tingnan natin ang Gen 17:4-6: “Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka’t ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.” Ang mga salitang ito ay ang kasunduan na itinatag ng Diyos kay Abraham, gayundin ang pagpapala ng Diyos kay Abraham: Gagawin ng Diyos si Abraham na ama ng mga bansa, gagawin siyang labis na masagana, at uusbong ang mga bansa mula sa kanya, at magmumula ang mga hari sa Kanya. Nakikita mo ba ang awtoridad ng Diyos sa mga salitang ito? At paano mo nakikita ang gayong awtoridad? Aling aspeto ng diwa ng awtoridad ng Diyos ang iyong nakikita? Mula sa masusing pagbabasa sa mga salitang ito, hindi naman mahirap matuklasan na ang awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos ay malinaw na nabubunyag sa mga salitang ginamit ng pagbigkas ng Diyos. Halimbawa, kapag sinasabi ng Diyos “ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging … ikaw ay ginawa kong … ikaw ay aking gagawing…,” ang mga parirala na tulad ng “ikaw ay ginawa” at “Aking gagawing,” kung saan ang mga salitang ginamit ay nagtataglay ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan at awtoridad ng Diyos, na sa isang aspeto, ay indikasyon ng katapatan ng Maylalang; sa isa pang aspeto, ang mga iyon ay mga espesyal na mga salita na ginamit ng Diyos, na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng Maylalang—gayundin bilang bahagi ng nakasanayang talasalitaan. Kung may sinumang nagsasabi na umaasa sila na ang isa pang tao ay magiging labis na masagana, na magmumula ang mga bansa sa kanila, at magmumula ang mga hari sa kanila, samakatwid iyon ay walang-dudang isang uri ng pagnanais, at hindi isang pangako o isang pagpapala. At kaya, hindi nangangahas ang mga tao na sabihing “gagawin kitang ganito ganyan, ikaw ay magiging ganito at ganyan…,” dahil alam nila na hindi sila nagtataglay ng ganyang kapangyarihan; hindi nakasalalay sa kanila, at kahit pa sabihin nila ang ganyang mga bagay, walang-kabuluhan ang kanilang mga salita, at walang-saysay, bunsod lamang ng kanilang pagnanasà at hangarin. May nangangahas bang magsalita sa ganyang kadakilang tono kung sa tingin nila ay di nila kayang tuparin ang kanilang mga inaasam? Ang lahat ay nag-aasam ng mabuti para sa kanilang mga anak, at umaasa na sila’y mangunguna at magtatamasa ng malaking tagumpay. Anong laking kapalaran ito kung isa sa kanila ay magiging emperador! Kung magiging gobernador ang isa, maganda rin iyon—basta maging mahalagang tao lamang sila! Ang mga ito ang inaasam ng lahat ng mga tao, nguni’t maaari lamang silang magnais ng mga biyaya sa kanilang mga inápó, at hindi kayang tuparin o gawing totoo ang anuman sa kanilang mga pangako. Sa kanilang mga puso, malinaw na alam ng lahat na wala silang taglay na kapangyarihan upang makamit ang naturang mga bagay, dahil hindi nila kontrolado ang lahat sa kanila, at kaya paano nila mauutusan ang kapalaran ng iba? Samantalang ang dahilan kung bakit nasasabi ng Diyos ang mga salitang gaya ng mga ito ay dahil taglay ng Diyos ang naturang awtoridad, at may kakayahan sa pagtupad at pagtanto sa lahat ng mga pangako na ginagawa Niya sa tao, at kaya Niyang gawin na magkatotoo ang mga pagpapalang ipinagkakaloob Niya sa tao. Nilikha ng Diyos ang tao, at napakagaan para sa Diyos na gawing labis na masagana ang isang tao; kailangan lamang ng isang salita mula sa Kanya para gawing masagana ang mga inápó ng isang tao. Hindi Niya kailanman kailangang pagurin ang Sarili Niya para sa naturang bagay, o pagurin ang Kanyang isipan, o isuong ang Sarili Niya sa kagipitan para sa gayong bagay; ito ang mismong kapangyarihan ng Diyos, ang mismong awtoridad ng Diyos.

Matapos basahin ang “Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa” sa Genesis 18:18, nararamdaman ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? Dama ba ninyo ang pagiging pambihira ng Maylalang? Dama ba ninyo ang pangingibabaw ng Maylalang? Ang mga salita ng Diyos ay tiyak. Hindi sinasabi ng Diyos ang mga naturang salita dahil sa, o sa pagkatawan sa, Kanyang tiwala sa tagumpay; ang mga iyon, sa halip, ay katibayan ng awtoridad ng mga pagbigkas ng Diyos, at utos na tumutupad sa mga salita ng Diyos. May dalawang pagpapayahag na kailangan ninyong pagtuunan ng pansin dito. Kapag sinasabi ng Diyos na “Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa,” may anumang elemento ba ng kalabuan sa mga salitang ito? Mayroon bang anumang elemento ng pag-aalala? Mayroon bang anumang elemento ng takot? Dahil sa mga salitang “tunay na” at “magiging” sa mga pagbigkas ng Diyos, ang mga elementong ito, na partikular sa tao at laging nakikita sa kanya, ay di kailanman nagkaroon ng kaugnayan sa Maylalang. Walang sinuman na mangangahas na gamitin ang mga ganitong salita kapag nagnanais ng mabuti sa iba, walang sinumang mangangahas na basbasan ang isa ng isang dakila at makapangyarihang bansa nang may gayong katiyakan, o mangako na ang lahat ng mga bansa sa mundo ay pagpapalain sa kanya. Habang mas tiyak ang mga salita ng Diyos, mas may pinatutunayang bagay ang mga iyon—at ano ang isang bagay na ito? Pinatutunayan ng mga iyon na ang Diyos ay may gayong awtoridad, na kaya ng Kanyang awtoridad na tuparin ang mga bagay na ito, at hindi maiiwasan ang kanilang katuparan. Ang Diyos ay tiyak sa Kanyang puso, nang walang katiting na pag-aalinlangan, sa lahat ng Kanyang pagpapala kay Abraham. At saka, matutupad ang kabuuuan nito alinsunod sa Kanyang mga salita, at walang kahit anong kapangyarihan ang maaaring makapagpabago, humadlang, sumira, o gumambala sa katuparan nito. Kahit ano pa man ang nangyari, walang makakapagpawalang-bisa o makakaimpluwensiya sa katuparan ng mga salita ng Diyos. Ito ang mismong kapangyarihan ng mga salitang binigkas mula sa bibig ng Maylalang, at ang awtoridad ng Maylalang na hindi nagpapahintulot sa pagtatanggi ng tao! Sa pagkabasa sa mga salitang ito, nakakaramdam ka pa rin ba ng padududa? Binigkas ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, at may kapangyarihan, kamahalan, at awtoridad sa mga salita ng Diyos. Ang gayong kapangyarihan at awtoridad, at ang di-maiwasang katuparan ng katunayan, ay hindi naaabot ng sinumang nilikha o di-nilikhang kabuuan at hindi nalalampasan ng sinumang nilikha o di-nilikhang kabuuan. Tanging ang Maylalang lamang ang kayang makipag-usap sa sangkatauhan nang may gayong tono at intonasyon, at napapatunayan ng mga katunayan na ang Kanyang mga pangako ay hindi mga salitang walang-laman, o mga walang-kwentang kayabangan, kundi ang pagpapahayag ng natatanging awtoridad na di-nalalampasan ng sinumang tao, bagay, o layon.

Ano ang pagkakaiba sa pag-itan ng mga salita na binibigkas ng Diyos at ng mga salita na binibigkas ng tao? Kapag binabasa mo ang mga salitang ito na binigkas ng Diyos, dama mo ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at ang awtoridad ng Diyos. Ano ang nararamdaman mo kapag naririnig mong sinasabi ng mga tao ang mga gayong salita? Sa tingin mo ba ay lubhang arogante, at mayabang, at ipinamamarali ang kanilang mga sarili? Sapagka’t wala sila ng kapangyarihang ito, hindi nila taglay ang gayong awtoridad, at kaya lubos na wala silang kakayahan para makamit ang gayong mga bagay. Na sila ay napaka-sigurado sa kanilang mga pangako ay nagpapakita lamang ng kapabayaan sa kanilang mga pahayag. Kung may isang nagsasabi ng gayong mga salita, kung gayon walang-duda na mapagmataas sila, at sobrang mapangahas, at ibinubunyag ang kanilang mga sarili bilang isang klasikong halimbawa ng disposisyon ng arkanghel. Ang mga salitang ito ay nagmula sa bibig ng Diyos; nakakadama ka ba rito ng anumang elemento ng pagmamataas? Nararamdaman mo ba na biro lamang ang mga salita ng Diyos? Ang mga salita ng Diyos ay awtoridad, ang mga salita ng Diyos ay katunayan, at bago pa binibigkas ng Kanyang bibig ang mga salita, na ang ibig sabihin, kapag nagpapasya Siya na gawin ang isang bagay, ang bagay na iyon ay natupad na. Masasabing ang lahat ng sinabi ng Diyos kay Abraham ay isang kasunduang itinatag ng Diyos kay Abraham, at isang pangako na ginawa ng Diyos kay Abraham. Ang pangakong ito ay isang naitatag na katunayan, at gayundin ay isang natupad na katunayan, at ang mga katunayang ito ay unti-unting natupad sa kaisipan ng Diyos ayon sa plano ng Diyos. At kaya, ang pagsasabi ng Diyos ng mga salitang iyon ay hindi nangangahulugang mayroon Siyang mapagmataas na disposisyon, dahil kayang makamit ng Diyos ang gayong mga bagay. Mayroon Siyang gayong kapangyarihan at awtoridad, at lubos na may kakayahan para makamit ang mga gawaing ito, at ang katuparan ng mga iyon ay buong nasa loob ng sakop ng Kanyang kakayahan. Kapag ang mga salitang gaya nito ay binibigkas mula sa bibig ng Diyos, ang mga iyon ay pagbubunyag at pagpapahayag ng totoong disposisyon ng Diyos, isang perpektong pagbubunyag at pagpapamalas ng diwa at awtoridad ng Diyos, at wala nang iba na mas angkop at akma bilang patunay ng pagkakakilanlan ng Maylalang. Ang paraan, tono, at mga salitang ginamit ng gayong mga pagbigkas ay tiyak na mga marka ng pagkakakilanlan ng Maylalang, at perpektong tumutugma sa pagpapahayag ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at sa mga iyon ay walang pagkukunwari, o karumihan; ang mga iyon ay, kumpleto at lubusan, ang perpektong pagpapakita ng diwa at awtoridad ng Maylalang. Hinggil sa mga nilalang, hindi nila taglay ang awtoridad na ito, ni ang substansyang ito, mas lalo nang wala sila ng kapangyarihang ibinibigay ng Diyos. Kung ipinagkanulo ng tao ng naturang asal, kung gayon ito’y tiyak na magiging paglalabas ng kanyang tiwaling disposisyon, at hahantong ito sa epekto ng pakikialam ng pagiging mapagmataas at malupit na ambisyon ng tao, at ang pagkalantad ng masamang hangarin ng walang-iba kundi ang diyablo, si Satanas, na gustong manlinlang ng mga tao at akitin sila para itakwil ang Diyos. At paano tinitingnan ng Diyos yaong ibinunyag ng gayong pananalita? Sasabihin ng Diyos na nais mong agawin ang Kanyang lugar at nais mo Siyang gayahin at palitan. Kapag ginagaya mo ang tono ng mga pagbigkas ng Diyos, ang intensiyon mo ay palitan ang lugar ng Diyos sa puso ng mga tao, para kunin ang sangkatauhang talagang pagmamay-ari ng Diyos. Ito si Satanas, ito talaga at kitang-kita; ito ang mga pagkilos ng mga inápó ng arkanghel, hindi matiis ng Kalangitan! Sa inyo, may sinuman bang gumaya sa Diyos sa isang partikular na paraan sa pamamagitan ng pagsasalita ng ilang mga salita, nang may intensiyon na ilayo o linlangin ang mga tao, at nagpaparamdam sa kanila na parang ang mga salita at pagkilos ng taong ito ay dala ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, na para bang ang diwa at pagkakakilanlan ng taong ito ay natatangi, at maging ang tono ng mga salita ng taong ito ay pareho sa Diyos? Nakagawa na ba kayo kailanman ng ganito? Sinubukan na ba ninyong gayahin ang tono ng Diyos sa inyong pananalita, nang may kilos na animo’y kumakatawan sa disposisyon ng Diyos, nang may pagkukunwaring kapangyarihan at awtoridad? Karamihan ba sa inyo ay madalas na kumikilos, o nagpaplanong kumilos, sa gayong paraan? Ngayon, kapag tunay ninyong nakikita, nararamdaman, at nakikilala ang awtoridad ng Maylalang, at magbalik-tanaw sa dati ninyong ginagawa, at nakasanayan ninyong ibunyag ang tungkol sa inyong mga sarili, nasusuklam ba kayo? Tanggap ba ninyo ang inyong pagiging kasuklam-suklam at pagiging kahiya-hiya? Yamang nasusuri ang disposisyon at diwa ng gayong mga tao, masasabi bang sila ay isinumpang anak ng impyerno? Masasabi ba na ang lahat ng gumagawa ng mga gayong bagay ay nagdadala ng kahihiyan sa kanilang mga sarili? Kinikilala ba ninyo ang pagiging seryoso ng kalikasan nito? At gaano ba kaseryoso ito? Ang intensyon ng mga tao na kumikilos sa ganitong paraan ay upang gayahin ang Diyos. Gusto nilang maging Diyos, at pasambahin ang mga tao sa kanila bilang Diyos. Gusto nilang buwagin ang lugar ng Diyos sa puso ng mga tao, at alisin ang Diyos na kumikilos sa gitna ng tao, para makamit ang layuning kontrolin ang mga tao, at lamunin ang mga tao, at angkinin sila. Ang lahat ay may ganoong 'di-namamalayang mga pagnanasâ at mga ambisyon, at ang lahat ay namumuhay sa ganoong tiwaling substansya ni Satanas at namumuhay sa ganoong kalikasan ni Satanas na kung saan sila ay salungat sa Diyos, at ipinagkakanulo ang Diyos, at nagnanais na maging Diyos. Kasunod ng Aking pagbabahagi sa paksa ng awtoridad ng Diyos, ninanais o hinahangad ninyo pa rin bang gayahin ang Diyos, o tularan ang Diyos? At ninanasà ninyo pa rin bang maging Diyos? Ninanais ninyo pa rin bang maging Diyos? Ang awtoridad ng Diyos ay hindi nagagaya ng tao, at ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos ay 'di nagagaya ng tao. Kahit na kaya mong gayahin ang tono ng Diyos sa pagsasalita, hindi mo nagagaya ang substansya ng Diyos. Kahit na kaya mong tumayo sa lugar ng Diyos at gayahin ang Diyos, kailanman di mo kayang gawin kung ano ang hinahangad na gawin ng Diyos, at hindi kailanman makakayang maghari at mag-utos sa lahat ng mga bagay. Sa mga mata ng Diyos, ikaw ay magiging munting nilalang magpakailanman, at kahit pa gaano kagaling ang iyong mga kasanayan at abilidad, kahit pa gaano karaming kaloob ang mayroon ka, ang kabuuan mo ay nasa ilalim ng dominyon ng Maylalang. Bagaman kaya mong magsalita ng ilang mga aroganteng salita, ni hindi ito nagpapakita na mayroon ka ng diwa ng Maylalang, ni kumatawan na ikaw ay nagtataglay ng awtoridad ng Maylalang. Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay ang diwa ng Diyos Mismo. Hindi natututunan ang mga ito, o idinadagdag sa labas, kundi ang likas na substansya ng Diyos Mismo. At kaya ang relasyon sa pag-itan ng Maylalang at ng mga nilalang ay hindi kailanman nababago. Bilang isa sa mga nilalang, kailangang panatilihin ng tao ang kanyang sariling posisyon, at mag-asal nang tapat, at matapat na bantayan kung ano ang ipinagkatiwala sa kanya ng Maylalang. At 'di dapat kumilos ang tao nang wala sa lugar, o gawin ang mga bagay-bagay na labas sa saklaw ng kanyang kakayahan o gawin ang mga bagay na kasuklam-suklam sa Diyos. Hindi dapat subukan ng tao na maging dakila, o bukod-tangi, o mataas sa lahat, ni maghangad na maging Diyos. Ito ang hindi dapat nasain ng tao. Katawa-tawa ang paghahangad na maging dakila o bukod-tangi. Ang paghahangad na maging Diyos ay lalo pang mas kahiya-hiya; ito ay karima-rimarim at kasuklam-suklam. Kung ano ang kapuri-puri, at kung ano ang dapat panghawakan ng mga nilalang nang higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilalang; ito lamang ang tanging mithiin na dapat habulin ng lahat ng mga tao.

Ang Awtoridad ng Maylalang ay Hindi Napipigilan ng Panahon, Espasyo, o Heograpiya, at ang Awtoridad ng Maylalang ay Hindi Nasusukat

Tingnan natin ang Genesis 22:17-18. Ito ay isa pang talata na binigkas ng Diyos na si Jehova, kung saan sinabi Niya kay Abraham, “Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.” Maraming beses na pinagpala ng Diyos na si Jehova si Abraham na dadami ang kanyang mga anak—at hanggang saan ang pagdami nito? Hanggang sa lawak na sinabi sa Kasulatan: “gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat.” Na ang ibig sabihin nais ng Diyos na pagkalooban si Abraham ng mga supling na kasingdami ng mga bituin sa langit, at kasingdami ng buhangin sa dalampasigan. Nagsalita ang Diyos gamit ang paglalarawan, at mula sa paglalarawang ito, hindi mahirap makita na hindi lamang ipagkakaloob ng Diyos ang isa, dalawa, o kahit libu-libong mga inápó kay Abraham, kundi hindi mabilang, sapat para maging maraming bansa, dahil ipinangako ng Diyos kay Abraham na magiging ama siya ng maraming bansa. At ipinasya ba ng tao ang numerong iyon, o ipinasya ba ito ng Diyos? Kaya bang kontrolin ng tao kung ilan ang kanyang magiging apo? Nasa kanya ba ito? Ni wala sa kamay ng tao kung magkakaroon siya ng marami o hindi, mas lalo na ang kasingdami ng “mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat.” Sino ba ang hindi nagnanais na ang kanilang mga inápó ay maging kasingdami ng mga bituin? Sa kasamaang palad, hindi nangyayari ang mga bagay-bagay sa paraang gusto mo. Kahit gaano pa kadalubhasa o kagaling ang tao, hindi ito nakasalalay sa kanya; walang nakakatayo sa labas niyaong itinalaga ng Diyos. Kung hanggang saan ka Niya hahayaan, hanggang doon ka lamang magkakaroon: Kung kakaunti ang ibinibigay sa iyo ng Diyos, kung gayon hindi ka kailanman magkakaroon ng marami, at kung marami ang ibinibigay sa iyo ng Diyos, walang-saysay na tanggihan mo kung gaano karami ang mayroon ka. Hindi ba ganito ang sitwasyon? Nakasalalay ang lahat ng ito sa Diyos, hindi sa tao! Pinamumunuan ng Diyos ang tao, at walang sinuman ang hindi kasali!

Nang sinabi ng Diyos “pararamihin ko ang iyong binhi,” ito ay kasunduang itinatag ng Diyos kay Abraham, at tulad ng kasunduan ng bahaghari, matutupad ito magpasawalang-hanggan, at ito ay isa ring pangako na ginawa ng Diyos kay Abraham. Tanging Diyos lamang ang kwalipikado at may kakayahang gawing ganap ang pangakong ito. Kung pinaniniwalaan man ito ng tao o hindi, kung tinatanggap man ito ng tao o hindi, at kung paano man ito tinitingnan ng tao, at kung paano niya ito ipinalalagay, matutupad ang lahat ng ito, nang eksakto, ayon sa mga salitang binigkas ng Diyos. Hindi mababago ang mga salita ng Diyos dahil sa mga pagbabago sa kagustuhan o mga pagkaunawa ng tao, at hindi mababago ng mga pagbabago sa anumang tao, bagay o layon. Maaaring mawala ang lahat ng mga bagay, nguni’t mananatili ang mga salita ng Diyos magpakailanman. Sa kabilang dako, ang araw na mawawala ang lahat ng mga bagay ay ang mismong araw kung kailan ang mga salita ng Diyos ay lubos na matutupad, dahil Siya ang Maylalang, at taglay Niya ang awtoridad ng Maylalang, at ang kapangyarihan ng Maylalang, at kontrolado Niya ang lahat ng mga bagay at lahat ng puwersa ng buhay; kaya Niyang magsanhi ng isang bagay na magmula sa wala, o mawala ang isang bagay, at kontrolado Niya ang pagbabagong-anyo ng lahat ng bagay mula sa pagkabuhay hanggang sa kamatayan, at kaya para sa Diyos, walang magiging mas payak kaysa pagpaparami ng anak ng isang tao. Mukha itong hindi kapani-paniwala sa tao, parang isang kwentong pambata, nguni’t sa Diyos, yaong Kanyang ipinapasyang gagawin, at ipinangangakong gagawin, ay hindi isang bagay na hindi-kapani-paniwala, ni isang kwentong pambata. Sa halip ito ay katunayang nakikita na ng Diyos, at tiyak na matutupad. Pinahahalagahan ninyo ba ito? Pinatunayan ba ng mga katunayan na napakarami ang mga inápó ni Abraham? At gaano nga ba karami? Sindami ng “mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat” na sinabi ng Diyos? Kumalat ba sila sa lahat ng mga bansa at rehiyon, sa bawa’t lugar sa mundo? At ano ang tumupad sa katunayang ito? Natupad ba ito sa pamamagitan ng awtoridad ng mga salita ng Diyos? Sa ilang daan o libong taon matapos binigkas ang mga salita ng Diyos, patuloy na natutupad ang mga salita ng Diyos, at patuloy na nagiging mga katunayan; ito ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at katibayan ng awtoridad ng Diyos. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa pasimula, sinabi ng Diyos na magkaroon ng liwanag, at nagkaroon ng liwanag. Mabilis na nangyari ito, natupad sa napakaikling panahon, at walang pagkakaantala sa paggawa at katuparan nito; agaran ang mga bisa ng mga salita ng Diyos. Parehong pagpapakita ng awtoridad ng Diyos, nguni’t nang pinagpala ng Diyos si Abraham, hinayaan Niyang makita ng tao ang isa pang panig ng diwa ng awtoridad ng Diyos, at hinayaan ang tao na makita ang di-matantiyang awtoridad ng Maylalang, at higit pa rito, hinayaan ang tao na makita pa ang mas totoo at mas magarang panig ng awtoridad ng Maylalang.

Kapag ang mga salita ng Diyos ay nabigkas na, pinatatakbo na ng awtoridad ng Diyos ang gawaing ito, at ang katotohanang ipinangako ng bibig ng Diyos ay unti-unting nagsisimula na maging realidad. Sa lahat ng mga bagay, nagsisimula na ang pagbabago sa lahat ng bagay bilang resulta, tulad ng kung paano, sa pagdating ng tagsibol, nagiging berde ang damo, namumukadkad ang mga bulaklak, umuusbong ang mga suloy sa mga puno, nagsisimulang mag-awitan ang mga ibon, bumabalik ang mga gansa, at napupuno ng mga tao ang mga parang…. Sa pagdating ng tagsibol ang lahat ng mga bagay ay napapanariwa, at ito ang mapaghimalang gawa ng Maylalang. Kapag tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako, nanunumbalik at nagbabago ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa ayon sa kaisipan ng Diyos—at walang hindi kasali. Kapag nabigkas na ang kasunduan o pangako mula sa bibig ng Diyos, nabibigyang katuparan ito ng lahat ng mga bagay, at minamaniobra alang-alang sa katuparan nito, at ang lahat ng mga nilalang ay binubuo at inaayos sa ilalim ng dominyon ng Maylalang, at gumaganap ng kani-kanilang mga papel, at ginagawa ang kani-kanilang mga tungkulin. Ito ang pagpapamalas ng awtoridad ng Maylalang. Ano ang nakikita mo rito? Paano mo nalalaman ang awtoridad ng Diyos? May hangganan ba ang awtoridad ng Diyos? May limitasyon ba ito sa panahon? Nasasabi ba kung ano ang taas nito, o ang haba? Nasasabi ba kung ano ang sukat nito o lakas? Nasusukat ba ito batay sa sukat ng tao? Hindi patay-sindi ang awtoridad ng Diyos, hindi pabalik-balik, at walang sinuman ang nakakasukat kung gaano kadakila ang Kanyang awtoridad. Kahit pa gaano katagal ang panahon na lumilipas, kapag pinagpapala ng Diyos ang isang tao, magpapatuloy ang pagpapalang ito, at ang pagpapatuloy nito ay magdadala ng patotoo sa hindi-matantyang awtoridad ng Diyos, at hahayaan ang sangkatauhang makita ang muling pagpapakita ng hindi-namamatay na puwersa ng buhay ng Maylalang, muli at muli. Ang bawa’t pagpapakita ng Kanyang awtoridad ay ang perpektong paglalarawan ng mga salita mula sa Kanyang bibig, at ito’y ipinakikita sa lahat ng mga bagay, at sa sangkatauhan. Bukod pa rito, ang lahat ng mga bagay na tinupad ng Kanyang awtoridad ay magarang walang-kapantay, at lubusang walang-kapintasan. Masasabing ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang mga salita, ang Kanyang awtoridad, at ang lahat ng mga gawaing Kanyang tinutupad ay larawang lahat na walang-katulad ang kagandahan, at para sa mga nilalang, ang wika ng sangkatauhan ay walang kakayahang sabihin nang malinaw ang kabuluhan at halaga nito. Kapag nangangako ang Diyos sa isang tao, kung ito man ay kung saan sila nakatira, o kung ano ang kanilang ginagawa, ang kanilang nakaraan o matapos nilang matanggap ang pangako, o kung gaano man katindi ang mga kaguluhan sa paligid ng kanilang tinitirahan—ang lahat ng ito ay kasing pamilyar sa Diyos ng likod ng Kanyang kamay. Kahit pa gaano katagal na panahon ang lumipas matapos bigkasin ang mga salita ng Diyos, para sa Kanya, parang kabibigkas lamang ng mga ito. Na ang ibig sabihin ay may kapangyarihan ang Diyos, at may gayong awtoridad, na kaya Niyang subaybayan, kontrolin, at ganapin ang bawa’t pangako na Kanyang ginagawa sa sangkatauhan, at kahit ano pa man ang pangakong iyon, kahit pa gaano katagal bago ganap na matupad ang mga ito, at, higit pa rito, kahit pa gaano kalawak ang masasaklaw ng katuparan niyon—halimbawa, oras, heograpiya, lahi, at iba pa—matutupad ang pangakong ito, at magaganap, at, bukod pa rito, hindi nangangailangan na kumilos ni katiting ang Diyos para sa katuparan at kaganapan nito. At ano ang pinatutunayan nito? Na ang lawak ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay sapat upang kontrolin ang buong sansinukob, at ang buong sangkatauhan. Ginawa ng Diyos ang liwanag, nguni’t hindi ibig sabihin na liwanag lamang ang pinamamahalaan ng Diyos, o na tubig lamang ang Kanyang pinamamahalaan dahil nilikha Niya ang tubig, at hindi na kaugnay sa Diyos ang lahat ng iba pa. Hindi ba ito maling pagkaunawa? Kahit na unti-unting nawala sa alaala ng tao ang pagpapala ng Diyos kay Abraham matapos ang ilang daang taon, para sa Diyos, nananatiling pareho pa rin ang pangakong ito. Nasa proseso pa rin ito ng pagpapatupad, at hindi kailanman huminto. Hindi kailanman nalaman o narinig ng tao kung paano iniunat ng Diyos ang Kanyang awtoridad, kung paano isinaayos at inihanda ang lahat ng mga bagay, at gaano karaming magagandang kwento ang nangyari sa lahat ng mga bagay ng sangnilikha ng Diyos sa mga panahong ito, nguni’t ang bawa’t nakakamanghang piraso ng pagpapakita ng awtoridad ng Diyos at ang pagpapahayag ng Kanyang mga gawa ay ipinasa at dinakila sa gitna ng lahat ng mga bagay, ipinakita at sinabi ng lahat ng mga bagay ang mahimalang mga gawa ng Maylalang, at ang bawa’t sinasabi-sabing kwento ng kapangyarihang mangibabaw ng Maylalang sa lahat ng mga bagay ay magpakailanmang ipapahayag ng lahat ng mga bagay. Ang awtoridad kung saan pinaghaharian ng Diyos ang lahat ng mga bagay, at ang kapangyarihan ng Diyos, ay nagpapakita sa lahat ng mga bagay na ang Diyos ay nasa lahat ng lugar at sa lahat ng sandali. Kapag nasaksihan mo na nasa lahat ng lugar ang presensya ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, makikita mo na nasa lahat ng lugar ang Diyos at sa lahat ng sandali. Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay hindi limitado ng panahon, heograpiya, espasyo, o sinumang tao, pangyayari o bagay. Ang lawak ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay lampas sa imahinasyon ng tao; hindi ito maarok ng tao, hindi kayang maguniguni ng tao, at hindi kailanman lubusang malalaman ng tao.

May mga tao na gustong magpalagay at maglarawan sa isipan, nguni’t hanggang saan ang kayang maabot ng imahinasyon ng tao? Kaya ba nitong lampasan ang mundo? Kaya ba ng tao na mahinuha at maguniguni ang pagiging tunay at katiyakan ng awtoridad ng Diyos? Kaya ba ng paghinuha at imahinasyon ng tao na hayaan siyang magkamit ng kaalaman tungkol sa awtoridad ng Diyos? Nagagawa ba ng mga iyon na tunay na pahalagahan at magpasakop ang tao sa awtoridad ng Diyos? Pinatutunayan ng mga katunayan na ang paghinuha at imahinasyon ng tao ay produkto lamang ng talino ng tao, at hindi nagbibigay ng kahit katiting na tulong o pakinabang sa kaalaman ng tao sa awtoridad ng Diyos. Matapos magbasa ng mga kathambuhay sa agham, kayang maguniguni ng ilan ang buwan, at kung ano ang itsura ng mga bituin. Nguni’t hindi nangangahulugan ito na ang tao ay may anumang pagkaunawa tungkol sa awtoridad ng Diyos. Ang imahinasyon ng tao ay ganito lamang: kathang-isip. Sa mga katunayan tungkol sa mga bagay na ito, na ang ibig sabihin, tungkol sa kanilang pagkakaugnay sa awtoridad ng Diyos, ay wala talaga siyang natatarok. Ano naman ngayon kung nakapunta ka na sa buwan? Ipinakikita ba nito na mayroon ka ng iba’t-ibang sukat ng pagkaunawa sa awtoridad ng Diyos? Ipinakikita ba nito na kaya mo nang maguniguni ang lawak ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos? Dahil walang kakayahan ang paghinuha at imahinasyon ng tao na hayaan siyang makilala ang awtoridad ng Diyos, ano ang dapat gawin ng tao? Ang pinakamatalinong opsyon ay ang hindi maghinuha o maglarawan sa isip, na ang ibig sabihin ay hindi dapat kailanman umasa ang tao sa imahinasyon at dumepende sa paghinuha pagdating sa pagkilala sa awtoridad ng Diyos. Ano ba ang nais kong sabihin sa inyo rito? Ang pagkakilala sa awtoridad ng Diyos, kapangyarihan ng Diyos, sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at diwa ng Diyos ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng pag-asa sa iyong imahinasyon. Dahil hindi ka makakaasa sa imahinasyon para makilala ang awtoridad ng Diyos, kung gayon, sa anong paraan mo nakakamit ang tunay na pagkakilala sa awtoridad ng Diyos? Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng pagsasamahan, at sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, magkakaroon ka ng unti-unting karanasan at pagpapatunay sa awtoridad ng Diyos at sa gayon makakatamo ka ng dahan-dahang pagkaunawa at unti-unting pagkakilala rito. Ito lamang ang tanging paraan para makamit ang pagkakilala sa awtoridad ng Diyos; walang mga madaliang paraan. Ang paghingi sa inyo na huwag ilarawan sa isip ay hindi pareho ng pagpapaubaya sa inyo na maupong walang ginagawa at maghintay ng kapahamakan, o pagpigil sa inyo sa paggawa ng anumang bagay. Ang hindi paggamit ng iyong utak para mag-isip at maglarawan sa isip ay nangangahulugang hindi paggamit ng pangangatwiran para maghinuha, hindi paggamit ng kaalaman para magsuring mabuti, hindi paggamit sa siyensya bilang basehan, bagkus ay pagpapahalaga, pagpapatunay, at pagkumpirma na ang Diyos na iyong pinaniniwalaan ay may awtoridad, kinukumpirma na may hawak Siyang kapangyarihan sa iyong kapalaran, at ang Kanyang kapangyarihan ay nagpapatunay sa lahat ng sandali na Siya ang tunay na Diyos Mismo, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng katotohanan, sa pamamagitan ng lahat ng bagay na iyong natatahakan sa buhay. Ito ang tanging paraan para magkamit ang sinuman ng pagkaunawa sa Diyos. May mga nagsasabi na ninanais nila na makahanap ng simpleng paraan para makamit ang layuning ito, nguni’t may naiisip ba kayong gayong paraan? Sinasabi ko sa iyo, hindi na kailangang mag-isip: Walang ibang paraan! Ang tanging paraan ay matapat at matiyagang kilalanin at patunayan kung anong mayroon ang Diyos at kung ano Siya sa pamamagitan ng bawa’t salita na Kanyang ipinahahayag at sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ito ang tanging paraan para makilala ang Diyos. Dahil kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at lahat ng bagay ng Diyos, ay hindi hungkag at walang-kabuluhan—kundi tunay.

Ang Katunayan ng Kontrol at Pagkasakop ng Maylalang sa Lahat ng mga Bagay at mga Buháy na Nilalang ay Naghahayag ng Tunay na Pag-iral ng Awtoridad ng Maylalang

Gayundin, ang pagpapala ni Jehova kay Job ay nakátálâ sa Aklat ng Job. Ano ang ipinagkaloob ng Diyos kay Job? “Sa gayo’y pinagpala ni Jehova, ang huling katapusan ni Job na higit sa kaniyang pasimula: at siya’y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae” (Job 42:12). Mula sa pananaw ng tao, ano ang mga bagay na ito na ibinigay kay Job? Mga ari-arian ba iyon ng tao? Sa mga ari-ariang ito, naging napakayaman na ba si Job sa panahong iyon? At paano niya nakuha ang mga naturang ari-arian? Saan nanggaling ang kanyang kayamanan? Kahit hindi sabihin, salamat sa pagpapala ng Diyos kaya natamo ni Job ang mga iyon. Kung paano tiningnan ni Job ang mga ari-ariang ito, at kung paano niya itinuring ang mga pagpapala ng Diyos, ay hindi isang bagay na ating tatalakayin dito. Pagdating sa mga pagpapala ng Diyos, naghahangad ang lahat ng tao, sa araw at gabi, na pagpalain ng Diyos, nguni’t walang kontrol ang tao sa kung gaano karaming mga ari-arian ang kaya niyang matamo sa panahon ng kanyang buhay, o kung makakatanggap ba siya ng pagpapala mula sa Diyos—at ito ay isang hindi-mapapasubaliang katunayan! May awtoridad ang Diyos, at may kapangyarihan para magkaloob ng anumang ari-arian sa tao, para hayaan ang taong makakuha ng anumang basbas, nguni’t may prinsipyo sa mga pagpapala ng Diyos. Anong uri ng mga tao ang pinagpapala ng Diyos? Siyempre, iyong mga taong gusto Niya! Parehong pinagpala ng Diyos sina Abraham at Job, nguni’t hindi pareho ang mga biyaya na kanilang natanggap. Pinagpala ng Diyos si Abraham ng mga inápó na kasingdami ng buhangin at bituin. Nang pinagpala ng Diyos si Abraham, ginawa Niya ang mga inápó ng isang tao, isang bansa, na maging makapangyarihan at masagana. Dito, pinagharian ng awtoridad ng Diyos ang sangkatauhan, na huminga ng hininga ng Diyos sa lahat ng mga bagay at buháy na mga nilalang. Sa ilalim ng pangingibabaw ng kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos, lumaganap ang sangkatauhang ito at umiral sa bilis, at sa loob ng saklaw, na ipinasya ng Diyos. Lalo na, ang posibilidad na pananatili ng bansang ito, antas ng paglaki, at haba ng buhay ay bahagi lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, at ang prinsipyo ng lahat ng ito ay ganap na nakabase sa ipinangako ng Diyos kay Abraham. Na ang ibig sabihin, kahit ano pa ang mga pangyayari, magpapatuloy ang mga pangako ng Diyos nang walang balakid at mangyayari ito sa ilalim ng kalinga ng awtoridad ng Diyos. Sa pangakong ginawa ng Diyos kay Abraham, kahit ano pa ang mga kaguluhan ng mundo, kahit ano pa ang kapanahunan, kahit ano pa ang mga pinagdaanang sakuna ng sangkatauhan, hindi haharapin ng mga inápó ni Abraham ang panganib ng pagkalipol, at hindi mamamatay ang kanilang bansa. Ang pagpapala ng Diyos kay Job, gayunpaman, ay lubos na nagpayaman sa kanya. Ang ibinigay ng Diyos sa kanya ay ang maraming nabubuhay, humihingang mga nilalang, na ang mga detalye—ang kanilang bilang, kanilang bilis ng pagdami, antas ng pananatili, ang dami ng taba na nasa kanila, at iba pa—ay kontrolado rin ng Diyos. Kahit na ang mga buháy na nilalang na ito ay hindi nakakapagsalita, bahagi rin sila ng pagsasaayos ng Maylalang, at ang prinsipyo ng pagsasaayos ng Diyos ay ayon sa pagpapala na ipinangako ng Diyos kay Job. Sa mga pagpapalang ibinigay ng Diyos kina Abraham at Job, bagama’t magkaiba ang ipinangako, ang awtoridad kung saan pinagharian ng Maylalang ang lahat ng mga bagay at mga buháy na nilalang ay pareho. Ang bawa’t detalye ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang magkaibang mga pangako at mga pagpapala kina Abraham at Job, at minsan pang ipinakikita sa sangkatauhan na ang awtoridad ng Diyos ay malayung-malayo sa imahinasyon ng tao. Sinasabi ng mga detalyeng ito minsan pa sa sangkatauhan na kung gusto niyang makilala ang awtoridad ng Diyos, kung gayon ito’y nakakamit lamang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at sa pamamagitan ng pagdaranas sa gawa ng Diyos.

Hinahayaan ng awtoridad ng pangingibabaw ng Diyos sa lahat ng mga bagay na makita ng tao ang isang katunayan: Hindi lamang kinakatawan ang awtoridad ng Diyos ng mga salitang “At sinabi ng Diyos, Magkaroon ng liwanag, at nagkaroon ng liwanag, at, Magkaroon ng kalawakan, at nagkaroon ng kalawakan, at, Magkaroon ng lupa, at nagkaroon ng lupa,” kundi, higit pa rito, kung paano Niya ginawang magpatuloy ang liwanag, pinigilang mawala ang kalawakan, at ginawa na magpakailanmang hiwalay ang lupa mula sa tubig, gayundin ang mga detalye kung paano Niya pinagharian at pinamahalaan ang mga nilalang: liwanag, kalawakan, at lupa. Ano pa ang nakikita ninyo sa pagpapala ng Diyos sa sangkatauhan? Malinaw na, matapos pagpalain ng Diyos sina Abraham at Job, hindi huminto ang mga yapak ng paa ng Diyos, dahil kasisimula pa lamang Niyang iunat ang Kanyang awtoridad, at hinangad Niya na gawing realidad ang bawa’t isa sa Kanyang mga salita, at gawing totoo ang bawa’t detalye ng Kanyang binigkas, at kaya, sa mga dumating na taon, ipinagpatuloy Niya ang paggawa sa lahat ng bagay na Kanyang hinangad. Dahil may awtoridad ang Diyos, marahil sa paningin ng tao ay nagsasalita lamang ang Diyos, at hindi kailangang itaas ang isang daliri para matupad ang lahat ng usapin at mga bagay. Ang pag-iisip ng ganoon ay medyo katawa-tawa! Kung kukunin mo lamang ang isang panig ng pananaw sa pagtatatag ng Diyos ng kasunduan sa tao gamit ang mga salita, at ang pagtupad ng Diyos sa lahat ng bagay gamit ang mga salita, at hindi mo nakikita ang sari-saring mga tanda at mga katunayan na ang awtoridad ng Diyos ay may dominyon sa pag-iral ng lahat ng mga bagay, kung gayon ang iyong pagkaunawa sa awtoridad ng Diyos ay walang-laman at katawa-tawa! Kung iniisip ng tao na ganoon ang Diyos, kung gayon, kailangang sabihin na, ang pagkakilala ng tao sa Diyos ay umabot na sa hangganan, at wala ng pupuntahan, dahil ang Diyos na iniisip ng tao ay isa lamang makina na nagbababa ng mga utos, at hindi ang Diyos na nagtataglay ng awtoridad. Ano ang nakita mo sa pamamagitan ng mga halimbawa nina Abraham at Job? Nakita mo ba ang totoong bahagi ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos? Matapos pagpalain ng Diyos sina Abraham at Job, hindi nanatili ang Diyos kung nasaan Siya, ni inutusan Niya ang Kanyang mga mensahero habang naghihintay para makita kung ano ang kalalabasan. Sa kabaligtaran, sa sandaling binigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita, sa ilalim ng gabay ng awtoridad ng Diyos, ang lahat ng mga bagay ay nagsimulang sumunod sa gawain na hinahangad gawin ng Diyos, at nakahanda na roon ang mga tao, mga bagay, at mga layon na kinakailangan ng Diyos. Na ang ibig sabihin, sa sandaling binigkas na ang mga salita mula sa bibig ng Diyos, iniuunat na ang awtoridad ng Diyos sa buong kalupaan, at nagtakda na Siya ng landas para gawin at tuparin ang mga ipinangako Niya kina Abraham at Job, habang ginagawa rin ang lahat ng naaangkop na mga plano at mga paghahanda para sa lahat na kailangan para sa bawa’t hakbang at bawa’t susing yugto na plano Niyang isakatuparan. Sa panahong ito, hindi lamang minamaniobra ng Diyos ang Kanyang mga mensahero, kundi ang lahat din ng mga bagay na nalikha Niya. Na ang ibig sabihin ay ang sakop kung saan ang awtoridad ng Diyos ay iniunat ay hindi lamang kasama ang mga mensahero, kundi, higit pa rito, ang lahat ng mga bagay, na minamaniobra para makaayon sa gawain na hinahangad Niyang tuparin; ito ang mga partikular na paraan kung saan iniunat ang awtoridad ng Diyos. Sa inyong mga naguguniguni, maaaring mayroon ang iba ng mga sumusunod na pagkaunawa sa awtoridad ng Diyos: may awtoridad ang Diyos, at may kapangyarihan ang Diyos, at kaya kailangan lamang manatili ang Diyos sa pangatlong langit, o kailangan lamang manatili sa isang pirming lugar, at di kailangang gumawa ng anumang partikular na gawain, at ang kabuuan ng gawain ng Diyos ay naganap sa loob ng Kanyang kaisipan. May mga maaari ding maniwala na, bagama’t pinagpala ng Diyos si Abraham, hindi na kailangang gumawa ng anumang bagay ang Diyos, at sapat na para sa Kanya na bigkasin lamang ang Kanyang mga salita. Ito ba talaga ang tunay na nangyari? Malinaw na hindi! Bagama’t may taglay ang Diyos na awtoridad at kapangyarihan, tunay at totoo ang Kanyang awtoridad, hindi hungkag. Ang pagiging totoo at realidad ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay unti-unting nabubunyag at kinakatawan sa Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay, at pagkontrol sa lahat ng mga bagay, at sa proseso kung saan pinangungunahan at pinamamahalaan Niya ang sangkatauhan. Ang bawa’t paraan, bawa’t pananaw, at bawa’t detalye ng kapangyarihan ng Diyos na mangibabaw sa sangkatauhan at sa lahat ng mga bagay, at lahat ng gawain na Kanyang natupad, gayundin ang Kanyang pagkaunawa sa lahat ng mga bagay—ang lahat ng mga iyon ay literal na nagpapatunay na ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay hindi hungkag na mga salita. Ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan ay patuloy na ipinapakita at ibinubunyag, at sa lahat ng mga bagay. Ang mga pagpapamalas at pagbubunyag na ito ay nagsasalita tungkol sa tunay na pag-iral ng awtoridad ng Diyos, dahil ginagamit Niya ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan para ipagpatuloy ang Kanyang gawain, at para utusan ang lahat ng mga bagay, at para pagharian ang lahat ng mga bagay sa bawa’t sandali, at ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad ay hindi napapalitan ng mga anghel, o ng mga mensahero ng Diyos. Ipinasya ng Diyos kung anong mga pagpapala ang Kanyang ipagkakaloob kina Abraham at Job—depende ito sa Diyos. Kahit pa personal na bumisita ang mga mensahero ng Diyos kina Abraham at Job, ang kanilang mga kilos ay naaayon sa mga kautusan ng Diyos, at sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, at nasa ilalim din sila ng kapangyarihan ng Diyos. Bagama’t nakikita ng tao ang mga mensahero ng Diyos na binisita si Abraham, at hindi nasaksihan si Jehova na Diyos na personal na gumawa ng anumang bagay sa mga tala sa Biblia, sa katunayan, ang Nag-iisa na tunay na nag-uunat ng kapangyarihan at awtoridad ay ang Diyos Mismo, at hindi nito tinitiis ang pagdududa ng sinumang tao! Bagama’t nakikita mo na may taglay ang mga anghel at mga mensahero na matinding kapangyarihan, at nakagawa ng mga himala, o nagagawa nila ang ilang mga bagay na inutos ng Diyos, ang mga pagkilos nila ay para lamang sa pagtupad ng utos ng Diyos, at ang mga ito ay walang-dudang hindi pagpapakita ng awtoridad ng Diyos—dahil walang tao o bagay ang mayroon, o nagtataglay, ng awtoridad ng Maylalang para lumikha ng lahat ng mga bagay at pagharian ang lahat ng mga bagay. At kaya walang tao o bagay ang nakakapag-unat o nkakapagpakita ng awtoridad ng Maylalang.

Di-Nagbabago at Di-Nasasaktan ang Awtoridad ng Maylalang

Ano ang nakita ninyo sa tatlong bahaging ito ng kasulatan? Nakita ba ninyo na may prinsipyo sa pag-uunat ng Diyos ng Kanyang awtoridad? Halimbawa, gumamit ang Diyos ng bahaghari para itatag ang kasunduan sa tao, kung saan inilagay Niya ang isang bahaghari sa kaulapan para sabihin sa tao na hindi na Niya kailanman gagamitin ang baha para sirain ang mundo. Ang bahaghari ba na nakikita ng mga tao ngayon ay pareho pa rin sa binigkas mula sa bibig ng Diyos? Nagbago ba ang kalikasan at kahulugan nito? Walang duda, hindi ito nagbago. Ginamit ng Diyos ang Kanyang awtoridad para isakatuparan ang pagkilos na ito, at ang kasunduan na Kanyang itinatag sa tao ay nagpapatuloy hanggang ngayon, at ang panahon kung kailan mababago ang kasunduang ito, ay siyempre, nasa Diyos. Matapos na sinabi ng Diyos “ang aking bahaghari ay inilagay ko sa alapaap,” laging sumusunod ang Diyos sa kasunduang ito, hanggang sa araw na ito. Ano ang nakikita mo rito? Bagama’t nagtataglay ang Diyos ng awtoridad at kapangyarihan, napakahigpit Niya at maprinsipyo sa Kanyang mga pagkilos, at nananatiling totoo sa Kanyang salita. Ang pagiging mahigpit Niya, at ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos, ay nagpapakita sa katangian ng Maylalang na di nasasaktan at di-nalalampasan ang awtoridad ng Maylalang. Kahit na nagtataglay Siya ng kataas-taasang awtoridad, at lahat ng mga bagay ay nasa ilalim ng Kanyang dominyon, at kahit na may kapangyarihan Siya na pagharian ang lahat ng mga bagay, di kailanman sinisira o ginagambala ng Diyos ang Kanyang sariling plano, at sa bawa’t pagkakataon na Kanyang iniuunat ang Kanyang awtoridad, ito ay mahigpit na naaayon sa Kanyang sariling mga prinsipyo, at tiyak na sumusunod sa kung ano ang binigkas mula sa Kanyang bibig, at sumusunod sa mga hakbang at layunin ng Kanyang plano. Hindi na kailangan pang sabihin, ang lahat ng mga bagay na pinaghaharian ng Diyos ay sumusunod din sa mga prinsipyo kung paano iniuunat ang awtoridad ng Diyos, at walang tao o bagay ang hindi kasali sa pagsasaayos ng Kanyang awtoridad, ni nababago nila ang mga prinsipyo kung paano iniuunat ang Kanyang awtoridad. Sa mga mata ng Diyos, yaong mga pinagpala ay nakakatanggap ng magandang kapalaran na dala ng Kanyang awtoridad, at yaong mga isinumpa ay nakakatanggap ng kanilang kaparusahan dahil sa awtoridad ng Diyos. Sa ilalim ng kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos, walang tao o bagay ang hindi saklaw ng pag-uunat ng Kanyang awtoridad, ni kaya nilang baguhin ang mga prinsipyo kung paano iniuunat ang Kanyang awtoridad. Ang awtoridad ng Maylalang ay hindi nababago ng mga pagbabago sa anumang salik, at gayundin, hindi nagbabago ng anumang dahilan ang mga prinsipyo kung paano ang Kanyang awtoridad ay iniuunat. Maaaring sumailalim sa napakalaking pagbabago ang langit at lupa, nguni’t ang awtoridad ng Maylalang ay hindi magbabago; mawala man ang lahat ng mga bagay, nguni’t di kailanman mawawala ang awtoridad ng Maylalang. Ito ang diwa ng di-nagbabago at di-nasasaktan na awtoridad ng Maylalang, at ito mismo ang pagiging natatangi ng Maylalang!

Ang mga salitang nasa ibaba ay di-maaaring-wala para makilala ang awtoridad ng Diyos, at ang kanilang kahulugan ay ibinibigay sa pagbabahagi sa ibaba. Ipagpatuloy natin ang pagbabasa ng Kasulatan.

4. Ang Utos ng Diyos kay Satanas

Job 2:6 At si Jehova ay nagsabi kay Satanas, Narito, siya’y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay.

Hindi Kailanman Nangangahas si Satanas na Suwayin ang Awtoridad ng Maylalang, at Dahil Dito, Nabubuhay sa Kaayusan ang Lahat ng Mga Bagay

Ito ay hango mula sa Aklat ni Job, at ang “siya” sa mga salitang ito ay tumutukoy kay Job. Bagama’t maikli, nililiwanag ng pangungusap na ito ang maraming mga usapin. Inilalarawan nito ang isang partikular na pag-uusap sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas sa espirituwal na mundo, at sinasabi sa atin na ang layon ng mga salita ng Diyos ay si Satanas. Itinatala rin nito ang partikular na sinabi ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay isang kautusan at isang atas kay Satanas. Ang mga partikular na detalye ng utos na ito ay kaugnay sa 'di paggalaw sa buhay ni Job at kung saan nilimitahan ng Diyos ang pagtrato ni Satanas kay Job—kinailangan ni Satanas na di galawin ang buhay ni Job. Ang unang bagay na natututunan natin mula sa pangungusap na ito ay yaong ang mga salitang ito ay sinabi ng Diyos kay Satanas. Ayon sa orihinal na teksto ng Aklat ni Job, sinasabi nito sa atin ang nasa likod ng mga naturang salita: Ninais ni Satanas na akusahan si Job, at kaya kailangan nitong kumuha ng kasunduan sa Diyos bago niya ito matukso. Nang pumapayag sa kahilingan ni Satanas na tuksuhin si Job, iniharap ng Diyos ang mga sumusunod na kundisyon kay Satanas: “Narito, siya’y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay.” Ano ang kalikasan ng mga salitang ito? Malinaw na kautusan ang mga ito, isang atas. Sa pagkaintindi ng kalikasan ng mga salitang ito, kailangan mo, siyempre, na matarok na ang Diyos ang Siyang nagbigay ng utos na ito, at ang tumanggap sa utos na ito, at sumunod dito, ay si Satanas. Di na kailangang sabihin, sa utos na ito, ang ugnayan sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas ay kitang-kita ng sinumang nagbabasa ng mga salitang ito. Siyempre, ito rin ang ugnayan sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas sa espirituwal na mundo, at ang kaibahan sa pag-itan ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos at ni Satanas, na nakalagay sa mga tala ng mga pag-uusap sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas sa mga Kasulatan, at hanggang ngayon, ay ang partikular na halimbawa at tala sa teksto kung saan natututunan ng tao ang malinaw na kaibahan sa pag-itan ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos at ni Satanas. Sa puntong ito, dapat kong sabihin na ang tala ng mga salitang ito ay isang mahalagang dokumento sa kaalaman ng sangkatauhan tungkol sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, at nagbibigay ito ng mahalagang impormasyon para sa pagkakilala ng sangkatauhan sa Diyos. Sa pamamagitan ng pag-uusap na ito sa pag-itan ng Maylalang at ni Satanas sa espirituwal na mundo, nakakayang maintindihan ng tao ang isa pang partikular na aspeto ng awtoridad ng Maylalang. Ang mga salitang ito ay isa na namang patotoo sa natatanging awtoridad ng Maylalang.

Sa panlabas, ang mga iyon ay pag-uusap sa pag-itan ng Jehova na Diyos at ni Satanas. Ang diwa ng mga iyon ay yaong ang saloobin na kung saan nagsasalita ang Jehova na Diyos, at ang posisyon mula kung saan Siya ay nagsasalita, ay mas mataas kaysa kay Satanas. Na ang ibig sabihin ay inuutusan ng Jehova na Diyos si Satanas nang may tono ng isang utos, at sinasabi kay Satanas kung ano ang dapat at di dapat na gawin, na si Job ay nasa mga kamay na Niya, at malaya na nitong tratuhin si Job kung paano man nito naisin—nguni’t hindi maaaring kunin ang buhay ni Job. Ang pumapangalawang teksto ay, bagama’t ipinaubaya na si Job sa mga kamay ni Satanas, hindi ipinaubaya ang kanyang buhay kay Satanas; walang sinuman ang maaaring kumuha ng buhay ni Job mula sa mga kamay ng Diyos maliban kung pinahintulutan ng Diyos. Malinaw na nasalita ang saloobin ng Diyos sa kautusang ito kay Satanas, at nagpakita at ang kautusang ito ay nagpapamalas din at nagbubunyag ng posisyon mula kung saan nakikipag-usap ang Jehova na Diyos kay Satanas. Dito, hindi lamang hawak ng Jehova na Diyos ang katayuan ng Diyos na lumikha ng liwanag, at hangin, at ng lahat ng mga bagay at mga buháy na nilalang, ng Diyos na humahawak ng kapangyarihang maghari sa lahat ng mga bagay at mga buháy na nilalang, kundi ng Diyos din na nag-uutos sa sangkatauhan, at nag-uutos sa Impiyerno, ng Diyos na kumokontrol sa buhay at kamatayan ng lahat ng mga bagay na nabubuhay. Sa espirituwal na mundo, sino bukod sa Diyos ang maglalakas-loob na magbigay ng gayong utos kay Satanas? At bakit personal na nagbigay ng Kanyang utos ang Diyos kay Satanas? Dahil ang buhay ng tao, kasama na ang kay Job, ay kontrolado ng Diyos. Hindi pinahintulutan ng Diyos si Satanas para saktan o kunin ang buhay ni Job, ibig sabihin na bago pa pahintulutan ng Diyos si Satanas na tuksuhin si Job, naalala pa rin ng Diyos na espesyal na magbaba ng naturang utos, at muling inutusan si Satanas na huwag kunin ang buhay ni Job. Hindi kailanman nangangahas si Satanas na suwayin ang awtoridad ng Diyos, at, higit pa rito, ay laging maingat na nakikinig at sumusunod sa mga utos at partikular na mga kautusan ng Diyos, hindi kailanman nangangahas na labagin ang mga ito, at siyempre, hindi nangangahas na malayang baguhin ang anuman sa mga utos ng Diyos. Gayon ang mga hangganan na itinalaga ng Diyos kay Satanas, at kaya hindi kailanman nangangahas si Satanas na lumampas sa mga hangganang ito. Hindi ba ito ang kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos? Hindi ba ito patotoo sa awtoridad ng Diyos? Kung paano kumilos nang wasto tungo sa Diyos, at kung paano tingnan ang Diyos, may mas malinaw na pagtarok si Satanas kaysa sa sangkatauhan, at kaya, sa espirituwal na mundo, napakalinaw na nakikita ni Satanas ang katayuan at awtoridad ng Diyos, at may malalim na pagpapahalaga sa kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos at sa mga prinsipyo sa likod ng pag-uunat ng Kanyang awtoridad. Hindi nito pinangangahasan, ni minsan, na hindi pansinin ang mga ito, ni nangangahas na labagin ang mga ito sa anumang paraan, o gawin ang anumang bagay na sumusuway sa awtoridad ng Diyos, at hindi ito nangangahas na hamunin ang poot ng Diyos sa anumang paraan. Bagama’t likas na masama at mapagmataas ito, hindi kailanman nangangahas si Satanas na lumampas sa mga hangganan at limitasyon na itinalaga para dito ng Diyos. Sa milyun-milyong taon, ito’y mahigpit na sumusunod sa mga hangganang ito, sumusunod sa bawa’t kautusan at utos na ibinibigay dito ng Diyos, at hindi kailanman nangangahas na lampasan ang tanda. Kahit masama ang hangarin nito, di-hamak na mas “matalino” si Satanas kaysa sa tiwaling sangkatauhan; alam nito ang pagkakakilanlan ng Maylalang, at alam nito ang sarili nitong hangganan. Mula sa mga “masunuring” kilos ni Satanas, nakikita na ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay mga kautusan ng kalangitan na hindi nasusuway ni Satanas, at dahil mismo sa pagiging-natatangi at awtoridad ng Diyos kaya ang lahat ng mga bagay ay nagbabago at dumadami sa isang maayos na paraan, na nabubuhay ang sangkatauhan at dumarami sa loob ng landas na itinatag ng Diyos, na walang tao o bagay ang may kakayahang guluhin ang kaayusang ito, at walang tao o bagay ang may kakayahang baguhin ang batas na ito—dahil ang lahat ng mga iyon ay galing sa mga kamay ng Maylalang, at mula sa utos at awtoridad ng Maylalang.

Tanging ang Diyos, na May Pagkakakilanlan ng Maylalang, ang Nagtataglay ng Natatanging Awtoridad

Ang espesyal na pagkakakilanlan ni Satanas ay nagsasanhi sa maraming tao na magpakita ng matinding interes sa mga pagpapamalas nito sa iba’t-ibang aspeto. Marami pa ngang mga hangal na tao ang naniniwala na, tulad ng Diyos, nagtataglay rin si Satanas ng awtoridad, dahil may kakayahan si Satanas na magpakita ng mga himala, at may kakayahang gumawa ng mga bagay na imposible sa sangkatauhan. At kaya, kalakip ng pagsamba sa Diyos, naglalaan din ang sangkatauhan ng lugar sa kanyang puso na para kay Satanas, at sinasamba pa si Satanas bilang Diyos. Parehong kaawa-awa at kasuklam-suklam ang mga taong ito. Kaawa-awa sila dahil sa kanilang kamangmangan, at kasuklam-suklam dahil sa kanilang maling pananampalataya at likas na masamang kakanyahan. Sa puntong ito, pakiramdam ko na kailangang ipaalam sa inyo kung ano ang awtoridad, ano ang sinasagisag nito, at kung ano ang kinakatawan nito. Sa pangkalahatang pananalita, ang Diyos Mismo ay awtoridad, sinasagisag ng Kanyang awtoridad ang kataasan at diwa ng Diyos, at ang awtoridad ng Diyos Mismo ay kumakatawan sa katayuan at pagkakakilanlan ng Diyos. Sa aling sitwasyon, nangangahas na sabihin ni Satanas na ito mismo ay Diyos? Nangangahas ba si Satanas na sabihin na nilikha nito ang lahat ng mga bagay, at humahawak ng kapangyarihang maghari sa lahat ng mga bagay? Siyempre hindi! Dahil wala itong kakayahan na likhain ang lahat ng mga bagay; hanggang ngayon, hindi kailanman ito nakakagawa ng anumang bagay na nilikha ng Diyos, at hindi kailanman nakakalikha ng anumang bagay na may buhay. Dahil wala itong awtoridad ng Diyos, hindi kailanman maaaring magtaglay ng katayuan at pagkakakilanlan ng Diyos, at ito ay naaalaman sa pamamagitan ng kanyang diwa. Mayroon ba itong kaparehong kapangyarihan tulad ng sa Diyos? Siyempre wala! Ano ang tawag natin sa mga kilos ni Satanas, at sa mga himalang ipinakikita ni Satanas? Kapangyarihan ba ito? Maaari ba itong matawag na awtoridad? Siyempre hindi! Pinamamahalaan ni Satanas ang agos ng kasamaan, at sinisira, pinipinsala, at ginagambala ang bawa’t aspeto ng gawain ng Diyos. Sa nakaraang ilang libong taon, bukod sa pagtiwali at pang-aabuso sa sangkatauhan, at pang-aakit at panlilinlang sa tao sa kasamaan, at sa pagtanggi sa Diyos, gayon naglalakad ang tao patungo sa lambak ng anino ng kamatayan, nakakagawa ba ng anumang bagay si Satanas na karapat-dapat kahit sa katiting na pag-alala, papuri, o pagmamahal ng tao? Kung nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan si Satanas, mapápasámâ kaya nito ang sangkatauhan? Kung nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan si Satanas, maipapahamak kaya nito ang sangkatauhan? Kung nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad si Satanas, matatalikuran kaya ng sangkatauhan ang Diyos at mapapaharap na sa kamatayan? Yamang walang awtoridad at kapangyarihan si Satanas, ano ang maaari nating pagtibayin tungkol sa diwa ng lahat ng ginagawa nito? Mayroon yaong mga nagpapakahulugan sa lahat ng ginagawa ni Satanas bilang panlilinlang lamang, nguni’t naniniwala ako na hindi masyadong naaangkop ang gayong pakahulugan. Ang masasama bang gawain ng paggawang-tiwali nito sa sangkatauhan ay panlilinlang lamang? Ang masamang kapangyarihan kung saan inabuso ni Satanas si Job at ang mabagsik na pagnanasà nito na abusuhin at lamunin siya, ay hindi makakamit ng panlilinlang lamang. Sa pagbabalik-tanaw, sa isang iglap, ang mga kawan at mga bakahan ni Job, na nakakalat nang malayo at malawak sa buong kaburulan at kabundukan, ay nawala; sa isang iglap, nawala ang malaking kayamanan ni Job. Kaya ba iyong makamit ng panlilinlang lamang? Ang kalikasan ng lahat ng ginagawa ni Satanas ay tumutugon at akma sa mga negatibong termino gaya ng para maminsala, para manggambala, para manira, para manakit, kasamaan, paghahangad ng masama, at kadiliman, at kaya ang pangyayari ng lahat nang hindi matuwid at masama ay mahigpit na nakadikit sa mga gawa ni Satanas, at hindi maihihiwalay sa masamang diwa ni Satanas. Kahit gaano pa “kalakas” si Satanas, kahit gaano pa ito kapangahas at kaambisyoso, kahit gaano pa katindi ang abilidad nito para magdulot ng pinsala, kahit gaano pa kalawak ang mga paraan kung saan ginagawang masama at inaakit nito ang tao, kahit gaano pa kagaling ang mga pandaraya at mga pakana niya sa pananakot sa tao, kahit gaano pa pabago-bago ang anyo ng pag-iral nito, hindi pa ito kailanman nakakalikha ng kahit isang buháy na nilalang, hindi kailanman nakakapagtakda ng mga batas at patakaran para sa pag-iral ng lahat ng mga bagay, at hindi pa kailanman nakakapaghari o nakapagkontrol ng anumang bagay, mayroon mang buhay o walang buhay. Sa buong kalawakan ng sansinukob, wala ni isang tao o bagay ang naisilang mula rito, o umiiral nang dahil dito; wala ni isang tao o bagay ang pinaghaharian nito, o kinokontrol nito. Sa kabaligtaran, hindi lamang nito kailangang sumailalim sa dominyon ng Diyos, kundi, higit pa rito, kailangang sumunod sa lahat ng mga utos at kautusan ng Diyos. Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; Kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na ilipat man lamang ang mga langgam sa lupa—lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, mas mababa pa si Satanas sa mga liryo ng kabundukan, sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid, sa isda sa karagatan, at sa mga uod sa lupa. Ang papel nito sa lahat ng mga bagay ay para pagsilbihan ang lahat ng mga bagay, at gumawa para sa sangkatauhan, at pagsilbihan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ng pamamahala. Kahit gaano pa kasama ang hangarin ng kalikasan nito, at gaano kasama ang diwa nito, ang tanging bagay na nagagawa nito ay ang tapat na pagtalima sa tungkulin nito: pagiging lingkod ng Diyos, at pagsalungat sa Diyos. Gayon ang kakanyahan at kinatatayuan ni Satanas. ang diwa nito ay hindi kaugnay sa buhay, hindi kaugnay sa kapangyarihan, hindi kaugnay sa awtoridad; laruan lamang ito sa mga kamay ng Diyos, isang makina na nagsisilbi sa Diyos!

Yamang naintindihan na ang tunay na mukha ni Satanas, maraming tao ang hindi pa rin nakaiintindi kung ano ang awtoridad, kaya hayaan mong sabihin Ko! Ang mismong awtoridad ay naipapaliwanag bilang kapangyarihan ng Diyos. Una, masasabi nang may katiyakan na positibong pareho ang awtoridad at kapangyarihan. Walang koneksiyon ang mga ito sa anumang bagay na negatibo, at hindi kaugnay ang mga ito sa anumang nilikha o di-nilikhang mga kabuuan. Kayang lumikha ng kapangyarihan ng Diyos ng anumang anyo na may buhay at kasiglahan, at naaalaman ito sa pamamagitan ng buhay ng Diyos. Ang Diyos ay buhay, kaya Siya ang pinagmumulan ng lahat ng mga nabubuhay na nilalang. At saka, napapasunod ng awtoridad ng Diyos ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa bawa’t salita ng Diyos, iyon ay, makarating sa pagiging naaayon sa mga salita mula sa bibig ng Diyos, at mamuhay at magparami sa pamamagitan ng utos ng Diyos, na matapos ito’y paghaharian at uutusan ng Diyos ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang, at hindi kailanman magkakaroon ng paglihis, magpakailan kailanman. Walang tao o bagay ang mayroong mga ganitong bagay; tanging ang Maylalang lamang ang nagtataglay at mayroong gayong kapangyarihan, at kaya ito ay tinatawag na awtoridad. Ito ang pagiging-natatangi ng Maylalang. Sa gayon, kung ito man ay ang salitang “awtoridad” mismo o ang diwa ng awtoridad na ito, ang bawa’t isa ay naiuugnay lamang sa Maylalang, dahil ito ay sagisag ng natatanging pagkakakilanlan at diwa ng Maylalang, at kumakatawan ito sa pagkakakilanlan at katayuan ng Maylalang; bukod sa Maylalang, walang tao o bagay ang naiuugnay sa salitang “awtoridad.” Ito ay isang pagpapakahulugan sa natatanging awtoridad ng Maylalang.

Kahit na tinitingnan ni Satanas si Job nang may inggit sa mga mata, kapag wala ang pahintulot ng Diyos hindi ito nangahas na hipuin ni isang buhok sa katawan ni Job. Kahit pa likas itong masama at malupit, matapos ibaba ng Diyos ang utos dito, walang magawa si Satanas kundi sumunod sa kautusan ng Diyos. At kaya, kahit na si Satanas ay kasing-ulol ng isang lobo sa gitna ng mga tupa pagdating kay Job, hindi nito kinalimutan ang mga hangganan na itinakda para dito ng Diyos, hindi nangahas na labagin ang mga utos ng Diyos, at sa lahat ng ginawa nito, hindi nangahas na lumihis si Satanas mula sa mga prinsipyo at mga hangganan ng mga salita ng Diyos—hindi ba ito isang katunayan? Mula rito ay nakikita na hindi nangangahas si Satanas na salungatin ang anumang mga salita ng Jehova na Diyos. Para kay Satanas, ang bawa’t salita mula sa bibig ng Diyos ay isang utos, at isang batas ng kalangitan, at isang pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos—dahil sa likod ng bawa’t salita ng Diyos ay ipinahihiwatig ang kaparusahan ng Diyos para sa mga lumalabag sa mga utos ng Diyos, at sa mga sumusuway at sumasalungat sa mga batas ng kalangitan. Malinaw na alam ni Satanas na kapag nilabag nito ang mga utos ng Diyos, kailangan nitong tanggapin ang mga bunga ng pagsuway sa awtoridad ng Diyos, at pagsalungat sa mga kautusan ng kalangitan. At ano ba ang mga kahihinatnang ito? 'Di na kailangang sabihin, ang mga iyon, siyempre, ay kaparusahan ng Diyos dito. Ang mga pagkilos ni Satanas tungo kay Job ay isang maliit na daigdig lamang ng pagpapásámâ nito sa tao, at nang isinasakatuparan ni Satanas ang mga pagkilos na ito, ang mga itinakdang hangganan ng Diyos at ang Kanyang ibinabang mga utos kay Satanas ay isang maliit na daigdig lamang ng mga prinsipyo sa likod ng lahat ng ginagawa nito. Dagdag pa rito, ang tungkulin at papel ni Satanas sa bagay na ito ay isang maliit na daigdig lamang ng tungkulin at papel nito sa gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lubos na pagsunod ni Satanas sa Diyos sa panunukso nito kay Job ay isang maliit na daigdig lamang kung paanong hindi nangahas si Satanas na kumontra kahit katiting sa Diyos sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Anong babala ang ibinibigay ng mga maliliit na mundong ito sa inyo? Sa lahat ng mga bagay, kasama na si Satanas, walang tao o bagay ang nakakasuway sa mga batas ng kalangitan at mga utos na itinakda ng Maylalang, at walang tao o bagay ang nangangahas na labagin itong mga batas at utos ng kalangitan, dahil walang tao o bagay ang nakakapagpabago o nakakatakas mula sa kaparusahan na ipinapataw ng Maylalang sa mga sumusuway sa mga ito. Tanging ang Maylalang lamang ang nakakapagtatag ng mga batas at mga utos ng kalangitan, tanging ang Maylalang lamang ang may kapangyarihan na ipatupad ang mga ito, at tanging ang kapangyarihan lamang ng Maylalang ang hindi nasusuway ng sinumang tao o bagay. Ito ang natatanging awtoridad ng Maylalang, nangingibabaw ang awtoridad na ito sa lahat ng mga bagay, at kaya, imposibleng sabihin na “ang Diyos ang pinakadakila at pangalawa si Satanas.” Maliban sa Maylalang na nagtataglay ng natatanging awtoridad, wala ng iba pang Diyos!

May bagong pagkakilala na ba kayo ngayon sa awtoridad ng Diyos? Una, may kaibahan ba sa pag-itan ng awtoridad ng Diyos na kababanggit lamang, at ng kapangyarihan ng tao? At ano ang kaibahan? May mga taong nagsasabi na walang pagkakahalintulad sa dalawa. Tama iyon! Bagama’t sinasabi ng mga tao na walang pagkakahalintulad sa dalawa, sa mga kaisipan at mga pagkaintindi ng tao, madalas na napagkakamalang awtoridad ang kapangyarihan ng tao, na kadalasang pinaghahambing na magkatabi ang dalawa. Ano ang nangyayari dito? Hindi ba nagkakamali ang mga tao sa di-sinasadyang pagpapalit ng dalawa? Hindi magkaugnay ang dalawa, at walang pagkakahalintulad sa pag-itan nila, nguni’t hindi pa rin ito maiwasan ng mga tao. Paano ba ito lulutasin? Kung talagang gusto mong maghanap ng kalutasan, ang tanging paraan ay ang pag-intindi at pagkilala sa natatanging awtoridad ng Diyos. Pagkatapos maintindihan at malaman ang awtoridad ng Maylalang, hindi mo na babanggitin ang kapangyarihan ng tao at ang awtoridad ng Diyos sa parehong sukatan.

Ano ba ang tinutukoy na kapangyarihan ng tao? Sa madaling salita, isa itong abilidad o kasanayan na nagdudulot sa tiwaling disposisyon, mga pagnanasà at mga ambisyon ng tao na mapalaki o matupad sa pinakamalawak na paraan. Maibibilang ba ito na awtoridad? Kahit gaano pa kalaki o kapakipakinabang ang mga ambisyon at pagnanasà ng tao, ang taong iyon ay hindi masasabing nagtataglay ng awtoridad; sa pinakamalapit, ang kalabisan at katagumpayang ito ay pagpapakita lamang ng pagpapatawa ni Satanas sa mga tao, at sa pinakamalapit isa itong katatawanan kung saan gumaganap si Satanas bilang sarili nitong ninuno para tuparin ang ambisyon nito na maging Diyos.

Paano mo ba talaga tinitingnan ang awtoridad ng Diyos ngayon? Ngayon na ang mga salitang ito ay naibabahagi na, dapat ay mayroon kang bagong pagkakilala sa awtoridad ng Diyos. At kaya tinatanong ko kayo: Ano ang sinasagisag ng awtoridad ng Diyos? Sinasagisag ba nito ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo? Sinasagisag ba nito ang kapangyarihan ng Diyos Mismo? Sinasagisag ba nito ang natatanging katayuan ng Diyos Mismo? Sa lahat ng mga bagay, saan mo nakikita ang awtoridad ng Diyos? Paano mo ito nakita? Sa usapin ng apat na panahon na nararanasan ng tao, nababago ba ng sinuman ang batas ng pagpapalitan sa pag-itan ng tagsibol, tag-init, taglagas at taglamig? Sa tagsibol, sumusuloy at namumulaklak ang mga puno; sa tag-init sila’y nababalot ng mga dahon; sa taglagas sila’y namumunga, at sa taglamig nalalagas ang mga dahon. Kaya bang baguhin ng sinuman ang batas na ito? Sinasalamin ba nito ang isang aspeto ng awtoridad ng Diyos? Sinabi ng Diyos “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon ng liwanag. Umiiral pa rin ba ang liwanag na ito? Ano ang dahilan nito para umiral? Umiiral ito dahil sa mga salita ng Diyos, siyempre, at dahil sa awtoridad ng Diyos. Ang hangin ba na nilikha ng Diyos ay umiiral pa rin? Ang hangin ba na hinihinga ng tao ay galing sa Diyos? Naaalis ba ng sinuman ang mga bagay na nanggagaling sa Diyos? Nababago ba ng sinuman ang kanilang diwa at tungkulin? Kaya bang guluhin ng sinuman ang gabi at araw na inilaan ng Diyos, at ang batas ng gabi at araw na iniutos ng Diyos? Nagagawa ba ni Satanas ang gayong bagay? Kahit hindi ka natutulog sa gabi, at gawin ang gabi na araw, ito’y gabi pa rin; maaari mong baguhin ang iyong araw-araw na karaniwang gawain, nguni’t wala kang kakayahan na baguhin ang batas ng pagpapalitan ng gabi at araw—at ang katunayang ito ay hindi nababago ng sinumang tao, hindi ba? Kaya ba ng sinuman na pag-araruhin ng lupa ang leon tulad ng baka? Kaya ba ng sinuman na gawing buriko ang elepante? Kaya ba ng sinuman na paliparin nang matayog sa himpapawid ang manok tulad ng agila? Kaya ba ng sinuman na pakainin ng damo ang lobo tulad ng tupa? Kaya ba ng sinuman na patirahin ang isda sa tuyong lupa? At bakit hindi? Dahil ipinag-utos ng Diyos na sila’y manirahan sa tubig, at kaya naninirahan sila sa tubig. Hindi sila makakapanatiling buháy sa lupa, at mamamatay; hindi nila kayang suwayin ang mga hangganan ng kautusan ng Diyos. Ang lahat ng mga bagay ay may batas at hangganan sa kanilang pag-iral, at may sariling likas na pag-uugali ang bawa’t isa sa kanila. Itinalaga ito ng Maylalang, at di-mababago at di-malalampasan ng sinumang tao. Halimbawa, laging maninirahan ang leon sa gubat, malayo sa mga pamayanan ng tao, at hindi kailanman magiging maamo at matapat tulad ng baka na kasamang namumuhay, at nagtatrabaho para sa tao. Bagama’t parehong hayop ang mga elepante at buriko, at parehong may apat na mga paa, at mga nilalang na humihinga ng hangin, magkaibang klase ang mga ito, dahil hinati-hati sila ng Diyos sa magkakaibang uri, may kanya-kanya silang likas na pag-uugali, at kaya hindi sila kailanman mapagpapalit. Bagama’t may dalawang binti ang manok, at mga pakpak tulad ng isang agila, hindi ito kailanman makalilipad sa himpapawid; nakakalipad lamang ito tungo sa isang puno—at pinagpapasyahan ito ng likas na ugali nito. 'Di na kailangang sabihin, ang lahat ng ito ay dahil sa mga kautusan ng awtoridad ng Diyos.

Sa pag-unlad ngayon ng sangkatauhan, masasabing yumayabong ang siyensiya ng sangkatauhan at ang mga nakamtan ng maka-siyensyang pananaliksik ng tao ay nailalarawan bilang kahanga-hanga. Ang abilidad ng tao, kailangang masabi, ay humuhusay nang humuhusay, nguni’t may isang pambihirang tagumpay ang siyensiya na hindi kayang gawin ng sangkatauhan: Nakakagawa ang sangkatauhan ng mga eroplano, mga kargahan ng eroplano, at ng bombang atomika, nakarating na sa kalawakan ang sangkatauhan, nakalakad na sa buwan, nakaimbento ng Internet, at namumuhay nang may “hi-tech” na estilo ng pamumuhay, nguni’t walang kakayahan ang sangkatauhan na lumikha ng isang buháy, at humihingang bagay. Ang mga likas na pag-uugali ng bawa’t buháy na nilalang at ang mga batas ng pamumuhay ng mga ito, at ang pag-ikot ng buhay at kamatayan ng bawa’t uri ng buháy na bagay—ang lahat ng mga ito ay imposible at 'di kayang kontrolin ng siyensiya ng sangkatauhan. Sa puntong ito, kailangang masabi na kahit gaano kataas ang naaabot ng siyensiya ng tao, hindi ito maihahambing sa alinman sa mga kaisipan ng Maylalang, at walang kakayahang talusin ang mahimalang paglikha ng Maylalang, at ang kapangyarihan ng Kanyang awtoridad. Napakarami ang mga karagatan sa ibabaw ng lupa, nguni’t hindi sila kailanman lumalabag sa kanilang mga hangganan at basta-basta na lamang aagos sa lupa, at ito’y dahil itinakda ng Diyos ang hangganan ng bawa’t isa sa kanila; nanatili sila kung saan man sila inutusan, at hindi sila malayang makagagalaw nang walang pahintulot ang Diyos. Kapag walang pahintulot ang Diyos, hindi sila maaaring manghimasok sa bawa’t isa, at nakagagalaw lamang kapag sinabi ng Diyos, at kung saan sila pumupunta at mananatili ay pinagpapasyahan ng awtoridad ng Diyos.

Para gawin itong malinaw, “ang awtoridad ng Diyos” ay nangangahulugang bahala ang Diyos. May karapatan ang Diyos kung paano gawin ang isang bagay, at ginagawa ito sa kung papaanong paraan Niya naisin. Nakasalalay sa Diyos ang batas ng lahat ng mga bagay, at hindi nakabatay sa tao; ni hindi ito nababago ng tao. Hindi ito naililipat sa pamamagitan ng kalooban ng tao, bagkus ay binabago ng kaisipan ng Diyos, at ng karunungan ng Diyos, at ng mga utos ng Diyos, at ito ay isang katunayan na hindi kayang itanggi ng sinumang tao. Ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, ang sansinukob, ang mabituing kalawakan, ang apat na mga panahon ng taon, yaong nakikita at di-nakikita ng tao—ang lahat ng mga iyon ay umiiral, gumagana, at nagbabago, nang walang kamali-mali kahit katiting, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, ayon sa mga utos ng Diyos, ayon sa mga kautusan ng Diyos, at ayon sa mga batas ng simula ng paglikha. Walang kahit isang tao o bagay ang nakakapagbago ng kanilang mga batas, o nakakapagbago ng likas na landas ng kanilang paggana; sila ay naging kung ano sila dahil sa awtoridad ng Diyos, at mawawala dahil sa awtoridad ng Diyos. Ito ang mismong awtoridad ng Diyos. Ngayon na ganito nang karami ang nasasabi, nararamdaman mo ba na ang awtoridad ng Diyos ay sagisag ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos? Natataglay ba ng anumang nilikha o di-nilikhang kabuuan ang awtoridad ng Diyos? Nagagaya ba ito, natutularan, o napapalitan ng anumang tao, bagay, o layon?

Natatangi ang Pagkakakilanlan ng Maylalang, at Hindi Mo Dapat Paniwalaan ang Ideya ng Maraming-Diyos

Bagama’t ang mga kasanayan at kakayanan ni Satanas ay mas matindi kaysa roon sa tao, bagama’t nakakagawa ito ng maraming mga bagay na hindi kayang maabot ng tao, kung iyo mang kinaiinggitan o hinahangad ang ginagawa ni Satanas, kung iyo mang kinamumuhian o kinasusuklaman iyon, kung may kakayahan ka man o wala na makita iyon, kung gaano man kalaki ang nakakamit ni Satanas, o kung gaano man karaming tao ang nalilinlang nito para purihin at sambahin ito, at kung paano mo man ito bigyang-kahulugan, hindi ninyo maaaring sabihin na ito’y mayroong awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Kailangan mong malaman na ang Diyos ay Diyos, may nag-iisang Diyos lamang, at higit pa rito, kailangan mong malaman na tanging Diyos lamang ang may awtoridad, at may kapangyarihan para kontrolin at pamunuan ang lahat ng mga bagay. Dahil lamang sa may kakayahan si Satanas na manlinlang ng mga tao, at kayang gayahin ang Diyos, kayang tularan ang mga tanda at mga himala na ginawa ng Diyos, at nakagawa ng mga parehong bagay gaya ng Diyos, nagkakamali ka sa paniniwala na hindi natatangi ang Diyos, na maraming Diyos, na mayroon lamang silang mas matindi o mas maliit na kakayahan, at mayroong mga pagkakaiba sa lawak ng kapangyarihan na kanilang hawak. Pinagsusunud-sunod mo ang kanilang kadakilaan ayon sa kanilang pagdating, at ayon sa kanilang edad, at nagkakamali ka sa paniniwala na may iba pang mga diyos bukod sa Diyos, at iniisip na ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi natatangi. Kung mayroon kang gayong mga iniisip, kung hindi mo kinikilala ang pagiging natatangi ng Diyos, hindi naniniwala na tanging ang Diyos ang nagtataglay ng awtoridad, at kung naniniwala ka lamang sa maraming diyos, kung gayon sinasabi ko na ikaw ang dumi ng mga nilalang, ikaw ang tunay na pagsasakatawan ni Satanas, at sigurado na ikaw ay masamang tao! Naiintindihan ba ninyo kung ano ang sinusubukan kong ituro sa inyo sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga salitang ito? Kahit ano pa ang panahon, lugar, o iyong pinagmulan, hindi mo dapat maipagkamali ang Diyos sa anumang iba pang tao, bagay, o layon. Kung sa pakiramdam mo man ay hindi kayang makilala at hindi malapitan ang awtoridad ng Diyos at diwa ng Diyos Mismo, kahit gaano pa umaayon sa iyong pagkaintindi at imahinasyon ang mga gawa at salita ni Satanas, kahit gaano pa nagbibigay-kasiyahan ang mga iyon sa iyo, huwag kang maging hangal, huwag mong pagkamalian ang mga kaisipang ito, huwag mong itanggi ang pag-iral ng Diyos, huwag mong itanggi ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, huwag mong itulak ang Diyos sa labas ng pinto at ipasok si Satanas para palitan ang “Diyos” sa loob ng iyong puso at maging Diyos mo. Wala akong alinlangan na kaya ninyong isipin ang mga kalalabasan ng paggawa nito!

Bagama’t ang Sangkatauhan ay Nagagawang Tiwali, Nabubuhay pa rin Siya sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Awtoridad ng Maylalang

Libu-libong taon nang ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Nakakagawa ito ng hindi-masabing dami ng kasamaan, nakapanlinlang ng sunud-sunod na henerasyon, at nakakagawa ng mga kasuklam-suklam na kasalanan sa mundo. Naaabuso nito ang tao, nalilinlang ang tao, naaakit ang tao para salungatin ang Diyos, at nakakagawa ng masasamang pagkilos na nakakalito at paulit-ulit na nagpahina sa plano ng pamamahala ng Diyos. Gayunman, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, ang lahat ng mga bagay at buháy na nilalang ay patuloy na sumusunod sa mga patakaran at batas na itinalaga ng Diyos. Kumpara sa awtoridad ng Diyos, napakapangit ang masamang kalikasan at kayabangan ni Satanas, sobrang nakakadiri at kasuklam-suklam, at napakaliit at napakahina. Kahit na naglalakad si Satanas sa kalagitnaan ng lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, hindi niya kayang gumawa ng katiting na pagbabago sa mga tao, bagay, at layon na iniutos ng Diyos. Nakalipas na ang ilang libong taon, tinatamasa pa rin ng sangkatauhan ang liwanag at hangin na ipinagkaloob ng Diyos, hinihinga pa rin ang hininga na inihinga ng Diyos Mismo, tinatamasa pa rin ang mga bulaklak, ibon, isda at mga insektong nilikha ng Diyos, at tinatamasa ang lahat ng mga bagay na ibinigay ng Diyos; patuloy pa rin ang pagpapalitan ng bawa’t araw at gabi; ganoon pa rin ang paghahalinhinan ng apat na panahon; ang lumilipad na gansa sa papawirin ay umaalis sa taglamig na ito, at babalik rin sa susunod na tagsibol; hindi kailanman umaalis ang mga isda sa tubig sa mga ilog at lawa—na kanilang tahanan; ang mga kuliglig sa lupa ay malakas na kumakanta sa mga araw ng tag-init; ang mga paagang sa mga damo ay marahang humuhuni nang sabay sa hangin sa panahon ng taglagas; ang mga gansa ay nagsasama-sama sa kawan, habang nananatiling mag-isa ang mga agila; pinapanatili ang puri ng mga leon sa pamamagitan ng panghuhuli; hindi lumalayo ang usa sa damo at mga bulaklak…. ang bawa’t uri ng buháy na nilalang sa gitna ng lahat ng mga bagay ay umaalis at bumabalik, at aalis ulit pagkatapos, milyun-milyong pagbabago ang nangyayari sa isang kisap-mata—nguni’t ang hindi nagbabago ay ang kanilang mga likas na pag-uugali at ang mga batas ng pananatiling buháy. Nabubuhay sila sa ilalim ng tustos at pagpapakain ng Diyos, at walang sinuman ang nakakapagbago ng kanilang mga likas na pag-uugali, at walang sinuman ang nakakasira sa kanilang mga patakaran ng pananatiling buháy. Bagama’t ang sangkatauhan, na namumuhay sa gitna ng lahat ng mga bagay, ay nagagawang tiwali at nalilinlang ni Satanas, hindi maaaring wala ang tao ng tubig na ginawa ng Diyos, at ng hangin na ginawa ng Diyos, at ng lahat ng mga bagay na ginawa ng Diyos, at namumuhay pa rin at dumadami ang tao sa kalawakang ito na ginawa ng Diyos. Ang likas na pag-uugali ng sangkatauhan ay hindi nagbabago. Nakadepende pa rin ang tao sa kanyang mga mata para makakita, sa kanyang mga tainga para makarinig, sa kanyang utak para makapag-isip, sa kanyang puso para makaunawa, sa kanyang mga binti at paa para maglakad, sa kanyang mga kamay para magtrabaho, at iba pa; ang lahat ng mga likas na pag-uugali na ipinagkaloob ng Diyos sa tao para kanyang matanggap ang mga biyaya ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago, ang mga kakayahan na sa pamamagitan nito ay nakikipagtulungan ang tao sa Diyos ay hindi nagbabago, ang kakayahan ng sangkatauhan para gumanap ng tungkulin bilang isang nilikhang katauhan ay hindi nagbabago, ang mga pangangailangang espirituwal ng sangkatauhan ay hindi nagbabago, ang pagnanais ng tao para makita ang kanyang mga pinagmulan ay hindi nagbabago, ang paghahangad ng sangkatauhan na mailigtas ng Maylalang ay hindi nagbabago. Ganyan ang kasalukuyang mga pangyayari sa sangkatauhan, na namumuhay sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, at nagtitiis ng madugong pagkasira na ginawa ni Satanas. Bagaman ang sangkatauhan ay napapasailalim sa pagpapahirap ni Satanas, at hindi na sina Adan at Eba mula sa simula ng paglikha, sa halip ay puno ng mga bagay-bagay na laban sa Diyos, tulad ng kaalaman, imahinasyon, mga paniwala, at iba pa, at puno ng mga tiwaling disposisyon ni Satanas, sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan ay pareho pa ring ang sangkatauhan na Kanyang nilikha. Ang sangkatauhan ay pinaghaharian at inaayos pa rin ng Diyos, at namumuhay pa rin sa loob ng landas na itinalaga ng Diyos, at kaya sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, ay nababalot lamang ng dumi, na may kumakalam na sikmura, na may kaunting kabagalan ang reaksiyon, may alaalang hindi na kasingganda ng dati, at medyo may katandaan na—nguni’t ang lahat ng mga paggana at likas na pag-uugali ng tao ay lubos na hindi nasira. Ito ang sangkatauhan na hinahangad ng Diyos na iligtas. Kailangan lamang marinig ng sangkatauhan ang tawag ng Maylalang, at marinig ang tinig ng Maylalang, at tatayo siya at magmamadaling hanapin ang pinagmumulan ng tinig na ito. Kailangan lamang makita ng sangkatauhan ang anyo ng Maylalang at siya’y mawawalan na ng pakialam sa lahat ng iba pa, at tatalikuran ang lahat, para ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, at ibubuwis pa ang kanyang buhay para sa Kanya. Kapag naintindihan ng puso ng sangkatauhan ang taos-pusong mga salita ng Maylalang, tatanggihan ng sangkatauhan si Satanas at lalapit sa tabi ng Maylalang; kapag lubos nang nahugasan ng sangkatauhan ang dumi mula sa kanyang katawan, at muling natatanggap ang tustos at pagpapakain ng Maylalang, saka mapanunumbalik ang alaala ng sangkatauhan, at sa panahong ito ang sangkatauhan ay tunay nang nakabalik sa dominyon ng Maylalang.

Oktubre 21, 2014

Sinundan:Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sumunod:Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Baka Gusto Mo Rin